Chapter 30
Chapter 30
Kasalukuyan kaming nakaharap sa salamin ng kapatid ko habang marahang nagsusuklay ng aming mga buhok. At alam kong hindi lang iilang buntong hininga ang nagawa naming magkapatid.
Masyadong malayo ang lipad ng aming mga isip at kahit isang salita ay wala kaming masabi, tanging walang katapusang pagbuntong hininga na lang ang nagawa namin sa tagal ng aming pagkakatulala sa salamin.
What happened? Bakit parang napagkaisahan kami ng magpinsang Ferell na 'yon? Halos sabay na naman kaming napabuntong hininga.
"Florence, I won't ever wear bikini in front of his face" halos padabog inilapag ni Sapphire ang suklay na hawak niya.
Wag niya na akong tanungin kung uulit pa akong magsuot ng bagay na 'yon. Hindi na! Isinumpa ko na ang pagsusuot ng bikini. Never. Nagtanda nga kaming magkapatid.
"Same here" maiksing sagot ko sa kanya. Tamad akong tumayo sa aking upuan para sumampa na sa kama. I am goddamn tired.
Agad kong inihilata ang aking sarili sa malambot na kama ni Sapphire.
"Nasaan ang magpinsang Ferell?"
"Nasa suite ko sila at doon matutulog, bahala na silang magpinsan" matabang na sagot ko. Sumunod na rin sa akin si Sapphire na mabilis rin na humilata sa kama. Ngayon naman ay parehas kaming nakatulala sa kisame.
Anong nangyari sa aming magkapatid? Lambot na lambot lang naman kami.
Muli na naman kaming napabuntong hininga at sa pagkakataong ito ay nagkasabay pa kaming dalawa. Dito na namin hindi mapigilang hindi tumawa. Nababaliw na ba kami?
"Damn those Ferells.." natatawang sabi ko.
"Pinahirapan ako ng walang hiyang Aldus na 'yon" ramdam ko pa ang bahagyang pagpadyak niya habang natatawa.
"Don't worry, parehas lang tayo Saph" matabang na sagot ko sa kanya.
"Ikaw ba naman ang sisidin?" napapangiwi na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nasisid ng isang Shokoy, talaga palang na ambush kaming magkapatid ng magagaling na Ferell na 'yon.
Kapag naririnig ko ang salitang 'sisid' tanging si Nero lang ang naiisip ko. Damn that Nero, hinding hindi na ako mauulitan ng wet punishment mo. Naramdaman ko ang pagdapa ni Sapphire sa kama at marahan siyang lumapit sa akin.
"Florence, tumingala ka nga" what? Nagtataka man ay sumunod na lang ako.
"What?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang kunot ang noo niya.
"Hindi ba kayo marunong magtago ni Nero? Wala ng paglagyan 'yang mga lovebites niya sayo" napairap na lang ako sa kapatid ko habang bumabangon.
"Sanay na ako, lalo na at walang pakialam si Nero kung tag araw ba o tag ulan ang panahon. Ang alam lang ng Ferell na 'yon ay mangagat ng mangagat kaya wala akong pagpipilian kung hindi magturtle neck na naman sa init ng panahon"
Muli akong nagpunta sa salamin para mas pagmasdan ng maayos ang mapupulang marka ng lalaking maninisid sa madaling salita ay hari ng mga Shokoy.
Halos mapasapo na lang ako sa aking noo sa dami nga ng mapupulang marka sa leeg ko. What the--? Naiiling na lang akong bumalik sa kama at inayos ko na ang sarili ko para matulog.
What a hot day.
Pinatay na ni Sapphire ang mga ilaw at humiga na rin siya ng maayos.
"You know Florence, akala talaga ni Aldus buntis ako" natatawang sabi niya. Nilingon ko siya kahit alam kong hindi ko siya masyadong makikita dahil patay na ang ilaw.
Yes, I am no longer afraid of the dark. I'm free from Nyctophobia at last.
Isa 'yan sa mga bagay na pinag aralan kong labanan sa nakaraang anim na taon. Dahil alam kong kung wala akong gagawin para masolusyonan ang mga takot ko ay walang mangyayari sa akin. Sa huli magiging pabigat na naman ako sa mga taong nakapaligid sa akin, magiging problema na naman ako.
"So? Ano na ang mangyayari sa inyo? Did he ask you to marry him?" tanong ko sa kanya.
"Wala daw siyang pera" napanganga na lang ako sa sagot ni Sapphire.
"What the hell?" ano na naman ang kalokohan ng Shokoy na 'yon? Kailan pa nawalan ng pera ang mga Ferell?
"Tinanggalan daw siya ng mamanahin ng kanyang lolo dahil nakabuntis daw siya na hindi pa kinakasal" Ah, si LG naman pala. Parang nasabi na ito sa akin ni Nero kanina. Oh yes, natatandaan ko na ayaw nga palang mapagaya nitong si Nero kay Aldus.
"Malamang lamang, tatanggalan nga siya ng mana ni LG. Sabihin mo mangutang na lang sa mga pinsan niya, tig iisang milyon kay Owen, Troy at Nero. Tatlong milyon din 'yon pwede na kayong magpakasal" suwesyon ko. Kung ganun ay kawawa naman ang kapatid ko, mahirap na si Aldus. Alam ko pa naman na seryoso si LG sa puntong ito.
"'Yon na nga, sinabi ko rin 'yan sa kanya pero sabi niya masama daw ideya. Sinubukan na daw niya pero wala daw kwenta ang mga pinsan niya, si Nero mo daw ayaw talagang magpautang, si Owen kuripot daw at dalawang libo lang ang pinapautang at 'yong Troy naman daw gusto ay five-six ang bayaran. Kawawa naman ang Aldus ko..ang sasama pala ng ugali ng mga pinsan niya" napapairap na lang ako, magpipinsang Shokoy talaga.
"Edi sabihin mo hindi ka buntis. Haist" sumasakit na ang ulo ko.
"Sinabi ko na nga kay Aldus, ayaw niyang maniwala. Gusto ko lang daw siyang takbuhan. Oh shit! Kinikilig pa rin ako" narinig ko ang hagikhik niya.
Nakakagulo rin ang kapatid kong ito, noong isang araw lang ay bitter na bitter siya kay Aldus. Anong nangyari?
"Akala ko ba ay tapos na kayo?" tanong ko sa kanya. Tumawa na lang siya sa akin bilang sagot.
"Kayong dalawa ni Nero? Papaano na kayo? Ang hirap ng sitwasyon nyong dalawa" hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng kapatid ko. Sa sandaling bumalik na si Ashong ay babalik na ulit sa dati.
"Sasabihin ko na kay Ashong..ayoko na nito Sapphire parang ang sama sama ko na" mahinang sagot ko sa kanya kahit hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sinabi kong ito kay Sapphire. Kung maaari ay ayokong saktan si Ashong..pero ano itong ginagawa ko? Damn.
"Mabuti, huwag mo ng patagalin at umabot na siya ang makakita sa inyo" hindi na ako nakasagot sa sinabi ng kapatid ko dahil sa bigat ng talukap ng aking mga mata.
Hanggang sa tuluyan ng akong tangayin ng antok.
--
Nero Ferell
Tatlong minuto siguro akong nakatulala sa pinto ng kwarto ng kapatid ni Florence. Is she serious? Akala ko ay makakatulog na kaming magkatabi. What the fuck? Wala sa plano ko na matulog katabi ang baliw na pinsan ko.
I should get my own room then. Tumalikod na ako para magpunta sa receptionist at kumuha ng sariling kwarto nang may maalala ako. Suite 'yon ni Florence dapat si Aldus ang kumuha ng sarili niyang kwarto! Bakit ako?
Malalaki ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa harapan ng suite ni Florence. Agad akong kumatok.
"Aldus! Lumabas ka dyan"
"Aldus! Gago ka" hindi pa rin lumalabas ang gago. Mabilis kong kinuha ang telepono ko at itinext ang pinsan kong nagbibingi bingihan.
Ako: Gago! Buksan mo ito, papautangin na kita
Ni send ko na agad at prenteng sumandal na lang ako sa pader. Nagsimula na akong magbilang sa isip.
1
2
3
Nabuksan na ang pinto. Umayos na ako ng pagkakatayo at basta na ako pumasok sa suite ni Florence na binuksan lang naman ng pinsan kong naghihirap.
"Ako sa kama Aldus, sa couch ka" matabang na sabi ko sa kanya habang nagsisimula na akong mahiga sa kama.
"Sino ka namang banal? Ikaw sa couch, sayo ba ibinigay ni Warden ang susi?" sumampa siya sa kama at mabilis siyang nagbalot sa comforter. What the fvck? I don't share my bed.
"Tang ina Aldus, hindi ako makakatulog"
"Wag ka ng maarte dyan Nero, wag mo akong abalahin at nag iisip ako"
"Gago" sa halip na makipagtalo pa sa kanya ay nahiga na rin ako.
"Tang ina Nero, ano ang gagawin ko? Seryoso si LG, tatanggalan niya talaga ako ng mamanahin" buti nga sa kanya.
"Tanga ka, naubusan ka ng supply ng condom? Dapat nanghiram ka na lang kay Troy" tamad na sagot ko sa kanya.
"Gago ka ba?" iritadong tanong niya sa akin.
"May mamanahin naman" maiksing sagot ko.
"Tang ina mo" pagmumura niya sa akin. Gago talaga.
"May pera naman" pang aasar ko pa.
"Gago ka! May araw ka din sa akin" galit na galit na sabi niya. Tanga talaga, alam naman niyang ayaw ni LG na makakabuntis kami ng hindi kasal. Bahala siya sa buhay niya, madamay pa ako sa galit ng matandang 'yon.
Hindi na ako sumagot sa gago kong pinsan. Gusto ko ng matulog. Pero hindi pa naman ako tuluyang nakakatulog ay narinig ko na naman ang boses ng pinsan ko.
Bulong siya ng bulong, hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o masusuka sa pinaggagawa niya. Ferell ba talaga siya? Tang ina, nakakahiya.
"Come on baby, do you love me?"
"Mahal na mahal kita Sapphire.."
"Wag mo naman akong pagpatayan ..."
"I miss you.."
"I can't sleep.."
"I want to kiss you badly.."
"Can I see you?"
"I'm dying.."
Hindi na kinaya pa ng tenga ko. Agad kong ibinato sa pinsan ko ang unan na malapit sa akin.
"Tang ina ka Aldus! Magpatulog ka" singhal ko sa kanya.
"Gago ka ba talaga Nero?! Takpan mo ang tenga mo!" sigaw niya pabalik sa akin na akala mo siya ang naabala sa pagtulog.
"Ikaw ang gago! Tingnan mo ang oras mag aalasdose na! Patulugin mo na 'yan! Hindi ka pa ba nagsawa sa pool! May bukas pa! Fvck! Gusto ko ng matulog! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka!" Gago. Gago. Gago.
"Nero, wag ka magkaganyan. Hindi ko kasalan kung bakit hindi sagutin ni Warden ang tawag mo. Gago!" sobrang gago.
Bumangon na ako dahil sa ingay ng Aldus na ito. Ibinato ko muli ang isa pang unan sa kanya bago ako nagdiretso sa harap ng refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.
Dapat pala ay hindi ko na natawagan ang isang ito dito. Tang ina.
Pinaka ayaw talaga namin magpipinsan ang maghati sa kwarto, sa katunayan ayaw naming maghati sa kahit anong bagay.
Babae lang ang pwede naming hatian sa kwarto. Babae lang.
Naupo muna ako sa couch, mabilis kong hinagip ang remote at binuhay ang tv. Kung si Florence ang kasama ko sa suite na ito siguradong masaya saya at mainit ang buhay magdamag ko. Tang ina, anong nangyari sa magdamag ko? Ito ako at ang ulo ko ang umiinit.
Napapailing na lang ako. Kapag minamalas malas nga naman. Napaismid na lang ako nang mapansin ko ang pinsan kong nawalan ng mana na kumuha na rin ng inumin sa refrigerator.
Alam ko kung bakit nagtitiis itong si Aldus na makihati sa akin, walang pera. Dapat doon na lang siya natulog sa nirentahan niyang private pool. May pang renta siya? Saan kumuha ng pera ang isang ito? Sa pagkakaalam ko ay walang gustong tumulong sa kanya sa aming tatlo.
Nangutang pa ata sa mga Almero. Tang ina, hindi talaga siya Ferell. Naupo rin ang gago sa couch.
"Kung hindi ka makakuha ng sarili mong kwarto, ano ang ibinayad mo sa private pool?" angil na tanong ko sa kanya kahit nahuhulaan ko na ang isasagot niya.
"Gago ka ba? Bukas ikaw ang sisingilin, sayo ko ipinangalan" simpleng sagot niya. Habang ako ay napanganga, what the hell?
"What the fvck?" napamura na lang ako. Ako ang naisahan ng nawalan ng manang ito. Damn.
"Magrereklamo ka pa? Mas matagal kayo ni Warden doon" ang talino.
"Maiba ako Nero.."
"What?" angil na sagot ko sa kanya. Napansin ko na mabilis nag iba ang mood niya.
"Alam kong may matagal ka ng inililihim sa amin" hindi ako nakapagsalita ng ilang sandali sa sinabi niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo.." pinagpatuloy ko ang paglilipat ng channels.
"Alam kong gago ka Nero sa katunayan kayong dalawa ang gago. Ang sasama ng ugali nyo. Bakit kayong dalawa lang? Bakit ikaw lang? Mga pinsan nya rin kami, akala ko ba walang lihiman sa ating magpipinsan? Tang ina kayong dalawa. Magbigti na kayo" napahigpit na ang hawak ko sa remote, alam ko na ang pinupunto ng pinsan kong ito.
Papaano niya nalaman?
"Hindi ko alam ang isasagot ko sayo" pagsisinungaling ko.
"Sabihin mo sa kanya gago siya! Wag na wag siyang magpapakita sa akin! Hindi lang bugbog sa katawan ang aabutin niya sa akin! Gago kayong dalawa!" galit na galit na sabi ni Aldus kahit ako ang mapapapunta sa sitwasyon niya ay hindi ko rin maiiwasang hindi magalit.
"Oo, makakarating" matabang na sagot ko na lang.
"Fvck! Totoo nga?" hindi pa ba siya sigurado sa dami ng iminura niya? Gago talaga.
"How did you know?" tanong ko sa kanya.
"I saw him! Nakita ko siyang nagpupunta sa inyo! What the fuck? Kailan pa? But how? Papaano? Hindi ko maintindihan? Bakit ikaw lang ang kinakausap niya? What the hell? Alam ba ito ni LG? Tang ina" sinabunutan na ni Aldus ang kanyang sarili.
"Sa totoo lang hindi ko rin alam, kilala mo ang pinsan nating 'yon. Hindi siya mahilig magpaliwanag" kahit ngayon ay gulong gulo pa rin ako sa kanya.
"What about his girl? Alam kaya niya? Fuck! Naguguluhan ako Nero, sino ang ibinurol natin? Tang ina umiyak pa ako ng araw na 'yon" natabig ang mineral water sa center table at natapon ang malamig na tubig nito.
Ito na lang ang pinagmasdan ko habang kinakausap si Aldus.
"Hindi ko alam, basta ang mahalaga lima pa rin tayo. Wag lang sana tama ang hinala ko sa kanya, hindi ko maintindihan, kahit ngayon ay hindi ko pa rin siya maintindihan. Sana mali ang hinala ko, sana mali" naiiling na sabi ko.
"Hinalang ano?" nagtatakang tanong sa akin ni Aldus.
"Wag na natin siyang pag usapan, alam kong nagpaplano na rin siyang magpakita sa inyo..sa ating magpipinsan" hindi ako sigurado dito.
"What about Warden? Paano kung malaman niya?" biglang nagtatambol ang dibdib ko sa naiisip ng pinsan ko. No.
"She won't know, she can't. Hindi pwede Aldus." mahinang sabi ko sa kanya.
"Tang ina, lihim na naman ito Nero. Alam mong ayaw ni Warden ng ganyan.." alam ko pero wala akong magagawa.
"Anong gusto mong gawin ko? Siguradong babalik na naman ang masasamang alaala sa kanya. She just recovered..mahina ang loob ng babaeng mahal ko, ayokong sumugal" tumayo na ako at muli humarap sa refrigerator para humanap ng iba pang inumin na makapagpapakalma sa akin.
"Ewan, hindi ko na alam. The history might repeat Nero.." natigilan ako sa sinabi niya. Hindi malayong mangyari ang sinasabi niya.
"Let's just bury this secret.." ito na lang ang dapat naming gawin.
"Buti sana kung ito lang Nero..alam kong marami ka pang itinatago" fvck! Damn these cousin ties. Secrets are damn impossible.
--
Florence Almero
Kagat labi kong hinahaplos ang bawat parte ng kanyang katawan at nang mas ibinababa ko pa ang mga kamay ko ay mabilis niya itong hinuli at inilagay sa kanyang mga labi.
"I love you Florence but I think we need to stop" para akong nanlamig sa sinabi niya. May mali ba sa ginagawa ko?
"Shit! Don't make that face Florence.." mabilis niya akong hinalikan sa mga labi.
"It's just that baka mapagaya ako kay Aldus.." mahinang sagot niya sa akin habang nagkakamot siya sa ulo.
"Why? Bakit napasama dito si Aldus?" nagtatakang tanong ko.
"I'm a good shooter Florence..you'll get pregnant in no time. Matatanggalan din ako ng mana kapag nagkataon..hindi tayo makakarami pag mahirap ako.." napapamura na lang ako sa pinagsasabi ni Nero Ferell, buti at nakakapag isip pa siya ng ganito sa sitwasyon namin. Gusto pa pala niyang makarami. Haist.
"Hahanga na ba ako sa logical reasoning mo Nero Ferell? Talagang pinag iisipan mo ng makarami" ngumisi lang siya sa akin bago niya ako binigyan pa ng isang mabilis na halik.
Kung kailan payag na ako siya naman itong nagbago ng isip.
Mabilis umahon si Nero para kumuha ng towel na ibabalot sa akin. Naalala ko tuloy ang kapatid kong balot na balot kanina. Mukhang parehas kami ng kinahantungan. May inihanda na rin palang mga damit si Nero para sa aming dalawa. Haist, well prepared ang Shokoy.
Nakakailang irap na kaya ako?
Gusto pa niyang sabay kaming magbihis sa banyo na agad ko namang tinutulan. Tama na ang nangyari sa pool dahil alam ko namang hindi na rin matutuloy. Mabilis naman akong nakapagbihis at lumabas na rin ako habang nagpupunas ng mahaba kong buhok.
Nasa labas na siya at nakabihis nang naghihintay sa akin habang prenteng nakasandal at nakapamulsa.
Shit, hindi man lang nagsuklay ang Shokoy. Agad siyang umayos ng tayo at sinalubong ako, kinuha niya agad ang towel na ginagamit ko sa pagpupunas ng buhok ko.
"Let me do it" maiksing sabi niya habang nakaharap siya sa akin at tinutuyo ang buhok ko. Hindi na ako nakapag salita habang pinagmamasdan ang lalaking kaharap ko. He's so beautiful, bakit hindi man lang ako magsawang pagmasdan ang mukhang 'yan?
Papaano ako nakalambat ng ganitong klase ng Shokoy? Hindi lang daang babae ang humiling na maangkin at mahawakan ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Napakalaking tanga ko talaga sa ginawa kong pag iwan sa kanya, napakalaking kawalan niya kung sakaling hindi niya na ako muling tinanggap. At siguradong habang buhay ko 'yong pagsisisihan.
I'm so in love with him.
"You're blushing..." ngusong sabi niya habang patuloy niyang pinupunasan ang buhok ko. Hindi ko na namalayan na tumaas ang kamay ko at marahang pinadaanan ng aking daliri ang kanyang adams apple.
"Shit! Stop that Florence" hinagip niya ang kamay ko at ibinaba niya ito.
"Don't seduce me" seryosong sabi niya. Pinagpatuloy pa din niyang tuyuin ang mahaba kong buhok.
"Excuse me? Sa atin dalawa ikaw ang magaling dyan" umirap ako sa kanya at tinanggal ko na ang kamay niya sa buhok ko. Inunahan ko na siyang maglakad. What the hell Florence? You're getting wilder and wilder..
Sino ba ang hindi madadala sa kanya? Halos magpapadyak na ako habang naglalakad. What should I have to do? Every part of him is damn seductive.
Naramdaman kong umakbay siya sa akin, pinabayaan ko na siya hanggang makarating kami sa suite. Malayo pa lang ay napaismid na lang ako sa lalaking nakaupo sa harapan ng suite ng kapatid ko. Si Aldus Ferell na inaantok na habang tinatawag tawag ang pangalan ng kapatid ko.
"Sapphire, let me share your room"
"Sapphire..."
"Saph baby.."
Bumulong sa akin si Nero.
"Hindi ko 'yan pinsan, I don't know him" napairap na lang ako. Tinanong ko ba siya?
"Aldus, you can use my room" inabot ko sa kanya ang card ng suite ko. Inaantok naman niyang inabot ito sa akin.
"Thanks Warden, baka tulog na si Sapphire" pampalubag loob niya sa kanyang sarili.
"What about us Florence?" nagtatakang tanong sa akin ni Nero.
"Sa suite ko rin ikaw, kayong dalawa ni Aldus" simpleng sagot ko sa kanya.
"No way!" sagot nilang dalawa sa akin. Nagkibit balikat na lang ako. Binuksan ko na ang phone ko na tadtad ng mga messages. Mamamaya ko na sila iintindihin.
Mabilis kong tinext si Sapphire para sabihin na sa suite niya ako matutulog.
"Fvck! Don't do this to me Florence.." yumakap mula sa likuran ko si Nero na akala mo ay iiwanan ko na siya. Umikot na naman ako sa ginagawa ng Shokoy na ito.
"Wag mo akong iwan sa baliw kong pinsan" maaawa na ba ako kay Nero Ferell na ito?
"Gago ka Nero! Bahala ka sa buhay mo" narinig kong isinara ni Aldus ang pinto ng suite ko. Saka naman nabuksan ang suite ni Sapphire na agad umismid sa hitsura namin ni Nero.
"Hindi pa ba kayo tapos dalawa diyan?" pilit kong tinangggal ang pagkakayakap sa akin ni Nero.
"Sige na Nero..doon na kayong magpinsan okay? Goodnight sweetdreams" saka ko na isinara ang pintuan habang kitang kita ko ang iritadong mukha ni Nero Ferell.
--
Nagising na lang ako hindi dahil sa paulit ulit na pag alala ko sa nangyari kahapon kundi dahil sa boses ng kapatid ko na parang may kagalit na kausap sa telepono.
"Yes, I know! Hinding hindi na!" medyo galit na sabi niya. Sinong kausap niya?
"Hinding hindi niya na ako masasaktan sa pagkakataong ito..Never. Baka ako pa" sinong tinutukoy niya?
"Who's that Saph?" inaantok na tanong ko sa kanya. Agad niyang ibinaba ang telepono.
"Oh nothing, mag ayos ka na. Mag almusal na tayo sa baba" nagkibit balikat na lang ako at bumangon para ayusin ang sarili. Mabilis akong naligo at ilang morning rituals sa aking sarili bago kami lumabas.
"Dadaanan pa ba natin ang mga maninisid?" natatawang tanong sa akin ni Sapphire na ikinairap ko na lang.
"Oo, baka walang pera ang dalawang 'yon hindi pa makapag almusal" kaya sinimulan naming katukin ang magpinsang Shokoy na mukhang tulog na tulog.
Isang minuto rin siguro kaming tumawag nang mapansin namin ang unti unting pagbukas ng pinto.
At halos matulala kaming magkapatid sa dalawang katawang sumalubong sa akin.
The half-asleep Ferells with their abs freshly from bed. Damn. Si Aldus na tamad na humihikab habang pilit minumulat ang mga mata. Si Nero na tamad sumandal sa hamba ng pintuan habang nakapikit at marahan niyang minamasahe ang kanyang noo.
"Why so early girls?" mahinang tanong ni Nero na panay ang himas sa kanyang noo. Hindi na siguro kami humihingang magkapatid sa dalawang Ferell na nasa harapan namin.
Alam ba nila ang ginagawa nila?
"Let's go Florence.." agad akong hinila ni Sapphire palayo sa dalawang Ferell na nang aakit lang naman agang aga.
"Tang ina, almusal na ang dalawang 'yon" ngising sabi ni Sapphire.
Sabay na lang kaming tumawang magkapatid hanggang makarating sa elevator.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro