Chapter 38
Chapter 38
Kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi ng mansion. Mabuti at tumagal lang ako ng dalawang araw sa hospital. At napakalaki ng aking pasasalamat nang makitang walang kahit anong komplikasyon sa akin.
Nasa loob ng sasakyan ang dalawa kong kaibigan habang ang nagmamaneho ay si Kuya Nik. Wala si Gio dahil may inaasikaso siya sa negosyo. Si Ashong? Huli ko na siyang nakita nang sabay sabay silang bumisita sa akin sa hospital. Wala akong natatanggap na tawag sa kanya, naiintindihan ko naman ito dahil sa kalagayan ng mama niya, hindi ko siya masisisi.
But I want to call him atleast.
And Nero, napakagat labi na lang ako. Alam kong sa mga oras na ito ay isinusumpa na niya ako. Tinalikuran ko na naman siya...hindi ko na alam ang mangyayari sa amin. I just can't leave Ashong right now.
Hindi ko alam ang maaaring maging hakbang ni Mrs Ferell at Cassidy. Wala silang pakialam sa buhay ng mama ni Ashong. All they wanted is to tear me apart, to wreck me completely. Anong dapat kong gawin? Alam kong sa isang maling desisyon ko ay may masira na naman akong pamilya.
Hindi ko na hahayaang mangyari muli ito. Ayoko na. Damn. I can't think of anything, hindi ko na alam kung saan ako mag uumpisang mag isip.
Pero sa bawat parte ng aking puso siya pa rin ang hinahanap hanap nito. Siya ang gusto nitong makasama sa panahong hirap na hirap na ako. Ano na ang magagawa ko? Kung sa tuwing nagsasama kami ay maraming humahadlang? Marami ang ayaw?
But I goddam missed him. I missed him. I missed him. I'm longing for him. Parang pinatay ko na rin ang sarili ko nang makita ko ang mga mata niya ng araw na 'yon. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat paghakbang niya palayo...itinulak ko na naman siya...pinalayo ko na naman siya...tama ba o mali ang naging desisyon ko?
Gusto ko muling maramdaman ang mga yakap niya, mga halik niya, marinig ang malambing niyang boses at ang magagaang haplos niya. Pero ano itong ginawa ko? tinaboy ko na naman siya.
I'm so terrible, hindi ko man lang siya maipaglaban. Uulitin ko na naman ang ginawa ko noon. Uulitin ko na naman. Ano ka ba Florence.
What choice do I have? Cassidy and Mrs. Ferell are emotionally blackmailing me. Ayoko nang maulit ang nakaraan, natatakot na ako. Takot na takot na takot na ako. Ayoko nang may mawala ulit ng dahil sa akin. Ayoko na. Ayoko ng maranasan muli. My mom, dad and Tristan Ferell. Ayoko nang madagdagan pa sila...dahil kung sakaling madagdagan pa sila ay hindi ko na makaya.
Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga unang taon na pinahirapan ako ng aking mga alaala.
Sa tuwing gigising ako sa umaga at tatama ang sikat ng araw sa aking mga mata..maiisip ko na lang na may tao akong tinanggalan ng pagkakataong muling masilayan ang magandang sinag nito... ang mainit na pakiramdam nito. Ang pakiramdam ng buhay. Sa tuwing hahaplos sa aking mga balat ang malamig na hangin..maiisip ko na lang na hindi na ito kailanman mararamdaman ng taong nawalan ng buhay dahil sa akin. Sa tuwing makakarinig ako ng tawanan..tanging maiisip ko ang mga taong naiwan niya. Alam kong kahit kailan ay hindi na nila kayang tumawa ng ganito kasaya.
Tinanggal kong lahat 'yon, hahayaan ko bang mangyari ito muli? Ayoko na. Ayoko nang maranasan ito muli...dahil sa bawat paghinga at pagkilos ko ay nilalamon ako ng konsensiya ko. Nilalamon ako ng mga alaalang pumapatay sa akin mula sa kaloob looban ko. At ang taong tumulong sa akin para makabangon ako sa mga panahong ito ay naghihirap ngayon...hahayaan ko ba na madagdagan ang paghihirap na nararanasan niya ngayon? Damn.
I won't let it happen.
Buhay na naman ito, buhay na naman ang pinag uusapan. Buhay na naman ang nasa mga kamay ko. Ayoko nang iparanas kay Ashong ang bagay na ipinaranas ko sa mga Ferell. Ayoko nang makasira ng pamilya.
Minsan naiisip ko, tama bang nagbalik pa ako? Bakit mukhang gumawa na naman ako ng malaking gulo? At mukhang ay panibagong pamilya na naman akong dinamay at winawasak.
I'm a walking disaster. Tama ba ang sinabi sa akin ng mama ni Nero 'maninira at maninira pa din ako ng pamilya' Talaga bang ganito na lang ang nagagawa ko sa mundo? Ang manira? Should I live alone? Dapat na ba akong mag isa?
I don't know what to do Nero. Nagsisimula na naman akong gumawa ng gulo, madadamay ka na naman. Mahihirapan ka na naman. Ano na naman ba ito?!
Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Oh my god!" halos mapapikit na lang ako sa boses ng kaibigan ko.
"Ano ba Camilla? Mabubuhay ang mga patay sa boses mo" saway sa kanya ni Aira.
"Listen girls...'The most awaited wedding of the year....CANCELLED?' 'yan ang highlight ng gozzip online. Wait babasahin ko pa... 'Nero Ferell one of the rising young businessman refused the interview but there are numbers of rumour that there is a third party involv--" marami pa sana siyang babasahin nang patigilin siya ni Aira
"Enough Camilla, you better stop reading that kind of crap. Rumors are bad, it can easily corrupt human minds and can expeditiously create a disastrous damnation..don't let yourself be part of it.." seryosong sabi ni Aira sa amin.
Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa na rin ako sa sinabi ni Aira. Pero mas pinili ko na lang makinig sa kanilang dalawa.
"W—what?" natatawang tanong ni Camilla.
"Disastrous damnation.." inulit ko na lang ang sinabi ni Aira.
"Oh, sorry friends. I need to talk like this. I have this tongue twist game with Jare, we need to speak in pure English. If I did try to speak our language, oh well his tongue will do the rest if you know what I mean.." dito na nakuha ang buong atensyon ko. Anong tongue twist 'yon?
Agad akong sumulyap kay Kuya Nik na bahagyang napapailing sa usapan naming magkakaibigan. Damn.
But I'm glad my friends are here. Kung wala siguro sila sa mga oras na kailangan ko sila, sa mga oras na hindi ko na alam ang mga dapat kong gawin, sa mga oras na litong lito ako. Malamang wala na ako sa tama kong pag iisip.
Alam kong kanina pa nila akong pinakikiramdaman, alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan para mapagaan ang dibdib ko.
Their soothing words, laugher and even their smile can make heart beats serene for a little. Napakaswerte ko sa dalawang babaeng kasama ko ngayon, hindi nila ako iniwan simula't umpisa. Inintindi at minahal nila ako sa lahat ng sitwasyon ko sa buhay. Hindi ko akalaing ang katulad kong may magulong buhay ay makakahanap pa ng mga totoong kaibigang katulad nila. They are my blessings. My friends are my angel in disguise.
Pinilit ko na lang makipagtawanan sa kanila hanggang sa makarating kami sa mansyon ni Kuya Nik. Punong puno lang naman ang usapan namin ng iba't ibang malalanding larong ngayon ko lang narinig.
Ako ngayon ang nahihiya kay Kuya Nik sa mga narinig niya. Bakit hindi ko alam ang iba't ibang larong pinagsasabi nila? Tongue twist, touch down, strawberry bite, flipped my cards, Maze me, Phyton crawl, Bon Voyage and what's that? Eiffel tower?.. what the fvck are those? Ang dami pa nilang pinagsasabing laro na hindi ko na nasundan ang pangalan. Damn. Ang dami ko pang hindi alam.
Ang tawag daw sa mga larong 'yon ay 'Silly games with your silly boyfriend' Haist ang dami nilang alam.
Napapangisi na lang ako. They managed to drive my thoughts away. Alam nilang kanina pa akong nag iisip ng mga problema ko. Talagang gumawa sila ng paraan para maabala ako.
Their creepy game discussion made me smile for a little. My genuine friends.
Napapailing na lang ako. Bumaba na kami sa sasakyan, mabilis naman akong pinagbuksan ni Kuya Nik at inalalayan sa pagbaba.
"I'm good Kuya, nakakalakad naman ako" pagbibirong sabi ko na hindi niya pinansin.
"Kuya Nik, mag sleep over kami ni Aira dito. If it is okay with you.." tanong ni Camilla.
"Ofcourse, you ladies are very much welcome here" sagot ni Kuya Nik.
"By the way, nasaan ang kapatid mo Florence?" tanong sa akin ni Aira.
"Nagpaalam siya sa akin na mawawala lang siya ng dalawang araw. May aasikasuhin lang daw siya.." tumango lang sabay si ang mga kaibigan ko.
Nang hahakbang na kami papasok ng mansyon ay agad kaming napatigil maging si Kuya Nik ay napatigil din. What's wrong bakit may ganyan sa bahay?
"WHAT THE FVCK ARE THESE?!" galit na tanong ni Kuya Nik. Halos magtakbuhan ang mga katulong para malaman ang ikinagagalit ni Kuya Nik. Putlang putla silang lahat nang makita ang galit na si Kuya. I never seen him like this.
Naramdaman ko na lang ang mga kamay ng mga kaibigan ko sa balikat ko. Bakit bigla na lang akong kinabahan? Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko ang nakikita ko ngayon?
What's with these flowers?
Flowers with stands.
"SAAN NANGGALING ANG MGA ITO?!" halos mawindang ang buong mansyon sa lakas ng boses ni Kuya Nik.
Kahit ako ay nagugulat, wala man lang sa amin tatlo ang nangahas humakbang muli.
"Si...r akala po namin kayo ang nagpadala...akala na..min pa..padala nyo..sa kamag anak ni..yo" nangangatal na sagot ng katulong. Sinong kamag anak? Wala naman kaming kamag anak na..
"WHAT THE FVCK?! Itapon nyo 'yan!" pinagsisipa ni Kuya Nik ang naghilerang mga bulaklak.
Sa pagbagsak nito ay may maliit na papel na bigla na lang nahulog. At para bang sinadya nitong malipad sa paanan ko. Marahan akong tumungo at tinitigan ko muna ang maliit na papel kung pupulutin ko ba ito o hindi.
Pero may kung anong nagtulak sa akin para yumuko at abutin ito. Ramdam na ramdam ko ang pangangatal ng mga kamay ko.
What's this?
"Don't Florence!" sigaw sa akin ni Kuya Nik. Hindi ko siya pinakinggan at mabilis kong binuksan ang maliit na papel.
To my darling Florence Celestina..
'I am top of the food chain..
You slayed my prey.....
To whom should I play with?'
Nangatal ako sa nabasa ko. Is this some kind of riddle? Kahit hindi ako magaling sa mga bugtong alam ko ang ibig sabihin nito.
Mas lalong nangangatal ang mga kamay ko habang paulit ulit naglalandas ang mga mata ko sa bawat letra ng papel na ito.
To my darling Florence Celestina...... Sino pa ang tinutukoy nito? this is me.
Pakinig ko rin ang sabay na paghugot ng hininga ng mga kaibigan ko sa magkabila ko. Alam kong nakuha na rin nila ang ibig sabihin ng mensahe.
This riddle, kanino nanggaling ito? I don't understand. Parte pa ba ito ng mga pakana ni Cassidy at Mrs. Ferell? Pero hindi ganito ang paraan nila. Kanino ito nanggaling?
Habang pag ulit ulit itong binabasa ng aking mga mata ay siya namang paglukso ng dibdib ko. Nagsisimula nang manlamig ang buo kong katawan. What is this again?
Nagulat na lang ako nang agad hanggitin ni Kuya Nik ang papel na hawak ko at kunot noo niya itong binasa.
"What the fvcking hell!" pinagpupunit ni Kuya Nik ang papel na hawak ko. Marahas niyang pinagsisipang muli ang mga bulaklak na nakahilera.
Sabay yumakap sa akin ang mga kaibigan ko habang namamanhid ang buong katawan ko.
These flowers.
These flowers with stands. Para sa akin ang mga bulaklak na ito.
But why? Someone wanted me dead again?
"Fvck! Remove these flowers! Huling araw nyo na itong lahat! Sinesesante ko na kayo! ALISIN NYO ANG MGA BULAKLAK NA 'YAN SA PANINGIN KO! LUMAYAS KAYONG LAHAT SA PAMAMAHAY KO!" galit na galit na sabi ni Kuya Nik sa lahat ng katulong niya.
Napaupo na lang ako sa sahig. Hindi na kinaya ng mga tuhod ko, ano nang nangyayari sa buhay ko? Bakit lagi na lang ganito? Ano na naman ang puno't dulo nito? Another Dad's mess? Sino ang mga taong ito?
I don't understand. Why always me?
"Florence!" agad dumalo sa akin ang mga kaibigan ko. Ramdam na ramdam ko ang mariin nilang pagyakap sa akin.
"We're here Florence..." bulong sa akin ni Camilla.
"Don't think too much, prank lang ito.." gusto kong maniwala sa sinabi ni Aira. Sana prank nga lang ito. Sana.
Pero hindi birong halaga ang dami ng bulaklak na nasa harapan ko ngayon. Hindi ito pagkakagastusan ng basta prank lamang. Lumingon sa akin si Kuya Nik at mabilis siyang nakalapit sa akin. Binitawan ako ng mga kaibigan ko.
Hindi na nag aksaya ng oras si Kuya at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
"Kuya ano na naman ito? I don't understand...anong nagawa kong mali? Bakit ako na lang lagi..." hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagpatak.
"Magbabayad ang taong nagpadala nito sayo. I'll fvcking kill him" napahigpit ang pagyapos ko kay Kuya.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. No, ito ang huling bagay na hihilingin kong gawin niya para sa akin.
"Kuya ayoko na, akala ko huli na si Samuel? sino na naman ang mga taong ito? Bakit maraming taong ayaw ng patagalin pa ang buhay ko? Ayoko na. Punong puno na ako...sasabog na ako. Just let them kill me...ayoko nang may madamay pang iba.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro