
Chapter 39
Chapter 39
Nakatulala ako ngayon sa dalawang baso ng pineapple juice na banayad kong hinahalo sa nangangatal kong kamay.
Mabilis kong pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata. Sino na naman ang mga taong ito? Bakit maraming tao ang gustong tapusin ang buhay ko. Anong nagawa kong kasalanan sa nakaraan at pilit nila akong pinaparusahan ng ganito?
All I want is a simple life. Simpleng buhay na makakahinga ako ng maluwag, simpleng buhay na walang anumang taong makakapanakit sa akin, isang simpleng buhay na matagal ko ng pinapangarap.
Pero sino ako para humingi ng isang simpleng buhay? Si Florence Almero nga pala ako. A woman living in whole fiasco.
Wala na akong mga magulang na makakapitan sa problemang ito. Mga magulang na siyang kailangang kailangan ko sa pagkakataong ito. Yes, may mga mapagmahal akong mga pinsan, kaibigan, si Sapphire, si Lolo at ang mga Ferell na kahit kailan ay hindi ipinaramdam sa akin nag iisa ako.
Hindi nila ako iniwan at napakalaki ng aking pasasalamat. Pero iba pa rin ang kalinga ng mga magulang. Their warmth, embraces and their whole presence. Kahit anong pilit nilang pasayahin ako, alam kong may kulang at kulang na dito sa dibdib ko at alam kong kahit sino ay walang may kakayahang pumuno nito. Tangging ang mga magulang ko lang, ang mga magulang kong nabigay sa akin ng buhay.
Buhay na dapat kasama sila, anong mga alaala ang iniwan nila sa akin? Kahit anong pilit kong kalimutan iisa at iisa pa rin ang mga alaalang tumatak sa akin.
The way my mom embraced my whole body just to protect me, the way she whispered her loving words to my ear. Her loving words until to her last breath.
My dad, his last kiss on my forehead, his last warm hug and our last dance.
Bakit sa dami ng mga alaala ay ganito ang iniwan nila sa akin? Anong mga alaala pa ang panghahawakan ko? Anong mga alaala pa ang pwede kong isipin kung gusto kong muling makita ang kanilang mga mukha? Imahe ng dalawang tao na nagbigay ng buhay sa akin. Saan ako kukuha ng lakas ng loob kung sa bawat pag alala ko sa kanila..ang tanging nabubuong imahe sa aking isipan ay ang araw kung saan huli ko silang nakitang humihinga.
Tanging si Nero na lang ang tama sa buhay ko. Siya na lang ang kinukuhanan ko ng lakas. Sa tuwing naaalala ko ang lalaking pinakamamahal ko, nag iiba ang tibok ng puso ko. Mas nagiging banayad ito..mas pinagagaan nito ang aking pakiramdam. Nakakalimutan ko ng panandalian ang sakit dito sa dibdib ko.
Nero is my escape from my horrible reality. Pero anong ginawa ko, itinulak ko na naman ang kaisa isang taong kayang balansehin ang magulo kong buhay. Napakatanga ko.
I'm such a mess.
Umalis ako para makalimot, bakit sa pagbabalik ko ay ganito na naman? Bakit hindi na maubos ang mga taong nasisiyahan sa kasawian ko sa buhay?
Ano pa ang kulang sa akin? Lahat na ba ng problema ay dumating na? Hindi na ako magtataka kung muli na namang may dumating na panibagong problema. Bakit hindi na ako nasanay? Bakit nagugulat pa rin ako sa mga pangyayaring ito? Habulin nga pala ako ni kamatayan.
Mapait akong napangisi sa sarili ko. May agad akong kinuha sa bulsa ko at maingat ko itong inihalo sa dalawang basong tinitimpla ko.
Sa pag iisip ko sa loob ng isang oras sa loob ng kusinang ito, may nabuo na akong desisyon. Desisyong hindi ko alam kung kaya kong panghawakan hanggang sa uli.
Another gamble for my miserable heart.
Sa halip na patayin ko ang sarili ko sa sunod na sunod na problemang dumadating sa akin, mas mabuti na sigurong mag umpisa na akong gumawa ng mga hakbang sa paraang kaya ko. Paraan na kahit kailan ay hindi sinang ayunan ng kaloob looban ko. Paraang hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan.
Inilagay ko na sa tray ang dalawang baso ng pineapple juice. At nang sandaling lalabas na ako ng kusina ay halos mabitawan ko na ang tray na hawak ko nang makita ko ang pinsan kong may mga matang alalang alala sa akin.
"Gio.." kinuha niya agad sa aking mga kamay ang tray na hawak ko at mabilis niya itong inilapag sa lamesa. Agad niya akong niyakap nang sandaling mailapag na niya ang tray.
"I'm sorry..kung nandito lang ako. I won't let it happen, sorry Ate" nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko para pigilan ang kung anumang ingay na maaari kong gawin.
Ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin. Hindi nga ako nabiyayaan ng kumpletong pamilya pero hindi naman ako nakaramdam ng kahit anumang katiting na pagtitipid sa pagmamahal.
All I can feel are their warm love for me.
"Ayos na ako Gio, salamat.." marahan kong tinapik ang balikat niya. Marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang anumang maaari kong sabihin.
"Magpahinga ka na Gio, okay na ko. Gumaya ka na kay Kuya Nik, matulog ka na rin. Alam kong kulang na kulang ka sa tulog. Salamat" agad akong lumapit sa kanya.
Mabilis akong kumapit sa magkabila niyang balikat at bahagya akong tumingkayad para mahalikan ang kanyang noo.
"I love you.." pilit akong ngumiti sa kanya.
"Damn. You're not leaving right?" napahakbang ako palikod sa sinabi niya.
"Why would..I?" tanong ko sa kanya. Tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang tray na may dalawang baso.
"Tataas na ako, nandito ang mga kaibigan ko. So don't get worry okay? Magpahinga ka na" hindi na siya sumagot sa akin hanggang sa makalabas na ako ng kusina.
Nagdiretso ako sa kwarto ko kung saan nandito ang mga kaibigan ko. Inilapag ko ang tray na hawak ko sa side table ko.
"Ano ka ba Florence? Dapat ay hindi ka na nag abala pa" sabi sa akin ni Camilla na ngayon ay nakapajama na habang nakayakap sa napakalaking unan.
"Oo nga, come here. Mahiga ka na rin at matulog" anyaya naman sa akin ni Aira. Nakita kong sinisimulan na ni Camilla na inumin ang juice niya. Naupo muna ako sa harapan ng salamin habang marahang sinusuklay ang aking mahabang alon alon na buhok.
Maging si Aira ay sinisimulan na rin inumin ang juice na dala ko. I'm sorry friends.. alam kong tututol kayo sa gagawin kong ito.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"I can't. I need to go somewhere..." nanatili akong nakaharap sa salamin. I don't want to look at them. Ayokong mapilit nila akong itigil ang plano ko.
"WHAT?!" sabay nilang sagot sa akin. Inaasahan ko na ito.
"Saan? Sa dis oras ng gabi? Ano na naman ang gagawin mo? Are you going to run away?! To be alone?! God Florence! Wag ka sabing masyadong mag isip! You're safe here! Everybody will protect you. Hindi ka nag iisa! Madami kaming nakapaligid sayo. Damn, we'll stop you Florence. Hindi ka namin papayagang umalis ni Aira" matigas na sabi sa akin ni Camilla
Nanatili akong tahimik.
"Florence, ayaw na naming mangyari ulit ang dati. Alam mo ba kung ano ang huling nangyari nang tulungan ka naming tumakas nang gabi ng birthday ko? You went missing for 6 fucking months! Without any footsteps! Or goddamn shadows! Ayaw na naming mangyari ang bagay na 'yon Florence! Just lay here with us. Walang aalis!" galit din na sabi ni Aira
Alam kong mangyayari ito. Alam kong silang dalawa ang kauna unahang tututol sa gagawin kong ito.
Pero kailangan ko na talagang umalis. I need to go somewhere...at alam kong ngayon na ang pinakamagandang oras para pumunta ako sa lugar na 'yon. Habang may oras pa akong natitira.
"I promise, babalik din ako. I just need to do something..." mahinang sagot ko sa kanila.
"No!" mahigpit na sagot nila sa akin. Akmang bababa na sana si Camilla sa kama ko nang bigla na lang siyang napasapo sa kanyang noo.
Napakagat labi na lang ako. Damn. Sorry. Sorry.
"Nahihilo ako.." nahihirapang sabi ni Aira.
"Sorry Aira, Camilla..." nahihirapan na silang imulat ang kanilang mga mata.
"You..." kita ko ang bahagyang pagtingin ni Aira sa baso ng juice na ininom nila.
"I'm sorry..." mahinang sabi ko sa kanila.
"Alam kong sasamahan nyo ako pag umalis ako. At ayokong mangyari 'yon. Kayong dalawa ang kahuli hulihang tao na idadamay ko sa magulo kong buhay. I can't lose you girls, not my precious friends. I need to go. Sleep tight my angels, babalik din ako..."
Kasabay na huli kong mga salita ay ang sabay nilang pagbagsak sa aking kama. Dahan dahan kong inayos ang kanilang mga posisyon at kinumutan ko din sila. Parehas ko silang binigyan ang magaang halik sa noo.
"I love you girls. I promise, mag iingat ako" mabilis kong inayos ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ko. At nang agad koi tong matapos ay pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko.
Sinilip ko muna ang labas. At napabuntong hininga na lang ako sa lakas ng ulan, may kasabay pa itong kulog at kidlat. Bakit kahit ang panahon ay sumasalungat sa akin? Muli kong ipinilig ang ulo ko.
Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko. Alam kong muli na naman silang magagalit sa gagawin kong ito. Pero wala na akong magagawa. Ito na ang naisip kong tama.
Marahan akong lumabas ng kwarto ko. Alam kong natutulog na ang mga pinsan ko, sa katayuan nila ngayon na halos walang mga tulog. Alam kong hindi nila mapapansin na paalis na ako ng mansyon.
Nasa main door na ako at dahan dahan ko na itong sinasara. Napapikit na lang ako sa lakas ng hangin. Halos takbuhin ko na ang aking sasakyan at nang tuluyan na akong makapasok ay agad ko itong binuhay at pinaandar.
Ilang mansyon pa kaya ang iiwanan ko?
At sa pagkakataong ito pinabayaan ko nang maglandas ang mga luha sa aking pisngi.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro