Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

Chapter 47


Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. At lalong hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na ito.

What the hell is she talking about? Is she goddamn serious? Damn. I don't have any plans to take over this shitlike organization. No matter how many times it saved me, it won't ever convince me to be the organization's mistress. Hell no.


Sa kabila nang mga matang mapanuring nakatitig sa akin pinilit kong hulihin ang mga mata ng pinakamakapangyarihang babae sa lugar na ito. Binigyan ko siya ng mga titig na may pagtatanong at pagtataka.

Why me?


"I object!" pakinig ko mula sa boses ng isang miyembro sa likuran ko. Hindi na ako nagugulat sa mga taong hindi sumasang ayon. Maging ako ay hindi sang ayon sa malaking balitang ito.


"Ako rin, how come na siya? She's not even participating on our events. Ngayon ko nga lang siya nakita" may punto siya. Bakit ako? Of all the people gathered here?


"It's unfair!"


"She can't rule us!"

Nagsunod sunod na ang mga miyembrong hindi sumasang ayon sa malaking anunsyo ng mistress. Matapang akong tumayo at hindi ko inalintana ang maliwanag na ilaw na nagpapakita ng bawat detalye ng paggalaw ko.

I can't let the mistress decide on her own, I can't rule anything.


"I won't ever accept that position" matigas na sabi ko sa gitna nilang lahat habang matalim akong nakatitig sa reyna ng organisasyong ito. Lalong lumakas ang ugong ng mga bulungan mula sa iba't ibang kumpulan ng mga miyembro.


"At kahit kailan hindi ko pinangarap tumayo sa magulong posisyon mo" matapang na sabi ko na hindi man lang nagbaba ng titig sa mistress na madiin din na nakikipagtitigan sa akin.

I can't read her expressions. As expected to the mistress, hindi siya basta basta mababasa.


"Fvck! She has a bad mouth" nanlaki ang mga mata ko nang sabay sabay iniaangat ng mga naggagandahang babae ang kanilang mga kamay na hawak ang isang bagay na hindi ko aakalaing mayron silang lahat sa mga oras na ito.

What the fvck is going on?


They're all pointing their guns on me. Damn! What is happening? Pinilit kong patatagin ang mga tuhod ko sa kabila nang dami ng nguso ng mga baril na nakatutok sa akin. Hindi lang ang bilang ng mga bala ang kinatatakutan ko sa mga oras na ito, maging ang mga mata ng bawat babaeng mariing nakatitig sa akin ay talagang nilalamon ang natitira kong lakas para tumindig sa kanilang harapan.

Ngayon ko sasabihing ibang klase ang kakayahan ng mistress na ito para makuha ang katapatan ng hindi birong bilang ng mga babaeng nakapalibot sa akin ngayon na talagang handang magpaulan ng bala dahil lamang sa mali salita nasabi ko.


"Wala siyang respeto! Siya ba ang aasahan nating mamumuno sa atin?" galit na sabi ng isang miyembro habang nakatutok sa akin ang kanyang baril. Damn, napakagat labi na lang ako. Anong sitwasyon na naman itong pinasok ko? Anong klaseng mga babae ang nakapalibot sa akin sa mga oras na ito?

Nagulat ako nang tumayo si August at Antonia habang inihaharang ang kanilang mga sarili sa akin. They're both holding their handguns. What the fvck? Saan nanggaling ang mga hawak nilang 'yan?


"Aylips, hindi niya iniisip ang sinasabi niya. Please put all your guns down.." mahinang sabi ni Antonia.


"We're very sorry.." nahihirapang sabi ni August. Kapwa nakataas din ang kanilang mga kamay na may hawak ng baril para maprotektahan ako.


Napapatulala na lang ako sa nangyayari. Anong organisasyon itong pinasok ko? Totoo ba na nangyayari ito? How come may mga baril silang hawak ngayon? At lahat ito ay nakatutok sa akin.

Who are these ladies around me? Sinabi ko lang ang gusto kong sabihin, malaking kasalanan na ba ito sa organisasyong ito? How can I rule this whole aggressive crowd? Hindi ko maiwasang mapahanga sa kaisa isahang babaeng namumuno sa organisasyong ito.

She's too powerful to handle these warlike ladies around me.


Sa kabila nang mga baril na nakatutok sa akin buong lakas kong muling sinalubong ang mga mata ng mistress. Kasalukuyan siyang may hawak wine glass habang bahagyang nakangisi sa mga nangyayari.

I can say that she's enjoying this goddamn whole scene. Inabot sa kanya ng emcee ang hawak nitong mikropono at muli siyang nagsalita na nakapagpatahimik sa aming lahat.


"Look Aylips, isn't she interesting? Your future mistress... she's too brave and fearless. She has the guts to answer me like that. What else could you do Almero?" nawiwiling sabi niya sa akin.


"Damn!" narinig kong mura ng isa sa mga miyembro. Nakita kong itinapon niya ang hawak niyang baril sa tubig nang mapansing may kulay pulang ilaw sa tapat ng kanyang dibdib.

Maging ang ibang mga miyembro ay nagsisimula na rin ibaba ang kanilang mga baril. Saan nanggaling ang mga ilaw na ito?


"You can't point your guns to your future queen" malakas na sabi niya na nagpatahimik sa lahat. Tanging banayad na pag alon mula sa artipisyal na lawa ang narinig ko. Kahit mula sa mga miyembro ay pinuprotektahan niya ako.

Pakinig ko ang sabay na pagbuntong hininga ni August at Antonia. Akala ko noon hindi tunay na kaibigan ang dalawang ito, na sinasamahan lang nila ako dahil naiintriga lang sila sa akin. Mukhang napahiya ako sa sarili ko.

These two are girls are genuine, ako itong hindi tunay sa kanilang dalawa.


Nang tuluyan nang naibaba ng mga miyembro ang kanilang baril mula sa akin, isa isa na rin nawala ang mga pulang ilaw sa kanilang dibdib. Nanatili akong nakatingin sa mistress na nakasakay sa pinakamataas na bangka na lalong nakapagpatingkad sa posisyon niya sa buong organisasyong ito.


"She's under my protection, if you did try to mess up with her then that means you chose to mess with your mistress" bahagya niyang hinawi ang kanyang buhok bago siya tumalikod sa harap naming lahat at pumasok muli sa pinanggalingan niya.

Napaupo na lang ako sa pangyayari. What the hell is that? Nangyayari ba talaga ang bagay na ito? Natutukan na naman ba ako ng baril? Not just one but numbers of guns. What the fvck?


"What the hell is that?" nasabi ko na lang habang nanunuod lang sa akin si August at Antonia na hindi alam ang isasagot sa akin. Tanging pag iling na lang ang kanilang nagawa.

Muli kaming napalingon nang magsalita na muli ang emcee.


"That was a big blow Aylips, marami sa atin ang nagulat maging ako ay kasama dito pero isipin nyong mabuti pinili siya ng mistress natin. We all trust our mistress, alam niya ang makakabuti sa organisasyon natin"

Walang kahit sino ang nagtangka pang umalma sa sinabi ng emcee. Gusto ko man sabihin na hindi ko tatanggapin ito sa kanilang lahat ay pinili ko na lang manahimik. Ramdam ko pa rin ang ilang mga matang nakatitig sa akin.


"So? Everything is fine? Shall we continue the event?" muling tanong ng emcee na akala mo ay walang nangyaring tutukan ng mga baril.


"Who the hell will complain? That word was from our mistress, sino pa ang may lakas na umalma? What a fvcking emcee" pakinig kong bulong ni August. Gusto kong sumang ayon sa sinabi ni August.


"Okay! Now, let's continue the party. We'll proceed to our annual Aylip auction!" umalingangaw ang napakalakas na music na nagpabuhay sa buong kapaligiran. Napahawak na lang ako sa noo ko. Mukhang mahaba habang gabi pa ito para sa akin.


"Florence, pinapalipat ka ng bangka" tamad na sabi sa akin ni Antonia. May dalawang bangka na nakadikit sa amin, kapwa nakangiti sa akin ang dalawang babaeng nakasakay dito. Bakit parang ang bilis nilang makalapit sa amin?


"Pinapasundo ka ng mistress" hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Lumipat na ako sa isang bangka.


"I'll be quick" paalam ko sa dalawang babaeng kasama ko na tumango lang sa akin.

Dahil hindi naman kalayuan ang pinakamalaking bangka ay agad kaming nakarating. Kung kanina sobrang lakas na ng paghataw ng dibdib ko ngayon ay para namang sasabog na ito anumang oras. Dahan dahan kong hinawi ang kulay pulang tela na siyang humahara sa kanya.

She's sitting like a queen on a pure black single sofa with her cross legs while drumming her delicate fingers on the armrest of her sofa. She's so intimidating.

"Have a seat Almero.." maawtoridad na sabi niya sa akin. Naupo naman ako agad dahil alam kong anumang oras ay maaaring bumigay ang mga tuhod ko.


"Who are you?" mabilis kong tanong sa kanya. Kahit ilang beses kong pagmasdan ang magandang mukha niya, walang kahit anong ideya ang pumapasok sa akin kung bakit ako tinutulungan ng taong ito.

Bakit umabot na sa puntong, isasangla na niya ang kakikilanlan ng organisasyon para matulungan ako. Who is this woman in front of me?


"Why so straightforward? Do you want some?" ipinagsalin niya ako wine sa aking baso na parang nasa simpleng usapan lang kami. Agad kong napansin ang maliit na tattoo niya sa kanyang kanang kamay.


"Hindi ako nagpunta dito para makipag inuman ng alak, I want your answer. Who are you? Bakit ganito na lang ang atensyong nakukuha ko sayo? I don't even know. At alam kong ito ang unang beses na nagkita tayo"

Ibinaba niya ang basong hawak niya at tumayo na siya sa kinauupuan niya. Nagsimula na siyang maglakad hanggang sa malampasan na niya ako.

Where is she going?


"I owe your mother, big time" agad ko siyang nilingon. At papalabas na siya, mabilis akong tumayo at sinundan siya sa labas.


"What do you mean? How? What's with my mother?" kasalukuyan kaming nakatanaw sa malawak na katubigang na may mga bangkang may iba't ibang disenyo. Malayo na kami sa karamihan ng mga miyembro pero tanaw pa rin namin ang mga ito.


"I owe her my life and I guess protecting her daughter is the best way to pay her kindness" seryosong sabi niya habang nakatanaw pa rin siya sa mga babaeng pinangangalagaan niya.


"Your life? I don't understand, my mom was a very simple woman. She can't have this gun life or something, papaano mong sinabi na utang mo ang buhay mo kay Mommy?" Ito na ba ang sinasabi ni Kuya Nik? But I don't understand. Bakit nakasali sa Aylip na ito si Mommy?

Nakita ko siyang mapait na ngumiti.


"Alam mo ba na nakikita ko ang sarili ko sa'yo Almero?" lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.


"If you're thinking that you had the worst past Almero, then think again. My tragic past was the worst among the worst" mahinang sabi niya sa akin. Kaya niya ba binuo ang organisasyong ito? To get rid of her past? Pero bakit pinipigilan nilang magmahal ang mga miyembro nito sa mga lalaking gusto nilang piliin?

Bakit hindi ko makita kahit sa napakaliit na detalye ang totoong layunin ng organisasyong ito?


"At kilala mo ang tumulong sa akin nang mga panahong 'yon? No other than your mother Florence. Noong una hindi ko siya maintindihan, anong pakialam niya sa buhay ko? She's not even my relative or something, what's wrong with her? What is she? Napakapakialmera niya" bahagya siyang tumawa habang nagkukuwento.


"Ni walang pakialam sa akin ang kahit isa sa mga kamag anak ko pero itong si Alyanna, ginawa niya ang lahat para tulungan ako. Wala ka ba talagang natatandaan Almero? I'm that 6 year old kid na tumulong sayo para kagatin ang ice cream vendor na gustong dumukot sayo. Ako ang batang dinadalaw niyo sa isang abandonadong bahay, ako ang madungis na batang gustong ampunin noon ni Alyanna. I won't ever forget the disgust and annoyance in your eyes the moment you entered my house" nanlalaking ang mga mata ko habang tinititigan siya.

It couldn't be.


"Savannah?" nahihirapang tawag ko sa natatandaan kong pangalan niya. Simula nang mamatay si Mom, nawalan na ako ng balita sa kanya. Lalong wala akong kakayahang dalawin siya sa sira sirang bahay na 'yon sa murang edad ko. I know nothing during those times.

Mapait na naman siyang ngumiti sa akin dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya.


"I'm no longer that weak girl Florence, thanks to your mom. Wala ako ngayon sa posisyon ko kung wala siya. She treated me like her own daughter. Siya ang nagtulak sa akin para magpatuloy, sa tingin mo ba hahayaan kong mawala ang bagay na iniingat ingatan niya?" napakagat labi na lang ako.

Tama nga si Kuya Nik, my mom is still here protecting me until to the very end.


"But I can't understand. Bakit kailangang ako ang humawak ng Aylip? You're effective, bakit kailangan pa kitang palitan? I can't take over your position. Are you going somewhere? Hindi ka na ba masaya sa organisasyong ito? Bakit sa akin mo ibibigay? I'm not capable of ruling your organization and beside you're too young to retired. You're about my age.." sunod na sunod na sabi ko sa kanya. Bakit sa dami ng mga babaeng mas higit na nararapat sa posisyong ito ay ako ang sinabi niyang papalit sa kanya? Wala akong makitang dahilan kung bakit sa akin niya ito ibinibigay.


"I think, I'm not doing good at alam kong ikaw ang may kakayahang pamunuan ito. Si Alyanna lang ang kaisa isahang taong pinagkakatiwalaan ko at ngayong wala na siya, sa tingin mo sino ang pinakamalapit na taong pwede ko pang pagkatiwalaan? Hindi ba at ikaw? Nanggaling ka sa kanya you have the same heart as her" paliwanag niya sa akin na nakapagpatigil sa akin ng ilang segundo.


"I can't, hindi ko kaya" mahinang sagot ko sa kanya. Muli kong sinuyod ang magagandang bangka laman ang bawat miyembro ng organisasyon. Kitang kita ko ang pagkawili nila sa isa't isa na akala mo ay walang tensyong nangyari kanikanina lamang.


"Look at them, pagmasdan mo ang mga ngiti ng mga babaeng 'yan sa harapan mo. Who would expect that all of them experienced tragic past?" napatulala na lang ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? All of these ladies in front of my eyes..


"Does it mean?" muli kong pinagmasdan ang mga babaeng masayang nagtatawanan sa simpleng pagpapalipad nila ng mga lantern, nagngingiti sa kanilang mga pinag uusapan at mga nawiwiling nakikipag unahan sa kanilang mga bangka.

Kung una ko silang pagmamasdan, para silang anak mayayaman na walang ginawa kundi maglaspag ng pera ng kanilan pamilya. Sinong mag aakalang parepareho pala kaming may mga pinagdadaanan?


"Yes, lahat nang babaeng nakakasalamuha mo ngayon ay nakaranas ng mga bagay na hindi mo lubos isiping mangyayari sa mga nakangiting babaeng 'yan. Aylip is their home, ang Aylip ang bagay na tutulong sa kanila para muling makabangon. Ang bawat babaeng nakikita ng mga mata mo ay sakop ng pangangalaga ko. Napakalaki ng paniniwala kong hindi na sila dapat pang makaranas ng masalimuot na karanasan" tumango ako sa sinabi niya.


"Alam kong maiintindihan mo ang bawat isa sa kanila dahil naranansan mo na ang mga bagay na dinadala nila..." pagpapatuloy niya habang ako ay nakikinig lamang. Pero natigilan ako nang sumagi sa isip ko ang dalawa kong kaibigan na nagprotekta sa akin.


"Does it mean na pati si August at Antonia ay may nakaraan di—" marahang tumango ang mistress sa akin


"Antonia's sister and mother died because of car accident at siya lang ang natirang buhay while August her parent's abandoned her for some reason.." napasapo na lang ako sa bibig ko sa mga nalalaman ko. Hindi ko akalaing ang dalawang babaeng 'yon na lagi na lang nakangisi at punong puno ng kalokohan ay may dinadala rin na kasing bigat ng sa akin.


"Sa tingin mo ba ay hahayaan ko pang may mga lalaking manakit sa kanila, kung sobra sobra na ang nararanasan nila? Once the guy was listed on our list, pilit ko na silang pinaglalayo dahil wala na itong gagawing maganda sa aking miyembro" matigas a sabi niya. Nanatili akong nakikinig, I want to understand more this rule.


"Sorry for saying this but my best example was your father. Sa tingin mo ba ay magiging maayos ang lahat kung nakuntento siya sa isang babae? Everything had gone wrong. Bakit ko alam ang mga bagay na ito? Florence sa tuwing nalalaman ni Alyanna na nambabae si Lorenzo sa bahay ko siya tumatakbo at umiiyak. She preferred crying in front of me than crying in front of her own daughter. Gusto niyang mapanatili ang magandang imahe ng 'yong ama sayo. How noble is that? You have a very amazing mother at hindi ko lubos maisip na may lakas pa ng loob ang hudas na Samuel na 'yon para agawin ang buhay ng mabuting si Alyanna" kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Maging ako ay hindi ko maikalma ang aking sarili kapag naririnig ang pangalan ng hayop na Samuel na 'yon.


"Alam mo ba na ilang beses ko nang isinumpa ang 'yong ama Florence? Lalo na nang bigla na lang siyang dumating sa bahay ko nang buong maghapong nanatili sa amin si Alyanna. Pilit niyang pinagdiinan na anak ako ni Alyanna mula sa ibang lalaki, pinalabas niyang si Alyanna na walang ginawa kundi mahalin siya ang nanloloko. He's a demon, you can slap me for saying this but I'm happy that he's burning in hell right now. Magsama sila ni Samuel, they made Alyanna's life miserable"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Damn, alam kong may hindi na tama sa relasyon ni Mommy at Daddy pero ang malamang may ganito pa pala, hindi ko mapigilan ang muling pagkabuhay ng galit dito sa dibdib ko.


"Alam mo ba kung bakit nabuhay ang organisasyong ito? Galit mula sa mga lalaking nasaksihan ko mula sa aking paglaki. Papaanong ang mabait na taong katulad ni Alyanna ay naipit sa isang sitwasyon nang dahil sa mga lalaking walang matinong pag iisip?"

Lalong nagpatakan ang luha ko. Bakit nga ba si Mommy? Bakit ang mapagmahal kong mommy ang kinuha ang buhay? Napakaraming masamang tao sa mundo bakit si mommy pa?

Kung nandito kaya si Mommy magiging maayos ang lahat? Hindi ko kaya mararanasan ang lahat ng ito?


"I tried to push your mother away, ilang beses kong sinabi sa kanya na hindi ko kailangan ng tulong niya pero siya itong nagpumilit. Alam mo ba na hindi lang simpleng pag aaruga ang natanggap ko sa kanya matapos kitang tulungan mula sa lalaking gustong dumukot sayo? Pagkatapos na pagkatapos sumabog ang malaking balita na namatay ang 'yong ina mula sa malagim na pangyayari agad na may dumating na tao para ipaalam sa akin na may iniwan si Alyanna na susuporta sa akin hanggang sa makatapos ako ng pag aaral" napangiti na lang ako sa kabila ng pagluha ko. I'm so proud of my mom.


"Siya ang dahilan kung bakit ako makapangyarihan ngayon. This whole organization was founded because of her, siya ang inspirasyon ko sa malaking grupong ito. Siya ang dahilan kung bakit naging possible ang organisasyong ito. Isipin mong mabuti, sino sa ating dalawa ang lubos na may karapatang pamunuan ang organisasyong ito? Sa simula't umpisa pa lang ay sayo ito. You're mother has been protecting you using this Aylip, ito ang malaking bagay na iniwan niya sa'yo" napatitig na lang ako sa pinakamakapangyarihang babaeng nakita ng aking mga mata.

Why is she giving me her power? This is all hers..


"Oo, hindi niya na inabot ang organisasyong ito pero hindi ito magagawa, hindi ko ito maitatayo kung hindi ko naranasan ang pag aaruga at pag aalaga ng isang Alyanna Almero. Alam mo ba ang bagay na kahit kailan ay napakahirap bayaran? Utang na loob Florence. Malaking utang na loob at ito ang matagal ko nang pinanghahawakan. Pasasalamatan ko hanggang sa huli si Alyanna. I'll protect her precious daughter no matter what but please help me protecting you.." seryosong sabi niya sa akin na nagpahakbang sa akin paatras.

Should I accept this whole organization? Can I do it?

Muli kong tiningnan ang kabuuan ng artipisyal na lawa kung saan nandito ang lahat ng miyembro ng Aylip. I want to protect them all, pero ako nga sa sarili ko hindi ko kayang maprotektahan papaano pa silang lahat?


"I was too young at hindi ko na alam na ganito na pala kalawak ang nagagawa ng mommy ko sa isang tao" pinili ko na lanag ilihis ang aking mga mata sa kanya. My mom did great, she created an amazing person with a very strong principle.


"Your mother was an amazing woman" muli akong tumango sa kanya.


"She just fell in love for the wrong man. Kaya ito ang mahigpit na sinusunod ng organisasyong ito, you can fall in love but not for a wrong guy" dito na ako muling napalingon sa kanya.


"That's out of the line, you can't decide if that guy was something or not. Bakit nyo pinipigil magmahal ang miyembro nyo sa mga taong gusto nilang mahalin? They can change the guys nature kung talagang mahal siya ng lalaki" pangangatwiran ko sa kanya na hindi man lang nagpatinag sa kanya.


"Anong gusto mong sabihin? Na tama ang Ferell na 'yon Florence? Gumising ka. Ilang babae na ang ginamit niya, gusto mo bang mapagaya kay Alyanna? That Ferell can't settle for a single woman. Hindi lang iilang babae ang humingi na tulong para bigyan ng leksyon ang Ferell na sinasabi mo" pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

Alam kong madaming dumaang babae kay Nero..pero alam kong mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan. Sa aming dalawa ako ang lubos na nananakit. Walang alam ang mistress sa sinasabi niya.


"I can't, I can't accept this position.." paulit ulit ang pag iling ko sa kanya.


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Florence? You can be the queen, you'll have the power to rule everything, walang kahit sinong may kakayahang hawakan kahit dulo ng mga daliri mo. Hinding hindi ka na mapapahamak, you can protect yourself without relaying to others. If you'll be the mistress you can do anything..." sunod sunod na sabi niya para kumbinsihin ako.


"Anything? Except loving him?" natahimik siya sa sinabi ko.


"Kung ipagpatutuloy mo ang gusto mong mangyayari, gagawa ka lang ng malaking kaguluhan sa organisasyon. You're goddamn breaking the rules.." matigas na sabi niya sa akin.


"But I'm the queen ako ang namumuno, hindi ba magandang rason 'yon?" mabilis na sagot ko sa kanya.


"Ulitin mo ulit Florence ang sinabi mo. Is it okay to break the rules if you're the leader? Sa tingin mo ba mapapatatag mo ang organisasyong ito kung ganito ang paraan pamumuno mo?" may punto siya.


"Then, I won't take it. Hindi ko ito tatanggapin, hindi ko kaya" desididong sabi ko.


"You're insane, tinatanggihan mo ang pinakaimportanteng bagay na iniwan sa'yo ng iyong ina?" pilit kong ipinilig ang sinabi niya. Hindi ko kaya ang iniwang ito ni Mommy. I can't, I can't. I just can't.


"Kick me out, paalisin mo na ako sa organisasyong ito. Hindi ko kayang pamunuan ang Aylip, hindi ko na kayang tumagal sa organisasyong ito. Masyado itong komplikado at hindi ito nababagay sa akin" diretsong sabi ko sa kanya na walang pag aalinlangan.

Nakita ko siyang ngumiti sa akin at alam kong hindi ito tunay.


"Hindi ko na ipagpipilitan ang organisasyong minahal ko sayo" napansin kong may pinindot siyang isa button mula sa isang kulay itim na gadget na hindi ko alam.

Agad kong napansin na naglalapitan na ang ilang maliliit na bangka sa malaking bangkang sinasakyan namin.


"Send her the out, she's no longer an Aylip.." malamig na sabi niya na nakapagpagulat sa akin. Ito ang hiniling ko, ano pa itong pagkagulat na nararamdaman ko?

Hindi na ako muling nagsalita hanggang sa makarating ako sa maliit na bangkang maghahatid sa akin. Nanatiling natungo sa akin ang mistress habang madiin akong pinagmamasdan mula sa itaas.


"Anyway, Almero just a quick reminder. Someone is planning something for you, I know that you're already aware of it. You'll no longer an Aylip and you don't expect us to help you again.." nanatili na lang ako nakatitig sa kanyang malamig na ekspresyon.


"And if you're going to die tomorrow, you'll definitely die"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro