Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Chapter 48


Maaga akong sinundo ni Ashong sa mansion ni Kuya Nik dahil sa pagdalaw ko sa Mama niya sa hospital.

Nang makauwi ako kagabi ay agad nagtaka si Gio na inakalang sa bahay ng mga kaibigan ko ako matutulog. Hindi naman ako tinanong ni Kuya Nik sa mga nangyari, siguro ay alam na naman niya sa kinikilos ko na hindi pa ako handang muling pag usapan ito.

Madami pa akong problema sa buhay at ang tanggapin ang pamamahala nang napakalaking organisasyong 'yon ay isang panibagong problema na alam kong mahihirapan akong solusyonan.


Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang batang laging dinadalaw namin ni Mommy dati ay ang Aylip mistress na siyang babaeng nagpuprotekta sa akin simula umpisa. Pero naniniwala akong hindi lang ang mommy ang dahilan kung bakit naitayo ang organisasyong 'yon.

Looking at her eyes, I can see deep secrets. Hindi ko alam kung nag iilusyon lang ba ako o ano? Pero alam kong mas may malalim pa siyang dahilan kung bakit niya naitayo ang malaking organisasyong ito. Siguro parte si mommy para gawin niya ito pero alam ko sa paraan ng pagsasalita niya na mga bagay pa siyang itinatago na hindi niya gugustuhing malaman ng ko o ng ibang tao.

Hindi ko alam kung kailan pa ako natututong kumilatis ng mga taong alam kong may malaking itinatago, siguro nasanay na talaga ako sa bagay na ito dahil ang isang magandang halimbawa nito ay ang mga Ferell na simula pa lang nang makilala ko ay walang ginawa kundi paglihiman ako.

Isa sa lihim nilang hindi ko kinaya ay ang pagtatago nila sa akin kay Tristan, bakit hindi pa din siya nagpapakita ngayon? Kailan siya magpapakita sa akin para magpaliwanag? May balak kaya siyang magpaliwanag sa akin?


"Florence nandito na tayo" naputol ang pag iisip ko nang iparada na ni Ashong ang sasakyan niya sa parking ng hospital. Mabilis siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.


"Thanks" sabi ko sa kanya paglabas ko.


"Sorry kung naaabala kita Florence.." kumunot ang noo ko sa paullit ulit na pagsosorry sa akin ni Ashong.


"Ano ba Ashong? Stop that, gusto kong rin talagang dalawin si Tita" sita ko sa kanya.


"Thank you" marahan niya akong kinabig at mabilis niya akong hinalikan sa noo ko. Ngumiti lang ako sa ginawa niya, napakaswerte ko at nakilala ko ang taong katulad ni Ashong.

Hindi lang siya simpleng lalaking may maipagmamalaking yaman at kakisigan, isa rin siyang lalaking may malaking pagmamalasakit sa pamilya na bihhirang bihira nang makikita sa panahon ngayon.


Hindi na kami nagdiretso sa ICU, ibig sabihin mas maayos na ang kalagayan ng mama niya kumpara sa huling dalaw ko dito.

Nasa harap na kami ng pintuan ng bagong kwarto ng kanyang Mama, agad kong hinagip ang kamay niya na ikinagulat niya.


"Let's go.." pilit akong ngumiti sa kanya bago kami pumasok nang sabay sa kwarto ng mama niya.

Unang tapak pa lang namin ay agad kaming napansin ng mama niya na nakangiting nakaupo sa hospital bed. Lalong lumapad ang ngiti niya nang makita kami ni Ashong na magkasama.


"Hija.." natutuwang tawag niya sa akin. Marahan niyang ibinuka ang kanyang mga braso para sa mga yakap ko.

Hindi na ako nag aksaya pa ng mga oras, mabilis kong binitawan ang kamay ni Ashong at halos sumampa ako sa hospital bed para yakapin ang babaeng walang ginawa kundi pakitaan ako ng kabutihan.


"I'm so worried hija, nabalitaan ko ang nangyari sa'yo" halos mapahikbi ako sa sinabi ng mama ni Ashong. Bakit ako pa ang iniisip niya sa sitwasyon niya ngayon? Parehong pareho sila ng anak niya.

They are giving me their love to its extent. At wala na akong masasabi dito, ito ba ang pamilyang iiwan ko? Ito ba ang pamilyang hahayaan kong masira? Ipagkakait ko ba ang kasiyahan ng pamilyang ito na wala ng ginawa kundi mahalin ako?


"Ayos lang po ako, dapat sarili niyo ang iniisip niyo. Look you recovered Tita, sabi na sa inyo makakaya niyo.." naluluhang sabi ko sa kanya. Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko sa mata.

Sa loob ng anim na taong itinigil ko sa ibang bansa, ang pamilya ni Ashong ang tumayong pamilya ko. Lalo na ang mama niya na walang ginawa kundi ituri akong tunay na anak. Sa katunayan mas madalas pa kaming magkasama ng mama niya kaysa sa tunay niyang anak na siyang inihihimutok sa akin ni Ashong noon. Si Tita Elena rin ang kasakasama ko sa tuwing dumadalaw ako sa psychologist ko noon, siya ang taong gumagawa ng iba't ibang pakulo sa tuwing sasapit ang kaarawan ko. Pinunan niya ang pangungulila ko sa aking ina nang mga panahong nag iisa ako sa ibang bansa.

Siya ba ang taong hindi ko mapagbibigyan sa kagustuhan niya? Saan ako kukuha ng lakas tanggihan siya?


"Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yong bata ka na tawagin mo na akong Mama? Ilang linggo na lang at ikakasal na kayo ni Elias, bakit ba paulit ulit mo pa akong tinatawag na Tita? Magtatampo na ako sa'yo hija. Ayaw mo ba akong tawaging mama?" natigilan ako sa sinabi ni Tita Elena. What? Ilang linggo na lang?

Agad akong umiling sa sinabi niya.


"Ofcourse, I want to call you Mom. Sino ba ang aayaw maging mama ka? You're a loving mother. Napakaswerte ni Ashong sa'yo" halos makahinga ako sa naging sagot ko. Pero nagulat ako sa ilang linggong sinabi niya. Alam ba ito ni Ashong?


"Mama, ano? Next week" nagtatakang tanong ni Ashong. Muli akong napahinga sa tanong ni Ashong. Buti na lang at wala siyang alam dito kung nagkataong alam niya ito hindi ko maiiwasang sumama ang loob.


"At ano pa ang hinihintay nyong dalawa? Nasa mga tamang edad na kayo, hindi ba at dapat ay lumagay na kayo sa tahimik? Hindi ba hija?" masuyong hinaplos ni Tita ang buhok ko. Pilit na lang akong ngumingiti sa mga sinasabi ni Tita, hindi ko napaghandaan ang usapang ito.


"Ma, hindi kami nagmamadali ni Florence. Hindi ba at sabi ko sa'yo na mag aaral muna ako?" pangangatwiran ni Ashong.


"Anak, magkakapamilya ka na. Hindi mo na kailangan pang mag aral mas pagtuunan mo ng pansin ang negosyong susuporta sa magiging pamilya niyo ni Florence. Iwan mo na ang pangarap mong maging doctor ng mga kabayo. Ano ba anak? We can hire numbers of veterinarians for your beloved horses" pagbibiro ng mama niya. Wala na akong pakialam kong mapansin na nila ang pananahimik ko dito, wala rin naman akong salitang kayang sabihin sa pinag uusapan nila.

Wala akong kakayahang salungatin ang pangalawang ina ko. Minsan naiisip ko na sana ganito na lang ang mama ni Nero, sana ganito na lang siya kabuti at kamaunawain para wala ng problema pero mukhang malabo pa sa ilog pasig ang hinihiling kong ito. Kailangan ko na talagang tanggapin sa aking sarili na isa akong surot at kasiraan sa pamilya sa mata ng ina ng lalaking pinakamamahal ko.


"But Ma.." nahihirapang sabi ni Ashong.


"Ashong.." pagpapatigil ko sa kanya. Hindi magandang makipagtalo sa kanyang mama.


"Elias" kahit ang papa niya na nanahimik lang sa usapan ay nagsalita na rin para patigilin ang anumang sasabihin pa ni Ashong.


"At alam ko anak, sa sandaling magka anak na kayo ni Florence. Mawawalan ka na ng gana sa mga minamahal mong kabayo tanging mga anak mo na lang ang iintindihin mo. Believe me, ganyang ganyan din ang papa mo noon" nagulat na lang kami nang may biglang matabig na baso si Ashong sa side table na nagpatayo sa akin.


"Damn, I'm sorry.." agad niyuko ni Ashong ang nabasag na baso.


"What's wrong with you hijo?" natatawang sabi nang mama niya. Nakayuko ngayon si Ashong habang pinupulot ang piraso ng basong nabasag. Agad ko siyang dinaluhan para tulungan.


"Ako na lang Florence, makipagkwentuhan ka na lang kay Mama" saway sa akin ni Ashong na ikinailing ko. Pero hindi din nagtagal ay may pumasok na maintenance para tulungan kami.


"Tumayo na kayo dyan mga anak" sita sa amin ng papa ni Ashong. Agad naman kaming sumunod ni Ashong.

Hindi ko maiwasang mangiti sa nakikita ko sa mama ni Ashong. I can now see life through her face, natutuwa akong hindi na siya ang babaeng nakita ko noon na nakaratay at hindi na kayang makapagsalita. Kahit si Ashong at ang papa niya, agad kong mapapansin ang buhay sa kanilang mga mukha. I'm happy for them.

Muling itinuro ng mama ni Ashong ang kama niya para dito ako maupo, samantalang patuloy lang nanunuod sa amin si Ashong at ang papa niya. Masuyo niyang sinuklay nang kanyang mga kamay ang alon alon kong buhok.


"Alam mo ba hija na matagal ko nang hinihiling na magkaroon ng anak na babae? At talagang nasiyahan ako nang naging kasintahan ka ng anak ko. You're a kind hearted and a very beautiful woman, hindi ko nga maisip kung bakit ang anak kong mahilig sa kabayo ang nagustuhan mo" marahan akong ngumiti sa sinabi ng mama niya.


"Ma! You're embarrassing me" medyo pikon na sabi ni Ashong. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa, maging ang papa ni Ashong ay nakikitawa na rin.

How I missed this funny conversation, we used to have this in US. Akala ko ay hindi na muli ito mangyayari.

Magkakaroon kaya ako ng magaan na usapang pampamilya kung ang pamilya ni Nero ang kasama ko? Mararanasan ko kaya ang mga bagay na ito? Magkakaroon kaya ako ng pagkakataong makasamang makatawanan ang pamilya ng lalaking minamahal ko? Oo laging nandiyan ang mga pinsan niya, maging si LG pero alam ko sa sarili kong hindi lang sila ang pamilya ni Nero.


"Honey, anak. Papayag na akong manatili sa ibang bansa para sa tuloy tuloy kong gamutan" halos sabay sabay nagliwanag ang aming mga mukha sa sinabi ni Tita.

Sa pagkakaalam ko ay ayaw manirahan ng mama niya sa ibang bansa dahil mas gusto niya dito sa Pilipinas.

Tumayo ang papa ni Ashong, mabilis naman akong umalis sa kama para bigyan siya ng posisyon sa kanyang asawa.


"Salamat Elena, salamat sa pagpayag" masuyong hinawakan ng papa ni Ashong ang mga pisngi ng mama niya dahil sa tuwa nito.

Marahan kong hinawakan ang balikat ni Ashong, alam kong natutuwa siya sa nakikita niya sa kanyang mga magulang.


"Mas mabuting sa ibang bansa na rin kayo ni Elias manatili hija, mas ligtas ka sa ibang bansa mula sa mga taong may gustong gawing masama sa'yo" natigilan kami ni Ashong sa biglaang sinabi ng mama niya.

Sa ibang bansa?


"Honey, hindi mo na kailangan pang hintayin ang kasal ng mga bata. Mauuna na tayo sa kanila, kailangan mo nang madala sa ibang bansa" sabat ni Tito


"We can have our wedding in US" agad na sabi ni Ashong. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.


"No, dito na kayo sa Pilipinas magpakasal. Ayoko sa ibang bansa, mas maganda at matatag ang kasal dito sa sarili nating bansa" may diing sabi ni Tita Elena.


"Pero matatagalan pa ang kasal kung dito sa Pinas, hindi na kayang maghintay ng katawan mo Mama. Kailangan mo na ng mas makabagong gamutan sa lalong madaling panahon.." giit ni Ashong

Bumuntong hininga muna si Tito Albert bago siya nagbitaw ng mga salitang talagang nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Ashong.


"Then, it's settled. Bukas na bukas rin ay mamamanhikan na tayo sa pamilya ng mga Almero. You're getting married next week and we'll fly to US afterwards"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro