Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42


Nagpaalam sa akin si Nero na tataas muna para makapagbihis na. Habang ang pinsan niya naman ay naiwan ditong nagtatawanan at nag aasaran.


"Pikon talaga ni Nero" natatawang sabi ni Aldus sabay kagat ng barbeque na hawak niya.


"Hindi ka na nasanay sa pinsan mong 'yon" ismid na sagot din ni Owen na nanguya rin ng pagkain.

Kung makapagsalita siya ay parang hindi niya rin pinsan si Nero. Haist. Nakakastress talagang makinig sa usapang Shokoy.


"Nagtaka pa kayo. Menopausal baby si Nero, pagpasensyahan nyo na" seryosong sabi ni Troy na nagpahaglapak ng tawa sa kanyang mga pinsan maging ako ay napatawa na rin.

What the hell? Seriously?


"What the fvck?!" natatawang sabi ni Owen.


"Gago! Ang sabi ni LG, ikaw daw Troy ang menopausal baby sa ating lima!" natatawang sagot ni Aldus.


"Fvck off! Si Nero hindi ako!" iritadong sagot ni Troy.

Mas pinili ko na lang na hindi makisali sa pinag uusapan nilang magpipinsan. I'm contented and happy watching them like this.

Masaya na akong makita silang nagkukulitan ng ganito katulad ng dati. Nagtatawanan at nagkakantsawan, mga simpleng bagay na ginagawa nila sa harapan ko nang mga panahong nakatira pa ako sa mansyong ito. Mga simpleng bagay na bumubuo sa akin sa bawat araw na naglagi ako sa magandang paraisong ito.

Yes, I considered this place as a kind of paradise. Not because of the beauty of this whole place, not because I am surrounded by these gorgeous men but because this whole mansion teach me to be a great person.

Madami akong natutunang mahahalagang bagay sa pagtigil ko sa mansyong ito. At isa na dito ang pagpapahalaga sa pamilya na noon ay hindi kayang bigyan nang pansin dahil sa galit at paninisi ko sa sarili kong ama, sinong mag aakalang ang mga lalaking nasa harapan ko ngayon na walang habas kung makapagmurahan sa isa't isa ay ang siyang magtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko pinapahalagahan noon? They taught me the real value of family.

To value a family whether it is by blood or not.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko maiwasang magbalik alaala sa tuwing nagkakasama sama kaming muli na ganito. Akala ko noon ako ang aayos sa mga pariwara nilang mga landas pero mukhang nagkamali ako sa bagay na ito. Ang mga Shokoy na nasa harapan ko ngayon ang mga taong nagturo ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman, mga bagay na hindi ko kayang harapin noon. Kung hindi ko siguro sila nakilala malamang ay may malaking kulang sa aking pagkatao.

Pero sa lahat ng mga nasaksihan ko sa pananatili ko sa napakalaking mansyon na ito, may kaisa isahang pangyayari akong nakita na nakapagpataas sa mga balahibo ko sa katawan at kailanman ay hindi ko makakalimutan gaano man ito kababaw para sa iba.


I won't ever forget that day.

Sa kauna unahang pagtapak ko sa mansyong ito kung saan ipinakilala ako ni LG sa kanila. Halos lumukso ang dibdib ko, hindi dahil sa nakakatulala nilang pisikal na katangian at sa paraan ng mga titig nila kundi sa paraan nang pagsalubong nila sa matanda.

Hindi ko makakalimutan ang kauna unahang araw na nakita ko silang limang nagmano kay LG.

That sweet scene touched my heart. Hindi ko maiwasang hindi lihim na mapangiti sa ginawa nilang pag manong lima. At simula nang nasaksihan ko ang ginawa nilang 'yon kahit gaano man kasimple ito ay agad itong tumatak sa puso at isipan ko.


Ang mga taong makakasama ko sa bahay ay mga lalaking may malaking pagpapahalaga sa pamilya. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang dati kung saan mas kumpleto ang pamilya nila. Kung saan pwede ko silang limang makitang tumatawa muling makakasama.

How I missed my savior's beautiful eyes.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapait. May mga bagay talagang hindi mo na kayang ibalik sa dati kahit anong gawin mo. Sa huli hanggang balik tanaw na lang ang kaya mong gawin. Kamusta na kaya siya?

Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang maglakad sa tatlong Ferell na masayang nagtatawanan. Kailangan ko nang gawin ang bagay na ipinunta ko dito sa mansyon.

I need to do the right thing.


Natigil sila sa pagtawa ang tatlong Ferell nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.


"Barbecue pa?" tanong sa akin ni Owen habang may inaabot sa akin. Mabilis naman akong umiling. Pinili kong umupo sa beach bed kung saan dito rin nakaupo si Troy.


"What's wrong Doll?" nagtatakang tanong niya sa akin kahit ang mga pinsan niya ay nagtataka na rin sa biglaan kong paglapit.

I need to do this.


Nakayuko lang ako habang nakapatong sa mga hita ko ang mga kamay kong nangangatal.


"I have a favor to ask Ferells.." mahinang sabi ko sa kanila. Ilang segundo muna silang hindi nagsalita bago muling sumagot si Aldus.


"Favor?" tanong sa akin ni Aldus.


"I hope you'll understand this. Kung si Nero hindi niya maintindihan itong naiisip ko, nagbabakasakali akong baka maintindihan nyo itong tatlo.." nanatili silang tahimik at nakikinig lang sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang mga mata nila sa akin. I want to try atleast. Ito lang ang natitirang paraan para sa amin ni Nero, paraan na walang anumang buhay na manganganib. Paraang pilit kong kakayanin.


"I'm getting married next month" mahinang sabi ko sa kanila. Tulad ng nangyari kanina ay nanahimik ulit sila nang ilang segundo bago may muling nagsalita sa kanila.


"Great! Best wishes! Matutuwa niyan si LG" sagot sa akin ni Troy. Alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin pero pinili niyang magpanggap na hindi niya nakuha ang sinabi ko. Troy.


"Troy..." mahinang tawag sa kanya ni Aldus. Alam kong nakuha agad nilang tatlo ang ibig kong sabihin. Please, sana maintindihan niyo.


"I'm sorry Ferells but please help me. Tulungan nyo akong ipaintindi kay Nero na kailangan ko itong gawin..." naiiling na sabi ko


"What do you want us to do?" mabilis na tanong sa akin ni Owen.


"Tulungan nyo akong magpaliwanag sa kanya. You know Ferells, I'm afraid of the word 'death' 'yan ang huling bagay na gusto kong marinig. Ashong's mom is currently on death's bed and her dying wish is our wedding. Troy, Aldus, Owen, alam nyong hindi ko kayang tanggihan ang bagay na 'yon. Takot na akong maging rason ng panibagong kamatayan, takot na takot na ako.."

Naluluha na akong tumunghay sa aking pagkakayuko. Seryoso silang nakatitig sa akin. Mas lumapit sa akin si Troy at mabilis niyang pinahid gamit ng mga kamay niya ang mga luha ko.


"I can't help you Doll. I can't help you this time.." naiiling na sabi niya sa akin. Tumayo na siya sa beach bed na kinauupuan niya at namulsang tumalikod sa akin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ito ang kauna unahang beses na tinanggihan ako ni Troy Ferell.


"Sorry Wada. I can't.." naiiling din sa sabi ni Owen. Maging si Owen ay hindi sang ayon sa gusto kong mangyari.

Sino ba ang may gusto? I don't like this situation. Ayoko na! Pero alam kong ito na lang ang natitirang paraan. I love Nero. I love him so much kaya gumagawa ako ng paraan para magkasama kami muli pagkatapos ng malaking unos na ito.


"I'm sorry" sagot din sa akin ni Aldus.


"Please ito na lang ang natitirang pwede kong gawin. We can settle things after this big wave.." nahihirapang sabi ko sa kanila.


"Can't you fight for him Doll? Napapagod din ang mga Ferell Doll...napapagod din ang pinsan ko. Napapagod din si Nero." natahimik siguro ako ng ilang segundo bago ako nakahanap ng isasagot sa kanya.

Bakit hindi nila ako maintindihan? I love Nero. At gumagawa na ako ng paraan para sa amin. Bakit hindi nila maintindihan ang sitwasyon ko? Pabigat na naman ito? It's between life and death. Damn.


"Anong gusto mong gawin niya Wada? Wait again? Paghihintayin mo na naman siya? He had enough.. he waited for so many years, iiwan mo na naman siya?" nahihimigan ko na ang mariing pagtutol ni Owen sa gusto kong mangyari.

Nagkamali ba ang pag aakala kong matutulungan nila ako?


"Warden hindi madaling makitang ikakasal sa ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal mo. Yes, you fulfilled that dying wish but what about Nero? Do you think he's not dying on your decisions and actions?" seryosong tanong sa akin ni Aldus. I'm doing this for us! Why can't they understand my point?


"Try to choose him Wada, kasi kung siya ang tatanungin mo. Ikaw lang at ikaw ang pipiliin niya. Si Florence Almero ang laging nangunguna sa listahan niya" sabi ni Owen sa madiing tono niya.


"I'm choosing him! At ito na lang ang natitirang paraan, what do you want me to do? Let Ashong's mom died unhappy?" napapahilamos na lang ako sa sarili ko.

This is frustrating. I thought they're gonna help me.


"But you're supplying her with lies! Pinagsisinungalingan nyo ang taong mamamatay! God Doll!" mataas na boses na sabi ni Troy na muling humarap sa akin.

Halos manlaki ang mga mata ko sa kanya. Another first, he's never been like this before.


"Because that's the most possible way to make her happy for the last time! I prefer giving her lies to make her happy than to tell her the truth and make her miserable until to her last breath. Sa tingin nyo ba kakayanin ng konsensiya ko na may mamatay na naman ng dahil sa akin? Ayoko na" madiing sagot ko sa kanilang tatlo.


"Sorry Doll, kahit anong kumbinsi mo sa akin hindi kita matutulungan. You know how much I love you Doll, mahal na mahal kita. Mahal na mahal na kaya kong gawin ang bagay na ginawa ni Tristan para sayo. Kahit anong pabor na hilingin mo sa akin kung kaya ko ay gagawin ko. But not this time, not this time Doll. Mahal kita pero mas mahal ko ang pinsan ko. I won't help you to break his heart, not in a million ways..."

Napatulala na lang ako sa sinabi ni Troy. At hinayaan ko na lang magtuluan ang aking mga luha.


"Wada, wala akong magagawa. I can hurt Nero in physical way but not emotionally. Mahal na mahal ka ng pinsan ko, kung pwede lang sana kitang itali at ibigay sa kanya ay matagal ko nang ginawa.." mahinang sabi sa akin ni Owen sa dismayadong tono.


"Sorry Warden. I can't help you. Helping you is one way of killing him inside. Ayokong gawin 'yon sa pinsan ko.." naiiling na sabi sa akin ni Aldus

Mas lalo akong napaiyak sa sinasabi nila. Ano ba ang pumasok sa isip ko? They won't help me. They can't understand me.

Hindi nila ako maiintindihan hangga't wala sila sa posisyon ko. Mahal na mahal ko si Nero kaya ko ginagawa ito. Ito na lang ang paraan para muli kaming magkasama. Alam kong maiintindihan ako ni Ashong sa paraan kong ito.

I'll tell him the truth. Na hindi ko siya kayang mahalin at tangging si Nero lang pero sa pagkakataong ito kailangan kong bigyan nang pansin ang magulang niya na nabibilang na ang mga araw sa mundo.


We can brush all this mess up after this big wave. Habang hindi pa ako nakakasal kay Ashong ay nanganganib ang buhay ng Mama niya sa maiitim na plano ng Mrs. Ferell at Cassidy.

Kailangan kong iparating sa kanila na nasunod ko ang lahat ng gusto nilang mangyari dahil alam kong sa isang maling hakbang ko lang ay paniguradong malaking gulo na naman ito.

I'm moving alone, gumagawa na ako ng mga solusyon mag isa dahil alam kong ito ang mas makakabuti. Sa pagdami ng mga taong nadadawit sa paglaki ng gulo kaya hanggang kaya ko itong sarilinin ay gagawin ko para maiwasan ko ang malaking kaguluhan.


"I love your cousin at alam kong alam nyo 'yan..." halos bulong na sabi ko sa tatlong lalaking nahihirapan nang tingnan ako.


"No. You don't love me enough Florence.." pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Oh Nero.

Tumayo na ako at humarap sa kanya.


"I love you Nero. But please you need to cooperate this time.." nanghihinang sabi ko sa kanya.


"Cooperate? By allowing you to marry someone else? What the hell is that?" nanatili kaming natayo at malaki ang distansya namin dalawa.


"Ikaw ang mahal ko Nero! Kahit ikasal ako sa iba. Ikaw pa rin ang lalaking mamahalin ko. I will come back babalikan kita kapag maayos na ang lahat. Ayokong mahalin mo ako nang punong puno ng problema..I want to settle things first. Babalikan kita Nero kapag buo na ako...I'll come because I love you.." naglakad na ako papalapit sa kanya.

Kumirot ang dibdib ko nang bahagya siya humakbang paatras.


"That's a goddamn bullshit! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka na pakakawalan ng Elias na 'yon! He will claim you forever! Hindi ka na makakabalik sa akin! Fvck! You can't marry him"


"No, pakakawalan niya ako Nero. Maiintindihan niya..." giit ko sa kanya. Napapikit na lang ako nang sinipa niya ang maliit na lamesang pinaglalagyan ng mga pagkain namin.


"So what just happened last night Florence?! Pakunswelo mo sa gagawin mong pagpapakasal sa gagong 'yon? You offered yourself to me for me to accept that bullshit plan of yours?! Sinong tangang lalaki ang papayag diyan sa naiisip mo?! Fvck! What are you planning to do? Anong gagawin ko sa araw ng kasal mo?! Anong gagawin ko sa mga araw na kasal kayo?! Tang ina Florence! Walang ganyanan!"


"Nero..." mahinang tawag ko sa pangalan niya habang naglalakad ako papalapit sa kanya.


"Stop Florence. Don't come near me, just go to him! Tapos na tayo Almero. Tapos na" nangatal ako sa sinabi niya. No.

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Mas lalong lumaki ang mga hakbang ko papalapit sa kanya.


"Nero..." hindi na ako tuluyang nakapaglakad muli nang makita ko ang mga mata niyang punong puno ng halo halong emosyon.


"You're so cruel Florence. What's wrong? Saan ako nagkulang? All I did was to love you. Why are you doing this again and again? Napapagod din ako Florence.."


"I'm sorry Nero.." nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nag uumapaw na mga luha ko. Damn. Hindi sa ganitong paraan ang gusto kong mangyari. I love him. I love him.


"Lahat na lang ginawa ko. I protected you to my heart extent, I tried my best to make you smile everytime that we're together. I waited for you for long fvcking years. Para akong tangang halos mabaliw sa kaiisip sayo sa loob ng anim na taon! And you'll come back with someone's arm around you? And now you're asking my goddamn blessing for that fvcking wedding of yours? WHAT THE FVCKING FVCK? Nakakagago na Almero!" agad niyang nahagip mula sa isa pang lamesa ang isang baso at marahas niya itong naibato sa kanang bahagi niya.


"Nero, you need to listen.. I need to do this for the sake—" hindi niya na ako pinatuloy magsalita dahil nagsalita muli siya.


"What about my sake?! Kahit minsan naman Florence ako ang piliin mo! Damn. Bakit ba ako nagmamakaawa sa taong kahit kailan hindi ako pinahalagahan? Fvck! Umalis ka na Florence. Leave, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sayo..umalis ka na"

Nangatal ang mga tuhod ko sa sinabi ni Nero. No don't mean it. Alam kong nadadala lang siya, alam kong hindi niya gustong sabihin ito sa akin.


"Nero..." mahinang tawag ko sa kanya. Wala nang tigil ang mga luha ko sa pagpatak. No, no. Hindi ganito.


"Nero!" sigaw nang mga pinsan niya mula sa likuran ko.


"I'm done Florence. I'm done chasing you. I'm done waiting. I'm tired of you..." tuluyan na niya akong tinalikuran. No! Ang tanga ko! Fvck!

No no, hindi ganito.


"Nero. I'm sorry" tumakbo ako sa kanya habang naglalakad na siya pabalik nang mansyon. Mahigpit kong siyang niyakap mula sa likuran niya.


"Nero. I love you, alam mo 'yan..Mahal na mahal kita. I'm sorry..I'm sorry.." paulit ulit na sabi ko sa kanya.


"No, hindi ko na alam Almero.." kinakalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Nakakailang iling na ako. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.


"Nero. Intindihin mo naman ako. Takot na akong may mawala...death is my weakness..ayokong gawin ang ginagawa ko sa inyo sa pamilya ni Ashong. Ayoko nang umagaw ng buhay sa isang pamilyang wala namang ginawa kundi pasayahin ako. Ayoko nang maulit ang lahat kaya ko ginagawa ang bagay na ito" mahigpit pa rin ang pagkakayakap ko sa kanya.

Pilit niya pa rin tinatanggal ang mga braso ko sa kanya. Oh Nero, no.


"TANG INA NAMAN O! Nero! Tell her! Tell her na BUHAY PA SI TRISTAN! He's still alive Doll! Stop blaming yourself! Buhay pa ang pinsan namin. BUHAY PA SI TRISTAN. Tang ina! Buhay pa ang pinsan namin. Buhay pa si Tristan!" pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng lakas nang yakap ko kay Nero.

Anong sabi ni Troy? Tama ba ang narinig ko? Buhay si Tristan? I don't understand.


"Fvck TROY!" pakinig kong sigaw ni Aldus at Owen.

Anong sinasabi niya? Buhay si Tristan? Naguguluhan na ako. Papaano? Bakit bigla itong sinabi ni Troy? Nagsasabi ba siya ng totoo? Pero sino ang taong nakita kong nasa kabaong? Sino ang lalaking payapang nakapikit sa loob ng kabaong na 'yon?

Sino ang lalaking dinadalaw ko? Sinabi lang ba ito ni Troy para tumigil na kami ni Nero sa pagtatalo? Hindi ito magandang biro...pero alam kong hindi kailanman babastusin ng mga Ferell ang pinsan nila.

It couldn't be, but how? Ano na naman ito mga Ferell? Kung ganoon totoo siya? totoong nakita ko siya sa mall?


Sa nangangatal kong boses ay muli kong tinawagan si Nero. Nalilito na ako, what is this all about?


"Nero.." nagtatanong na tawag ko sa pangalan niya. Agad tinanggal ni Nero ang mga kamay kong maluwag na nakayakap sa kanya.


"I don't need to explain. Tapos na tayo Almero. Tigilan mo na ako at ang pamilya ko. Lumabas ka na ng mansyon ko. Maging masaya ka na sana...." halos manigas ako sa sinabi niya.

Hindi na niya ako muling tinapunan ng tingin at nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Sa panghihina ko, tanging panunuod na lang gamit ng aking luhaang mga mata ang aking nagawa hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.


"Nero!" muling tawag sa kanya ng mga pinsan niya.

Hindi ko na hinintay pa ang mga sunod na mangyayari. Pinili ko na lang muling tumakbo papalayo sa mansyong minahal ko.


Papalayo sa lalaking minamahal ko.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro