Chapter 22
Chapter 22
Para akong napaso sa sinabi ni Troy. Mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. Pinilit kong ngumisi sa kanya. He's been acting this weird since the first time we've met.
Hinagip ko ang kanang kamay niya at inilagay ko dito ang panyong ginamit ko sa kanya.
"Sayo na lang 'yan. Baka may sumuntok pa sayo, pwede mo pa 'yang magamit" umismid lang siya sa sinabi ko at namulsang tumayo ng maayos mula sa kanyang pagkakasandal.
"Hindi na ako mauulitan, darn that old man. Bakit ako ang sinuntok? Pwede namang si Owen?" iiling iling na sabi niya habang sabay kaming naglalakad. Kahit ako ay nabigla sa biglang pagsulpot ng matandang 'yon.
"Baka kahawig mo ang kinagagalitan niya" natatawang sabi ko.
"So, magandang lalaki pala ang umagaw sa lupa ng matandang 'yon" kumbinsidong sabi ni Troy na nakapagpaningkit lang naman ng mata ko.
"Masusuntok ka nga, 'medyo' mayabang ka kasi" sarcastic na sabi ko. Ngumisi lang sa akin ang tagapagmanang Shokoy.
"Saan ba nakapark ang sasakyan ni Owen? Kanina pa tayong naglalakad dito, baka may bigla na lang sumulpot at masuntok ka na naman"
Tumigil na rin sa paglalakad ang tagapagmanang Shokoy, kasalukuyan siyang nakapamaywang ngayon habang sinusuyod niya ng tingin ang mga sasakyang nakaparada dito.
Napapangiwi na lang ako habang pinagmamasdan siya, patuloy pa din sa pagdugo ang labi niya. Alam kong sinadyang hindi pigilan ni Troy ang matanda kanina, alam kong natatakot siya na baka masaktan niya ang matanda kung mas sasalagin niya ang mga suntok nito. Damn, hot and handsome with the heart. Haist Florence. Ano ba naman ang dapat kong isipin? Isa lang naman siyang Ferell na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan.
Hindi ko akalain na bibigyan pa nila ako ng ganitong atensyon. Damn. They're still treating like what they used to treat me. Wala pa ring pagbabago at kung mayroon nagbabago sa kanila sa paraan ng pakikitungo sa akin, iisa lang ang masasabi ko.
They are sweeter compared to those Shokoys I know last 6 years ago.
Naramdaman niya sigurong pinagmamasdan ko siya kaya lumipat ang paningin niya sa akin.
"Ngayon, nalaman mo na? Na mas magandang lalaki talaga ako kay Nero?" nakataas pa talaga ang kilay ng tagapagmanang Shokoy sa akin.
Inirapan ko na lang siya. They're both attractive but they're totally different.
"Just find Owen's car, napakadami mong alam" sagot ko na lang sa kanya.
"Sa pagkakatanda ko ay dilaw na hummer ang gamit ng gagong 'yon. Saan kaya nagpark ang isang 'yon?" nagtuloy na lang kami sa paglalakad.
Hindi rin nagtagal ay nakita na namin ang sasakyan ni Owen na panay ang pa ilaw at busina sa amin. Agad na kaming sumakay, sa likuran ako nagdiretso at ramdam ko nakasunod na rin sa akin si Troy. Hindi ko na siya sinita kung sa likuran na rin siya umupo, bahala na sila ni Owen na magtalo.
"Bakit ka nandyan Wada? Come here, dito ka umupo" sabi ni Owen habang nakatingin sa rearview mirror. Ito na naman po kami, mukhang mag uumpisa na naman ang dalawang Shokoy na kasama ko.
"Dito na lang ako Owen, ikaw Troy ang lumipat sa unahan" ngumuso lang ang tagapagmanang Shokoy at nagkibit balikat.
"Saan tayo Wada?" tanong sa akin ni Owen habang inistart na niya ang sasakyan.
"Idaan mo muna ito sa 7 11, may bibilhin lang ako" sagot ko na lang.
"Sure.." maiksing sagot ni Owen. Dahil hindi naman nalalayo ang coffee shop sa mga iba pang commercial establishments ay agad si Owen nakahanap ng pinakamalapit na 7 11.
"Ano ba ang bibilhin mo Doll?" akmang bababa na rin si Troy ng sasakyan nang pigilan ko siya.
"Where do you think you're going?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Sasama ako sayo.." simpleng sagot niya.
"Hindi, dyan ka lang bantayan mo ang sasakyan. Owen, let's go" napatulala na lang siya sa sinabi ko.
"Bakit ako iwan dito?" hindi ko na siya sinagot.
"Alright! paano ba 'yan pinsan? Sino nga ulit Wada? Sino nga ulit ang gusto mong kasama?" naramdaman ko na naman ang mabilis na pag akbay sa akin ni Owen Ferell na agad kong ikinairap.
Kitang kita ko ang paglabas ng ugat sa noo ni Troy Ferell. Wala na talagang kamatayan ang pag aasaran ng mga Shokoy na ito.
"Ikaw nga, et's go. Stay there Troy, mamimili lang kami" hindi na siya nakaangal pa nang tumalikod na kaming dalawa ni Owen. Humalikipkip na lang si Troy sa kanyang upuan habang salubong ang mga kilay.
"Faster" 'yon lang ang sinabi niya bago kami tuluyang tumalikod ni Owen Ferell. Hindi ko na inabala ang sarili kong tanggalin ang braso ni Owen Ferell na nakaakbay sa akin. Dahil alam kong ibabalik niya ulit kung tatanggalin ko.
Agad niyang itinulak ang salaming pintuan para makapasok ako. Halos marinig ko ang pagtili ng mga kahera at ilang customer sa pagpasok ni Owen Ferell.
Hindi ko akalain na sisikat ng ganito ang mga Shokoy na ito.
"Shit! frand, kamukha ni kuya 'yong nasa magazine. Look!" pakinig ko ang bulungan ng mga teenager na kumakain ng ice cream habang pabalik balik ang tingin nila sa nakadisplay na magazine at kay Owen na kasunod ko.
Napapangisi na lang ako dahil sa patay malisyang si Owen Ferell. This is new, ayaw na ng Shokoy ng atensyon?
"What do you want?" tanong sa akin ni Owen habang patuloy lang siya sa pagsunod sunod sa akin.
"Anything basta nakakabusog Owen" maiksing sagot ko habang abala ako sa pagdampot ng mga snacks na pwede naming kainin sa daan.
"Ito rin" halos mapatalon na lang ako nang may malamig na lumapat sa aking pisngi.
"Owen!"
Inilagay lang naman ng malokong Owen Ferell sa pisngi ang malamig na coke in can kaya nagulat ako. Tatawa tawa lang naman siya habang salubong na salubong ang kilay ko. Kung ano ano na lang ang kalokohan ng mga Shokoy na ito.
"Awww, ang sweet nila frand" napapangiwi na lang ako. Bakit naman pinapanuod kami dito?
"Alam mo Wada, takasan na lang natin si Troy. Ako naman ang unang nagyaya sayo, mas masaya akong kasama kaysa sa tagapagmana ni LG. Plus may libre ka pang tsansing sa akin"
Mabilis ko nga siyang sinipa sa binti.
"Ano na namang kalokohan 'yang pinagsasabi mo?" umasim ang mukha niya at bahagya niyang hinawakan ang binti niya.
"Ang sakit Wada, sadista ka talaga" tinalikuran ko na lang siya at pinagpatuloy ko ang pagdampot ng mga pagkain.
"Hold this Owen.." panay ang bigay ko kay Owen ng mga napipili ko.
"Hmm, excuse me po? Pwede po magpapicture?" napalingon na lang ako sa likuran.
Nakalapit na pala kay Owen ang naghahagikhikang mga teenager kanina. Nagkibit balikat na lang ako. Sinimulan kong tumingin ng bulak, alcohol at kung ano pang pwede sa labi ng tagapagmanang Shokoy. Napapansin kong hindi na talaga maganda ang lagay ng labi ni Troy at sobrang halatang halata ito sa kanya dahil may pagkamestizo lang naman ang tagapagmanang Shokoy, litaw na litaw ang putok niyang nguso.
"I can't, selosa ang girlfriend ko. You can take pictures of me if she's with me" napalingon na naman ako sa kaartehan ni Owen Ferell.
Ano na namang drama 'yan? Bakit hindi na lang niya pagbigyan ang mga bata?
"Wada come here.." nagkunwari kong hindi ko narinig pinagpatuloy kong magtingin tingin ulit.
"Wada, papicture daw" naramdaman kong nakalapit na siya sa akin, mabilis niyang hinuli niya ang kamay ko.
"Owen, ikaw lang naman. Wag mo na akong isama" pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kanya.
Pero hindi na ako nakaangal nang may nakatapat ng camera sa harapan namin. Akala ko ay simpleng kuha lang pero nagulat na lang ako sa ginawa ni Owen, sa likuran ko lang naman siya pumuwesto at mabilis niyang hinawi ang buhok ko at inilagay ito sa kaliwang balikat ko.
He encircled his arms around me and rested his chin on my right shoulder. Napalingon na lang ako kay Owen na malapad ang ngisi sa harap ng camera.
"Say cheese!" nagflash na ang camera ng hindi ko nalalaman. Damn, hindi man lang ako nakatingin sa camera.
"Ate..dito ka tumingin" iritadong sabi ng teenager. May katabi pa kaming isa pa na teenager na kasama pala sa picture.
Magmumukha lang siyang photobomber sa ginagawang ito ni Owen.
"Wada, tama na. Matutunaw ako" hinawakan ni Owen ang baba ko at iniharap niya ito sa camera.
"Smile" bulong niya sa akin. Awkward na lang akong ngumiti sa camera.
"Okay na?" kinalas ni Owen ang pagkakayakap sa akin at lumapit siya sa namamanghang teenager na halos mangatal ang pagkakahawak sa kanyang phone sa pagtitig kay Owen sa malapitan.
Lalong lumalim ang mga dimples niya habang tinitingnan niya ang mga pictures. Napapailing na lang ako.
"Send it to me okay? I'll give you my email" dinig kong sabi ni Owen.
Nagdiretso na ako sa cashier at agad namang nakasunod si Owen para bayaran ang mga pinagkukuha ko. Isinama na rin namin ang mga hawak ni Owen kanina.
"I like our pictures.."ngising sabi niya habang naglalakad na kami palabas. Ang bilis naman ng pagsesend ng teenager na 'yon.
Oh well, para malaman nga naman kung legit ang email na binigay sa kanya.
"Look Wada" napatigil ako sa paglalakad para tingnan ang picture namin.
"Nasaan na ang teenager na kasama natin?" nagtatakang tanong ko. Wala sa mga kuha namin na may kasama kami.
"I cropped it" maiksing sagot sa akin ni Owen. Napanguso na lang ako. Kahit kailan talaga ang daming alam ng isang Shokoy.
"We have this candid shot Wada. You looked so in love in this picture" nang tingnan ko ay halos mapatango na lang ako sa sinabi ni Owen. Kahit ako ay aakalaing kong sobrang in love ako sa lalaking nakayapos sa akin sa litratong ito.
While Owen is showing his deep dimples in camera. I'm just staring at him with admiration in my eyes. Totally candid, I like this picture. It's cute though.
"Mind if I make this my wallpaper?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.
"Sure, basta walang babae ang basta na lang sasabunot sa akin. I won't mind.." sagot ko na lang.
"Sinabi mo 'yan Wada, walang bawian" ngumisi na lang ako sa kanya bilang sagot.
Nagdiretso na kami sa sasakyan. Nasa labas na si Troy Ferell habang mayabang na nakasandal sa sasakyan ni Owen. Parang inip na inip na siya sa hitsura niya ngayon may pag tingin tingin pa siyang nalalaman sa wrist watch niya.
Isang oras ba kami ni Owen?
"What took you so long?" iritadong tanong niya sa amin.
"Nothing" pumasok na ulit ako sa sasakyan maging ang dalawa ay pumasok na rin.
"Saan na tayo Wada?" mabilis na tanong sa akin ni Owen.
"Something with extreme rides?" tanong na sagot ko kay Owen. Sa pagkakatanda ko ay hindi naman takot ang mga ito sa mga rides, nakasama ko na si Nero noon siguro ay parepareho naman sila.
"WHAT?!" halos sabay nilang sagot sa akin. Oh well, mukhang mali ang inaakala ko.
"Takot kayo?" natatawang tanong ko sa kanila.
"No way" maiksing sagot ni Owen.
"So, anong problema nyo?" pang aasar ko. Nagsisimula na akong ma excite nito, damn. Another weakness Shokoys?
"That's too boring.." sagot naman ni Troy.
"So, saan nyo gustong pumunta? Bar? Okay lang sa akin" pag susuggest ko sa kanilang dalawa.
"NO WAY!" mabilis na sagot nilang dalawa sa akin.
"Mababastos ka lang doon, mapapaaway lang kami" iritadong sabi ni Owen.
"We can go there but not with you..you will catch too much attention Doll, sakit lang sa katawan ang aabutin namin ni Owen" naiiling na sabi ni Troy Ferell.
Aww, concerned Shokoys?
"I think, extreme rides will do Troy. I don't like seeing fucking drunkards drooling over her" seryosong sabi ni Owen.
"Baka makapatay lang ako" maiksing sagot ni Troy.
Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko sa dalawang Shokoy na ito. I'm having this goosebumps. Bakit naman kasi ganito kayong dalawa? They're too overprotective. Hindi ko maiwasang mapangisi.
"Kikiligin na ba ako sa inyong dalawa?" pagbibirong tanong ko sa kanila. I can't talk to them in serious, I want a light atmosphere.
"We're serious Doll, bastusin na nila lahat wag lang si Florence Almero" nakita ko pang mayabang na nag cross legs si Troy Ferell na akala mo ay lider ng kung anong gang.
"Hinding hindi papasok sa isip ko na dalhin ka sa lugar na 'yon. Bad idea Wada, mag extreme ride na nga lang tayo. Kahit magsusuka si Troy, titiisin niyan" sabi naman ni Owen.
Magsusuka? Damn.
"What the fuck? Parehas lang tayo!" mabilis na sagot ni Troy. Now I know, it's confirmed. Mukhang may isa pang kahinaan ang mga Shokoy. Akala ko ay sa mga horror film at kung ano pang multuhan sila takot.
They're afraid of extreme rides. Damn, why so cute Shokoys?
"Okay lang 'yan sa carousel na lang tayo sumakay" pagsisinungaling ko sa kanilang dalawa. I have this evil plan. Damn, excited na ako makarating sa mga extreme rides. This will be a very great Shokoy date.
Hindi na sila sumagot na dalawa sa sinabi ko. Alam kong pabor silang dalawa, pero alam kong nahihiya lang sila. Tsss, adorable Shokoys.
"By the way, bumili ako ng gamot dyan sa labi mo Troy. Come closer" sinimulan ko nang kunin ang gamot sa mga pinamili namin ni Owen.
"Paano ba 'yan? Come closer daw pinsan, dahan dahan ka sa pagmamaneho dyan. Ginagamot ako ni Doll.." pang aasar ni Troy kay Owen. Napapabuntong hininga na lang ako.
Pero sa halip na magdahan dahan ay ramdam ko na mas binilisan pa ni Owen ang pagmamaneho. Hindi na ako magtataka, mga shokoy ang mga kasama ko.
Kinuha ko ang bulak, alcohol at petroleum jelly.
"Huwag ka malikot Troy, bubuhusan kita ng alcohol" tumango lang sa akin si Troy. Sinimulan ko nang maglagay ng kaunting alcohol sa bulak.
"Bakit naman kasi hindi mo ginalingan umilag? Nagpatama ka lang talaga" napangiwi siya nang bahagya kong ilapat ang bulak sa labi niya.
"Aray! Doll..teka masakit" iniwas niya ang ulo niya sa akin.
"Ang arte mo Troy, parang kagat lang ng langgam ito. Lumapit ka dito" mas umatras siya sa sinabi ko. Maarteng Shokoy!
"Can..can you count first? Para hindi ako nagugulat?" napairap na lang ako.
"Ano ka bata? Come closer ano ba!?" nakita ko pa ang pagbuntong hininga niya. Napakabagal ng paglapit niya sa akin kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya. Inaartehan na naman ako ng tagapagmanang Shokoy.
Hindi pa naman masyadong nakakalapat ang bulak, ito na naman siya.
"Ouch! Sinasadya mo naman ata Doll" ilang beses na siguro akong napapairap sa kalokohan nitong si Troy Ferell.
"Ang arte arte mong Shokoy ka! Umayos ka Troy Ferell, buti ka nga at nag aalala pa ako dyan sa putok mong nguso. Lumapit ka sabi! Isa pa Troy, ipapagapos na kita kay Owen" para siyang batang nagdadabog papalapit sa akin.
"Kung ako sa'yo Wada, let him be. Nagpapabebe ka lang Troy, hindi naman bagay sayo" ismid na sabi ni Owen na nakikipagkarera na ata sa dami ng sasakyang inoover take.
"What the fuck? Magdrive ka na lang dyan" sagot naman ni Troy Ferell. Gustong gusto ko na silang pag umpuging dalawa.
"Hipan mo muna Doll" mahinang sabi niya. Ano na ang nangyayari? Bakit parang inaapi ko na ang Shokoy na ito?
"Oo na! Nako Troy Ferell, hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang pinakamaarte sa lahat"
Sinimulan ko nang ilapat ang bulak sa labi niya kasabay nito ang bahagyang pag ihip ko sa kanya, para akong may inuulukang batang paslit sa ginagawa kong ito.
Pagkatapos ay agad kong kinuha ang petroluem jelly. Ginamit ko ang hinliliit ko para kumuha ng kaunti na ipapahid ko sa putok na labi niya.
Pero hindi pa naman naglalapat ang hinliliit ko ay bigla na lang nagpreno ang sasakyan. Maagap si Troy at nakabig niya ako papalapit sa kanya para hindi ako tuluyang tumalsik sa unahan.
Damn, what happened?
"Fuck! Ayusin mo ang pagmamaneho Owen! We have Doll here!" singhal ni Troy sa pinsan niya. Ano ba ang problema nitong si Owen?
"May dadaanan lang ako" maiksing sagot ni Owen. Pabagsak niyang isinara ang pintuan ng sasakyan pagkalabas niya.
"Shit! Ano naman kaya ang gagawin ng isang 'yon?" hindi na namin makita si Owen sa dinaanan niya.
Sa halip na hanapin si Owen sa dagat ng taong dinaanan niya ay bumaling na lang ulit ako kay Troy Ferell.
"Let me finish Troy.." kumuha ulit ako ng petroluem at nag simula na akong iapply ito sa labi niya. Mabilis lang naman itong ilagay dahil hindi naman ito katulad ng alcohol na mahapdi.
"Okay na"
"Thanks" tipid na sagot niya. Nang maayos ko na ang mga ginamit namin ay nagpasya na lang akong manuod ng mga taong nagdadaan sa sasakyan namin.
"Doll can I ask you something?"
"Ano naman?" tamad na sagot ko sa kanya na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"I'm handsome right?" dito na ako lumingon sa kanya na may naniningkit na mata.
"Ano na naman 'yan Troy?"
"Just answer.." seryosong sabi niya. Inilihis ko ang paningin ko sa bintana ng sasakyan bago ako sumagot sa kanya.
"Ofcourse, you're handsome enough to make a girl crazy. It runs through the blood, pareparehas kayong magpipinsan" simpleng sagot ko.
Hindi niya ba alam kung ilang daang babae ang pumapantasya sa kanya? I considered myself lucky to be treated like this, by these two prominent bachelors in the country. I'm lucky to see their childish acts and even their soft spots. Hindi lang daang babae ang gugustuhing maranasan ang kinatatayuan ko ngayon.
What's wrong with this Troy? He used to be conceited and damn very proud to himself.
"But she's crazy about someone else.." hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. What's wrong with him?
Crazy about someone else? Pinagpalit ba siya ni Laura kaya sila naghiwalay? Should I ask him? Pinilig ko ang ulo ko. That's out of the line, alam kong hindi niya gustong pag usapan ang bagay na ito.
"Anyway, this is my payment for treating my lips Doll" nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa kanang pisngi ko.
Nang lingunin ko siya ay napakalapad na ng ngisi niya sa akin.
"I'm back!" nabuksan ang pintuan ng sasakyan sa likuran.
"WHAT THE FUCK? Anong nangyari sayo Owen Ferell?" napamura na lang ako sa hitsura ng Shokoy. Putok lang naman ang nguso at kilay ng Shokoy.
"Napaaway ako" cool na sagot niya sa akin.
"Ano pa ang ginagawa mo dito Troy? Drive my car, I need to be treated. Right Wada?"
Inihilig ni Owen ang kanyang ulo sa aking balikat na akala mo naman ay talagang 'heavy wounded'
Napapahanga na lang ako sa kalokohan ng dalawang Shokoy na kasama ko ngayon.
"Troy, drive the car" sabi ko na lang kay Troy. Sinimulan ko nang kuhanin ang mga bulak. Haist.
"Gaya gaya" pakinig kong bulong ni Troy habang padabog na lumilipat siya ng puwesto.
Napamasahe na lang ako sa aking noo.
"God! I hate drugs!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro