Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33


Natigilan ako sa narinig ko mula sa mama ni Ashong pero kahit anong hina ng boses niya, agad rumehistro sa aking isipan ang mga salitang sinabi niya.

Kasal?

Kahit si Ashong ay natigilan din sa sinabi ng mama niya. Kasal? Napapikit na lang ako. Ano na naman ito Florence? Hindi pa ako nakakabawi mula sa sinabi ni Tania sa akin, mukhang ito na naman at may panibago na naman akong isipin.

May sakit ang taong kaharap ko ngayon at alam kong kahit isang simpleng salita ay maaaring makasama sa kalagayan niya ngayon.


Huminga muna ako ng malalim, alam kong sa pagkakataong ito ay walang lakas si Ashong na sagutin ang tanong ng mama niya. Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Tita Elisa. Come on Florence, you can do something for him atleast.


"Yes, tita pag uusapan po namin 'yan ni Ashong" kitang kita ko ang bahagyang pangiti ni Tita Elisa sa sinabi ko.

Samantalang si Ashong naman ay lumingon sa akin ng may nagtatanong na mga mata. Sa halip na sagutin ang mga mata niya ay pinili kong iwasan ito.


"Anak, magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahala sa mama mo" napalingon kami ni Ashong sa boses mula sa likuran namin. Kahit ang papa ni Ashong ay kakikitaan ko na ng panlalambot. Bahagya lamang siyang tumango sa akin bilang pagbati.


"Ashong, let's go" marahan kong pinisil ang balikat niya.


"Ma, babalik po ako" hinalikan niya sa noo ang kanyang ina bago siya tuluyang tumayo.


"Pa..babalik agad ako" tinapik ng kanyang ama ang balikat ni Ashong.


"Florence hija, samahan mo muna si Elias.." marahang sabi sa akin ni Tito. Hindi na niya kailangang sabihin, hindi ko iiwan si Ashong sa mga oras na ito.


"Opo tito, ako na po ang bahala sa kanya.." maiksing sagot ko.

Nang nakalabas na kami ng kwarto ay dirediretso lang ng lakad si Ashong. Hindi ko alam kung sasabayan ko ba siya o hahayaan ko muna siyang mag isa?

Gusto ko lang gawin ay yakapin at aluin siya. Ang sama pala talaga sa pakiramdam na makitang nagkakaganito ang taong lagi mong nakikitang nakangiti at tumawa sayo. Ang taong walang ibang ginawa kundi patawanin at pangitiin ka. I'm too useless, wala man lang akong magawa para sa kanya.


Natigil ako sa pagsunod sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.


"Bakit mo sinabi 'yon? Baka umasa si mama Florence...." nahihirapang sabi niya.


"Ano sa tingin mo ano ang dapat kong sabihin? hindi pwede? Na wala sa plano natin? I can't do that Ashong.." mahinang sagot ko sa kanya. Wala kong ibang pwedeng sabihin sa mama niya ng mga oras na 'yon.


"Ayokong napipilitan ka Florence.." kinapa ko ang sarili ko sa sinabi niya. Napipilitan lang ba ako? All I want is to help him..all I want is to do something for him.

We need white lies sometimes Ashong.


"Hindi ako napilitan nang sabihin ko 'yon...mas mabuting iparinig natin sa kanya ang mga gusto niyang mangyari para gumaan ang pakiramdam niya. Saka na natin isipin ang mga susunod, ang mahalaga magpahinga ka muna. You need sleep Ashong, kailangan mo rin ng lakas.."

Hanggang sa makarating kami sa condo niya ay nanatili na lang siyang tahimik at hindi nagsasalita. Wala rin akong mahanap na salita na maaari kong sabihin sa kanya kaya sa huli nanatili na rin akong tahimik at nakikiramdam sa kanya.

Nang makarating na kami sa loob ng condo niya ay agad niyang ibinagsak ang sarili niya sa malapad na couch. Inilagay niya ang kanyang braso sa kanyang mga mata para matakpan ito mula sa ilaw.


"Ipagluluto kita Ashong, anong gusto mo?" tanong ko sa kanya. Nanatili lang siyang tahimik at hindi niya ako sinasagot.


"Hindi ka ba nagugutom? Pakikialaman ko na ang kusina mo Ashong..sa kama ka na mahiga, dadalhan na lang kita" marahan kong hinawakan ang kanyang mga braso.

Naiintindihan ko ang sitwasyon niya ngayon. 

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, nagdiretso na ako sa kusina para maluto ang anumang pagkain. Pinili kong magluto ng alam kong hindi na kailangan ng matagal na oras. 

Hindi rin naman ako nagtagal ng isang oras ay natapos na ako sa kusina. Agad kong dinala ang mga pagkain, malaki ang pasasalamat ko at hindi na sa couch nakahiga ngayon si Ashong. Mabuti at nakinig siya sa akin kahit papaano. Pumunta ako sa kwarto niya at katulad pa rin nang kung anong posisyon niya sa couch kanina ay ganoon ko din siya natagpuan. Hindi man lang niya inabalang tanggalin ang sapatos niya.

Agad kong inilapag sa side table niya ang dala kong pagkain.


"Ashong? Tatanggalin ko na ang sapatos mo.." bahagya ko siyang niluhod at sinimulan kong tanggalin ang sapatos niya. Napapakagat labi na lang ako. Ito na lang siguro ang mga bagay na kaya kong gawin sa kanya sa mga oras na ito.

Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kama. At nagulat na lang ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. Napatingala na lang ako kay Ashong nakaupo na ngayon sa kama.


"Florence..." pinilit niyang ngumiti sa akin.


"It's okay. I'm fine, umuwi ka na. Naaabala na kita" mahigpit ang iniiling ko.


"No Ashong. I won't leave you like this..I can't, hinding hindi kita iiwan ng ganito" sinimulan kong tanggalin ang isa pa niyang sapatos na agad na naman niyang pinigilan.


"Ako na, tumayo na Florence.." hindi na ako sumagot nang siya na mismo ang naghubad ng sapatos niya. Pumunta ako sa side table niya at kinuha ko ang tray ng pagkain.


"Kumain ka muna Ashong.." iniabot ko sa kanya ang tray.


"Thanks.." tipid na sagot niya. Umupo na rin ako sa kama niya.


"What about you? Kumain ka na?" marahan lang akong tumango sa kanya. Nagsimula na siyang kumain habang ako ay tahimik lang na nanunuod sa kanya. Ashong, hindi ko kayang tumagal na ganito ang sitwasyon niya. Ang pinakamasayahing lalaking nakilala ko ay nakikita kong naghihirap ngayon. Ang sakit sa dibdib.


"Napakagaling mo talagang magluto Florence..akala ko dati maganda ka lang talaga" kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako sa sinabi niya pero ngayon ay wala akong lakas na tumawa.


"Ashong, kumain ka na lang" pilit ko na lang siyang inirapan. Natapos naman siyang kumain, mabuti at naubos niya.


"Florence, magbibihis ako" naalarma ako sa sinabi niya.


"Sige, lalabas na muna ako" nagsisimula na akong lumabas sa kwarto niya nang mapansin kong bahagya na siyang makagalaw. Ashong.

Wala na akong lakas na humakbang palabas, muli ko siyang binalikan.


"Diyan ka na lang Ashong..ako na ang kukuha ng damit mo" agad akong nagpunta sa cabinet niya at naghanap ng pwede niyang suotin. Pinili ko ang puting tshirt na maaliwalas suotin.


"Here" abot ko sa kanya.


"Thanks.." kung titingnan ang lamyang gumalaw ngayon ni Ashong. Parang tamad na tamad siya sa buhay niya. Hindi ko alam kung may sakit ba siya o ano? Ako ang nahihirapan sa tuwing nakikita ko siyang ganito.


"Let me do it" tinanggal ko ang kamay niya sa mga butones ng polo niya.


"Florence..." pinigilan niya na naman ang dalawa kong kamay. Itinaas ko ang paningin ko at sinalubong ko sa kanya.


"Iwan mo na ako..." mahinang sabi niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.


"Wha..t?" naguguluhang tanong ko.


"I'm letting you go Florence..."


"Ashong..." pangalan lang niya ang kaya kong masabi. Ano itong sinasabi niya? Hindi ko siya kayang iwan sa sitwasyon niya ngayon.


"Hangga't maaga pa Florence lumayo ka na sa akin, hihilingin din ni Papa na makasal na tayo. Maiipit ka, ayokong gawin 'yon sayo.." napatulala na lang ako sa pagod na mukha ni Ashong.


"You know, how much I wanted to marry you Florence. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag iniisip kong makakasal ako sa isang maganda, mapagmahal at maalagang Almero. You know how much I wanted be your groom, your husband.. pero hindi sa ganitong paraan. I can't do this to you..." bahagya niyang hinaplos ang mukha ko.


"Ashong.." wala akong masabi sa kanya.


"Ayokong iniipit ka. Ayokong isipin mo na iniipit kita sa sitwasyon ko. I can't do it..hindi ko kaya gamitin ang sakit ng aking ina para makuha ka. Hinding hindi ko 'yon gagawin sayo at sa aking ina.." hindi ko alam pero nangingilid na naman ang mga luha ko. Bakit ako na naman ang iniisip ni Ashong? Bakit kapakanan ko na naman? Bakit ako pa rin ang iniisip niya ngayon?


"Ashong, kahit kailan hindi kita kayang pag isipan ng ganyan.." halos hindi ko na mabilang ang pag iling na nagawa ko.


"I know, pero isipin mo na lang Florence. Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko, alam kong mahihirapan ng makarecover si Mama, pipilitin ni papa masunod ang huling hiling ni mama..makakasal ka sa akin ng labag sa loob mo Florence, makakasal tayo. Ito ang ayaw kong gawin sayo.." nagpatakan na ang mga luha ko. Bakit napakaswerte ko? Bakit ako nakakilala ng taong katulad ni Ashong? Bakit sa kabila ng sakit ng kanyang ina ay ako pa rin ang iniisip niya? Damn.


"Anong dapat kong gawin? Ashong. I want to help you badly.." hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyapos ko na siyang mahigpit. Bakit wala na naman akong magawa?

Simula nang magkita kaming dalawa ay wala na siyang ginawa kundi tulungan ako. Bakit ngayong siya naman ang nangangailangan ay wala akong magawa para sa kanya? I'm damn hopeless.


"But you can't tie yourself on me Florence, ikaw rin ang mahihirapan sa huli ayokong pahirapan ang babaeng mahal ko. Ayoko kitang pahirapan...ito ang huling bagay na gagawin ko sayo Florence. I'm setting you free bago pa mahuli ang lahat at tuluyan ka ng maipit.." bulong niya sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Ashong, Ashong bakit ako? Bakit ako minahal ng isang Ashong na katulad niya?


"Sasabihin ko na lang kay Mama at Papa na hindi pa tayo handa sa kasal.." lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang isipin ang ilang araw na nagkasama kami ni Nero. Fvck! Ang sama ko. Ang sama sama ko. Gusto kong pagsasampalin at lunurin ang sarili ko. Saan ako kumuha ng lakas ng loob para lokohin ang lalaking katulad ni Ashong?


"Ashong, sorry sorry sorry. I want to help you, just tell me..." kinalas niya ang pagkakayapos ko sa kanya at marahan niyang pinunasan ang mga luha ko sa mata. Pilit siyang ngumit sa akin


"Just leave me. Iwan mo muna ako Florence. Magpapahinga muna ako, I need to sleep" hindi na ako nakapagsalita sa kanya. Tumango na lang ako at nagsimula nang bumaba sa kama.


"Babalik ako dito mamaya Ashong.."


"Just think about it Florence, mahal kita pero hindi kita kayang ikulong..." hindi na ako sumagot sa kanya, mabilis na akong lumabas sa kanyang kwarto. Agad akong nagpunta sa banyo at hinilamusan ko ang sarili ko.

Sa mabilis na sandaling iniluha ko, makikita agad ang pamumugto ng aking mga mata. I can't do anything! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingin na lang ako sa telepono kong nagvivibrate. Si Nero ang tumatawag.

Kagat labi ko itong pinatay. Hindi ko alam kung papaano ko pa siya kakausapin mali itong ginagawa namin. Kapwa kami may fiancé, kapwa kami nanloloko ng tao. We're the worst.


Pilit kong inayos ang aking sarili bago ako lumabas ng condo ni Ashong. Napag isipan kong dito muna ako mananatili ng ilang araw sa condo ni Ashong. Kailangan ko lang munang kumuha ng ilang gamit ko sa bahay. Agad kong itinext si Gio at Kuya Nik na kapwa wala daw sa bahay dahil abala sa kanikanilang negosyo.


"Nasaan ang kambal kuya?"


"Nasa Batangas.." sagot sa akin ni Kuya Nik sa telepono.


"Kuya kay Ashong muna ako titigil ng ilang araw.." natahimik ang kabilang linya.


"Alright Florence narinig ko ang nangyari sa mama niya, dadalaw kami kung may pagkakataon kami. Pero Florece.. wala ba silang hinihiling sayo?" ako naman ang natahimik sa tanong ng pinsan ko. Napakagaling talaga ni Kuya Nik mangapa ng mga pangyayari.


"Hindi ko na alam ang gagawin ko kuya. I wanted to help him but..." hindi ko naisunod ang sasabihin ko.


"Gawin mo ang alam mong tama, gawin mo ang makakapagpasaya sayo. Sundin mo ang puso mo Florence..." how? It's damn conflicting!


"I don't know kuya, hindi ko na alam" ano na naman ang gagawin ko? Tatakbo? Damn.


"Isipin mong mabuti ang sinabi ko sayo. Take care Florence, see you next week. I love you"


"I love you too kuya..." pinatay ko na ang telepono ko.

Agad akong nagdiretso sa bahay. Mukhang ako na naman ang tao mag isa sa malaking bahay na ito, linggo ngayon at walang mga katulong. Pero hindi pa naman ako nakakailang hakbang papasok ng bahay nang may narinig akong nagdoorbell. May bisita si Kuya Nik?

Humakbang ako pabalik para buksan ang pintuan. Hindi ko alam pero bakit bigla na lang akong kinabahan? At halos magpanting ang pisngi ko sa isang malakas na sampal.


Isang malakas na sampal na isinalubong sa akin ng luhaang si Cassidy. Nasa likuran din niya ang mama ni Nero na may masamang titig sa akin.


"Malanding babae" malamig na sabi ng mama ni Nero. Mabilis niyang isinabog sa akin ang mga litrato namin ni Nero na magkasama sa resort. Hindi ako makagalaw sa mga litratong nakikita ko. Mga litrato namin ng pangalawang araw.

Ang halik ni Nero sa akin sa coffee house, ang pagbulong niya sa tenga ko, ang pag akbay niya sa akin, ang pagyapos ko sa kanya nang pinipigil ko siya sa foreigner.

Hindi pa ako nakakarecover sa sampal ni Cassidy at sa mga litratong unti unti kong pinagmamasdan nang marahas siyang lumapit sa akin at agad niyang hinila ang buhok ko.


"Malandi ka! Alam mong may fiancé siya! Kinalantari mo pa si Nero! Malandi ka! Dapat hindi ka na bumalik! Sana namatay ka na lang malandi ka! Malandi" natumba kaming dalawa. Shit! Pinilit kong inaaalis ang mga kamay niya sa buhok ko pero wala akong magawa.

Nakaibabaw siya sa akin habang patuloy ang pagsabunot niya sa buhok ko. Halos ihampas na niya sa matigas na sahig ang ulo ko ng ilang beses. Naliliyo na ako, galit na galit siya na parang papatay ng tao.Damn, hinang hina na ako sa mga pangyayari..wala na akong lakas manlaban.

Kasalan ko rin naman ang lahat, mali ang ginawa namin ni Nero kaya ito at bumalik na sa akin. Nagsisimula ng bumalik ang kasalanang ginawa ko.


"Cassidy hija, tama na 'yan. Hindi pagsabunot sa buhok ng malanding 'yan ang pinunta natin dito huwag kang magpakababa katulad ng babaeng 'yan" nagtuluan na ang mga luha ko..ilang masasakit na salita pa kaya ang maririnig ko mula sa ina ng lalaking mahal ko?

Hindi nakikinig si Cassidy at patuloy lang siya sa pagsabunot at pagsasampal sa akin. Naiiyak na ako.


"Malandi ka! Dapat ang mga katulad mo pinapatay!" pinagsasampal naman niya ako ngayon. Wala akong ibang ginawa kundi salagin ang mga ginagawa niya.


"Cassidy tama na 'yan. Kahit ilang sabunot ang gawin mo kanya..ay maninira at maninira pa rin siya ng pamilya. Magkatulad na magkatulad sila ni Alyanna! malalandi!" hindi ko na kinaya pa ang sinabi ng mama ni Nero. Not with my mom! Oo mali ang ginawa ko! Pero hindi niya dapat isama pa ang nananahimik kong ina!

Marahas kong tinabig si Cassidy sa ibabaw ko at mabilis akong tumayo at sinalubong ang mama ni Nero. Saan ako kumuha ng lakas para ibalya si Cassidy? Sa pangalan ng aking inang dinamay niya.


"Bawiin mo ang sinabi mo" matigas na sabi ko.


"Malandi kayong mag ina" taas noong sabi niya na nagpataas pa ng dugo ko. Nangangatal na ang buo kong katawan sa sinabi niya. Gusto ko siyang saktan, gusto kong hilahin ang dila niya. Gusto kong bawiin niya ang sinabi niya. Huwag si Mama.

Sa huli nag unahang tumulo ang aking mga luha. Gusto kong bumawi sa kanya pero naaalala ko si Nero,  siya pa rin ang nagluwal sa lalaking pinakamamahal ko.


"Hindi ba at sinabi ko sayong layuan mo na ang anak ko? Hindi ka ba makaintindi? Ayoko sayo Almero" pumikit na lang ako at lakas loob akong humakbang sa pintuan.


"Lumabas na kayo, lumabas na kayo sa pamamahay ko" pinilit kong patapangin ang boses ko.


"Hindi mo muna ba papakingggan ang sasabihin namin sayo?" nanunukat na tanong sa akin ng mama ni Nero.


"Lumabas na kayo, wala akong gustong marinig mula sa inyo" nangangatal na ang kamay ko sa pintuang hawak ko.


"Bakit hindi mo muna tingnan ang pang aakit mo sa anak ko? Tingnan mo ang kalandian mo sa anak ko. Tingnan mo ang mga litratong 'yan. Bumalik ka na naman para manggulo! Hindi ka na nahiya, may fiancé ka ng tao, kinakalantari mo pa rin ang anak ko. Maduming babae, hindi ko hahayaang may masamang kagaya mo sa pamilya ko, not with my son" napapakagat labi na lang ako sa sinasabi niya. Florence wag mo siyang patulan, nanay siya ni Nero, nanay siya ni Nero.


"LUMABAS NA KAYO! TRESPASSING NA KAYO! MAGPAPATAWAG NA AKO NG PULIS" sigaw ko sa kanila.


"Huwag ka mag alala, aalis na rin kami. Hindi ko masikmurang tingnan ang pagmumukha mo Almero" sagot sa akin ni Cassidy.


"Ang mga litratong 'yan ipadadala ko kay Elisa.." napanganga na lang ako sa sinabi ng mama ni Nero. No! Not with her situation, hindi kakayanin ni Tita.


"No! Hindi pwede, she's your friend! Maaaring may mangyaring masama sa kanya, please wag" nanghihinang sabi ko sa kanya.


"Dapat nag isip ka muna bago mo nilandi ang anak ko" matigas na sagot sa akin ng mama ni Nero.


"Lubayan mo na ang anak ko, kausapin mo siya ngayon pagbibigyan kita" hindi na ako makapagsalita.


"I can't.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Then congratulations Almero! Papatay ka na naman ng tao, sa bagay sanay ka na namang kumuha ng buhay ng iba. Una ang mga magulang mo, dinamay mo pa pati ang buong angkan ng mga Ferell. Sa katunayan pinatay mo na ang isa ang kapal naman ng mukha mong akitin pa ang anak ko? Ayos na ang lahat Almero, bumalik na naman..." napayuko na lang ako. Nagbabalik na naman, nagbabalik na naman. Ayoko na.


"You're a monster. Killer! Mang aagaw ka na naman ng buhay.." pahabol na sabi ni Cassidy. Sabay silang naglakad palabas ng mama ni Nero at kapwa nila ako sinadyang sagiin.

Napaupo na lang ako sa malamig na sahig hindi na kaya ng tuhod ko. Napahawak na lang ako sa ulo kong kumikirot.


At napaiyak na lang ako ng may nakita akong dugo rito.


Tama pa bang bumalik ako?


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro