
Chapter 41
Chapter 41
Kaysa pakatitigan ko pa ng napakatagal ang kisame ng mansyong ito, alam kong wala pa ring ibang mangyayari. Kaya napagpasiyahan ko nang bumangon at halos mapadaing na lang ako sa nananakit kong katawan.
Ngayon ko pinagsisihan na dito kami gumawa ng milagro ni Nero Ferell. Pwede naman sa kama?
Pero ano pa ba itong nirereklamo ko? I enjoyed the whole night. Making love near the fireplace was quite romantic. Lalo na kung kasing wild lang naman ng isang Ferell na katulad ni Nero. Haist.
Agad kong hinanap ang long sleeve na puti ni Nero na kinuha ko pa kagabi at mabilis ko itong isinuot.
Nagsimula na akong maglakad papalabas pero muli kong nilingon ang kabuuan ng library. Hindi ko maiwasang hindi pamulhan sa nakikita ko sa hitsura ng malaking library na ito.
Bakit kailangan naming manira dalawa? All we need to do was to crash and feel each other's body. Why do we need to crash this whole library? Bakit kailangan pa naming idamay ang mga inosenteng libro na nagkalat ngayon? Bakit kailangan naming mamasag ng mga bagay dito?
Hindi ko na naintindihan na sinuyod na namin ni Nero ang kabuuan ng library ito.
Napapailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Bawat sulok ng aklatang ito ay iniwanan lang naman namin nang maiinit na alaala. Haist Nero Ferell. You're amazing in so many different ways.
Tuluyan na akong lumabas ng library. Ano kaya oras dadating ang mga pinsan niya? Nagsimula na akong bumaba ng hagdan. Isa lang ang masasabi ko, nahihirapan akong maglakad. What the fvck?
Hindi ko na lang ininda ang dinadaing ko at hinanap ng aking mga mata si Nero Ferell na mainit ang ulo. Hindi ko na alam kung papaano ko ba ito mapapalamig, dahil alam kong mas lalong iinit ang kanyang ulo sa anumang gusto kong sabihin sa kanya.
"Nero..." mahinang tawag ko sa kanya. Sinilip ko siya sa harap ng malaking tv pero wala siya. Maalala ko nga pala, wala nga palang kuryente sa mansyon na ito. Kailan pa sila naputulan ng ilaw? Mga Shokoy talaga kahit kailan.
Nagpunta ako sa kusina at sa pagkakataong ito, nakita ko na ang lalaking pinakamamahal ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa kanya. Lahat na lang ata ng anggulo ni Nero Ferell ay talagang perpekto. Buong magdamag ko nang nakita ang buong katawan niyang 'yan.
I even felt the every inch of his body on bare hands. But what's wrong with me? I can't take my eyes on him. Bakit ganito pa rin ang reaksyon ko kapag nakikita ko ang katawan ng hari ng mga Shokoy? Bakit sa paraan ng pag iinit ng lalamunan ko ay parang unang beses ko pa lang nakita ang bawat detalye ng katawan niya.
God! Florence.
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng ilang beses habang pinagmamasdan si Nero. Kasalukuyan siyang tamad na nakasandal sa lamesa habang kumakagat ng pulang pulang mansanas.
Napapakagat labi na lang ako sa marahang pagkagat niya sa pulang mansanas na hawak niya. Damn. Halos lahat na lang ng kilos ng hari ng mga Shokoy na ito ay talagang nakakapang akit. Lalong nag iinit ang pisngi ko nang tumaas ang mga mata ko sa buhok niyang gulong gulo dahil sa walang tigil na pagsabunot ko kagabi. Damn.
Pero mas lumukso ang puso ko nang lumingon siya sa akin. Nakakunot ang noo niya sa akin, habang ako naman ay napaatras. Bakit parang umurong ang dila ko?
Nakasandal lang si Nero sa lamesa nasira na ang matino kong kaisipan. God! Ganito pala talaga ang mga Ferell habang tumatagal ang mga titig mo, mas lalo kang napapasailalim sa kanila.
Sa loob ng nakalipas na anim na taon madaming nagbago kay Nero kung sa pisikal talagang wala na akong masasabi. Kung daang babae ang napapalingon sa kanya noon siguradong libong babae na ang nagkukumahog na matitigan man lang niya.
He's still this hot moreno type but quite fairer right now, taller..hmm what else? And yes, the most amazing? His muscles are much toned right now.
And those firm hot abs of his. Fvck. Ulam na ulam na. But my most favourite changes of his.
Deliciously wilder Nero than the Nero Ferell I know last 6 years ago.
"A...ano.." damn. Ano ba ang sasabihin ko? Kung araw araw ganito ang umaga ko. A Ferell wearing sexy black pants hugging tightly his firm long legs...I can even see his V line. Damn.
Ano ba itong ginagawa sa akin ni Nero? Agang aga.
"If you're going to talk about this bullshit again Florence..." marahas na akong umiling sa kanya.
"No..no. Hindi na.." mabilis kong sagot sa kanya. Kailangan kong humanap ng tamang tsempo para makausap siya tungkol dito.
"Good, now come here. What do you want?"may binuksan siyang kulay asul na cooler. Bakit hindi ko 'yan napansin kanina?
Napailing na lang ako sa sarili kong tanong, sino lang ba ang tinititigan ko kanina?
Sinilip ko ang laman ng cooler at bigla lang naman kumalam ang tiyan ko. Shit, nakakagutom.
"Saan ito galing?" tanong ko kay Nero.
"Pinadeliver ata ng mga gago kong pinsan, wala tayong makakain dito" tumango na lang ako sa kanya. Fresh fruits lang naman ang laman ng cooler.
"I like grapes.." pinabayaan na ako ni Nero habang siya naman ay abala sa pagkain ng apple niya. Pero isa lang ang nararamdaman ko, nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ko.
Ginawa ko ang lahat nang makakaya ko para hindi pansinin ang paninitig niya. Naupo na lang ako at sinumulan ko nang kumain habang siya ay bahagyang nakasandal pa rin sa lamesa.
"Where are your clothes? Baka maabutan ka ng mga pinsan ko sa suot mo. Baka mapatay ko ang apat na 'yon" ngumuso lang ako sa sinabi niya.
"Apat? May kasama pa ba kayo dito?" nagtatakang tanong ko. Pansin kong bahagyang natigilan si Nero sa tanong ko.
What's wrong?
"I mean tatlo.." mahinang sagot niya. Nagkibit balikat na lang ako.
"I want that grapes.." mabilis kong inabot sa kanya ang bowl na punong puno ng ubas.
"Nah, not that way Florence.." napairit na lang ako nang walang kahirap hirap akong buhatin ni Nero.
Ngayon ay hindi na ako sa upuan nakaupo kundi sa lamesa habang nakahara sa magkabila ko ang bisig niya. Napaikot na lang ang mga mata ko.
"Come on Nero. I'm hungr--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niya akong subuan ng ubas.
"Me too.." mahinang sabi niya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang mga labi niya.
I thought he's gonna kiss me but I felt his tongue searching for that grape that I haven't chewed yet. Sino ba ang makakanguya ng maayos kung bigla ka na lang atakihin ng isang hari ng mga Shokoy?
I was about to eat the grape when I felt his tongue successfully snatched it from me and he chewed it teasingly in front of my eyes. Bakit ang dami daming kalandiang alam ang Shokoy na ito? All I did is to stare at him.
"Delicious way to eat grapes.." at kinindatan pa ako ng Shokoy. Damn. My god.
"Let's do it again.." may kinuha ulit siyang ubas at mukhang isusubo na naman sa akin.
"Ayoko na, nilalandi mo lang ako Nero" inilihis ko ang ulo ko sa kanya.
"Come on Florence, let's just eat" mahinang sabi niya sa paraang makapagpapanindig ng balahibo.
"EAT! Iba ang gusto mong mangyari Nero..bababa na ako. Nagugutom din ako Nero..Abuso ka na" narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.
"That's why I'm feeding you..." ngising sabi niya. Nararamdaman ko na ang kamay niya sa likuran ko. Agahan. Tinanggal ko ang kamay niya na mabilis niyang naibalik.
"Nero, hindi na kaya ng katawan ko kung anuman 'yang nasa madumi mong pag iisip. So don't seduce me.." muli na naman siyang tumawa sa sinabi ko. Pinaglalaruan talaga ako ng Shokoy na ito.
"Speaking of seduce, who's this certain girl...who just appeared in front of me wearing only my sleeves..telling me 'own m—" hindi ko na pinatuloy ang anumang sasabihin ng Shokoy.
Mabilis ko siyang sinubuan ng sunod sunod na ubas.
"Just eat Ferell. Ang dami mong sinasabi" hindi pa ako tapos sa kasusubo sa kanya ay agad niya akong kinabig.
He opened my mouth easily, giving me some of his grapes from his mouth. Damn. Talagang gusto ni Nero ang paraang ito. Kung ganito ang paraan ng pagkain namin sa pang araw araw, mabubusog pa kaya kami? Hindi ko na alam kung ano ang matamis sa panlasa ko ang labi ba ng malanding Shokoy na ito? O ang katas ng ubas na pinagsasaluhan namin? Damn.
He's not just eating the grapes, he's eating my whole mouth. Fvck. We're supposed to eat fresh fruits! why are we eating each other? Oh Ferell. I answered his deep kiss. Breakfast it is. I felt his right hand wandering my whole back, sending shiver through all my body.
Napadiin ang pagkakahawak ko sa balikat niya nang lumapat ang labi niya sa kaliwang tenga ko.
"Why I can't get enough of you Florence? Why I am so addicted to you? I can't help but to crave on. You are my wonderful drug and I don't fvcking mind drowning myself to you.." naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagkagat sa tenga ko. Damn.
Napapikit lang ako nang muli niyang inangkin ang mga labi ko. I did give my whole response to his goddamn hot hunger. Aftell, I am as hungry as him. I don't mind offering my lips as his sweet breakfast.
I felt our rubbing bodies, creating fire on our bodies. Damn. Akala ko ay may kakayahan na akong tanggihan siya.
"Oh Fvck!" agad kaming nagkalas ni Nero nang makarinig kami ng malutong na mura mula sa pintuan ng kusina. Shit!
Nakatakip ang mga butas na kamay ng tatlong Shokoy sa kanilang mga mata. Nakahara na sa harapan ko si Nero.
"Damn. Why are you here?! Get out!" sigaw ni Nero sa mga pinsan niya.
"Tang ina, tanghali na Nero" pakinig kong sabi ni Troy na tumalikod na sa amin. Ganun din ang ginawa ni Aldus at Owen.
"Fvck! Leave us alone!" halos sabay nagkibit balikat ang tatlong Shokoy at nagsimula nang maglakad papalayo. Shit! Bakit bigla bigla na lang sumulpot ang tatlong 'yon nang walang pasabi?
Mabilis akong hinarap ni Nero.
"Wait here" tumango na lang ako sa kanya. Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon?
Pero hindi din nagtagal ay bumalik na rin siya. At napanganga na lang ako sa kapal ng dala niyang comforter. Binuhat niya ako pababa at mabilis niyang ibinalot sa akin ang comforter. Hindi lang isang ikot ang pagkakabalot nito sa akin, nakaapat na ikot ata ang ginawa niya sa akin bago siya nasiyahan.
Mukha ko na lang ang nakikita, para na akong nasa loob ng cocoon.
"Papaano pa ako makakapaglakad nito?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.
"I'll carry you, magbihis ka na" hindi na ako nakaangal nang buhatin na niya ako hanggang maiakyat niya ako sa kwarto niya kung saan sinabi ko kung saan ko iniwan ang damit ko.
Tinanggal na niya ang pagkakabalot sa akin.
"Maliligo lang ako.." paalam ko sa kanya.
"I'll join you.." ngising sabi niya. Kahit kailan talaga.
"No.." mariing sabi ko. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Hindi na naman niya ako muling pinilit na pinagpasalamat ko. Madami akong dalang kagamitan ko kaya hindi na ako mamomroblema.
Nang makapasok na ako sa banyo ay mabilis ko nang niluguan ang sarili ko. Kung maaari lang sana ay hindi ko muna tatanggalin ang mga iniwang amoy, bakas at mga haplos na naalala ko sa katawan ko. Damn.
Muli kong ipinilig ang ulo ko, ano na naman ba itong nasa isip mo Florence?
Hindi din naman ako nagpakatagal sa banyo ay lumabas na rin ako. Baka masyadong mainip ang hari ng mga Shokoy. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha ng hari ng mga Shokoy nang makitang bihis na ako at hindi nakatapis. Haist Nero Ferell.
Siya naman ngayon ang naliligo habang ako ay nagsusuklay ng buhok. Ni check ko ang phone ko at tadtad na ito ng tawag ng mga kaibigan ko. Siguradong pinaghahanap na ako.
Nagtext ako sa kanila.
Ako: Baka magpanic si Kuya Nik at Gio, sabihin nyo kasama ko si Sapphire. Please babalik din ako kaagad. I love you girls. Sorry.
Pagkatapos na pagkatapos ko silang itext ay pinatay ko na ang telepono ko. Tama namang lumabas na rin si Nero. Kung ako ay bihis na nang lumabas, siya naman ay talagang ibinalandra ang katawan sa akin. Towel lang sa pang ibabang bahagi niya ang suot niya. Damn Ferell.
Kitang kita ko ang pag ngisi niya sa akin habang nagsusuklay ako dito sa kama niya.
Nagsimula siyang maglakad sa 'cabinet' niya.
"Remember this cabinet Florence?" tanong niya sa akin habang binubuksan niya ito.
"Yes.." mahinang sagot ko. I love his cabinet at talagang hindi ko ito makakalimutan. Pinagmamasdan ko ngayon ang tattoo niya sa likuran. Hindi ko akalaing ang lalim pala ng ibig sabihin ng tattoo na 'yan.
It's all about me. Nagpatuloy na lang ako sa pagsusuklay habang pinapanuod ang paggalaw ng likuran ni Nero Ferell, bakit ang tagal naman niyang pumili ng damit?
Pero nagulat na lang ako nang bigla na lang nalaglag mula sa baywang ni Nero ang towel niya. What the fvck?
"Nero!" agad kong tinakpan ang mga mata ko. Narinig ko siyang tumawa at naramdaman ko pa siyang papalapit sa akin.
"Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!" tatawa tawa lang siya sa reaksyon ko. Bakit hindi man lang siya maconscious sa akin? Bakit ang tataas ng confindence ng mga Shokoy?
Napahinga ako nang maluwag nang sa side table siya nagpunta at may kinuha siya mula sa drawer nito.
"Come on Florence..you saw this already" natatawang sabi niya. Nakatakip pa rin ang mga mata ko. Ramdam ko na nasa cabinet na ulit siya. Bakit ang tagal tagal niyang magbihis?! At nagpapalakad lakad pa siya sa akin ng ganyan sa harapan ko?! Damn.
"Bilisan mong magbihis!" iritadong sabi ko sa kanya. Sige lang siya sa katatawa sa akin.
"Okay na. Let's go.." pagmulat ko agad kong napansin ang suot niyang navy blue na v neck shirt na kapareho ng kulay ng suot kong dress. Ngumuso lang ako.
Pagkatapak na pagkatapak pa lang namin sa labas ng kanyang kwarto ay sumamyo sa aking pang amoy ang masarap na pagkain.
"What the hell? Sinong marunong nang magluto?" nagkibit balikat sa akin si Nero. Nagsimula na kaming maglakad at napansin namin na nasa labas ang tatlo at nagbabarbeque lang naman sila.
"Hahanga na ba ako?" tanong ko habang abala si Owen sa kakapaypay sa barbeque. Topless na naman.
Minsan napapaisip na talaga ako kung bakit mga topless ang magpipinsang ito, wala na siguro silang maisuot na damit. Hindi uso sa kanila ang maglaba.
Kitang kita ko ang pag asim ng mukha ni Troy nang makita kami ni Nero na padating. Ano na naman ang problema ng paboritong apo ni LG?
"Couple shirt. Ewwww" madramang sabi ni Troy nang mapansing pareho ang kulay ng suot namin ni Nero. Kung gaano kaasim ang mukha niya ganun din ang kay Aldus at Owen.
"That sucks" ngiwing sabi ni Aldus na nagsusunbathing ata. Nagdirty finger lang sa kanila si Nero Ferell.
Naupo kami sa isang beach bed ni Nero. Habang panay ang langoy ni Troy sa pool, panay ang paypay ni Owen sa barbeque at panay ang pagpapaitim ni Aldus.
"Kung sana hindi ako mestizo hindi ko na kailangang magbabad dito. Pero sa bagay ayoko naman mapagaya kay Nero at Owen na mga negro.." mayabang na sabi ni Aldus na ikinatawa ko. What the fvck?
"Tang ina mo! Sinong negro! Bronze skin ito. Moreno! Mas gusto ng mga babae ang mga moreno. Ikaw sa sobrang puti nyo ni Troy! mukha na kayong mga bakla" iritadong sagot ni Owen na lalong bumilis ang pagpaypay sa barbeque
"Gago! Bakit ako napasali diyan?" sigaw ni Troy mula sa sulok ng pool. Napapatawa na lang kami ni Nero sa kalokohan ng mga pinsan niya.
"I'm just stating the fact cousin, bilang na lang tayo sa mundo Troy.." napapangiwi na ako sa sinasabi ni Aldus.
Kung titingnan naman, hindi naman talaga sila mukhang mga bakla kahit mapuputi sila. At lalong hindi ako papayag na negro si Nero. My God! Talagang mga exaggerated lang ang mga Shokoy, hindi na ako nasanay.
"Tang ina. Gusto ko 'yan Aldus, hayaan mo na ang dalawang 'yan. Insecure ang mga 'yan" pagyayabang na din ni Troy.
"Gago!" sigaw sa kanya ni Nero.
"Hindi pa din kayo nagbabago, kasing kapal pa din ng mga hasang nyo ang mga kayabangan nyo. Mga Shokoy talaga.." natatawang sabi ko sa kanila. Sila naman nilang ikinatahimik.
"Oh shit. I really missed that..." naiiling na sabi ni Owen habang nagpapaypay pa din ng barbeque.
"Ako din! Namiss ko ang dyosa ng mga Shokoy" sabi naman ni Troy na umahon na sa pool habang pinupunasan ang kanyang tumutulong buhok. Ngumiwi na lang ako sa sinabi ni Troy, kailan pa ako ng dyosa ng mga Shokoy?
"Okay na to!" sabi ni Owen. Dahil nga gutom na kami ay nagsilapitan na kami sa barbeque na pinagtripan ni Owen. Nang tikman ko naman ito ay wala akong mahanap na pula. Pwede na.
"Nice, marunong ka ng magbarbeque Owen.." papuri ko sa kanya habang ngumunguya ako.
"Wala ganyan talaga, kailangang matuto.." mahinang sabi niya. Mabilis namin naubos ang barbeque na niluto ni Owen. Hindi din nagtagal ay nagsimula nang magtalunan ulit sa pool ang mga Shokoy.
"Bakit hindi ka rin naglalangoy Nero? Alam mo na..Shokoy thing.." nangunot ang noo niya sa sinabi ko na nginisian ko na lang. May inabot siya sa akin.
"Ano to?" kahit alam ko na naman.
"Apply it on me.." agad niyang hinubad ang tshirt niya. Wha the fvck?
"Come on Florence..." dumapa na siya habang hinihintay ang gagawin ko. What the hell? Hindi naman ganoon katindi ang araw. Kaysa makipagtalo pa ako ay sinimulan ko nang ilagay ang lotion sa kamay ko at marahan ko itong ipinahid sa likuran niya.
"What the fvck? Ang arte mo Nero!" pakinig kong sigaw ni Troy.
"Kailan ka pa natutong gumamit ng sunblock?" iritadong tanong ni Owen.
"Negro ka na Nero!" sigaw naman ni Aldus. Tumaas lang ang dirty finger ni Nero para sa kanyang mga pinsan. Napapailing na lang ako.
"Nasaan na ang mga masahe na sinasabi nyong tatlo? Sinong magpapamasahe sa bulag ngayon?" pang aasar ni Nero sa mga pinsan niya. Anong sa bulag?
"GAGO!" sabay na sigaw sa kanya ng mga pinsan niya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. A shokoy thing will always be a shokoy thing.
Pagkatapos kong maglagay ng sunblock sa magandang katawan ng hari ng mga Shokoy ay naglangoy na rin ito. Ewan ko ba kung bakit sila naglalangoy ngayon, baka naman ay Shokoy rituals sila. Ewan.
Pinakailaman ko na lang ang mga pagkain na hindi pa naiihain ni Owen at napansin kong may sugpo dito. Dahil luto na naman ito ay dinala ko na lang ito sa kusina para painitin. Siguro ay binili ito nang mga Shookoy.
Hindi naman ako nagtagal sa kusina at nagsimula na akong bumalik sa may pool. Nang tuluyan na akong makalabas napansin kong nakaahon na ang apat na Shokoy na kapwa na nagpupunas sa kanilang mga katawan.
Basta sa mansyon ng mga Ferell, kung mahina hina ang loob mo lagi ka na lang hihimatayin sa simpleng mga bagay na ginagawa nila. Bakit kailangan pa nilang maghilera sa pool habang nagpupunas ng katawan? Tang ina. Maloloka na nga ako kay Nero lagyan pa ng special participation ng mga pinsan niya.
Dala dala ko ang pinainit kong sinigang na sugpo. Agad ko itong inihain sa maliit na lamesa.
"Let's eat Shokoys..." nagpuntahan naman silang lahat. Mga gutom. Napansin kong hindi nalapit si Nero at hindi ko maintindihan tindi ng kunot ng noo niya. Anong problema na naman?
"Nero come here" nakatitig lang siya sa sinigang.
"Nero, what's wrong? Hindi ka ba nakain nito?" nagtatakang tanong ko.
"Nakain 'yan.." tamad na sagot ni Troy. Pero napatulala na lang ako nang bahagyang lumayo si Nero sa amin at what's that?
Nagsusuka ba siya? Halos lahat ng pinsan niya ay napanganga kay Nero na nagsusuka. Anong nangyari?
"What the fvck? Buntis ka agad Nero?" natatawang sabi ni Owen. Agad akong lumapit kay Nero na may nakakunot na noo. What's wrong with him? Hindi naman siya pihikan sa pagkain. Weird.
Hinagod ko ang likod niya habang panay ang pagsusuka niya.
"What's wrong?" nag aalalang tanong ko sa kanya. Lumapit sa amin ang mga nakangisi niyang pinsan na may mga hawak na mineral water para kay Nero.
"Isuka mo lang 'yan pinsan. Bakit naman kasi ang galing mo Doll, may morning sickness na si Nero. Good job!" umirap na lang ako sa pinagsasabi ni Troy. Basta Shokoy, maraming alam. Lalong lalo na kung si Troy Ferell.
Agad hinagip ni Nero ang mineral water at inistraight niya ito ng inom. At nang mainom niya itong lahat ay halos pagsusuntukin niya ang mga pinsan niya.
"Mga gago kayo! Anong nilagay nyo sa kinain ko?!" galit na galit na sabi ni Nero. Patay malisyang nagsilayuan ang mga pinsan niya.
"Saglit lang may pupuntahan lang ako sa loob" paalam ni Owen. Sinulyapan ko si Aldus at Troy na nagpipilit itago ang pagtawa habang si Nero ay maasim ang mukha na hindi maintindihan kung masusuka ba o hindi.
"Kung pwede lang pumili ng pinsan! Tang ina" iritadong sabi ni Nero. Galit na naman ang hari ng mga Shokoy. Hinawakan ko na lang ang braso niya para pakalmahin. Pero may parte sa akin na gusto ko na ring tumawa.
He's like a pregnant woman a while ago. Damn. Napapakagat labi na lang ako para mapigilan ang pagtawa ko.
"What?!" iritadong tanong sa akin ni Nero. Umiling lang ako sa kanya.
"MGA PINSAN! TANG INA MAY GOOD NEWS AKO!" humahangos na sabi ni Owen na akala mo ay nanalo sa lotto.
Ano kaya ang problema ng mga Ferell na ito bukod sa pagiging Shokoy nila?
"Ano?" tamad na tanong ni Troy.
"May ilaw na tayo!" malakas na sabi ni Owen.
"YES!" sabay sabay na sigaw ng magpipinsang Shokoy sa katunayan ay napatalon pa si Troy at Aldus. Kahit si Nero na iritado lang kanina ay masaya rin nag react sa magandang balita.
Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa reaksyon nila.
Ilang taon na ba silang walang ilaw?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro