Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49


Naramdaman ko na lang ang yakap ng kapatid ko mula sa likuran ko habang nakaharap ako sa napakalaking salamin. Kasalukuyan kaming magkatitigang magkapatid sa repleksyon namin.


"Are you sure about this Florence?" masuyong tanong niya sa akin. Marahan lang akong tumango sa kanya. Ilang beses kong pinag isipan ang bagay na ito at wala na akong lakas para umatras pa.

Ngayon ang araw ng pamamanhikan ng pamilya ni Ashong at kasalukuyan nang nasa baba ang mga tao at ako na lang ang hinihintay.


"Kung ano ang desisyon mo Florence susuportahan kita" ngumiti sa akin si Sapphire, ganoon din ako sa kanya.

Sa lahat ng pagkakamali ni Daddy, ang kapatid ko ang malaking ipinagpapasalamat ko. Iba pa rin talagang magmahal ang sarili mong kadugo, yes may mga kaibigan ako na kailanman ay hindi ako iniwan pero iba pa rin ang init ng mga yakap ng isang kapatid na nagmamahal sa'yo.


Bumaba na kaming sabay at agad kong nakita ang dami ng mga tao sa ibaba kung saan mangyayari ang mabilisang pag uusap tungkol sa magiging kasal namin ni Ashong. Binitawan na ako ni Sapphire nang makita niyang nasa puno ng mahabang hagdan si Ashong na naghihintay sa akin.


"Good evening Ms. Almero" kumindat siya sa akin katulad nang lagi niyang ginagawa sa akin nang nasa US kami. Inilahad niya sa akin ang kanyang kanang braso para dito ko ikawit ang aking mga kamay.

Sumilay ang ngiti sa mga labi nang mga taong agad nakakita sa akin. Maliban sa dalawa kong pinsan na hindi sang ayon sa madaliang kasal na ito dahil alam kong alam nila kung sino talaga ang lalaking totoong nagmamay ari ng puso ko.

Kasama ni Ashong ang buong pamilya niya, si Tita Elena na nakawheelchair, si Tito Albert at ang iba pang kamag anak ni Ashong na pamilyar na sa aking mga mata dahil sa iba't ibang okasyon na nadadaluhan ko sa tuwing may pampamilya silang selebrasyon.

Si Lolo ay agarang umuwi nang malaman ang madaliang kasal na mangyayari, ang mga tiyuhin at tiyahin ko sa partido ng mga Villacorta ay nandito rin para supportahan ako, ang mga kaibigan kong si Aira at Camilla ay nandito rin. Kumpleto silang lahat para suportahan ang nabuo kong desisyon.


Mabilis akong humalik sa pisngi ni Tita Elena at nagmano kay Tito Albert nang tuluyan na akong makalapit. At naupo kami ni Ashong na magkatabi sa isang sofa na nakaharap sa kanilang lahat habang magkahawak ang aming mga kamay.


"You're cold, are you okay?" bulong sa akin ni Ashong. Pilit ako ngumisi sa kanya para iparating na ayos pa ako. Agad nagsalita si Kuya Nik na kumuha ng atensyon ng lahat ng tao.


"Hindi ba parang napakabilis ng kasalang ito?" pilit kong hinabol ang mga mata ni Kuya Nik dahil sa biglaan niyang sinabi pero hindi siya magpahuli sa akin. Nang malaman nilang dalawa ni Gio ang pamamanhikang ito agad kong nakita sa kanila ang hindi pag sang ayon.


"Hijo bakit pa natin patatagalin kung sa altar din ang tungo nilang dalawa? Ang desisyong ito ay sinang ayunan na nilang dalawa, anong malaking problema kung mapapaaga ang kasal?" marahang sagot ni Tito Albert.

Hindi nakasagot si Kuya Nik sa sinabi ni Tito Albert.


"Kayong dalawa, may gusto ba kayong sabihin?" tanong sa amin ni Lolo. Nababasa ko sa mga mata ni Lolo na gusto niyang umalma ako sa mga nangyayari.

Wala na akong lakas na umalma. Nagpapatangay na ako sa agos ng mga pangyayari, wala na akong magagawa sa sitwasyong ito. At alam ko sa sarili kong wala na akong mababalikan pa.


"Sumasang ayon po ako sa sinabi ni Tito Albert" naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Ashong na nakahawak sa akin.


"Pero ano itong sinasabi niyong dadalhin nyo ang apo ko sa ibang bansa? Ilalayo niyo siya sa pamilya niya?" agad na tanong ni Lolo sa mga Martin.


"Hindi ba at natural lang na isama ni Elias ang kanyang asawa kung saan siya titigil? Ano ba ang pinagkaiba nito nang tumigil si Florence ng anim na taon sa ibang bansa? Pwede namang dumalaw dalaw dito sa Pilipinas si Florence, hindi namin siya ilalayo sa pamilya inyo." narinig kong sagot ng isa sa mga tiyahin ni Ashong


"Lolo, okay lang. Sasama ako kay Ashong.." mahinang sabi ko kay Lolo.


"Dapat naging handa na kayo sa bagay na ito, dadating talaga ang araw na magkakapamilya rin ng kanyang sarili ang inyong prinsesa" pabirong sabi ng isa sa mga tiyahin ni Ashong.


"At isa pa mas makakabuti kay Florence kung sa ibang bansa na siya tumigil, alam naman nating lahat na may nagbabanta na namang masamang tao sa kanya. Hindi ba at mas praktikal na ilayo siya sa bagay na ikapapahamak niya?" mas lalong natahimik ang partido ko sa sinabi ng mama ni Ashong.


"So kailan ang kasalan?" biglang tanong ng isa sa mga tiyahin ko mula sa parte ng mga Villacorta.


"Kung maaayos po namin agad, sa kabilang linggo na po" sagot ni Ashong na nagpaugong ng bulungan mula sa partido ko.


"Huwag niyo naman pong mamasamain itong sasabihin ko, pero maaayos kaya ang kasal na ito nang ganito kabilis? Hindi naman po kami papayag na basta na ang magiging kasal ng aming nag iisang babae. Prinsesa po ng dalawang malalaking pamilya ang babaeng pakakasalan ng inyong anak, hindi po kami papayag na isang simpleng kasal lang ang mangyayari" mahabang sabi ni Tito Gil na ama ni Gio.

Nakita kong lumapad ang ngiti sa mga labi ng mama ni Ashong sa sinabi ng tiyuhin ko.


"Alam namin ang bagay na 'yan. Ibibigay namin ang engrandeng kasal na nararapat sa nag iisang prinsesa ng Almero at Villacorta" nagtanguhan ang mga tao sa sinabi ni Tita Elena.

Madami pa silang pinag usapan na hindi ko na naintindihan, basta ang tanging naintindihan ko ikakasal ay ang mangyayaring kasalan sa kabilang linggo. At alam kong sa araw na tumunog ang kampana, kailangan ko nang tanggapin sa aking sarili na hanggang magagandang alaala ko na lang siya.



--


Araw ng prenup pictorial namin ni Ashong, pinili niyang sa may dagat kami pero agad akong tumanggi. Sa lahat na lang ng lugar huwag lang sa lugar na may tubig at alon. Wag sa lugar na maaalala ko siya.

Kasalukuyan kaming nasa isang sikat na garden na talagang dinayo pa namin ni Ashong para lamang sa pictorial na ito. Wal na akong alam kung gaano ito kalayo ang mahalaga ay wala kami sa tabing dagat dahil hindi ko alam kung makakausap pa ako nang matino kung sakaling natuloy ang pictorial namin sa sa lugar na tanaw kong may mga alon.

Nang nagsisimula ng magdatingan ang photography team ay halos masamid ako nang makita ko kung sino ang isa sa kanila. Lalo na nang bigyan niya ako ng matatalim na titig sa hindi ko maintindihang dahilan. What's wrong with her?


"Okay, mas magdikit pa kayo.." sunod lang ako ng sunod sa mga sinasabi ng photographer sa amin. At alam kong kanina pa silang nahihirapan dahil hindi ko makuha ang gusto nilang gawin.

Papaano pa ako ngingiti sa tapat ng camera kung may isang taong ilang beses na yata akong pinatay sa kanyang isipan? Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya natulong sa photography team sa mga preparasyon ng kung ano anong mga gagamitin, sa katunayan ay nanunuod lang siya. Anong dahilan at nandito siya ngayon?


"Ngiti po ng maayos ang bride.." sabi ng cameraman. Ngumiti ako sa abot ng aking makakaya. Nagflash ng sunod sunod at pinilit ko ang sarili kong wag alisin ang pekeng ngiti ko sa labi.

Nakailang shots na kami sa iba't ibang posisyon at ngayon naman ay pinapahiga kami sa bermuda grass kung saan may puso dito at hinihiling ng photographer na maglapat ang aming mga labi. Siguro ay napansin ni Ashong na ayaw ko sa hinihiling ng photographer kaya sa noo niya ako hinalikan.


"Nice shot! Okay, break muna tayo. Mukhang pagod na ang bride" agad akong tinulungan ni Ashong bumangon bago kami naupo sa garden bench para magpahinga. Inabutan niya ako ng tubig na tinanggap ko naman.


"I'll just see our pictures" muli niya akong hinalikan sa noo bago siya nagpunta sa mga cameraman na nagbabrowse na ng mga kuha namin.

Muli kong sinulyapan ang babaeng kanina pang nakatitig sa akin ng matalim, mas lalong nangunot ang noo ko nang may panibagong pamilyar na babae siyang kasama. Ano ang ginagawa nilang dalawa sa prenup pictorial ko?


"Pagod ka na ba? Pwede nating ipagpabukas ang ilan pang shots" napalingon ako kay Ashong nag aalala sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko.


"Nope, tapusin na natin ito" maiksing sagot ko sa kanya. Muli kong sinulyapan ang dalawang babaeng nag uusap na hindi kalayuan sa amin. Nagsisimula na akong malito sa presensiya nang dalawang ito.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang lumapit na siya sa amin ni Ashong.


"Hmm, excuse me po? Pwede ko bang makausap ang bride nyo sir?" tanong niya kay Ashong. Bakit hindi siya sa akin magpaalam?


"Why? Ako na lang, masama ang pakiramdam ng bride ko ngayon" nakita ko ang pag arko ng kilay niya sa sinabi ni Ashong. Damn, hindi niya ba alam na baka mahalata siya ni Ashong?


"Hindi, okay lang Ashong. Kilala ko siya, Nicola Mendez. Schoolmate natin siya sa GyroNella, hindi mo ba natatandaan?" pinakatitigan siya ni Ashong pero kita ko sa mukha niyang hindi niya ito nakikilala.


"Wait here.." bahagya kong tinapik ang balikat ni Ashong bago tumayo at sumunod kay Nicola. Nagdiretso kami sa lugar kung nasaan si Laura, mas lumayo ito kumpara sa posisyon nilang dalawa kanina.

Malayo na kami sa mga taong maaaring makakakita o makakarinig sa amin. Nasa unahan ko si Nicola habang naghihintay sa amin si Laura.


"Bakit nyo ako gustong makau—?" hindi na ako nakatapos sa tanong ko nang agad akong salubungin ng malakas na sampal mula kay Nicola.

Halos mamanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal niya at ramdam na ramdam ko ang init nito. Hindi ako nakapagsalita nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa habang nakahawak sa sampal niya sa akin. Agad lumapit sa kanya si Laura para pigilin si Nicola, maging si Laura ay matatalim din ang titig sa akin.


"Ang tanga tanga mo Almero" mahinang sabi sa akin ni Nicola. Kung ganoon, nahuhulaan ko na kung bakit nandito silang dalawa.


"Mauna na ako, hindi ko gusto ang usapang ito" tumalikod na ako sa kanila pero agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig kong nagsalita si Laura.


"Napakasama mo, ito ba ang gagawin mo sa mga Ferell? Ito ba ang isusukli mo sa kanila? Pagkatapos ng lahat ginawa nila sa'yo?" galit na sabi niya sa akin. Nanatili akong hindi gumagawa ng hakbang.


"Pagkatapos namin tiisin ang selos sa bawat araw na kasama ka ni Owen para tulungan ka, pagkatapos kong tiisin ang kaalamang yakap yakap ka lagi ng lalaking mahal ko para lamang protektahan ka. Pagkatapos kong tiisin ang mga araw na ipinagpapaliban niya ang pakikipagkita sa akin para lamang matulungan ang pinsan niya na para din sa'yo at higit sa lahat pagkatapos kong tiisin ang bawat oras at segundo na ibinubuwis ni Owen ang kanyang sarili buhay para sa babaeng una niyang minahal! Ito pa rin ang ginawa mo sa kanila? Ipinagpalit mo pa rin ang pinsan nila matapos ang lahat ng ginawa niya at ng mga pinsan niya? Anong klase kang tao Almero? Sinayang mo ang lahat ng pinaghirapan nila"

Nanatili akong nakatalikod at hindi gumagawa ng hakbang sa binitiwang salita ni nila. Hindi ko rin magawang pahidin ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.

I don't want to cry please.


"Alam mo Almero, tanggap naman namin na kahit kailan may puwang ka na sa puso ng mga lalaking mahal namin. Nandoon ka na at kahit kailan hindi namin 'yon mapapalitan o maaalis. Tanggap namin na isang tawag mo lang habang kayakap nila kami ay magkukumahog silang puntahan ka. Tanggap ko ang lahat ng mga effort ni Troy sa'yo dahil alam kong ikaw ang kauna unahang babaeng minahal niya at kahit kailan hindi ko mabubura 'yon, ginagawa nila ang lahat para kayo ang magkatuluyan ng pinsan nila dahil alam nilang 'yon ang tama, 'yon ang dapat simula umpisa. Ano na ang nangyayari? Bakit binasura mo na ang lahat ng ginagawa nila?"

Damn. Kung alam niyo lang ang sinasabi niyong dalawa.


"Ano nga ba ang pakialam namin dito ni Laura? Hindi ba dapat magsaya kami at ikakasal ka na at hindi mo na basta basta matatawag ang lalaking mahal namin pero alam mo ba ang kinagagalit namin? Sinayang mo lahat ng paghihirap nila, binasura mo. Kita ko ang hirap ni Owen para matulungan ang pinsan niya, saksi ako sa mga effort niya para tulungan kayo ni Nero. Anong katangahan itong ginagawa mo sa mga Ferell?"

Tama na itong mga naririnig ko. Matapang kong pinahid ang luha ko at taas noo akong humarap sa kanilang dalawa.


"Makinig kayong dalawa at hindi ko na ito uulitin pa, Oo mahal na mahal ko pa rin si Nero sobra. At nagpapasalamat ako sa mga oras at panahong tinutulungan kami ni Troy at Owen para muli kaming magkasama ng pinsan nila. Pero tapos na, kumalas na ako. Ayoko nang muling makipag ugnayan sa mga Ferell" bahagya akong tumigil sa sinabi ko bago ako muling nagsalita


"Alam nyo kung bakit? Dahil sa akin na muli umiikot ang mundo nila! At 'yang mga sinasabi nyo sa akin na 'yan ang kinatatakot ko, na baka sa pagtulong nila sa pinsan nila makalimutan niyang may ibang bagay pa silang dapat pagtuunan ng pansin. Mauulit na naman ang lahat, kung magpapatuloy kami ni Nero sa tingin nyo ba ay mag isa lamang siyang gagalaw para hanapin itong mga taong may masamang balak sa akin? Sa tingin nyo ba ay hahayaan siya ng mga pinsan niyang gumalaw mag isa? They won't ever allow it! dahil laging magkakasama ang magpipinsang 'yon. Nagpapasalamat ako nang malaman kong hindi sila totoong nalagasan ng isa at hindi ko na ito hahayaang tuluyang mangyari pa! Hindi niyo alam kung gaano katindi nitong taong gustong pumatay sa akin. At ang muling idamay ang buhay ng mga Ferell, ang buhay ni Nero ng lalaking pinakamamahal ko, ang pinakahuling bagay na gagawin ko. Mas pipiliin ko na lang lumayo sa kanya dahil alam kong ito ang mas makakabuti sa kanila kay Nero..." tatalikod na sana ako nang may mga salitang gustong lumabas sa mga bibig ko.


"But please those Ferells love them, cherish and treasure them, wag kayong magsawang intindihin si Troy at Owen. Ibang klaseng magmahal ang isang Ferell, wala na kayong makikilalang katulad nila..."


Muli kong pinahid ang aking mga luha ko at tuluyan na akong tumalikod papalayo sa dalawang babaeng minsan ko nang pinangarap maging mga kaibigan.


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro