Chapter 32
Chapter 32
Hindi mo lang alam Nero kung gaano ko kagustong manatili kasama mo. Pero habang ngayong hindi pa maayos ang lahat, kailangan kong gawin ang alam kong tama.
Kailangan ako ni Ashong ngayon, bakit siya nasa hospital ngayon? Anong nangyari sa kanya? Lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Sana ay ayos lang siya, sana ay walang nangyaring masama sa kanya.
Pagkasakay na pagkasay namin sa van ni Antonia ay agad niyang sinabi sa driver niya ang hospital na kailangan kong puntahan.
"Salamat talaga Tanya.." nahihiyang sabi ko sa kanya. Parang noong kabilang linggo ko lang siya nakachat at ito na siya ngayon at kaharap ko na.
Katulad pa rin siya ng dati. Stunning like a model, oh well. Modelo nga pala talaga siya. Bumagay sa kanya ang maiksing buhok niya ngayon.
"No problem, dadaan din naman ako sa St. Lukes" natatawang sabi niya.
"Sinong pupuntahan mo?" nagtatakang tanong ko.
"Si August na nagbabantay sa boyfriend niyang nakaadmit" tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko na siguro kailangan pang alamin kung bakit.
"Bakit ka nga pala nasa La Cortez ngayon?" hindi ko akalaing magkikita kami ngayon.
"Boy hunting?" ngising sagot niya sa akin.
"Huh? What about your boyfriend? Dylan nga ba?" sa pagkakatanda ko ay may boyfriend siya noon.
"Matagal na kaming tapos.." maiksing sagot niya sa akin. Sa tono ng boses niya alam kong ayaw niya na itong pag usapan.
Napakagat labi na lang ako, dapat ay hindi ko na lang siya tinanong.
"Oo nga pala Florence..don't forget, next week will be our first gathering this year.. Inaasahan ka ng mistress, nawala ka ng anim na taon. You don't even contacted us for those years. You should show yourself even sometimes.."
Nag isip muna ako ng ilang segundo bago ako nagsalita at sagutin siya.
"Sorry, sinadya ko talagang hindi makipagcommunicate sa Aylip. Alam mo naman ang gulo ng buhay ko, I need to settle my life before anything else.." mahinang sagot ko sa kanya
"Pero dapat kahit minsan ay alamin mo rin ang nangyayari sa Aylip Florence, but you never tried once wala ka ng pakialam" sagot niya sa akin
"Kailangan kong mas bigyan ng pansin ang mas mahahalagang bagay Tanya. I need to set aside Aylip..I have my life to deal with, wala na akong panahon sa Aylip. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo naranasan ang buhay ko, so please.." iniwas ko ang mga mata ko sa kanya.
"Florence, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Aylip is part of your life..sa tingin mo ba ay may 'life' ka pa na masasabi ngayon kung walang Aylip na tumulong sayo noon? Hindi mo dapat binabalewala ang Aylip, dahil utang mo dito ang buhay mo. We're friends Florence..pero hindi ko gusto ang ginagawa mo, hindi ko gusto ang pananaw mo. You should atleast respect our mistress and show yourself even sometimes. Pinasok mo ang Aylip dapat panindigan mo"
May punto siya pero sa tuwing sasagi sa isip ko ang Aylip ay kumikirot ang dibdib ko. Mahigpit ang pagtutol nila sa relasyon namin ni Nero at kahit ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang kanilang patakarang ito.
Mapait lang akong ngumiti, kung alam ko lang simula umpisa na ganito kabigat ang organisasyon na ito. Hindi ko na tinangka pa na sumama kay Ate Tinay.
"Sabihin mo nga sa akin Tanya? Coincidence ba na nasa La Cortez ka ngayon? O talagang pinadala ka ng Aylip para kausapin ako?" bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. Kung ganoon ay tama ang hinala ko simula umpisa.
"Both? Inutusan na talaga ako ng Aylip na kausapin ka, pero hindi ko akalain na mapapaaga ang pag uusap natin. Tutal nasa La Cortez ka na rin, I did grab the opportunity to talk to you.." pag amin niya sa akin.
"Bakit parang napa active mo ngayon sa Aylip? Hindi ka ganitong kaaktibo noon"
"Oh well, ganito talaga ang mangyayari sayo kapag ipinagpalit ka sa iba" pabiro niya itong sinabi sa akin pero alam kong may laman.
Hindi ko alam ang isasagot ko at sa huli siya ulit ang nagsalita.
"Ang tagal nyo na rin ni Nero..nakakainggit kayo. Wait? Hindi ba at may fiancé na siya? 'yong anak ng senador? Pati ikaw hindi ba? Bakit kayo magkasama ngayon?Oh, I smell something fishy.." nanatili na lang akong tahimik at mas pinili ko na lang pagmasdan ang mga nadadaanan namin sa labas.
"Okay, I won't ask you about that. Pero may ilan ka naman sigurong nasagap na balita tungkol sa Aylip pagkatapos ng insidente sa birthday mo?" muli akong lumingon sa kanya. Kahit katiting na balita ay tinanggihan kong pakinggan ng mga panahong 'yon.
"Wala akong alam na kahit ano" sagot ko.
Halos mapanganga siya sa simpleng sagot ko. May dapat pa ba akong malaman?
"What? Hindi mo alam? May mga miyembro nang nakakita sa mistress, nagpakita na siya para ipagtanggol ka, para magpaliwanag sa mga miyembro ng Aylip" what?
"I don't understand, anong ipinagtanggol? Magpaliwanag? Bakit? I don't get it Tanya..." kunot noong sagot ko sa kanya na mas ikinamangha niya. Dapat ko ba itong malaman?
"Oh god Florence..Nang pumutok ang malaking balita na naglabas ng napakalaking pera ang mistress para matulungan ka sa nangyaring paghijack sa atin sa barko maraming miyembro ang umalma. Umalma..hindi lamang sa laki ng perang ginastos ng organisasyon kundi pati na rin sa posisyon mo, malaki ang iginigiit nilang ordinaryong miyembro ka lang bakit kailangan kang bigyan ng malaking pansin, bakit kailangang pagkagastusan ka ng bilyon gayong kahit ang ibang miyembro na may posisyon at pangalan sa organisasyong ito ay hindi kailanman pagkagastusan ng ganoon kalaking halaga. Kahit ako Florence namangha ako sa pagdating ng Aylip..oo kami ni August ang humingi ng tulong..akala ko noon ay basta na lang tayo itatakas sa gulo at pababayaan na nila ang ibang tao pero inako lahat ng Aylip ang pagtulong.. dahil sa pag uutos ng mistress.." ako naman ngayon ang napapatulala. I don't know this...I don't know this.
"Hindi gawain ng Aylip na makigulo sa isang bagay na maaaring magbunyag sa buong organisasyon..pero sumugal ang mistress at pinagpilitan niya pa rin isalba ang lahat ng tao sa barko. That's too risky Florence..na kahit kailan ay hindi inakala ng mga miyembrong magagawa ng mistress..magagawa ng dahil sayo" dahil sa akin but why? Bakit ginawa 'yon ginawa ng mistress para sa akin?
"Matagal ko na itong gustong itanong sayo Florence..isang tanong na sana maamin mo sa akin. Anong relasyon mo sa Aylip mistress Florence? You're too special for her na kaya niyang isugal ang buong organisasyon para matulungan ka..Who are you Florence?"
Halos hindi na ako makahinga sa tanong sa akin ni Tanya. Wala akong mahanap na salitang dapat sabihin. Hindi ko kilala ang Aylip Mistress. I don't know her!
Ilang beses akong umiling sa kanya. Hindi ko alam, hindi ko alam.
"Hindi ko siya kilala, nagsasabi ako ng totoo. I don't know her, hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa Aylip.. hindi ko alam na bukod sa pinsalang nagawa ko sa mga Ferell, may unti unti na naman akong sinisira.."
Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko. Shit! Nahihirapan na naman akong huminga. Damn. Not now Florence.
"Simula pa lang alam kong espesyal na ang tingin sayo ng mistress Florence.. nang sinabi mo sa amin ni August na 17 ka pa lang at kasama ka na sa Aylip, isa na 'yong malaking tanong. Hindi 'yon basta palalampasin ng mistress, dahil labag sa patakaran ang pagsasali ng menor de edad pero bakit pinalampas ka? Hindi ka man lang nakakaattend sa iba't ibang gathering pero ayos lang sa kanya..Hindi ba kung titingnan Florence, hindi na tama ang ginagawa mo? Sobrang dami ng ginagawa sayo ng Aylip pero ikaw naman itong walang pakialam. To tell you the truth..you're being unfair Florence..hindi na tama ang ginagawa mo"
Napapayuko na lang ako.
"Babayaran ko na lang ang Aylip..." napapikit na lang ako sa isinagot ko. Damn.
"That's ridiculous Florence, hindi birong halaga ang ginamit ng organisayon para isalba ang buhay mo at ang buhay ng mga taong nasa barkong 'yon, from their guns, choppers, medical purposes..those hired Aylip agents and even our Aylip ship..kahit magbayad ka sa buong buhay mo, hindi mo ito mababayaran kahit kalahati man lang"
Nangangatal na ang buo kong katawan sa usapan namin dalawa. Hindi ko alam ang mga bagay na ito. Masyado akong naging kampante sa pamamalagi ko sa ibang bansa hindi ko akalain na may ganito pa lang naghihintay sa akin.
Ang organisasyong dapat pinag isipan kong pasukin.
"What should I do then? Wala akong ideya kung bakit ganito na lang ang pagtulong sa akin ng mistress ng Aylip. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi mo..bakit hindi na lang ako itakwil ng organisasyon dahil sa pinsalang ginawa ko? Nalilito na ako Tanya.." hindi ko na alam kung nakakailang iling na ako.
"Because you refused to communicate with us! Lahat ay sinalo na ng mistress, siya ang sumalo ng mga bato sayo ng organisasyon, ano nga naman ang karapatan mong tumanggap ng ganoong pagpapahalaga kung ikaw mismo ay walang pagpapahalaga sa ating organisasyon? Magkaibigan tayo, pinipilit kong isipin na may rason ka para sa pag iwas mo, kailangan mo muna ng panahon para maghilom sa pangyayari sa buhay mo. Pero ano na itong ginagawa mo? Hindi ka man lang naaalarma Florence..Buhay ka ngayon dahil sa Aylip..humihinga ka ngayon dahil sa Aylip..sana naman isipin at tandaan mo ang bagay na ito.."
"I'm sorry Tanya. Hindi ko alam, hindi ko na alam. Paano ako babawi sa Aylip?" nangangatal na tanong ko sa kanya.
"Ngayon alam mo na..hindi birong organisasyon ang Aylip kahit minsan ay seryosohin mo. Sa pagbawi mo? Hindi ako ang may desisyon niyan..ang mistress. Alam mo ba na hindi iilang miyembro ang naiinggit sa paraan ng pagtingin sayo ng mistress, kahit ako inaamin ko. Naiingit ako..marami kaming mas karapat dapat bigyan ng atensyon pero ikaw at ikaw pa rin. You're a mystery Florence, anong mayroon sayo?" naniningkit ang mga mata niya ngayon.
Hindi ko siya masisisi, kahit ako ganito rin ang tanong ko sa sarili ko. Anong mayroon sa akin at ganito na lang ako bigyan ng pansin ng mistress?
Umiling na lang ako bilang sagot sa kanya, kahit ako ay hindi ko alam. Dapat ay hindi talaga ako nakakatanggap ng ganito mula sa Aylip pero bakit? Sino ba talaga ang mistress na 'yon?
Hindi na kami muling nag usap ni Tanya, mas pinili na lang naming manahimik. Hindi ko inaasahan ang mabigat na usapang ito. At kahit hindi na kami kapwa nagsasalita ay halos marinig ko na ang pagtibok ng aking puso.
Hindi ko na alam kung saan na ba akong kinakabahan sa kalagayan ni Ashong? O sa usapan namin ni Tanya?
Bakit kailangang magsabay sabay na naman ang problema ko?
Nang tumigil na ang sasakyan ay nagmadali na akong bumaba.
"Mauna na ako Tanya, salamat" bahagya lang siyang ngumiti sa akin.
"Hinihintay ka ng mistress Florence..huwag mo siyang biguin sa pagkakataong ito" tumango na lang ako sa kanya bago kami tuluyang naghiwalay.
Bahagya kong ipinilig ang ulo ko. Kailangan ako ni Ashong ngayon..huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang aking telepono at idial ang number niya.
Nakadalawang ring muna bago niya ito nasagot.
"Nandito na ako, saang room ako pupunta?" bungad ko sa kanya.
"Room 407" paos na sabi niya. Is...is he crying? Oh god Ashong.
"Okay, hintayin mo na lang ako" halos takbuhin ko na ang information desk para makuha ang eksaktong lokasyon ng kwarto.
At halos hindi na ako mapahakbang nang makita ko si Ashong na nakatulalang nakatitig sa malaking salamin. He looked miserable, ibang iba sa lalaking laging nakangiti sa akin. Anong nangyari?
Sinilip ko kung sino ang tinatanaw niya. Napasapo na lang ako sa aking bibig at halos manlambot ang aking mga tuhod.
What happened? Si Tita Elisa na punong puno ng aparato sa katawan. What happened to her? Hindi ba at masigla pa siya?
"A..shong.." lumingon siya sa akin na namumugto ang mga mata. Halos mahiwa ang puso ko nang magtama ang aming mga mata.
Mabilis niyang tinawid ang distansya naming dalawa at niyapos niya ako ng mahigpit. Agad kong hinagod ang kanyang likuran.
"Florence...si Mama.." nangangatal na sabi niya. Nag iinit ang mga mata ko...Oh damn. Anong nangyari kay Tita?
"Ashong, anong nangyari? I don't understand...she's healthy.." naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Matagal nang may sakit sa puso si Mama...at pangalawang atake na niya ito... her heart is refusing the medicine..Hindi ko na alam ang gagawin ko Florence.." napaupo na lang siya bigla at bahagya niyang isinandal ang sarili
Agad ko siyang dinaluhan at mahigpit ko siyang niyakap. I can't look at him like this..ang Ashong na kilala ko ay laging nakangisi, tumatawa at masaya. Kumikirot ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kaya ba lagi ka na lang matamlay? At may inaalala? You should atleast tell me! Hindi mo dapat sinasarili Ashong.." mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na sa US na kami tumigil..she can have the best medical support in US...pero gusto niya ng talagang umuwi Florence..Fuck..I can't let her go Florence, wag muna.." napakagat labi na lang ako.
Oh damn. Bakit si Tita pa? Bakit kailangang makaranas ng ganito ni Ashong? Why him to all the people?
"Malakas si Tita, alam kong lalaban siya...she can do this.." panay pa rin ang hagod ko sa likuran niya.
Ngayon alam ko na kung bakit nasa US ang pamilya ni Ashong gayong nandito sa Pilipinas ang malaking porsento ng negosyo nila..bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sinasabi ko sa kanya ang lahat ng mga problema ko at sinalo niya itong lahat kahit siya itong may mas malaking problemang dinadala kaysa sa akin. Fuck!
Napakasama ko!
Nangingilid na ang mga luha ko. Kung pwede lang sanang hatian ko si Ashong sa nararamdaman niya ngayon, alam kong mahina ako..pero pipilitin ko kapalit ng mga bagay na ginawa niya sa akin.
"Mr. Martin, hinahanap po kayo ng pasyente.." may lumabas na isang doktor mula sa kwarto. Kumalas ako ng pagkakayapos sa kanya.
"Ashong, face her without tears.." pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata.
"I need you Florence.." hinawakan niya ang mga kamay ko. Tumango na lang ako sa kanya. Kailangan ako ni Ashong katulad ng pangangailangan ko sa kanya noon. Kailangan ko siyang supportahan sa pagkakataong ito.
Pumasok na kami sa kwarto. Halos mangatal ang buo kong katawan sa mga ingay na naririnig ko mula sa mga aparatong sumusuporta sa buhay ng kanyang ina. Shit! Please mga luha huwag muna kayong pumatak.
Mabilis dumalo si Ashong sa kanyang ina na bahagya lamang nakakamulat. Madiin kong kinakagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang anumang ingay na maaari kong magawa.
Namumuo na ang mga luha ko. Hindi ko akalaing makikita ko sa ganitong sitwasyon ang dalawang pinakamasiyahing tao sa buhay ko.
"Ma..si Elias po ito" masuyong hinalikan ni Ashong ang mga kamay ng kanyang ina. Agad kong hinaawakan ang kanyang mga balikat.
"Hi..jo.." pilit na sabi ni Tita. Damn. Gusto ko nang lumabas at mag iiyak.
"Tita.." bumati rin ako. Pilit iminumulat ni Tita Elisa ang kanyang mga mata. Dahan dahan niyang itinataas ang kanyang mga kamay.
"Tita..huwag nyo pong pilitin..." para hindi na siya mas mahirapan pa ay agad akong kinuha ang isa pa niya kamay.
"Florence..." mahinang sabi ni Ashong. Mapait akong ngumisi kay Ashong. Inilagay ko sa pisngi ko ang kanang kamay ni Tita Elisa.
"Tita magpagaling na po kayo..." kita ko ang pilit na pagngiti ni Tita sa akin.
"Mga..a..nak" mahinang sabi niya.
"Ma..wag na po kayong magsalita.." saway sa kanya ni Ashong. Pero pilit pa rin niyang ibinubuka ang kanyang mga bibig, mas inilapit namin ni Ashong ang aming sarili kay Tita Elisa nang mas marinig namin ang sinasabi niya.
"Magpaka...sal na ka..yo, ba..go pa ako mawa..la"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro