Chapter 43
Chapter 43
Walang ampat ang pagpatak ng mga luha ko. Ganito na naman ba ang mangyayari sa amin? Muli na naman akong lalayo sa kanya? Lalawak na naman ba ang distansya namin sa isa't isa? Hindi na ba kami pwedeng muling magkasama?
Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ikaw lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, ikaw lang ang kaisa isahang lalaking nagmamay ari sa puso ko. Pero bakit ganito?
Ngayon ay kailangan ko na namang pumili. Kailangan ko na namang pumili sa isang gipit na sitwasyon. Bakit lagi na lang akong nagigipit? My heart wanted him, my whole body and soul wanted him but what about my brain and conscience?
Pilit nitong ginugulo ang mga desisyon ko. Hindi ba pwedeng lahat na lang masaya kapag magkasama na kami ni Nero? Pwede ba na wala kaming maaapakang tao kapag naging masaya kaming magkasama?
Hindi paglayo ang gusto kong mangyari, hindi ganito ang gusto kong kalabasan. Bakit hindi niya maintindihan ang sitwasyon ko? I can't be happy with him while this damn conscience is eating me. Hindi ko matutumbasan ang pagmamahal niya kung habang magkayakap kami ay nilalamon ako ng konsensiya ko.
At kung pababayaan kong mangyari muli ang nangyari noon, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Hangga't maaari ay ayokong makarinig ng buhay na mawawala. Mawawala ng dahil na naman sa akin.
Pero ano itong sinasabi ni Troy? Totoo ba ang sinabi niya? Totoo ba na buhay pa ang pinsan nila? Pero papaano? Hindi ko maintindihan! I saw him. Nakita ko ang burol niya. Ano 'yon? Panibagong pagpapanggap na naman? Naguguluhan na ako. Kaya ba napakalakas ng kutob ko na tunay ang magagandang mata na tumitig sa akin nang nasa mall ako? Si Tristan Ferell nga kaya ang lalaking nakita ko? Mga mata kaya niya ang tumitig sa akin ng araw na 'yon? Pero bakit? Bakit nila inilihim sa akin? Bakit pinanatili nilang patay sa kaalaman ko si Tristan? Bakit Ferells?
Bakit? hindi ba nila alam kung gaano kabigat itong dinadala ko? Hindi ba nila alam kung ilang taon ko dinala ang pagkawala ng buhay ni Tristan? Ano na naman ito Nero? Bakit ka na naman naglihim sa akin, lihim na may napakalaking epekto sa buong buhay at pagkatao ko. Hindi ba at may karapatan akong malaman ang tungkol dito? Bakit sa sitwasyong ito ko pa kailangang malaman?
Kinapa ko ang sarili kong damdamin. Bakit hindi lang ito kumikirot sa mga salitang binitawan ni Nero? Sa mararahas niyang salita, sa paraan ng pagtataboy niya sa akin? Hindi lang ito kumikirot dahil sa sinabi mo Nero. Mas lalo pa itong kumikirot sa lihim niyo sa akin. Pinaglihiman na naman ako ng mga Ferell. Bakit sila punong puno ng sekreto?
Bakit nila ako pinaglihiman? Ano pa ang kayang itago sa akin ng mga Ferell? Bakit punong puno kayo ng mga sekreto? Mga sekretong parte ng buhay ko. Mga sekretong hindi nyo dapat inililihim sa akin dahil karapatan ko itong malaman.
Hindi ko na inabala ang sarili kong punasan ang patuloy na pagbuhos ng mga luha ko. Luha mula sa pagtataboy ng lalaking mahal ko, mga luhang punong puno ng tanong, mga luhang nasasaktan at luhang nahihirapan.
I can't even see the street. Damn.
Hindi ko kayang itigil ang sasakyan, gusto ko na lang lumayo. Malayong malayo. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Bakit hindi siya magpakita sa akin? Bakit hinayaan niya akong paniwalaang patay siya ng napakatagal na panahon?
Bakit hinayaan niya akong mabuhay na punong puno ng konsensiya? Bakit ako muling pinaglihiman ng mga Ferell? Alam naman nila kung ano ang lubos kong naramdaman nang mawala si Tristan.
Bakit pinabayaan nila akong mamuhay ng miserable nang napakatagal na panahon?
What about Nero? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Damn. Ano pang lihim ang tinatago sa akin ng mga Ferell? Ano pang lihim ang hindi ko pa nalalaman? Ano pang lihim ang gugulat sa akin? Anong pang lihim ang tutusok dito sa dibdib ko?
Muli kong ibinalik ang konsentrasyon ko sa pagmamaneho at halos manlaki ang luhaang mga mata ko nang may makita akong van na kasalubong ko. Marahas kong kinabig ang sasakyan ko pakanan pero mukhang nagkamali ako ng ginawa dahil may isang kotse na dapat mag oovertake sa akin.
Shit! Saan ko ikakabig ang sasakyan ko? Babanggga ako sa makabilang direksyon!
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Fuck! Dito na ba matatapos ang lahat? Dito na ba ako tutulungan ng nasa taas para matapos ang paghihirap ko? Tuluyan na ba talaga akong lalayo? Lalayong tuluyan at kailanman ay hindi na makakabalik?
Mamamatay na ba ako? Gusto ko pang makita ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. I want to see his smiling face.
Agad kong naramdaman ang lakas ng impact ng pagbangga ng sasakyan ko. Malakas na salpukan ng sasakyan ang umalingawngaw sa pandinig ko. Mabilis sumikip ang dibdib ko sa seatbelt na mariing nakayapos sa akin pero ramdam ko ang pagkaliyo ko. Damn. Not my head again.
Agad kong sinapo ang noo kong bahagyang kumikirot, sinilip ko ang sasakyang nakabanggaan ko na pingkot ang tagiliran maging unahan ng sasakyan ko ay ganoon din. Tumigil din ang sasakyang dapat ay makakabanggaan ko at bumaba na ang driver nito para pumunta sa sasakyan ko.
Napausal ako ng dasal dahil may malay pa ako at walang kung anong nangyari sa akin, malaki ang pasasalamat ko sa seatbelt na suot ko. At hindi ganoon kalakas ang salpukan ng aming mga sasakyan.
Kita ko ang marahas na paglabas ng driver mula sa kotseng nakasalpukan ko at galit na galit siyang nagtungo sa direksyon ko. Marahas niyang pinagkakatok ang bintana ko.
Agad kong ibinaba ang bintana kahit malalakas ang paghatak ng dibdib ko. Hindi na akong makikipagtalo, ibibigay ko na lang ang halagang gusto niya.
"Tang ina naman!" salubong niya sa akin.
"Paumanhin po.." mahinang sagot ko at bahagya akong yumuko para hindi salubungin ang galit niyang mga mata.
"Tanga ka ba?! Wala ka sa linya kaya alam kong makakalusot ako! Tapos bigla ka na lang kumabig?! Tanga! Buwiset!" narinig ko pa ang pagsuntok niya sa may pinto ng sasakyan ko.
"Saglit lang ho, aksidente ang nangyari. Iniwasan niya ang sasakyan ko para hindi kami magbanggaan" sabat ng isang driver na muntik ko na rin makabangga.
"Hindi! Tatanga tanga ka kasing babae ka! Peste! Bayaran mo ang sasakyan k—Tang ina!" kahit ako ay nagulat. What the hell?
Maging ang dalawang driver na nagkikipagtalo sa akin ay mabilis dumistansya sa sasakyan ko. May bumangga mula sa likuran ko. Mabilis kong itinaas ang bintana ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Nangangatal kong tiningnan mula sa sidemirror kung ano ang bumangga sa akin. At napapikit na lang ako nang isang kulay itim na van ang marahang umaatras at mukhang babanggain na naman ang sasakyan ko. Fuck!
What's wrong? Sino ang driver ng sasakyang ito? Kahit sa labas ay kitang kita ko rin ang pagkagulat ng dalawang driver sa van na itim.
It couldn't be, lalong lumakas ang pagpintig ng puso ko. Hindi malayong ang nakasakay dito ay ang mga taong gusto akong patayin. Kita ko ang pagmumura ng dalawang driver sa patuloy na pagbangga sa akin ng van.
No no no, madadamay silang dalawa.
Napapikit muli ako nang banggain akong ulit. Fuck! Pilit kong binubuhay ang sasakyan ko pero hindi ito mabuhay. No, no. Galit pa sa akin si Nero. I can't die here. I can't die here.
Paulit ulit kong binubuhay ang sasakyan ko pero ayaw itong mabuhay. Please, mabuhay ka. Galit pa sa akin si Nero..ayokong mamatay ng hindi ako muling nginingitian ni Nero.
Muli akong napasigaw nang maramdaman ko ang pagbangga nito. Bakit kailangang dito pa ako maaksidente? Sa lugar kung saan malawak na kakahuyan ang tanging makikita mo? Bakit walang dumadaang mga sasakyan ngayon?
Pinili kong yumuko. Anong gagawin ko? Natatakot na ako sa mga nangyayari.
Tumigil ang pagbangga sa sasakayan ko at nang muli kong silipin mula sa side mirror ang itim na van sa likuran ko ay dahandahang lumabas ang mahabang binti ng lalaki.
At iniluwa ng van ang isang lalaking may malaking katawan na may takip sa mukha. Mas lalong nanginig ang buong katawan ko dahil sa hawak niya. No. Not again. Ayoko na ng bagay na 'yan.
Agad niyang tinutukan ng baril ang dalawang driver na kapwa nakataas ang mga kamay.
Kita ko ang bahagyang pagpayapay niya sa baril na para bang tinataboy ang dalawang driver. Nilingon muna ako ng isang driver na para bang nakikita ako sa likod ng tinted na bintanang ito, nagpapaumanhin ang mga mata niya sa akin bago siya tuluyang tumakbo sa kanyang sasakyan at paharurutin ito. Ganun din ang sasakyang nakabanggaan ko na maswerteng nakatakbo pa.
Mabilis kong inilock ang mga pinto ng sasakyan ko. No no no. Hindi pa kami maayos ni Nero. Wag muna po, wag muna po. Wag muna po. Kahit wag lang ngayon. Ayokong mawala na may galit sa akin ang lalaking mahal ko.
Dahan dahan na niyang itinataas ang baril niya sa harapan ng bintana ko. Kahit heavy tinted ito, hindi ko alam kung bakit parang nakikita niya ako.
Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko maigalaw ang sarili ko? Bakit tanging pagsunod ng aking mga mata sa nguso ng baril ang tanging nagagawa ko?
Nakatutulala na ako sa baril na nasa harapan ko. Mommy mamamatay din ba ako sa putok ng baril? Sasamahan ko ba kayo ni Daddy sa itaas? Hindi ko na ba mararanasang maglakad sa altar? Hindi ko na ba mararanasang magkapamilya? Hindi ko na ba mararanasang magluwal ng buhay sa mundong ito?
Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay ang unti unting pagpikit ng aking mga mata.
Ilang beses na putok ng baril ang narinig ng mga tenga ko. Halos hindi na ako humihinga habang nakikinig ng muling pagputok ng mga baril.
Kinapa ko ang sarili ko. Buhay pa ako, buhay pa ako. Nakababa ang mga baril niya at naramdaman kong nagsisimulang bumaba ang sasakyan ko. Hindi ako ang pinuntirya niya kundi ang mga gulong ng sasakyan ko. Pero hindi ako tanga para huminga ng maluwag. Nagsisimula na siyang kumatok ng mararahan sa bintana habang sa naging maharas na ito. Paulit ulit niyang dinudukdok gamit ng kanyang baril ang bintana.
Kung napapanood ko ito sa kung saang palabas malamang nasabi ko nang tatakbo ako, manlalaban. Pero iba talaga kapag ikaw mismo ang siyang nasa sitwasyon, wala ka nang magagawa kundi matulala sa mga pangyayari.
Nawawalan ka na ng tamang pag iisip, hindi mo na alam kung ano ang dapat mong gawin. Manghihina na ang mga katawan at mananatili ka na lang sa posisyon mo habang nangangatal at lumuluha.
Nang tuluyan nang mabasag ang bintana ay gumuho ang sistema ko. Katapusan ko na. Huli na Nero mahal na mahal kita.
"Gus...to ko pa pong mabu..hay... haya..an ni..yo po akong ma..buhay..." luhaang sabi ko habang sinisimulan niyang buksan ang pinto ng sasakyan ko. Naiiling lang siya sa mga sinasabi ko.
Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay agad niyang itinutok sa akin ang baril na hawak niya. Walang tigil ang mga luha ko habang panay ang pag iling ko sa lalaking may hawak ng baril.
"Ma...awa po kayo sa akin...gus...to ko pa pong ma..buhay.." napapikit na lang ako nang dahan dahang nanulay sa mga pisngi ko ang nguso ng baril na hawak niya
"Hindi ka pa pinapapatay ni boss! Swerte ka" tinapik tapik ng baril niya ang pisngi ko at may inihagis siyang puting papel sa akin. Swerte pa ako? After all of this? Swerte pa ako?
Nakatulala na lang ako hanggang sa umalis sa harapan ko ang lalaking may hawak ng baril. Nakita ko rin ang mabilis na pag alis ng van sa harapan ko. Wala itong plate number.
Pero hindi pa man ako nakakaahon sa nangyari ay may tatlong humaharurot na motor na pumalibot sa sasakyan ko. Hindi pa ba ito tapos? Pagod na ako. Sabay sabay silang nagsaboy ng kulay pulang likido sa kabuuan ng sasakyan ko. Mas lalong nangatal ang buo kong katawan... Amoy na amoy ko ang lansan nito. Sinasabuyan nila ako ng dugo.
Sinong tao ito at galit na galit sa akin? Bakit mukhang mas masahol pa siya kay Samuel? Bakit ako na naman? Anong ginawa kong kasalanan sa kanila? Bakit sila masisiyahan sa kamatayan ko?
Habang panay ang pagsaboy nila ng dugo sa sasakyan ko ay pinili ko na lang yumuko sa manibela. Binabangungot ka lang Florence, bangungot lang ito. Bangungot lang.
Ipinikit ko ang aking mga mata at tinakpan ko ang aking tenga para hindi na muling marinig ang tilabsik ng dugong tumatama sa katawan ng sasakyan ko. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakayuko. Alam kong kanina pang nakaalis ang mga motor. Alam kong wala na sila..pero ano na ang sunod kong gagawin? Ano pa ang sunod na mangyayari?
Seryoso ang taong ito, seryoso siyang kitilin ang buhay ko.
Nagbuksan ang sasakyan ko at marahas na akong umatras.
"NO! NO! ayoko na! Tigilan nyo na ako! Tigilan nyo na ako!" panay ang hampas ko ang mga kamay na pilit akong hininila papalabas.
"Ayoko na! Ayoko na! Parang awa niyo na! Tigilan nyo na ako...hirap na hirap na ako..ayoko na.." panay ang hampas at iyak ko sa taong pilit akong hinihila.
"Doll, si Troy ito. Si Troy ito..Doll.." hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanlaban ako pero mas malakas siya sa akin at nailabas niya ako. Panay ang paghampas ko sa dibdib niya.
"Ayoko na Troy..punong puno na ako. What's happening? Sino na naman ito? Wala na ba akong karapatang maging masaya?" mahigpit niya akong kinabig at niyakap ng napakahigpit.
"Kailan pa ito Wada? Kailan pa?" galit na galit na tanong sa akin ni Owen.
"I've been receiving death threats...last week pa. Wala na akong kilalang pwedeng gumawa nito sa akin...wala na. Sino sila? Bakit gustong gusto nilang makita akong walang buhay?" nanghihinang sabi ko. Muli akong niyapos ni Troy at naramdaman ko ang halik niya sa buhok ko. Walang nagsasalita sa kanila.
"Wag nyong sabihin na alam nyo rin ang bagay na ito? Pinuprotektahan nyo na naman ba ako ng hindi ko alam?! Idinadawit nyo na naman ba ang sarili nyo sa akin? Mapapahamak na naman kayo ng dahil sa akin.." kumalas ako sa pagkakayapos ni Troy. Nakapamulsa si Owen habang titig na titig siya sa sasakyan kong punong puno ng dugo ganoon din si Troy na tiim bagang at anumang oras ay maaaring makasuntok.
"Sa pagkakataong ito, wala kaming alam. Hindi na muling humingi ng tulong sa amin ang lolo at mga pinsan mo. Hindi namin alam na may ganito na naman.." sagot sa akin ni Owen na nagpailing sa akin. Maniniwala pa ba ako sa kanila?
"God! Paniniwalaan ko ba kayo?! Wala na kayong ibang ginawa kundi paglihiman ako! Anong ibig sabihin mo kanina Troy? Totoo ba ang sinabi mo? Totoo bang buhay si Tristan?! Bakit nyo kailangang itago sa akin? Bakit? Mga Ferell, ayoko na ng lihim na ito! Ayokong may mga taong nahihirapan ng dahil sa akin na hindi ko man lang nalalaman! Tama na, ayoko na ng sekreto. Kung kilala nyo ang taong ito pwede nyong sabihin sa akin huwag 'yong inaako nyo ang problema ko na kailanman ay hindi dapat naging inyo! Huwag nyong pahirapan ang mga sarili nyo sa mga problema ko.." muli na namang nagpatakan ang panibagong grupo ng luha ko. Hindi na sila maubos..wala ng katapusan.
Parehas nang nasa akin ang mga mata ng dalawang Ferell na kapwa tahimik at hindi nagsasalita sa mga sinasabi ko. Akala ko wala nang ilalambot ang mga tuhod ko mula sa mga pangyayari ngayon.
Pero mukhang hindi na tatagal ang pangangatal ng tuhod ko sa ginagawa ng dalawang Ferell na nasa harapan ko. Nanlambot ang buong pagkatao ko nang dahan dahang lumuhod sa harapan ko si Owen at Troy.
Why are you doing this Ferells? Bakit?
"Wada, sorry for keeping too much secrets. At kung bibigyan ako muli ng pagkakataon, muli kong ililihim ang mga bagay na itinago namin. Mga hakbang na hindi namin pinagsisihang gawin para mapanatili kang ligtas" mahinang sabi ni Owen.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Tinago namin lahat para sa kaligtasan mo Doll..you're so precious for us. At nagawa naming magtago hanggang sa huli. Your sweet voice, your smile and even your laughter are priceless. Sa tingin mo ba may lakas kaming alisin 'yon sayo? You're an angel for us..dumating ka sa amin para kumpletuhin kami, dumating ka sa amin para bigyang kulay ang mga buhay namin. Sa tingin mo ba ay hahayaan ka naming mamuhay ng punong puno ng takot sa mga panahong pinapasaya mo kami? We can't afford to see you suffer...kaya pilit kaming naglihim para na rin sa kaligtasan mo.." mahabang sabi sa akin ni Troy na hindi inaalis ang mga mata sa akin.
Yes, malaki ang pasasalamat ko sa pagprotekta nila sa akin hanggang sa huli pero dapat may hangganan ito. May buhay din sila...hindi dapat sa akin umiikot ito.
"Pero naging miserable pa din ako Troy.. bakit nyo ako pinaniwalang patay si Tristan? Sa loob ng anim na taon..sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya..walang araw na hindi nasasagi sa isipan ko ang magaganda niyang mga mata..walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Lumayo ako..bakit niyo ako pinaniwalang wala na siya? Bakit?" nagmamakaawang tanong ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang nahihirapang umiling sa akin. Kailangan ko ng rason..bakit hindi nila ako bigyan?
"Wala kaming karapatan para magpaliwanag sayo ng mga rason niya. I'm sorry Doll..." bahagyang yumuko si Troy.
"Alam kong darating din ang araw at siya mismo ang magpapaliwanag sayo Wada..sorry for keeping this secret, para ito sa kaligtasan mo.." muling sabi ni Owen.
"Ako na naman masaya ba kayong isinusugal ang buhay nyo para sa akin? Hindi ko na alam Ferells. Hindi ko na alam kung saan na ako matatakot kung sa mga taong gustong pumatay sa akin o sa walang katapusan nyong lihim kasi hindi niyo nga ako pinapatay ng pisikal pero dito dito tagos na tagos.." pilit kong tinuturo ang dibdib ko sa kanila.
"Hindi nyo dapat sinasalo ang mga bagay na dapat ay sa akin..si Florence Almero lang ako, wala kayong pagkakautang sa akin.. wala.." mahinang sabi ko sa kanila.
"Si Florence Almero ka, Wada. Wala nga kaming pag uutang sayo pero may mga bagay ka talagang hindi mo kayang ipaliwanag. Sa tuwing sasagi sa isip ko na may maaaring may mangyaring masama sayo, walang tigil sa pagkulo itong dugo ko. I want to protect you Florence Almero...hindi ko na kailangang magpaliwanag. You're part of my life. And part of my life is protecting you..." napahakbang ako paatras sa sinabi ni Owen.
Bakit ganito na naman sila? Ano ba ang ginawa ko sa kanila at halos lunurin nila ako sa pag aalaga at pagpoprotekta nila. Tanging pagluluto lang ng pagkain ang nagawa ko sa kanila. Bakit sobra sobrang sukli ang natatanggap ko sa kanila?
"Anong sinasabi nyo? Dapat lumayo na kayo sa akin...ma...papahamak lang kayo..." nangangatal na sabi ko.
"Doll, please allow us to protect you again. Hayaan mong protektahan ka naming muli. Hindi man kami katulad ng mga napapanuod mo na may koleksyon ng iba't ibang baril, wala kaming hinahawakang malalaking grupo na kayang makapagpatumba ng malalaking tao, hindi kami mga bihasang magpatumba ng mga masasamang loob, hindi rin kami ganoong kagaling humawak ng baril. Mga simpleng mga tao lang kami..simpleng mga Ferell. At tangging magiging sandata na lang siguro namin ay ang pagmamahal naming lima sayo. Our love for you...na poprotekta sayo hanggang sa huli. We'll do anything to keep you happy and alive. Please allow us to protect you again..please allow us to keep our beautiful angel alive.." marahang sabi ni Troy na humaplos sa puso ko.
Bakit anong mayron sa akin? Lalong nagpatakan ang mga luha habang nakatitig sa dalawang Ferell na kapwa nakaluhod sa akin.
Hindi ko akalaing ang dalawa sa tinitingalang Ferell ay luluhod sa harapan ko para lamang humingi ng bagay na para din sa akin.
Hindi ako ang anghel dito.
Ang limang Ferell, sila ang mga anghel ng dumating sa buhay ko...sila ang nagbigay ng kulay sa magulo kong buhay.
Mas lalo akong napahagulhol ng iyak nang sabay nilang hawakan ang mga kamay ko.
Kasabay ng sirena nang padating na sasakyan ng na mga pulis ay ang marahang paglapat ng malalambot na labi ng dalawang Ferell sa aking mga kamay.
Hindi ko na ito kinaya, agad ko silang dinaluhang dalawa at mabilis ko silang sinalubong ng mahihigpit na yakap.
"I'm scared...please..protect me again Ferells.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro