Chapter 27
Chapter 27
How can I make him calm? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Should I talk? Pero anong sasabihin ko.
He's totally mad Florence...mali ba na sinunod ko ang mga kaibigan ko? But I need to think! I need time to think about my decisions. Nero will be a distraction if I'll continue to communicate with him for the whole two weeks..But what now? Nasaan na ang two weeks na ipag iisip ko?
Ito na nga at bumalik na ang hari ng mga Shokoy at galit na galit lang naman. Papaano niya ako nahanap agad? What about the seminars? What about Cassidy? Kasama niya kaya ito pag uwi?
Sa dami ng naiisip ko ay wala akong masabi. I might said something that will trigger his temper?
He's still leaning his head on my shoulders and he's not making any move. Ganito na lang ba kami hanggang mamaya? Should I make a move? But I'm too nervous.
"Er..m Nero?" marahan kong inilagay ang isa kong kamay sa kanyang mga braso. Kinakabahan ako, masama pa namang magalit ang Shokoy na ito. Mahaba habang pag aalo ito Florence.
Naramdaman ko ang dahandahang pagpulupot ng kanyang mga braso sa akin. I even felt his hands caressing my long hair.
"Are you mad? Dahil umalis ako? You should have tell me Florence. I won't go if you stop me but please don't do that again, don't ignore me" halos matulala na lang ako sa narinig ko, akala ko ba ay galit siya? Bakit ako ang tinatanong niya ng ganyan?
"No Nero hindi, nasira lang ang phone ko. Yes, I broke it.." napapikit na lang ako sa pangangatal ng boses ko. Great Florence! You're so good at lying.
"Tsss.." 'yon lang ang narinig ko mula sa kanya bago siya kumalas sa akin.
"How about the seminars Nero? What about Cassidy?" tinalikuran niya ako at nagsimula siyang mag inat inat habang pinagmamasdan ang kabuuan ng suite ko. Hindi lang pala napipipi ang mga Shokoy, nabibingi rin pala paminsan.
"Hindi ko tinapos. I left Cassidy there" maiksing sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. What the hell?
"Nero! Anong sasabihin mo? Bakit ka biglang umuwi?! God! Nero atleast cooperate this time! Let me handle this one! Why can't you put a little effort?!" halos sabunutan ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang Shokoy na preteng inihiga ang sarili sa malapad na couch na may throw pillow na niyayakap.
What the hell? Why is he acting so cool?
"Nero, I'm still talking to you" nakapamaywang ako ngayon sa Shokoy na nagkukunwari nang natutulog.
"I'm tired Florence, can we talk later? Or you can join me sleeping here" itinaas niya ang kilay niya sa akin.
"I have enough sleep, ikaw na lang" matabang na sagot ko sa kanya.
"Okay, just give me one kiss Florence. Come here... you owe me one" nanatili akong nakatayo habang pinapanuod siya sa couch na mukhang tamad na tamad sa buhay.
"Florence.." napabuntong hininga na lang ako sa tonong ginamit niya. Nagkunwari akong padabog na naupo sa couch. Akala ko ay babangon siya pero nanatili siyang nakahiga sa couch. Ano na naman ang gusto nito?
"Do it" napatulala na lang ako sa sinabi ng Shokoy na nakangisi sa akin.
"Hindi ka ba babangon diyan Mahal na Hari?" marahan siyang umiling sa akin na may nakakalokong ngisi.
"Tsss, Nero Ferell!" mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at agad na akong tumayo.
"What the fuck? What's that? Niloloko mo ba ako Almero?" ngayon siya napabangon. Bahagya kong hinawi ang buhok ko at nginisian siya.
"Matulog ka na dyan..I have a very long day with my sister. See you.." hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis na akong lumabas sa suite ko.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin. We have a lot of time to cuddle Nero.. but right now, I want to spend a good quality of time with my sister. Madami pa akong gustong itanong sa kanya.
Sumakay na ako sa elevator at naalala ko na naman ang babaeng umiiyak kagabi. Nandito pa kaya siya?
Nang nakababa na ako sa ground floor ay agad kong hinanap ang coffee house ng hotel. Agad nakita ng aking mga mata ang kapatid ko na tahimik na sumisipsip ng kape. Nagpunta ako sa kanyang table at naupo na rin dito. Sumenyas agad siya sa waiter para sa kapeng oorderin ko.
Nang makaalis na ang waiter ay saka ako nagsalita.
"Dapat ay hindi mo ako iniwan sa Ferell na 'yon" narinig ko siyang tumawa.
"Really? You want me to watch your sweetness? That's a no no, I've been trapped by Ferell moves, ayoko ng maalala" ngumuso na lang ako. She's bitter. Papaano kaya sila nag umpisa ni Aldus? I'm curious.
"Sapphire, I have numbers of questions. Is it okay if I'll ask you one?" ibinaba niya ang tasa ng kape at idineretso niya ang mga mata niya sa akin. Here comes the serious talk.
"I'm curious Sapphire, papaanong naging si Samuel ang inakala mong ama? Bakit pinaniwala ka ng iyong ina na siya ang ama mo?" natigilan siya sa tanong ko.
"Kahit ako ay nagulat sa sinabi ni Samuel sa barko, he's been using me to cause trouble on my own family...Hindi ko alam noong una, ipinamulat na sa akin ng aking ina na si Samuel ang aking ama kaya pala kahit minsan ay hindi ko maramdaman sa kanya ang pagmamahal ng isang ama. He's so evil.." kitang kita ko ang bahagyang pag iiba ng kanyang mga mata. She's still hurt..who wouldn't be?
"After that tragic happening, my auntie..My mom's sister told me everything.. Hindi sa sinisiraan ko si Mr. Almero. I mean our Dad, hindi ito mangyayaring lahat kung nagpakatino siya..He's a goddamn womanizer" mapait akong napangiti sa sinabi ni Sapphire. Alam ko.
"Unang nakilala ni Dad si Mommy, Florence.. Mom was one of his girls. Bago niya nakilala ang Mama mo na siyang girlfriend ni Samuel.. Alam natin ang parteng ito Florence, our Dad stole your Mom from Samuel.." yes, ito ang sinabi ni Samuel.
"Your mom fell to our fathers trap. Your mother chased our father. I have read some parts of my mom's diary, our Dad was using my mom to forget your mother when our father noticed that he's starting to fall for your mom humingi siya ng tulong kay Mommy na kalimutan ang Mom mo, dito na ako nabuo. Pero walang nagawa si Mom, talagang nahulog na rin si Dad kay Ms. Alyanna. Dito na hindi pinaalam ni Mom na buntis siya dahil alam niyang wala na ring mangyayari, our Dad is totally inlove with your Mom. And I'm so proud with my mom, marunong siyang lumugar. Hindi rin nagtagal ay nakilala ni Mom si Samuel. Hindi niya alam na magkapatid sila..Samuel changed his family name..and my mom needs support, na tatayong ama para sa akin, that's why she grabbed the opportunity but luckily it's that goddamn Samuel na nagparusa lang sa buhay ko" hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kapatid ko, she's been living in hell with that fucking Samuel.
"How come alam mo itong lahat?" tanong ko sa kanya.
"Florence? Hindi ka ba nakikinig? My auntie told me and from my mom's diary..kaunti lang ang nabasa ko. I don't want to read all..I should accept that fact that I'm not born from the fruit of love.." lalo akong natigilan sa sinabi ng kapatid ko. Anong dapat kong sabihin?
"Hindi na mahalaga 'yon, afterall you can make your own love" simpleng sagot ko na lang. I should cut this entire conversation, atleast alam ko na minahal talaga ni Dad si Mommy. I hope they're both happy right now. Happy and together.
Nang dumating na ang aking kape ay iniba ko na ang usapan. Light conversation na usual na pinag uusapan ng magkapatid, from favorites, likes, hates at kung ano ano pa. Napapasyahan naming suyudin ang buong La Cortez na magkasama. At hindi iilang mga guest mapaforeigner man o Pilipino ang nagtatangkang makalapit sa amin.
Nakikipag usap naman kami pero matindi pa rin ang pag iwas ko, baka gising na pala ang hari ng mga Shokoy at nagmamasid. Maaawa lang ako sa makakatikim ng kamao niya.
--
Hapon na at nagpagpasyahan namin ni Sapphire na magswimming. Parehas kaming nakasarong dalawa habang nakatubog ang aming mga paa.
Marunong na akong maglangoy, isa 'yan sa mga bagay na pinag aralan ko sa loob ng anim na taon.
Si Nero? Gising na ang hari ng mga Shokoy. At hindi ko alam kung bakit mukhang masama na naman ang gising. Bakit hindi man lang niya inayos ang buhok niyang 'yan? Parang pinaglaruan lang naman ng kamay ng babae ang sabog niyang buhok.
Napakagat labi na lang ako, he looked so damn sexy with his messy hair. Kahit nakashades siya at malayo sa amin, alam kong kanina pa niyang pinapanuod ang bawat kilos ko. Kung wala lang siguro si Sapphire ay nalapitan na niya ako ngayon.
He's sitting on a stool bar while he's busy sipping a red wine.
"Kung nilalapitan mo kaya Florence? He's been looking at you like an idiot..para siyang stalker mo na bigla na lang aatake" natatawang sabi ni Sapphire habang ako ay napairap na lang.
"Let him be.." ismid na sagot ko sa kapatid ko. Pinagpatuloy ko ang paglalaro ng tubig sa paa ko. Mamaya ka na Nero, nag eenjoy pa kami ng kapatid ko dito. Let's play later Nero.
"Oh boy..." napatunghay ako sa kapatid ko. She sounds alarmed.
"What's wrong?" nagtatakang tanong ko.
"Intelligent species..." naiiling na sabi ni Sapphire habang nakatanaw sa may stool bar kung nasaan ang hari ng mga Shokoy. At halos mapataas baba ang ulo ko bilang pagsang ayon sa sinabi ni Sapphire. Kahit kailan ay napakatalino mo talaga Nero Ferell.
Talagang nagtawag ng kauri ang hari ng mga Shokoy.
Halos sabay naningkit ang mga mata naming magkapatid nang makita pa namin ang pag aapir ng magpinsang Shokoy. Anong ginagawa ni Aldus dito? At talagang ang lakas makashades ng magpinsang ito, hapon na at walang araw. Anong pinaglalaban nila?
"Nagtawag ng back up ang hari ng mga Shokoy" parehas na silang nakangisi sa direksyon namin. Nakita ko pa ang pagkaway ni Aldus sa gawi namin at kagat labing si Nero. Gusto ko na siyang palakpakan, napakadaming alam ng hari ng mga Shokoy.
"Sinusubukan talaga tayo ng mga Ferell na 'yan" nasabi ko na lang.
"I think we need a little trick, girls are better players sis. Hubadin mo na 'yang sarong mo. Let's play with those Ferells" nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Sapphire at hubadin niya ang sarong niya.
Parang nagslow motion ang lahat habang hinuhubad niya ang kulay berdeng sarong niya, tumambad sa akin ang napakagandang hubog ng katawan niya. She looked like a goddamn model with her black pair of bikini
"You look amazing" namamanghang sabi ko.
"Hubadin mo na 'yang sayo nang matanggal na ang ngisi ng Nero mo.." napalunok na lang ako sa ideyang ito. Nero wouldn't like this.
"Okay..." pikit mata akong tumayo at dahan dahan kong hinubad ang sarong ko. I'm wearing a pair of white bikini. Damn, bahala na.
"Woah! you have tats Florence? Damn you're so sexy" tumango na lang ako. Kinakabahan talaga ako.
"Let's jump" agad tumalon si Sapphire at sumunod naman ako. Pasimple kong sinulyapan ang mga Ferell na nasa stool bar. Kung kanina ay wine glass pa ang hawak nila
Wine bottle na ang iniinuman ng mga Ferell. Halos sabay nilang ibinaba ang boteng kakatapos lang nilang inuman.
"See? Maglaway silang dalawa" natatawang sabi ni Sapphire. Napapailing na lang ako sa kapatid ko.
"Let's swim further.." pagyaya ko. Gusto kong lumayo sa mga mata niya..alam kong sa ilalim ng shades na suot niya ay ang mga mata niyang lagpasan kung makatitig sa akin.
Maglalangoy pa sana kami nang may narinig kami mula sa hindi kalayuan kaya sabay kaming napalingon ni Sapphire.
Both Ferells are slowly walking towards the pool while taking off their shirt..
Shit!
Halos marinig ko ang tilian ng iba pang mga kababaihan sa ginawa ng dalawang Ferell na parehas salubong ang mga kilay at diretso ang titig sa aming magkapatid.
They're no longer wearing any shades. I can clearly see their burning eyes.
Damn, Ferells and their body. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok. Nilalamig na ako.
"Sige..langoy lang ng malayo hanggang kaya..." rinig kong sabi ni Aldus
"Wag na wag magpapaabot..." halos magtindigan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi ni Nero na seryosong nakatitig sa akin.
Pakiramdam ko ay nangangatal na ang buo kong katawan. Please someone help me.
Sabi na, hindi ito magandang ideya. Damn.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro