Chapter 25
Chapter 25
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatanaw sa labas ng sasakyan.
I won't ever forget this day. Hinding hindi ko makakalimutan ang bawat oras, minuto at mga segundong tumatawa kaming tatlo, nag aasaran at higit sa lahat ang hindi nila matapos tapos na yabangang magpinsan.
I'm lucky to have them. I'm won't ever forget that I was once called Doll...Wada..
"Ehem, you were grinning there for the whole hour Ate Florence, mind sharing me what happened? Sino 'yang kadate mo? Alam ba 'yan ng fiancé mo?" napalingon na lang ako sa lalaking nagdadrive ng sasakyan.
"Some amazing guys.." ngising sagot ko kay Lexus.
Pagkatapos na pagkatapos naming manuod ng fireworks display habang nakasakay sa Ferris Wheel ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Malaki ang itinutol nilang dalawa sa sinabi ko. Gusto pa nila akong ihatid at sabay sabay na daw kaming umuwi.
But I made them choose the right thing.
"Amazing guys? Hindi ka nga inihatid, irresponsible" ismid na sabi sa akin niya sa akin.
"Kung alam mo lang Lexus, they're responsible enough. Too enough, that they can't really see what's really inside their heart. They need to seek their love. I let them go, they're not my Shokoys anymore.." hindi ko alam pero may bahagyang kirot itong dibdib ko. Damn.
"What?" naguguluhang tanong sa akin ni Lexus na bahagya kong ikinatawa.
"Let's not talk about it. By the way, bakit ikaw ang sumundo sa akin? I thought the tourist bus will come and get me. Bakit ikaw?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.
Pagkatapos kong kumbinsihin ang dalawang Ferell na hanapin ang mga babaeng nakasalubong namin at huwag na akong alalahanin ay agad kong tinawagan si Gio para magpasundo.
Alam kong mabilis akong masusundo ng pinsan ko dahil may inaasikaso siyang negosyo na hindi nalalayo dito. Probably from the next town?
Dito niya sinabing hindi siya agad makakapunta kaya tinawagan niya na lang ang La Cortez, ang pinakamalapit na hotel para sunduin ako.
Who would expect that the owner will come? Ang modelong si Lexus Gostavio Cortez na pinsan ni Raje at kaibigan ng pinsan ko.
Why am I surrounded by these gorgeous men on earth?
"Wala, ganyan talaga. Pag magaganda ang guest, may ari na ang susundo" pagbibirong sabi niya. Napairap na lang ako. Sa kanilang magkakaibigan si Lexus talaga ay pinakamagaling mambola ng babae.
"Hindi pwedeng lagi mo ng binobola ang mga guest nyo Lexus, baka malugi kayo" natatawang sabi ko.
"Hindi kita binobola Ate Florence..you're so beautiful, nakakainggit nga si Gio may pinsan siyang sobrang ganda mo" napanguso na lang ako sa tamis ng salita ng kaibigang ito ni Gio. If he's not calling me Ate, I might thought that he's flirting with me.
"Tigil tigilan mo ako Lexus, magaganda din ang lahi ng mga Cortez" nagkibit balikat siya sa sinabi ko.
"But not as beautiful as you..." hindi na ako nagsalita sa sinabi niya. Baka masyado ng lumaki ang ulo ko sa papuri niya sa akin.
I should thank my mom for my beauty, halos lahat ng pisikal na katangian ko ay nakuha ko sa kanya. Beauty that can capture thousands of eyes.
But this beauty, this is only for his eyes.
Nakarating na kami sa La Cortez at ito ang unang beses kong makapasok sa hotel nila na ito. Agad inihagis ni Lexus sa valet ang susi ng sasakyan. Nagdiretso kami sa receptionist na agad naalerto sa pagdating niya.
"Give her one of our presidential suite" His voice is full of authority. Hindi ko aakalaing ang lalaking katawanan ko kanina ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
He has potential in his young age, I can see the future of this whole hotel.
Mabilis namang ibinigay sa akin ng receptionist ang electronic card na siyang magiging susi ko sa kwartong ibinigay sa akin.
"You can call if you want something Ate, our crew will lend you the way" hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang ako sa kanya.
"See you around Ate" ngumisi siya sa akin bago niya ako tinalikuran.
"Mam, tayo na po" sumunod na lang ako sa crew na dala dala ang ilang gamit ko na pinamili ko pa kanina kasama ang mga Ferell.
Sumakay na kami sa elevator. At nang malapit ng magsara ito ay may humahangos na babae para lamang maabutan kami.
"Manong!" tawag ko kay Kuya'ng crew para buksan muli ang elevator. Dahil mabilis ang crew na kasama ko ay agad niyang napigilan ang pagsasara ng elevator at agad nakapasok ang nagmamadaling babae.
"Salamat po!" hiningal na sabi niya pagkapasok na pagkapasok niya ng elevator. At nang sandaling itaas niya ang paningin niya ay halos manlaki ang mata niya sa akin.
What the hell? May ahas ba ako sa ulo? What's with her reaction?
"Is...there something wrong?" nagtatakang tanong ko sa kanya. She don't looked familiar or what but she seems to know me the way she looked at me.
"Oh, sorry" mahinang sagot niya sa akin. Inilihis niya ang mga mata niya sa akin at tumungo na lang siya. What the hell? What's wrong with this girl. Weird. Weird.
Pansin ko sa gilid ng aking mga mata na sumusulyap siya sa akin at kung magtatangka naman akong lingunin siya ay agad niyang inililihis ang paningin niya.
What's wrong with her? Tumunog na ang elevator hudyat na nasa 23th floor na kami, kung nasaan ang suite ko.
"Dito na po tayo Mam" tumango na lang ako sa sinabi ng crew.
Habang naglalakad ako palabas ay ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding paninitig sa akin ng babae mula sa likuran ko.
I'm having this goosebumps. She knows me. Who is she?
At nang tuluyan ko nang inihakbang ang aking mga paa sa labas ng elevator, nagulat na lang ako sa sinabi niya.
"Sa akin na lang siya...pwede? Sa akin na lang siya Almero..." huli na nang lingunin ko siya pabalik, pasara na ang pintuan ng elevator.
Tanging mata na lang niyang lumuhuha ang nakita ko hanggang sa tuluyan ng magsara ang pintuan ng elevator.
Agad kong pinindot ang elevator button para habulin siya pero huli na at nagdiretso na ito pataas. Anong sabi niya? Tama ba ang narinig ko?
Who is she pertaining to?
"Kuya narinig nyo ba ang sabi ng babaeng kasabay natin?" tanong ko sa crew na nakakunot ang noo sa akin habang panay ang pindot ko sa elevator button.
"Wala po Mam, baka po napapagod na kayo" sagot niya sa akin na parang nahihiwagaan sa akin. Guni guni ko lang ba ang narinig ko?
But I saw her crying! She even called my name! God! Who is she?
Huminga muna ako ng malalim. I need to rest then.
Kung sakaling makikita ko siya muli dito bukas, saka ko na lang siya kakausapin. But, that's too weird. Ipinilig ko na lang ang sarili ko, I should not think too much. Hindi ito maganda sa akin.
Nakarating na kami sa kwarto ko.
"Dito na po kayo Mam, enjoy your stay" ngumiti na lang ako sa crew at mabilis ko siyang binigyan ng tip na ikinatuwa niya.
"Thank you po mam! Hindi lang kayo maganda, galante ka rin po" napabuntong hininga na lang ako. Bakit nang nagsabog ng kagandahan ang diyos ay sa akin lahat nagpunta?
Unang pagpasok ko pa lang ay namangha na ako sa ganda ng suite. Damn, I should stay here for days. From the furniture, paintings, lightings and even the wonderful view outside. This is amazing. Ang bawat parte ng kwartong ito ay detalyadong detalyado na talagang sumisigaw ng karangyaan.
Kung ako na lang rin naman ang magbabayad sa ganitong klase ng kwarto ay wag na lang, siguradong hindi birong halaga ang magagastos ko kung sakaling magtatagal ako dito.
Oh well, I have my cousin with his multi billionaire friend. Wala na akong dapat ipag alala sa bills. Napangisi na lang ako, may pakinabang kahit papaano ang masungit na Gio na 'yon.
Agad kong inihilata ang katawan ko sa malambot na kama.
Kamusta na kaya siya? Mag aapat na araw na rin siyang wala. Sinunod ko ang sabi ng mga kaibigan ko na dapat hindi muna ako tumanggap ng kahit anong tawag o text mula kay Nero at Ashong.
But I'm goddamn nervous. Ano na kaya ang nangyayari? Papaano kung gawin ni Cassidy ang lahat para akitin si Nero? Damn.
Agad kong kinuha ang phone ko na ilang araw ng nakapatay. Tinitigan ko lang ito at dahandahan ko itong ibinaba. I trust him.
Bumangon na ako sa kama at nagdiretso na ako sa banyo. Kahit ang bathtub ay napakaelegante. I hope he's here.
Damn, agad kong ipinilig ang ulo ko sa naiisip ko. Haist Florence. Sinimulan ko nang ibabad ang sarili sa bathtub. Ang sarap sa pakiramdam.
Kamusta na kaya si Troy at Owen? I hope they're fine.
Sinimulan ko nang laruin ang mga bula sa tub. Haist, baka sobra akong mawili sa hotel na ito. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang babaeng nasa elevator. Sino ang tinutukoy niya?
She looked too young about eighteen? God! Sino ang sinasabi niya? Kahit hindi ko siya masyadong pinagmasdan, I know she's beautiful. She looked so naïve and innocent but looking into her eyes, she's carrying heavy emotion.
Naaalala ko ang sarili ko sa kanya. The way her tears fall. Damn. Naguguilty ako ng wala sa oras.
Dahil sa kakaisip sa babae sa elevator ay hindi ko na napansin na nakatagal na pala ako ng isang oras sa tub, kaya naman pala nilalamig na ako. Agad na akong umahon at tinuyo ang sarili ko. Nakapili naman ako ng damit mula sa mga pinamili namin. At dahil siguro sa pagod ay mabilis na akong dinalaw ng antok.
--
Maaga akong nagising kinabuksan. Danil gusto kong suyudin ang kabuuan ng La Cortez, maaga ko na rin inayos ang sarili ko.
I need to find that intriguing girl yesterday. I should find Lexus then?
Ngayon ko pinagsisihan ang hindi pagkuha ng number ni Lexus, siguro naman ay makikita ko siya agad dito. Sana hindi siya lumipat ng ibang hotel, I need to ask his help.
Eksaktong pagsara ng pinto ng aking suite ay siya rin pagsasara ng suite na katapat ko. At halos maipatak ko ang card na hawak ko nang magtama ang aming mga mata ng babaeng kalalabas lang rin ng kanyang suite.
I can't utter any words.
Akala ko ay galit ang mabubuo sa akin sa sandaling magkita kami muli... I thought I will hate her to my heart extent. Pero bakit nangingilid ang luha ko?
"Sapphire..." mahinang sabi ko. Kahit siya ay gulat rin ang nakikita ko sa kanyang mga mata
"Florence..."
Hindi ko alam pero bigla na lang niya akong niyapos at kusa na lang gumalaw ang mga braso ko sa kanya.
Kami na lang dalawang magkapatid ang natitira, we no longer have a father nor mother to rely on. Kami na lang.
"Bakit ka nawala...?" nangangatal na tanong ko sa kanya. Naramdaman kong umiling lang siya sa tanong ko.
Mas pinili naming pumasok na lang sa aking suite para makapag usap kaming dalawa ng maayos.
"Akala ko ay next week pa tayo magkikita, mukhang pinapaaga ng pagkakataon Florence.." bahagya siyang ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.
She still this exotically beautiful. Wala man lang pinagbago ang kanyang kagandahan. Kahit ang mga mata niyang nakuha mula kay Dad ay ganoon pa rin kaganda but there are something else. There is something in her.
"Bakit bigla ka na lang nawala? Hindi mo ba alam na hinanap ka namin? Bakit kailangan mong hindi magpakita? I don't understand you Sapphire! We are family.."
"Family..." mapait siyang ngumiti.
"How's Nero? Wala ba siyang sinasabi sayo?" nagulat ako sa biglaang tanong niya..Sinasabi?
Don't tell me she's still into Nero? It can't be. Not with my sister, akala ko ba ay napag utusan lang siya ni Samuel? Totoo ba na nagkagusto siya kay Nero?
"Sapphire..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya
"Can I ask a favour? As a sister atleast.." bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niyang ito. Damn, what is it?
"Before anything else..I need to tell you something...." hindi na ako nagsalita at hinintay ko ang sasabihin niya.
"I'm pregnant and it's a Ferell" pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ng kapatid ko.
She's bearing a Ferell.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro