Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3


Nakikita ko na naman ang repleksyon ko sa tubig. Mukhang ako pa rin ang Florence ng nakalipas na anim na taon. Bakit pinipilit ko ang sarili kong baguhin ang kung ano ako gayong hindi ko naman kaya?


"Florence..baby still there?" nagising ako sa pagkakatulala at mabilis kong pinatay ang tubig na umaapaw na.


"Oh, I'm sorry Ashong. Nagluluto kasi ako" sagot ko sa kanya sa kabilang linya.


"Naaabala na ba kita? I can call you later"


"No, it's okay" maiksing sagot ko.


"I'll just call you later..I love you.." ilang beses ko na ba itong narinig sa kanya na kahit kailan ay hindi ko pa nasagot sa kanya.


"Ingat ka dyan Ashong.." tulad ng laging nangyayari, ako ang unang nagpapatay ng telepono sa aming dalawa.

Napakabuting tao ni Ashong para sa katulad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako nagustuhan? Kung ganda na rin naman pala ang hanap niya ay hindi na siya mahihirapang mamili ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya sa States, pero bakit ako?

Ipinagpatuloy ko muna ang pagluluto. Dahil sanay na sanay na naman ako sa kusina ay mabilis akong nakatapos ng pagluluto. Tinulungan naman ako ng mga katulong na ayusin ang buong lamesa para maihain na ng maayos ang mga niluto ko.

Balak ko sanang ipatikim sa kanila ang mga kakaibang luto na natutunan ko sa ibang bansa pero mukhang namimiss ko na ang lutong pinoy na bihirang bihira kong lutuin.

Adobong baboy na paborito ni Trevor at sinigang na baboy na paborito naman ni Tyrone.


"Let's eat!" sigaw ko sa mag aamang abala sa panunuod ng tv.

Dahil siguro ay mga gutom na rin sila ay hindi na sila naghintay pa ng ikalawang tawag. Lahat sila ay nagsiupo na sa lamesa para umpisahan na ang pagkain.


"How about Gio? Should I go upstairs? Baka nagugutom na rin ang isang 'yon" tanong ko sa mag aamang nagsisimula ng kumain.


"Don't bother Florence..bababa rin 'yon pag nagutom. Just eat with us and start your stories.." kinabahan ako sa biglaang sinabi ni Kuya Nik. Alanganin na lang akong umupo at nagsimula na ring kumain.


"Who is this Elias guy Florence?" halos mabilaukan ako sa biglaang tanong ni Kuya Nik.


"He's my fiancé kuya..." mahinang sagot ko sa kanya. Nanatiling tahimik si Kuya sa sagot ko at alam kong tahimik rin na nakikinig ang kambal sa usapan namin.

Sa pagkakaalam ko ay aware si Kuya Nik na may fiancé ako sa States. At sa tagal ng inilagi ko sa ibang bansa ay wala akong narinig na pagtutol sa kanya tungkol sa bagay na ito.

Oh well, ibang usapan na nga lang kung si Gio dahil napasugod siya sa Las Vegas nang malamang may fiancé ako.


Flashback

Kinabukasan matapos akong ideklarang buntis ni Ashong sa madla ay nag set ng meeting ang mga magulang niya. Pag uusap sa pagitan ng Lolo ko at ng parents niya.

Kahit si Lolo ay nagulat dahil sa bilis ng mga pangyayari, bakit nga naman bigla na lang akong nabuntis? Ilang minuto lang siyang nawala sa tabi ko.

Dahil may tiwala naman sa akin ang Lolo ko, madali kong naipaliwanag sa kanya ang totoong nangyari pero dahil wala namang tiwala ang mga magulang ni Ashong sa kanya kailangan pa ng mahabang usapan.


"Ikaw ang may gusto nito Florence..wala nang atrasan" hinawakan niya ang kanang kamay ko habang nakaharap kami sa pintuan ng library ng Daddy niya kung saan daw mag uusap usap.


"Thanks Ashong... hindi mo ako pinahiya kay Nally.." nahihiyang sabi ko sa kanya.


"Patas na tayo. Tinulungan mo rin naman ako" maiksing sagot niya. Tumango na lang ako sa kanya.


"But..it is okay to you? I'm using you Ashong..kahit saang anggulo natin tingnan, ginagamit kita. Bakit hindi ka man lang tumututol? Hindi man lang kita makitaan ng pag aalinlangan"

Bahagya siyang ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.


"Ewan. Hindi ko rin alam Florence. Kaysa ibang lalaki pa ang gamitin mo, ayokong mangyari 'yon. Mas mabuting ako na, gwapo at harmless. Sulit na sulit ka talaga sa akin" bakit hindi ko magawang ngumiti sa biro niya ngayon.


"You're so kind.."


"Hindi rin" mabilis na sagot niya.


"Pero isa lang ang masasabi ko sayo Florence, sa oras na tumapak na tayo sa loob ng silid na ito. Gagampanan ko na ang pagiging fiancé ko sayo."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.


"I might help you to forget him or I might replace him in your heart" sana nga Ashong..

Nang sandaling pumasok na kaming sabay ni Ashong ay kitang kita ko ang gulat na mukha ni Lolo lalo na nang makita niyang magkahawak kami ni Ashong ng kamay.


"Apo?" nagtatakang tanong ni lolo.


"Lolo..si Ashong po..I mean si Ashton Elias Martin, my boyfriend" kita ko ang paglapad ng mga ngiti ng magulang ni Ashong habang si Lolo naman ay mukhang naguguluhan.


"Excuse me, but can I talk to my granddaughter privately?" tumango ang mag asawa sa Lolo. Lumapit sa akin si Lolo at kinuha ang kamay ko.


"Just a moment" pagpapaalam ko sa pamilya ni Ashong. Sa may puno kami ng hagdan tumigil ni lolo.


"Can you explain what's happening apo? Bakit naging boyfriend mo ang binatang 'yon? Do you even know him that well?" halos hindi ko maipinta ang mukha ni Lolo, alam kong naguguluhan siya.


"Lolo, he's my classmate during college. Sinagot ko na siya, afterall ang tagal na ng huli akong nakaboyfriend. I think I need new relationship" pinilit kong pasiglahin ang boses ko kay Lolo.


"You are no longer in love to that Ferell hija?" pinakatitigan ako ni lolo sa tanong niya.


"Ofcourse Lolo! It's been 2 years, Ashong is my new love"


"Hija, ayokong gumagamit ka ng tao. Alam mong may taong masasaktan kapag pinagpatuloy mo ang gusto mong mangyari" nagbingi bingihan na lang ako sa sinabi ni Lolo. Alam kong maaari kong masaktan si Ashong sa gagawin kong ito.

Pero ayokong magmukhang kawawa, ayokong magmukha akong miserable gayong ako naman ang nang iwan. Dapat may masasabi akong pruweba na maayos na muli ako at hindi ko pinagsisihan ang mga desisyon ko.

At para mangyari 'yon ay kailangan ko ang tulong ni Ashong, siya lang ang pinakamalapit na taong pwedene tumulong sa akin. Sa mga panahong magkakasama kami, pipilitin kong ibaling sa kanya ang lahat. Baka tama nga siya at baka makalimutan ko na ang lalaking iniwan ko ng dahil sa tulong niya. Hindi naman masamang mahulog kay Ashong dahil napakabuti niyang tao sa kabila ng kanyang mga kalokohan.


Nang araw din 'yon ay binigay na sa akin ni Ashong ang singsing ng kanyang ina na pinagpasapasahan na daw ng ilang henerasyon. Pilit ko itong tinanggihan pero wala pa rin akong nagawa sa pamimilit ng kanyang mga magulang kaya tinanggap ko na ito.


--


Natigil ako sa pag alala nang mga pangyayari ng aking nakaraang ilang taon nang marinig ko ang boses ni Gio.


"May gusto ka na ba sa Elias na 'yon?" biglang tanong ni Gio na kapapasok pa lang sa kusina.


"He's handsome, talented and kind. Who wouldn't like him?" sagot ko kay Gio na nagsasalin ng tubig sa baso.


"Siya ba 'yong magaling sa horse racing tita?" tanong sa akin ni Tyrone.


"Yes, he is" sagot ko kay Tyrone.


"I like him then" mabilis na sabi ni Tyrone.


"You're such a bias, malamang ay gugustuhin mo siya dahil parehas kayong amoy kabayo" biglang sabi ni Trevor. Sinamaan siya ng tingin ni Tyrone.


"Palibhasa hindi ka marunong sumakay ng kabayo. I can drive your car, I just don't want to compete on you. Baka makaiyak ka pa" mayabang na sabi ni Tyrone na ikinagasumot ng mukha ni Trevor.

Dati ay laruan lang ang pinag aawayan ng dalawang ito. Tsss, they've grown up.


"Anong sabi mo?" angil ni Trevor kay Tyrone.


"Trevor, Tyrone. Tumigil na kayong dalawa" saway ng Daddy nila na nakapagpatahimik sa sagutan nilang dalawa.


"Tsss" pakinig kong ismid ni Gio.


"By the way Florence, we'll be having a party next week"


"Ofcourse! I know, birthday lang naman ng paborito kong mga pamangkin" hinding hindi ko makakalimutan ang paglabas sa mundo ng gwapong kambal.


"Is it okay if I'll invite the Ferell?" natigilan ako sa tanong ni Kuya Nik.


"Kung hindi mo kasi naitatanong ay nakakasalamuha ko ang magpipinsang Ferell sa business.." Hindi ko na pinatapos si Kuya


"Sure! You can invite them. Wala namang problema sa akin 'yon" sila naman ngayon ang natahimik sa sinabi ko.


"Kailan ang uwi ng fiancé mo?" biglang tanong sa akin ni Kuya Nik.


"Sa Friday pa ata, why kuya?"


"Buti at nandito na siya bago ang birthday ng kambal. It might be hard for you kung wala siya, laging magkasama si Nero at Cassidy"


"What is your point kuya?" napataas ang boses ko. Hindi ako sinagot ni Kuya Nik.


"I told you, I've moved on! Bakit ba hirap na hirap kayong paniwalaan 'yon?" wala man lang nagbalak magsalita sa kanila. Na para bang hindi na lang nila pinapatulan ang mga sinasabi ko. Nasa gitna kami ng katahimikan nang biglang tumunog ang telepono ni Gio.


"Yes?" hindi siya nagsalita ng ilang sandali at tumango tango lamang siya.


"No, it's okay. You can go here" mabilis niyang pinatay ang telepono niya.


"Nicholas naihanda mo na ba ang sasakyang nagugustuhan ni Nero? Titingnan niya daw rito mamaya" sa sinabing 'yon ni Gio ay nabitawan ko na lang ang basong hawak ko. At natapon ang lahat ng tubig nito sa lamesa.


"Oh! Shit, sorry" nagpapanic akong tumayo at kumuha ng basahan.


"Florence, you can act to other people but not to us" mahinang sabi ni Kuya Nik. Nanatili na lang akong nakatalikod sa kanila.


"Ang tagal ng anim na taon Florence, dapat kinalimutan mo na siya. You can't get him back..masaya na siya sa iba" malumanay na sabi ni Gio.


"Uhmm, I'll just go to my room. Enjoy your food" hindi ko na sila nilingon pa at nagmamadali na akong lumabas ng kusina.


Akala ko ay magiging madali na sa akin ang pag uwi ng Pilipinas. Mukhang mahihirapan na naman ako..kailan ba naging madali ang buhay sa akin? 



--

VentreCanard




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro