Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51


Chapter 51


Napagpasyahan namin na isang garden wedding ang mangyayari. Wala namang sinabi dito si Ashong dahil bawat sabihin ko ay sinasang ayunan niya. Pilit pa sana itong gustong ilipat ni Tita Elena sa isang malaking simbahan pero mas ipinagpilitan ko ang gusto ko.

Kung maaari ay ayokong makarinig ng tunog ng kampana. A garden wedding will do, wala naman sigurong pinagkaiba ito. Ang mahalaga ay may paring magbabasbas sa amin.

Marami nang tao sa labas at tanging paglabas ko na lang ang hinihintay. Nasa harap na ako ng pintuan habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa doorknob nito. Naramdaman ko ang paghawak ng kapatid ko sa kamay ko.


"Come on Florence, you don't need to do this. If you're worried about them, na baka mapahamak sila? Mas magiging maingat na sila. You can't tie yourself forever to someone you don't love" nahihirapang sabi sa akin ni Sapphire.

Muli ay huminga ako ng malalim para masagot ang kapatid. Bakit walang makaintindi ng desisyon ko? Bakit hirap na hirap nilang intindihin itong bagay na pinili ko? I made sacrifices not just for me but for the sake of everyone. Kung ayaw na ng tadhana na muli akong sumaya, I won't ever fight back dahil kahit kailan hindi ko naranasang sumang ayon ito sa akin.


"Anong kasiguraduhan ng sinasabi mo Sapphire? This person is worse than Samuel at kilala ko ang mga Ferell. They're all reckless and damn heroic to the point of blocking bullets just for me. Mas pipiliin ko na lang lumayo Sapphire katulad ng dati, hindi ako nagambala ng mga panahong nasa ibang bansa ako at ito lang ang naiisip kong paraan. Living with Ashong and helping her mother to recover is the best way to do. It will benefit the both parties, no one can harm those Ferells and I can help Ashong's family. Walang pinsalang mangyayari"

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang tuluyan ng humara si Sapphire dito. Nakahawak siya sa kamay kong mahigpit na nakakapit sa doorknob.


"There will be a large damage sister, this!" itinuro niya ang dibdib ko.


"This Florence, ito. It will be damage forever if you'll continue this wedding. Alam kong sobra sobra na ang nararanasan mong hirap Florence, simula pagkabata mo, habang lumalaki ka and even this never ending death threats. Bakit ka pa tumutulong para pasakitin ang sarili mo? You can't sacrifice again and again, may salitang limitasyon Florence. Isipin mo rin ang sarili mo at wag puro ibang tao. Oo nga nakatulong ka sa pamilya ni Martin but what about your family in future? Sa tingin mo ba ay kaya mo itong panindigan lalo na at ganito ang pondasyon nito? A wedding with full of sacrifices? Florence, wake up. Oo sinabi ko sa'yo na kahit anong desisyon mo sasamahan kita dahil nag aakala akong magbabago pa ang isip mo pero ano ito? Florence come on, kung sumuko na ang mga Ferell, ikaw na lang ang pag asa, hindi kita susukuan Florence. I will enlighten your cloudy mind until to the very last minute, ito na lang ang maitutulong ko sa'yo kapatid sa lahat ng naging kasalanan ko sa'yo. I can't let you go out Florence. Ibinigay sa'yo ng mga Ferell ang huling desisyon"

Halos sabay nang magpatakan ang mga luha naming magkapatid. Ano na ba ang nangyayari? Bakit nagpapaulit ulit ang sinabi niya sa akin? 

Naramdaman ko na dahan dahan nang inaalis ni Sapphire ang kamay ko. Ano itong ginagawa ko?


"Sapphire, anong gagawin ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko" napaupo na lang ako dahil nanghihina kong tuhod.


"Florence, I'm here for you.." muli pa sanang lalapit sa akin si Sapphire nang marinig namin ang marahang katok sa pintuan. Nagkatitigan kami ni Sapphire ng ilang segundo bago siya nagtungo sa pintuan.

Lumapit dito si Sapphire at bahagya niya lang itong binuksan.


"Mar...tin?" agad akong napatayo nang marinig kong si Ashong ang nasa likuran ng pintuan.


"Can I talk to her for a moment?" agad akong sinilip ni Sapphire na hindi alam ang gagawin. Napapikit na lang ako, how can I face him?


"Okay lang Sapphire.." nahihirapang sabi ko sa kapatid ko. Tumango lang sa akin si Sapphire bago niya nilakihan ang bukas ng pintuan.

Agad akong nginitian ni Ashong nang makita niya ang kabuuan ko. Sa sulok ng aking mata ay nakita kong lumabas na ng kwarto si Sapphire.


"Ikaw na ang pinakamagandang bride na nakita ko Florence" mabilis siyang nakalapit sa akin at agad niyang hinawakan ang dalawa kong kamay. Masuyo niya itong hinalikan habang ako ay nananatiling nanunuod sa mga ginagawa niya.

Lalong lumalakas ang paghataw ng dibdib ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ashong.


"Alam mo ba na ilang taon na kitang pinangarap Florence? Ilang taon din kitang tinanaw sa malayo. At hindi ako makapaniwalang mabibigyan ako ng pagkakataon na makasal sa babaeng pinapangarap ko lang noon" marahan niyang hinaplos ang kanang pisngi ko.


"Hindi mo ba itatanong kung saan kita unang nakita? How I ended up falling in love with you? Kung papaano ako nagulat nang bigla ka na lang nagpakita sa GyroNella, kung paano ako gumawa ng mga paraan para mapansin mo at kung papaano ako nabuhayan ng loob nang makita kita noong araw ng kompetisyon ko. Sinabi ko sa sarili ko na pagkakataon ko na at hindi na kita hahayaang mapunta sa iba"

Hindi niya kinakalas ang mga mata niya sa akin maging ako ay tanging magtitig lang ang kaya kong gawin.


"Ashong.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.


"Florence, minahal kita simula umpisa. Una kitang nakita sa isang golf course at hindi ko alam kung bakit natulala na lang ako sa'yo sa kabila nang kunot na kunot mong noo ng mga oras na 'yon. You look so damn beautiful and adorable that day and I can't even forget the every single detail of you. I know this is creepy but I did stalk you kaya mas nakilala kita. Simula nang araw na 'yon para na akong tanga sa kasasama sa mga gathering ng magulang ko na umaasa na isasama ka rin ng Daddy mo pero ni isa sa mga nadaluhan ko wala ka. Pero alam mo ang hindi ko inaasahan? isang araw na bigla ka na lang lilitaw sa harapan ko bilang bago kong kaklase. Damn, I felt so lucky that day"

mas lalo akong natahimik sa sinasabing ito ni Ashong. Sa tagal naming magkasama ni Ashong sa ibang bansa ni minsan ay hindi niya ito naikwento sa akin.


"I love you Florence at alam mong matagal ko ng pinapangarap makasal sa'yo. But sorry, I can't marry you" halos manlamig ang buo kong katawan nang makita kong nagsisimula nang lumuhod sa harapan ko si Ashong.

Fvck! Ayoko nang makakita ng lalaking luluhod sa harapan ko. Kung sa ibang babae, magiging masaya sila kapag lumuhod sa kanila ang isang lalaki pero ibang usapan na ito kapag sa akin. Dahil alam kong sa sandaling may lalaking muling luluhod sa harapan ko, hindi saya ang dulot nito kundi walang katapusang kirot sa dibdib.

Ilang beses akong umiiling sa nakikita ko. Ano ito Ashong? Hindi ba at ayos lang kami? Bakit? Hindi ko maintindihan..


"You can hit me Florence, punch me for being this jerk. Mahal na mahal kita at naniniwala akong kailangan kang mahalin ng buong buo. Hindi ko na kayang ibigay ito sa'yo, mabubuhay ka na may kahati sa atensyon ko. I don't deserve you" nakayukong sabi niya sa akin. Lalong nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Mahahati ang atensyon? Tungkol ba ito kay Tita Elena?


"What..do you..mean? Kung ang sinasabi mo ay ang magiging atensyon mo kay Tita Elena, hindi malaking problema 'yon Ashong. I love your mother and I'm not competing your attention with her, alam kong lubos niyang kailangan ang atensyon mo. Walang masama doon" nahihirapang paliwanag ko sa kanya.

Umiling siya sa akin ng marahan na parang mali ang sinasabi ko.


"May malaking kasalanan ako sa'yo" lalong nangatal ang tuhod ko sa sinasabi niya. Kasalanan? Wala akong natatandaang kasalanan niya sa akin, everything he do is always for me. Lahat ay para sa ikabubuti ko, ano itong sinasabi niya.


"Get up Ashong, wala kang kasalanan sa akin. Tumayo ka na dyan" pilit ko siyang pinatatayo pero nananatili siyang nakaluhod sa harapan ko.


"Ashong why are you doing this?" nangangatal na tanong ko sa kanya. Wala nang ampat ang mga luha ko. Ano ito? Ano na naman ito?


"I'm sorry, all I want is the best for you. Dapat sa umpisa pa lang ay ibinigay na kita kay Nero dapat hinayaan ko na lang kayo. He deserved you, kaya ka niyang mahalin ng walang kahati. Hindi ko na kayang ibigay ito sa'yo" anong kahati? Don't tell me?


"Ashong ano ba ang sinasabi mo?!" napasigaw na ako. Muli pa sana akong magsasalita nang biglang nabuksan ang pinto.

At halos mawalan ako ng balanse nang makita ko ang pamilyar na taong biglang pumasok. Agad niyang dinaluhan si Ashong at lalong bumuhos ang aking mga luha ng lumuhod din siya sa harapan ko. Bakit parang pakiramdam ko ay ako pa ang kontrabida sa nangyayaring ito?


"Blame me, ako ang may kasalanan ng lahat. I seduce him" agad niyang sabi sa akin. Lumipat ang mga mata ko sa tiyan niyang bahagya ng nakaumbok. Napasapo na lang ako sa aking bibig.

It can't be.

Nahuhulaan ko na kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ng babaeng ito. Kaya pala ganun na lang ang lalim ng mga luha niya nang unang beses kaming magkita. Inaagawan ko ng ama ang kanyang anak. Damn. How did I end up like this?


"Nahla, I told you to stay there!" tumayo na si Ashong habang itinatayo niya ang babae.


"Ikaw 'yon hindi ba? Ikaw ang babaeng nakita ko sa La Cortez? Ikaw 'yong babaeng nakita ko sa elevator. Ikaw ang babaeng bigla na lang napatakan ang mga luha nang makita ako. Kung ganun ang taong tinutukoy mo ay si Ashong" agad kong pinahid ang luha ko. Marahang tumango sa akin ang babae.


"Bakit pinaabot mo pa sa ganito Ashong? Bakit pinaabot mo pa sa puntong ikakasal na tayo? Dapat pinanindigan mo siya! Dapat sinabi mo agad! Dapat hindi na tayo aabot sa ganito. Alam mo ba ang mangyayari?!" sigaw ko sa kanya.


"I love you Florence, gustong gusto kitang pakasalan. Sinabi ko sa sarili kong susuportahan ko si Nahla habang may pamilya tayo, hindi ko siya pababayaan. But I don't understand, bigla na lang nagulo na ang isipan ko nang makita ko tiyan niya. Gusto kong kasama ako ng magiging anak ko habang lumalaki siya sa loob ng tiyan niya, sa paglabas niya at alam kong mahahati ang atensyon ko Florence. Gusto kitang mahalin ng buong buo na walang kahati pero mukhang hanggang dati na lang 'yon. Sorry, I did cheat. Yes, I'm a dumbass, fvckshit, ditchhead and asshole. Call me whatever you want Florence, tatanggapin ko"

Nanlalabo na ang mga mata ko sa dami ng luha ko sa aking mga mata.


"Pinapalaya na kita, you're a wonderful woman and you deserve a whole love. Hindi ako ang nararapat tumanggap ng pagmamahal mo, I'm such a bastard Florence. Someone is much more deserving to live with you forever" marahas kong pinahid ang mga luha ko at diretso akong tumitigil kay Ashong.


"Kung hindi ba siya nagpakita sa'yo ngayon, anong mangyayari sa atin? Ikakasal tayo? Tatanggalan ko ng ama ang isang inosenteng bata? Aagawin kita sa dapat mong magiging pamilya? What the fvck Ashong?! Hindi ko akalaing ganito ka! I thought you're responsible?"

Kita ko ang sakit sa mga mata ng kawawang babae. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano? Dahil kanina pang lantaran kung makapagsalita sa akin si Ashong kung gaano niya ako kamahal, hindi niya ba naiisip ang taong tahimik na nakakarinig ng usapan namin?


"I'm sorry Florence.."


"Hindi kita maintindihan Ashong, bakit hinintay mo pang umabot sa ganito? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari? What about your mom? God! Ashong, I sacrificed everything for y--" muli pa sana akong magsasalita nang mapansin ko ang dalawang taong mukhang kanina pang nakikinig sa usapan naming dito.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko habang nakikita ang dalawang taong hindi na maipinta ang mukha dahil sa anumang kanilang narinig. Ashong's parents.


"Tita Elena.." mahinang sabi ko. Kitang kita ko ang pilit na pagtayo ni Tita Elena sa kanyang wheelchair at mabilis dumapo ang malakas na sampal niya sa kanyang anak.


"What have you done?!" sigaw niya, mabilis siyang sumulyap sa nakayukong babae.


"Nahla! Hindi ba at parang magkapatid kayo? Magkababata kayo! Anong ginawa mo sa kanya Elias!?" sigaw ni Tita Elena.

Magkababata? Napasigaw na lang ako nang matumba si Ashong dahil sa suntok ng kanyang ama.


"You disappointed us Elias!" galit na galit na sabi ng Tito Albert. Kita ko ang pagdudugo ng labi ni Ashong dahil sa suntok ng kanyana ama.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang ang babae ay agad dinaluhan si Ashong.


"Tita, wala nang dahilan para ituloy ang kasal na ito. I can't get him away from her and their baby, hindi ko maatim isiping ipagkakait ko ang isang kumpletong pamilya sa isang inosenteng bata. Salamat po sa lahat"

Agad kong hinawakan ang napakabigat kong wedding gown at halos takbuhin ko na ang pintuan para lamang makalabas ako sa kwartong ito. Narinig ko pa ang mga tawag nila sa akin pero mas pinili kong ipagpatuloy ang pagtakbo. Hindi ko akalaing mapapagaya ako sa mga napapanuod kong babaeng ikakasal na tumatakbo sa sariling kasal. Damn this scene, damn this everything. Fvck life!

Nang makalabas ako maliit na villa ay agad bumungad sa akin ang mga taong naghihintay sa aking paglabas. Lahat sila ay mga nakangiti sa akin at nagpapalakpakan. Bahagya ko lang silang sinulyapang lahat bago ako patakbong lumayo sa lugar na ito.

Hindi ko na sila muling nilingon sa kabila nang mga nagtataka nilang mga tawag sa akin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa marating ko ang labasan ng napakalaking garden na ito. Narinig ko ang tawag ng mga kaibigan ko at maging ang mga pinsan ko pero wala akong kahit isang binalak sagutin.

All I want to do is to run away from all of this. Wala na akong pakialam kong pagtinginan ako ng mga sasakyang nagdaraan. Fvck them all! Mind their goddamn business!

Shit shit!


"Florence!" pakinig kong tawag ng mga pinsan ko. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo ko. Mukha na siguro akong tanga sa katatakbo sa tabi ng highway habang nakasuot ng magarbong wedding gown.


"Florence!" damn. Hayaan nyo na ako, pabayaan nyo muna akong mag isa.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo pero natigil ako nang may humarang na itim na kotse sa harapan ko. Aatras na sana ako nang agad itong nabuksan at ipinakita nito sa akin ang kahuli hulihang taong iisipin kong makikita ko ngayon.


"Florence sakay!" sigaw niya sa akin. Hindi na ako nag isip pa at mabilis na akong sumakay dito.

Agad niyang pinaharurot ang sasakyan hanggang tuluyan na kaming makalayo. Malayo sa mga taong dapat sasaksi ng magiging kasal ko. Hindi ko na pinansin ang presensiya niya at humagulhol na ako ng iyak.


"Ang tanga tanga ko! Akala ko makakatulong na ako sa pamilya niya! Akala ko mabuti itong desisyon ko! Wala akong kamalay malay na ipinagkakait ko na ang isang kumpletong pamilya sa isang inosenteng bata. I'm so evil! Ibangga mo na ang sasakyan. Ang tanga tanga ko, lahat na lang ng desisyon ko mali! Ang tanga tanga ko!" halos iumpog ko na ang sarili ko sa bintana ng kotse.


"Tissue" natigil ako sa pag iyak ng simple niyang iabot sa akin ang isang box ng tissue.


"Thanks Lina" mahinang sabi ko sa kanya.


"No problem" sagot niya sa akin. Life is so ironic, hindi ko akalain si Lina pa ang taong maglalayo sa akin sa lugar na tinatakbuhan ko.

Tumagal siguro ng ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita.


"I'm sorry for everything Florence. Alam kong sobra ang ginawa ko sa'yo at naiintindihan kita sa galit mo sa akin, I deserved your hatred at tatanggapin ko 'yon gaano man katagal. I'm a terrible bestfriend" bahagya akong lumingon sa kanya.


"I don't hate you Lina" diretsong sabi ko sa kanya. Kahit kaunting sama ng loob ay wala akong itinatanim sa kanya. Naiintindihan ko ang naging reaksyon niya ng mga panahong 'yon.

Natahimik kaming muli ng ilang minuto bago siya nagsalita.


"So what happened? Runaway bride?" pagbasag niya sa katahimikan.


"I guess" mahinang sagot ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin pero agad ako muling nagsalita.


"Kilala mo ba kung sino ang groom ko?" tanong ko sa kanya.


"Alam kong matagal nang may gusto sa'yo si Ashong Florence, masyado ka lang manhid" muli akong natahimik ng ilang segundo bago nakahanap ng mga salita.


"Alam mo ba na hindi ko akalaing tatakbo ako sa harap ng napakaraming tao na may suot ng magarang pangkasal? Akala ko noon, mga tangang bride lang ang gagawa noon. Mga tangang magpapakasal na hindi sigurado, mukhang kasama na ako sa populasyon ng babaeng minumura ko noon" hindi ko maiwasang hindi tumawa ng pagak sa bagay na hindi ko inaasahang gagawin ko.


"Nasa mga Ferell pa din pala talaga ang pagkakataon. Hindi man nila itinuloy ang plano gumawa ng paraan ang tadhana para hindi matuloy ang kasal" napalingon ako kay Lina dahil sa sinabi niya.


"You know their plan?" tanong ko sa kanya.


"Sort of" maiksing sagot niya sa akin.


"Alam mo ba na umabot na sa puntong ipagigiba nila ang simbahan? Like what the hell? Garden wedding ang mangyayari walang magigiba. But ofcourse alam kong nagbibiro sila. Ibang klaseng mga lalaki ang nakasama mo sa isang bubong Florence" naiiling na sabi niya. Malaki ang pagsang ayon ko sa bagay na ito, kung may bagay man akong malaking pinagpapasalamat 'yon ay ang araw na nakilala ko ang mga Ferell.


"Lina, what about Tristan? Nag uusap ba kayo?" ngumiti siya sa akin bago siya muling humarap sa pagmamaneho niya.


"Yes" maiksing sagot niya.


"Okay" ito na lang ang nasabi ko.


"Ito na lang siguro ang magagawa ko sa'yo sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa'yo. I want you to be happy again Florence and I'm very sorry for everything" napansin ko na may dinudukot si Lina sa tagiliran niya at halos manlaki ang mga mata ko ng itapat niya ito sa mukha ko.


"Sleep tight Florence" ito ang huli niyang sinabi bago ko malanghap ang kakaibang amoy na nanggaling sa spray bottle na hawak niya. Nagsisimula nang mawala ang paningin ko, nanlalambot na rin ang buong katawan ko.

What's this Lina? I don't understand.


"Madami pa sana akong gusto ikwento sa'yo Florence, mga bagay na hindi ko akalaing parte ng buhay ko na tanging tunay na kaibigan lang ang pwede kong pagsabihan. Akala ko simple lang ako na hindi katulad mong may kaliwa't kanang hindi pangkaraniwang mga problema pero mukhang nagkamali ako. Life is too complicated, masaya ako para sa'yo Florence dahil patapos ka na, nalampasan mo ang lahat, nalampasan niyo ni Nero ang lahat. Sana makarating din ako sa katapusan, sana makarating din kami ni Tristan sa katapusan"

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.


Kusa nang nagsara ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong  tangayin  sa malalim na pagkakatulog.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro