Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23


Habang tahimik na nagmamaneho si Troy, ito naman ako ngayon at umiikot na naman ang aking mga mata dahil sa lalaking kasalukuyang ginagamot ko.


"Saan ka naman napaaway?" matabang na tanong ko kay Owen habang pinapahid ko ang putok niyang kilay


"Dyan lang sa tabi, nasobrahan nga" napapangiwi siya sa ginagawa ko. Sinasadya ko talagang diinan.


"Argh.." naitapon ko na lang ang bulak na hawak ko at mabilis kong hinila ang tenga ni Owen. Hindi ko na matiis.


"Alam mo ba na hindi ko gusto ang ginawa mo? Bakit naghanap ka pa ng susuntok sayo pwede namang ako?" iritadong sabi ko sa kanya.


"Aray..aray Wada, hindi ko talaga sinasadya" tangging pakamatay sa akin ni Owen habang hawak hawak niya ang kamay kong hila ang tenga niya.


"Dapat sa akin ka na lang nagpasuntok pinsan" pakikisali ni Troy mula sa unahan.


"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? I didn't want to fight, niyabangan nila ako. Hindi maaari 'yon" lalong naningkit ang mata ko sa lalaking nangangatwiran sa akin.

Binitawan ko na ang tenga niya. Nakanguso siya ngayon habang himashimas ang pulang pula niyang tenga.


"Troy, idaan mo sa pinakamalapit na mall" hindi na talaga kami makakarating sa pupuntahan namin tatlo.


"Why?" sabay nilang tanong sa akin.


"Mag eextreme rides kayo na ganyan ang mga suot nyo? Walang meeting doon, pagtitinginan kayo doon" parehas lang naman na nakacorporate attire ang dalawang Shokoy na kasama ko. Mukhang mga takas pa ata sila sa kani kanilang opisina.


"Maiba ako, bakit nga kayo napadpad sa Lucrema? I'm a regular customer there, hindi ko kayo nakikitang dalawa doon" sa totoo lang ay nagulat talaga ako sa biglaang pagsulpot nilang dalawa.


"May tatagpuin sana ako at nakita kita Doll. Nakalimutan ko ng may katagpuan ako. Shit! Ngayon ko lang naalala" narinig ko pang tumawa ang Shokoy sa kanyang sariling kalokohan.

Kawawa naman ang katagpuan ng Shokoy na 'yon, mamumuti na ang mata sa kahihintay sa kanya.


"What about you Owen?" baling ko sa lalaking kinakapa ang sulok ng labi niya.


"I have a coffee meeting there and I'm quite early then I saw you... hindi na ako umatend. Baka kung saan ka pa dalhin ni Troy" sagot niya sa akin habang abala siya sa paglalagay ng petroleum sa sarili niya.

Naguilty naman ako at hinagip ko ang petroleum sa kanya.


"Ako na!" salubong ang kilay ko habang naglalagay sa kanya.


"Are you mad?" mahinang tanong sa akin ni Owen. Definitely mad, hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya. Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng petroleum sa kanya.


"Wada, I'm sorry. I won't do it again.." halos bulong na lang ang pagkakasabi niya sa akin. Maaawa na ba ako sa Shokoy nasa harapan ko?


"Talaga, dahil ipapatapon na talaga kita sa dagat na pinanggalingan mo" agad kong ng inayos ang mga gamot na ginamit ko sa kanila nang matapos ako kay Owen.


"Nandito na tayo Doll"


"Ikaw naman ang bantay ng sasakyan Owen" rinig kong sabi ni Troy. Gustong gusto ko na talaga silang pag umpugin dalawa sa mga kalokohan nila.


"Hindi. Pareho kayong kasama, bilisan na natin para matuloy tayong tatlo" bumaba na kami ng sasakyan at nagsimula na kaming pumasok sa mall.

Pero hindi pa naman kami nakakailang hakbang ay mabilis na humarang sa akin ang dalawang Shokoy. Gusto ko ng magpapadyak sa pinaggagawa nilang dalawa.


"Ano na naman?" napapahilamos na ako sa sarili ko.


"Are you sure Doll? What about the mannequins?" tanong sa akin ni Troy.


"Okay na ako. Let's go" nilampasan ko na silang dalawa. Natatandaan pa rin pala nila. They're just concerned Florence.


"Sure?" tanong naman sa akin ni Owen na mabilis na nakahabol sa akin.


"Yes, I'm sure" hindi na sila nagsalita ulit hanggang sa makapasok na kami sa mall. Agad kaming nagdiretso sa men's wear para makahanap na ng matinong damit para sa mga alaga kong Shokoy.

Kasalukuyang nakasalang ang dalawa sa fitting room habang ako naman ay nakacross legs na naghihintay sa kanila.


Halos hindi na huminga ang mga sales lady sa pag aassist sa dalawang Shokoy na kasama ko. Haist. Ferells and their goddamn genes.

Unang nabuksan ang fitting room ni Troy Ferell at halos magsinghapan ang mga sales lady. Kahit ako ay bahagyang natigilan. Bakit kailangan niya pa na magkikilos ng ganyan? Can't he show me his get up in a simple way?

Bahagya lang naman niyang tinagilid ang ulo niya habang kunwari ay inaadjust ng isa niyang kamay ang diamond earring niya. Mayabang pa siyang nakapamulsa.


And what's the silliest thing? He's damn biting his lips.

Dinaig niya pa ang totoong modelo ng clothing line na suot niya. He's wearing a rose pink V-neck shirt and khaki shorts na talagang nagpatingkad sa pagiging mestizo niya. Pumili din siya ng sapatos na babagay sa suot niya.


"How is it Doll?" ngising tanong niya sa akin. Pakinig ko ang impit na tilian ng mga sales lady sa likuran ko habang ako naman ay napapataas na lang ng kilay.


"You look great" simpleng sagot ko. Dahil kung pauulanan ko pa siya ng papuri baka lumaki lalo ang ulo ng Shokoy.


"That's all?" ako naman ngayon ang pinagtaasan niya ng kilay. Haist. A Shokoy, fishing for a compliment. Hindi na ako nakapagsalita nang ang mga sales lady na ang sumagot sa kanya.


"Sir, bagay na bagay po sa inyo"


"Para po kayong artista"

Madami pa akong papuri na naririnig para sa kanya pero pinili ko na lang hindi makinig. Mas lalo lamang aarko ang napakaganda kong kilay.

Sunod kong tiningnan ang fitting room ni Owen Ferell. Huminga muna ako ng malalim, siguradong may pagkashokoy din ang palabas nito. Bahagya akong napalingon kay Troy nang marinig ko ang pagtawa niya, hindi lang naman dadalawang sales lady ang nag aassist sa kanya. Nakailang irap na kaya ako mula kanina?


"Wada"

Bakit pakiramdam ko ay nag slow motion ang paglingon ko? Nang sandaling tumama ang mga mata ko kay Owen Ferell halos mapahawak na lang ako sa upuan ko. What the hell is he doing?

Mukha siyang banas na banas sa suot niya. He's wearing a navy blue three fourths na may butones with matching black shorts and stylish shoes na bagay sa suot niya. Mayabang pa niyang hinawi ang buhok niya. What the hell? Bakit may ganito pa silang nalalaman?


Hindi ba pwedeng tumayo na lang silang basta?

But the thing is, kalahati ng butones ay tanggal. I can vividly see his sexy chest, na talagang tinitilian ng mga babae sa tuwing may mga swimming competition siya.


"Can..can you button your clothes?"


"Help me then.." halos mapatulala na lang ako sa sinabi niya.


"Ako na lang po sir" mabilis na lumapit sa kanya ang sales lady para iassist siya Pero parang ako ang napahiya sa katayuan ng sales lady nang umiwas si Owen.


"It's okay, siya ang gusto ko. Come on Wada, help me. Wala ka namang ginagawa" napabuntong hininga na lang ako sa kalokohan ni Owen Ferell.


"What the fuck?" narinig ko pa ang mura ni Troy sa hindi kalayuan.

Wala na akong nagawa, tumayo na ako at sinimulan kong ibutones ang damit nitong si Owen Ferell. Narinig ko pa ang bulungan ng ilang saleslady.


"Sino ba talaga ang boyfriend niya?"


"Pinagsasabay niya talaga?"


"Ang landi lang"


"Gahaman, dalwa dalwa talaga?"


Nagkibit balikat na lang ako sa naririnig ko. Mamatay sila sa inggit, maganda ako. Sila?


"Okay na. Bilisan nyong dalawa sa pagpili, hapon na tayong makakarating" sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumalikod na ako at nagsimula na akong mamili ng mga damit na maari kong kailanganin. Siguro ay bukas pa kami makakauwi, this is gonna be a very long date.

Humiwalay muna ako sa kanilang dalawa para makahanap ako ng sarili kong mga damit. Siguro ay magchecheck in na lang muna kami sa isang hotel pagkatapos naming makapunta sa lugar kung saan may mga extreme rides.

Ano nga ang pangalan ng lugar na 'yon? Extreme Kingdom ba? Anyway, I need to hurry. Baka mahanap pa ako ng dalawang 'yon at makita ang mga undies na pinamili ko.

Dahil nagmamadali nga ako, mabilis ko nang nakuha ang mga kakailanganin ko. From clothes, toiletries, shoes and any other accessories to make me survive for atleast two days.


Ako na ang sunod sa cashier at nang isinasalang na ang pinamili ko. Dalawang gold card ang humarang sa mukha ng cashier. Napabuntong hininga na naman ako.

Si Owen at Troy lang naman na diretso ang titig sa cashier at ibinibigay ang mga credit card nila.


"I'll pay for her..she's my girlfriend" agad na sabi ni Troy.


"No, ako ang boyfriend niya miss" madiing sabi ni Owen. Nahihiya na ako sa mga taong nakapila maging sa iba pang cashier na napapangisi sa aming tatlo.

Hindi malaman ng cashier kung kaninong credit card ang tatanggapin niya. Kaya iniabot ko rin ang credit card ko.


"Itong akin na lang miss ang gamitin mo" pinagtatabig ko ang mga credit cards ng mga Shokoy.


"NO!" sabay nilang sabi at mas inilapit pa nila ang mga credit cards nila sa cashier. Hiyang hiya na ako sa pinaggagawa nila. Shit! Someone please help me. Nakakahiya na po.


"Miss, sino ba talaga ang boyfriend mo sa kanila? Mahaba na po ang pila" tanong sa akin ng pawisang cashier


"Miss, madami pa kaming gagawin dito" narinig kong reklamo ng mga nakapila. Hiyang hiyang hiya na talaga ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Kapag may kasama ka talagang Shokoy dapat may baon ka rin gamot sa sakit sa ulo.


"Ako na ang magbabayad" halos sabay sabay kaming napalingong tatlo sa pamilyar na boses. Anong ginagawa niya dito?

Kahit ang mga cashier at mga customer ay napalingon rin sa biglang nagsalita. Napausal na lang ako ng pasasalamat. He's my saviour as always.

Walang nagawa ang dalawang Shokoy sa kanya. Malamang. Binayaran lang naman niya ng cash ang hindi birong halaga na mga pinamili ko.

Ano kayo ngayong mga Shokoy kayo? Mga tahimik lang naman silang dalawa hanggang makarating kami sa parking kasama ng taong nagbayad ng pinamili ko.


"Ano na namang kalokohan ang pinagagawa nyo?" tinanggal na ni LG ang shades niya at kitang kita ang salubong niyang kilay.


"I was paying for her.." maiksing sagot ni Troy.


"Dapat pinabayaan mo na lang ako" sagot naman ni Owen kay Troy.


"Sino nga ang lolo niyong dalawa?" sarcastic na sabi ni LG habang minamasahe ang noo. Minsan napapaisip talaga ako, paano pa kaya nakatagal si LG sa mga apo niya?

Hindi na nakasagot ang dalawang Shokoy sa sinabi ni LG, napangisi na lang ako. Kahit kailan hindi talaga sila mananalo kay LG.


"Ihatid nyo muna ako" pinagbuksan ni Troy si LG na sumakay sa unahan. Pero ang mas ikinagulat ko ay mabilis siyang pumunta sa likuran at agad na nakiupo sa tabi namin ni Owen.


"Sinong driver?" nagtatakang tanong ni LG. Ramdam ko ang sikuhan ng dalawang Shokoy na katabi ko. 


"Ako na!" padabog akong tumayo at mabilis akong pumunta sa unahan.


"Ako na Wada" sabi ni Owen.


"Let me drive" sabi naman ni Troy.


"LG, saan ipinaglihi ang mga 'yan? Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanila"


"Hayaan mo na sila" iwinasiwas pa ni LG ang kamay niya. Inistart ko na ang sasakyan. At hindi ko na pinansin ang dalawang Shokoy sa likuran. Ang aarte nila.


"Bakit ka nga pala nasa mall LG?" nagtatakang tanong ko.


"May binili lang ako" maiksing sagot sa akin ni LG.


"Ano?" sabay na tanong naman ng kanyang mga apo.


"Gamot nyo" matabang na sagot ni LG.


"Si LG, hindi makausap ng matino" mahinang sabi ni Troy.


"Sa tingin mo ba matino ka rin kausap apo?" tanong na pabalik ni LG sa kanyang magaling na apo. Hindi na sumagot pa si Troy. Napapangisi na lang ako sa usapan ng mag lolo na ito. I missed this.


"Saan ba kayo pupunta?" tanong sa amin ni LG.


"Sa Extreme Kingdom kami LG" simpleng sagot ko.


"Extreme Kingdom? Pumayag ang dalawang 'yan?" natatawang sabi ni LG.


"Yes" maiksing sagot ko. Naririnig ko lang ang pagsipol sipol ng dalawa mula sa likuran.


"Alagain lang ang dalawang 'yan hija, nagkamali ka ng isinama" naiiling na sabi ni LG. Nagkitbit balikat na lang ako.

Hindi rin nagtagal ay bumaba na si LG. At napakaganda ng pagkaway sa kanya ng kanyang mga apo habang lumalayo ang sasakyan namin. Sa katunayan sabay pa silang napabuntong hininga nang tuluyan na kaming nakalayo.


"Tang ina, anong ginagawa ni LG sa mall?" biglang sabi ni Troy.


"Malay ko sa matandang 'yon. Hindi na nga ako makapagsalita, takot ko na lang kay LG" ngusong sagot naman ni Owen.


"Hindi na kayo nasanay sa Lolo niyo, lagi siyang ganyan. Bigla na lang siyang nasulpot, katulad na lang ng una naming pagkikita? Hindi ko akalaing ang matandang na nanakawan lang sa harapan ko kahit hindi naman tunay ang magpapakilala sa akin sa inyo. I've met you Shokoys because of LG, I'm thankful" hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa una naming pagkikita ni LG at sa una naming pagkikita ng mga Shokoy.


Hindi ko alam pero parang natahimik ang dalawang Shokoy sa sinabi ko.


"We're thankful too Doll.." mahinang sabi ni Troy.


"Damn, thankful" sunod na sabi ni Owen.

Hindi ko alam bigla na lang nangatal ang kamay ko sa manibela. Napakagat labi na lang ako. Agad kong itinabi ang sasakyan at napatungo na lang ako. Nakakataba ng puso. Damn.

Agad nag init ang sulok ng aking mga mata, damn. Umiiyak ba ako?


"Troy, Owen..namiss ko talaga kayong dalawa" pilit akong ngumiti sa kanila.


These tears of joy.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro