Chapter 34
Chapter 34
Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Damn, ramdam na ramdam ko pa rin ang bahagyang pagkirot ng aking ulo. Hindi biro ang ginawang 'yon sa akin ni Cassidy, gusto ko man manlaban ng mga oras na 'yon ay wala akong lakas para lumaban.
I'm totally hopeless.
Hindi na biro ang galit niya sa akin...parang kayang kaya niya na akong patayin ng mga oras na 'yon. Nakakatakot ang kanyang mga mata parang may mali sa kanya, may mali sa kanya.
But wait? Where am I? Ang huli ko lang natatandaan ay nang mapaupo na lang ako at makitang may dulo ako mula sa aking ulo. Damn.
Sumalubong sa akin ang maliwanag na ilaw mula sa itaas. Not my chandelier. Wala ako sa kwarto ko. Wala ako sa sarili kong kama...mukhang nahuhulaan ko na kung nasaan ako.
Hospital bed.
Bahagya kong ipinaling ang ulo ko para malaman kung sino ang nagdala sa akin. At napangiti na lang ako, as usual my saviour. Kasama niya ngayon ang dalawa niyang kaibigan. Mahina silang nag uusap tatlo.
"Gio.." mahinang tawag ko sa kanya. Agad silang napatayong tatlo nang marinig nila ang boses ko.
"Stefan tumawag ka ng doctor" mabilis na sinabi ni Gio sa kaibigan niya.
"Alright" nagmamadaling lumabas ng kwarto si Stefan. Agad dumalo sa aking kama si Gio at Patrick.
"Florence..." pinilit kong bumangon pero pinigilan nila akong dalawa.
"Huwag ka ng bumangon Ate.." bahagyang ngumiti sa akin si Patrick.
"What happened to you? Wala ka ng malay ng makita kita.. and I saw blood..what happened? God Florence.." hindi maintindihan ni Gio kung hahawakan niya ba ako o hindi. He looked damn frustrated..naguguilty ako.
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Hindi niya pwedeng malaman kung bakit ako nagkaganito..paniguradong hindi papayag ang mga pinsan ko sa nangyari sa akin. Aabot pa ito sa demandahan..mas lalaki at mas lalala pa ang mga sitwasyon na maaari pang umabot sa pamilya ni Ashong. Hindi ko na dapat dagdagan pa ang isipin ni Ashong.
Hindi ko alam ang mga hakbang na maaari pang gawin ni Cassidy at ng mama ni Nero. Hangga't kaya ko ay hindi ko hahayaang lumaki pa ito. Kilala ko ang mga pinsan ko..hindi sila mapapakali kapag nalaman nila kung papaano ako nagkaganito. Gagawin nila ang lahat para maibawi ako..at yon ang pinaka iniiwasan ko.
Panibagong gulo at hidwaan na naman kung pababayaan ko pa itong mangyari.
Napansin kong may benda na ako sa ulo. Hindi ko na natandaang nawalan ako ng malay.
"I'm so clumsy...nadulas ako Gio. I'm sorry" pagsisinungaling ko sa kanya.
Mariin niya akong pinakatitigan para malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Kinakabahan ako... si Gio at Kuya Nik ang dalawang taong hindi ko kayang paglihiman, hindi dahil nasasabi ko sa kanila ang hindi ko kayang itago..kundi sila na mismo ang nakakaalam kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.
"You're lying" seryosong sabi niya sa akin.
"I'm not Gio, nadulas talaga ako sa pagmamadali..hindi ako nag ingat" pinilit kong salubungin ang kanyang mga mata kahit malalakas ang paghataw ng dibdib ko. Kailangan ko siyang kumbinsihin sa pagsisinungaling ko.
Another white lies.
Hindi na niya ako muling tinanong nang dumating si Stefan kasama ang isang doctor. Mabilis lumapit sa akin ang doctor at tinanong ako ng kung ano ano na maayos ko namang nasagot.
May ilan pa siyang sinabi na hindi ko na maintindihan..tanging si Gio at Patrick na lang ang kumakausap sa doctor. Habang ako ay nakatingin sa repleksyon ko mula sa bintana. Kitang kita ko ang mga benda ko sa ulo..
"So far mula sa mga examinations niya at observation ko, wala naman akong nakikitang komplikasyon sa kanya. Kailangan niya munang manatili dito ng ilang araw para mas masuri at maantabayan. May ilang examinations pa siyang kailangang gawin para masiguro na maayos na siya. Pero sa ngayon ay kailangan niya ng pahinga.." nilingon ako ng doctor na ngumiti sa akin. Marahan lang akong tumango sa kanya.
"Sige mauna na ako" pamamaalam sa amin ng doctor.
"Salamat doc" sabi ni Stefan.
Nang makalabas na ang doctor ay muling lumapit sa akin si Gio.
"I won't ask you again. Magpahinga ka muna..pero wag mong isiping hindi na ulit ako magtatanong sayo Florence.." bumalik na ulit siya sa kanyang pagkakaupo maging si Patrick at Stefan ay nanatili na lang tahimik.
Hindi ko siya masisisi, alam kong gusto niyang malaman kung ano talaga ang totoong nangyari pero hangga't maaari ay ililihim ko ito. Siguradong malaking gulo ang mangyayari kapag nalaman ng dalawa kong pinsan ang nangyari. Gulo kung gulo ang talagang gagawin nila.
Sinimulan kong ibangon ang sarili ko.
"Ate, wait. Aalalayan na kita" hindi na ako nakaangal nang daluhan ako ni Patrick at Stefan. Agad nilang inilagay sa headrest ang unan para masandalan ko.
"Thanks.." mahinang sabi ko sa kanila.
"Huwag mo na lang pansinin 'yan Ate..nag aalala lang ang Gio'ng 'yan" bulong sa akin ni Stefan.
"Paiyak na 'yan kahapon pa" bulong din sa akin ni Patrick na ikinangisi ko.
"Don't worry Ate Florence..sa lahat ng may benda sa ulo ikaw pa lang ang nakikita kong maganda" namumulang sabi sa akin ni Stefan na kakamot kamot ng ulo.
Why so cute? Napapailing na lang ako.
"Gusto mong ikaw ang lagyan ko ng dextrose Stefan Ortega?" iritadong tanong ni Gio na nakahalukipkip sa kanyang upuan.
"Agree, you're still beautiful Ate.. magpagaling ka na" kumindat pa sa akin si Patrick.
"Oo na po, magpapagaling na. Binobola nyo na ako, haist. Hindi ba kayo hinahanap sa inyo?" mabilis ang iniiling ng dalawa sa akin.
"Baka dumalaw si Mama dito bukas.." sabi ni Patrick. Kung hindi ako nagkakamali ay doctor ang mama niya.
"Bakit nga pala ikaw ang nakakita sa akin Gio? Akala ko ba ay wala ka sa Leviathan ngayon?" nagtatakang tanong ko sa pinsan ko. Bumalik na sa kanilang upuan ang dalawang kaibigan ni Gio.
"Malaki ang pasasalamat ko at umuwi ako kagabi..hindi ko lubos maisip ang maaaring nangyari sayo kung hindi ako umuwi. Damn. Dapat talaga hindi ka pinababayaang mag isa.." napasuntok na lang siya sa kanyang inuupuan.
"Dapat may kasama ka lagi Ate Florence.." sabi naman ni Patrick.
"Agree" maiksing sabi naman ni Stefan.
"Wait, ilang oras na akong tulog?" kung kahapon pa ako dinala dito..agad kong tiningnan ang orasang nakasabit sa pader. Mag aalas dose na ng hapon. Shit!
"16-17 hours I think?" sagot ni Patrick sa akin. Fvck!
"Alam ba ito ni Ashong?" kinakabahang tanong ko sa kanila.
"Hindi ko pinaalam Florence" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng pinsan ko.
Ano na kaya ang ginawa ni Cassidy at ng mama ni Nero? I'm nervous..ginawa na kaya nila ang itinatakot nila sa akin? Damn. Ang tagal ng itinulog ko, madami nang maaaring mangyari.
Muli pa sana akong magsasalita nang pabalyang nabuksan ang pinto. Iniluwa nito si Camilla na may dala pang maleta habang hilahila ang boyfriend niyang doctor.
"Oh shit Florence! What happened to you?" halos talunin na niya ang kama. Hindi na niya inalintana ang pawis na pawis niyang mukha at agad niya akong niyapos ng mahigpit
"Hey, hey be careful Camilla..." babala sa kanya ni Gio. Nakita ko pa ang bahagyang paglapit ng pinsan ko at doctor Thomas para pigilan si Camilla. Agad akong sumenyas sa kanila na ayos lang ako.
"Dumating na ba ang doctor niya dito?" pakinig kong tanong ni doctor Thomas kay Gio at sa mga kaibigan niya.
"Yes, kanina lang.." mabilis na sagot sa kanya ni Stefan. Prenteng prente lang ang pagkakaupo ng magkakaibigan sa malapad na couch habang pinapanuod ang kaibigan kong sobrang concerned.
"Thomas, please check Florence.." nahihimigan kong parang maiiyak na siya. Napapahilot na lang ako sa aking noo. Saang bansa nga galing ang babaeng ito?
"Okay na siya. Dumating na ang doctor niya kanina" tamad na singit ni Gio.
"See? I can't may sarili siyang doctor Camilla" paliwanag sa kanya ni Doctor Thomas.
"Atleast check her for second opinion! Paano kung mali pala ang sabi ng unang doctor? Paano kung hindi siya ganoon kagaling? God! Bakit sa ulo pa Florence..that's too dangerous" halos mapapadyak na lang siya habang pinagmamasdan ang benda ko sa ulo.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa inaasal ng kaibigan ko. Nakakataba ng puso..she's definitely concerned. Talagang hinila pa niya dito ang doctor niyang boyfriend.
"Bakit mukhang napaaga ang uwi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Oh god! Sinong hindi uuwi kapag nalaman mong nabagok ang ulo ng kaibigan ko? I have a lot of money to burn, hindi ako maghihirap sa pamasahe para umuwi lang at icheck ang kaibigan ko. Damn, you should be careful. Marami kaming nag aalala sayo. Padating na rin si Aira ngayon.." hindi ko alam kung maluluha ba ako o ano? Masyadong tumataba ang puso ko nito.
Hindi madaling makahanap ng katulad ng mga kaibigan kong ito.
"Salamat Camilla.." umiling lang siya sa akin at maarte niyang hinawi ang buhok niya.
"Ano ba talaga ang nangyari sayo? Bakit ka nadulas? Naliyo ka bigla--? Don't tell me? What the fvck?" nahuhulaan ko na ang ipinupunto ng tanong niya. No!
"Florence!" malakas na tawag sa pangalan ko.
Halos sabay sabay na naman kaming napalingon. Isa na naman sa kaibigan ko na may dala rin maleta. Nakasunod na rin sa kanya ang boyfriend niya na may dala rin na iba pang mga maleta. Tulad ni Camilla ay pawis na pawis rin siya at halatang nagmamadali.
"Oh my gosh! May amnesia ba siya?" nangangatal na sabi ni Aira habang titig na titig sa akin.
"Okay, padami na sila ng padami" pakinig kong kumento ni Patrick.
"Wag ka namang OA, Aira. Nakikilala pa tayo chill" agad umupo sa kabilang side ng kama si Aira. Kitang kita ko sa mga mata ng kaibigan ko ang pag aalala.
"Don't worry sabi ng doctor ay ayos na ako" pagpapagaan ko sa loob nila.
"Okay, lapat lapat na. Aalis na tayo.." natatawang sabi ni Patrick. Nakaupo lang naman sa mahabang couch si Jare na humihikab na, Dr. Thomas na panay ang tingin sa wristwatch, Stefan na nakangisi, Gio na kunot noo at si Patrick na tatawa tawa. Tamad na tamad silang nanunuod sa kadramahan namin tatlo dito.
Napapanguso na lang ako. They're all gorgeous. Iba't ibang klase, from bad boy type, professional type, cute looking, rude and jolly.
Muli sana kaming magdadramang tatlo dito nang nabuksan na naman ang pintuan. Niluwa lang naman nito ang dalawa sa naggwapuhang Ferell. Bakit ang bilis namang makarating sa kanila ang balita?
Halos hindi maipinta ang mukha ni Owen at Troy nang makita ang hitsura ko.
"What the fvck? Sila din?" pakinig kong sabi ng pinsan ko.
"What the hell? What happened? Are you okay? Anong sabi ng doctor sayo?" napatayo na sa kama ko ang dalawa kong kaibigan na nakakunot ang noo sa pagdating ng dalawang Ferell.
"Okay na ako Troy..." sagot ko sa kanya.
"We can ask for second opinion. I'll call our doctor" nakitang kong nagdidial na si Owen sa kanyang telepono.
"She's fine, look" sabat ni Camilla habang itinuturo niya ang boyfriend niyang si Dr. Thomas.
"Pangalawang doctor na 'yan. Pangatlo na 'yang tatawagin mo" tamad na sabi ni Camilla. Nagsimula silang mangialam ni Aira ng mga prutas sa side table.
"What do you want Florence?" tanong sa akin ni Aira. Hindi na ako nakasagot pa kay Aira nang biglang sumingit si Troy.
"Papaanong nangyari? Nadulas? Why so careless Doll?" nakaupo ngayon sa magkabila ko si Owen at Troy.
"Nadulas.." maiksing sagot ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko sa paulit ulit nilang tanong sa akin.
"Anong nararamdaman mo? Okay na lang ba talaga? May kilala akong magaling na doctor Wada..." nag aalalang tanong ni Owen. Naririnig ko ang pag ismid ng pinsan ko sa naririnig niya sa mga Ferell.
"Okay na ako. Salamat sa pagdalaw niyo.." pinilit kong ngumiti sa kanila. Muli pa sanang magsasalita si Troy nang maagaw na naman ang atensyon namin lahat. Bakit kailangan sabay sabay silang magsidalawa? Ngayon lang ba nila nalaman na nasa hospital ako?
"Ilan pa kaya ang dadating?" pakinig kong kumento ni Jare. Ngayon naman ay nagsitayo si Owen at Troy para mapagbigyan ang padating kong kapatid.
Mabilis akong niyapos na Sapphire.
"Florence sorry. Dapat sinamahan na lang kita" bulong sa akin ni Sapphire. Pakinig ko ang paglaglag ng mga hawak ng kaibigan ko. Hindi pa nila alam ang bagay na ito.
"Anong nangyari? Ayos ka lang kahapon?" halos haplusin ni Sapphire ang mga braso ko para makita kung may anumang galos pa ako.
Umiling na lang ako sa kanya
"What the hell? Bakit ang daming tao dito?" natatawang sabi ni Kuya Nik na kadadating lang. Lumapit siya sa side table at iniabot ang mga prutas sa mga kaibigan ko. Agad na tumayo si Aldus sa kama para makalapit sa akin si kuya.
Mabilis niya akong hinalikan sa noo.
"Sorry.." bulong niya sa akin. Napapakagat labi na lang ako. Bakit sobrang dami nila ngayon? Hindi ko akalaing ganito kadami ang dalaw ko ngayon.
"Hindi ba at may limit ang dalaw dito? Mukhang hindi lang tayo sasampu sa kwarto ito. Hindi na natalab ang aircon lumabas na ang iba" pagtataboy ng pinsan kong si Gio.
Wala man lang kahit sinong gumagalaw sa kanila. Kung hindi lang siguro malaki ang kwarto ko ay hindi na kami magkakasya.
Hindi pa din umaalis sa kanilang pagkakaupo ang lima. Ang dalawa kong kaibigan ay nasa tapat ng side table, si Owen, Aldus at Troy ay kapwa nakapamulsang nasa tagiliran ng kama. Si Sapphire at Kuya Nik naman ay katabi ko.
Nakakataba naman ng puso ang mga taong ito. Iniisip ko sanang ilihim na lang ito, mas mabuting sa pagitan na lang naming magpipinsan ito. Pero ito ngayon at halos lahat ata sila ay narito para dalawin ako.
"Oh oh, ito na siguro ang kaisa isang hospital room na punong puno ng mga gwapong nilalang..." natatawang sabi ni Camilla. Kitang kita ko ang pag ngisi ng 'magagandang lalaki' sa sinabi ng mga kaibigan ko.
"Camilla, spell maganda nga?" pagbibirong sabi ni Aira habang nagtatalop ng mansanas.
"F L O R E N C E ba?"
Kahit ako ay wala ng masasabi. Mula sa maangas kong pinsan..idagdag pa ang tatlong Ferell na pinagpapantasyahan lang naman ng mga kababaihan. Ang nagagwpuhang kaibigan ni Gio, si Dr. Thomas at Jare. Damn.
Matatanong mo sa sarili mo. Anong klaseng hospital room ito?
"Damn! I'm late how's Florence?" pakinig ko ang bigat ng paghinga niya. Halata sa boses niya ang pagmamadali, mukhang tinakbo pa niya para lamang makarating agad sa kwarto ko.
Dapat hindi mo na lang ako pinuntahan dito Ashong, dapat inisip mo muna ang sarili mo sa pagkakataong ito. Dapat hindi muna ako. Halos mahawi lahat ng mga nakaharang sa akin. Malalaki ang hakbang niya para marating lang ang kama ko. Agad tumayo si Kuya Nik at Sapphire para sa kanya.
"Oh oh, here comes the fiancé" pakinig kong bulong ni Camilla.
"Florence..." nang sandaling marating niya ang kama ko ay agad niyang hinuli ang mga pisngi ko.
"Florence naman, ingatan mo ang sarili mo. Wag naman pati ikaw. Florence.." nahihirapang sabi niya. Napapahikbi na lang ako. Wala man lang nagsasalita sa mga taong nasa paligid namin. Wala ng pakialam sa kanila si Ashong.
"Ash---" hindi na ako muling nakapagsalita nang may marinig akong panibagong boses.
Mas lalong humataw ang dibdib ko. Bakit kailangan niya pang pumunta dito? He can't, alam niyang hindi pwede. Ano itong ginagawa niya?
"Fvck! Where's my Florence?" nangatal ako sa sinabi niya. Oh god Nero! Ramdam ko ang unti unting pagbaba ng mga kamay ni Ashong mula sa mga pisngi ko.
Sigurado akong hindi lang ako ang pigil ang paghinga ngayon, maging ang mga taong nasa loob ng kwartong ito ay hindi man lang makagawa ng ingay o kilos.
What is going to happen?
"Why are you here Nero?" agad tumayo si Ashong na nag iigting ang bagang. Nahihirapan na naman akong huminga. Damn. Bakit sa dami ng pwedeng mangyari ay ganito pa?
"I want to visit her. I want to see her. May problema ka?" matigas na sagot ni Nero na halos ikinatulala ko. At hindi lang ako maging ng lahat ng tao dito sa malaking kwartong ito.
Bakit ang lakas lakas ng loob niya?!
"Oh shit. I don't like this..." pakinig kong bulong ng kapatid ko.
Maging ang mga lalaking nasa loob ng kwartong ito ay naalarma na sa tindi titigan ni Nero at Ashong. Agad nagsitayuan na ang mga nakaupo kanina, sina Owen, Aldus at Troy ay maagap nakalapit sa pinsan nila. Habang alerto si Kuya Nik na malapit kay Ashong.
Fvck! What is this goddamn situation?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro