Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21


Nakailang irap na siguro ako sa mga kaibigan ko. What the hell? Bakit sabay pa silang mawawala?

And worst! Two goddamn weeks? Ano na ang mangyayari sa akin nito? Bakit mukhang uso ang paglipad sa ibang bansa ngayon?


Kasalukuyan akong nakadapa sa kama habang nakikipag video conference sa mga kaibigan kong lilipad daw sa kung anong bansa sa hindi ko maintindihang dahilan.


"Are you girls serious? What about me? Wala akong kasama dito sa loob ng dalawang linggo. Lalo na akong mababagot kung wala kayong dalawa dito" himutok ko sa kanilang dalawa.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip nila at bigla nilang naisip na lumipad ng bansa. Nakita kong ni flip ni Camilla ang kanya buhok sa madramang sinabi ko.


"Wag nga ako Almero, maghanap ka muna ng kafling diyan habang wala ang malagkit na si Nero Ferell at ang mayabang na si Ashton Elias Martin..you are free and damn single for the whole two weeks, malay mo wala naman talaga sa kanila ang forever mo?"

Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi ng magaling kong kaibigan. Ang ganda naman ng payo niya. Baka biglang makalipad pabalik si Nero Ferell pag nabalitaan niya ang magandang payo ng kaibigan ko. 

Narinig kong tumawa si Aira.


"Don't listen to her, wag ka ng gumaya sa babaeng 'yan palibhasa madami 'yang collection ng boys at namimili na lang siya.." kahit sa screen ay kitang kita ko rin ang pag irap ni Aira habang maarteng tinitingnan ang bago niyang nail polish. Haist.


"Anong pinaglalaban mo Te? Ang suplado mong si Abraham?" sagot naman ni Camilla kay Aira. Napapabuntong hininga na lang ako sa usapan namin. Bakit hinding hindi namin maiwasan isama ang mga lalaking 'yon sa usapan namin?


"Come on girls, just postpone that flight of yours. Bakit ba kasi nagsabay pa kayo? Sinadya nyo no?" kung nasa harap ko lang ang dalawang ito ay napagsasabunutan ko na. Hindi man lang sila nag iba ng schedule? What about me?


"Florence Almero, hindi ko kinausap ang isang 'yan. Sadyang naka schedule na ang flight ko bukas, alam mo na family reunion" kibit balikat na sabi ni Aira


"Saan ka nga pala lilipad Aira?" tanong ni Camilla. Kahit ako ay hindi ko alam kung saang bansa na naman magtatapon ng pera ang pamilya niya.

I know Camilla kung hindi sa Australia ay sa Canada ang punta niya.


"Somewhere from Europe..country hopping I guess?" maarteng sabi ni Aira. Lakas maka country hopping ng isang ito.


"Ang yaman..." eksaheradang sabi namin ni Camilla.


"Bakit 2 weeks lang? Baka kulangin ka pa" sarcastic na sabi ko.


"Hindi tama na ang 2 weeks, baka makapambabae pa si Abraham Jare Cortez" she rolled her eyes on us. Great.


"Wow! Possessive girlfriend" halos chorus na naman kami ni Camilla. Okay, hindi ako ang topic ngayon.


"Ako ba pinagloloko nyong dalawa?" iritadong tanong niya sa amin na siya namang aming kinatawa.


"Bakit hindi mo na lang isama? Sabay kayong maghopping" halos sabay na naman kaming humagalpak ng tawa ni Camilla. Shit! Ang dami talagang alam nitong babaeng ito.


"Papatayin ko na ang conference na ito mga bruha kayo!" ay pikon?


"Nagbibiro lang friend, bakit nga ayaw mong isama? Pakilala mo sa mga elite relatives mo sa Europe"


"Para namang sasama ang isang 'yon. Napakakuripot kaya ng Abraham na 'yon kung alam nyo lang" napatawa na naman kami ni Camilla. Damn, I don't know this.


"Seryoso? Paanong kuripot? Sa streets lang kayo nakain?" natatawang tanong ko.


"Not like that. Basta ang kuripot talaga ng lalaking 'yon" may pagwasiwas pa siya ng kamay.


"Oh well, every boyfriend has their own flaws. Ganyan talaga, ako nga akala ko manyakis talaga si Doc Thomas hindi naman pala" dismayadong sabi ni Camilla. Grabe talaga ang babaeng ito.


"Wow Camilla at flaws ang pagiging hindi manyakis?" I did raise my left right eyebrow.


"Ano ka ba Florence? Mas may thrill pag ang boyfriend mo ay may pagkamaginoo pero medyo bastos. Huwag parang santo, ano kami mag bibible verse na lang pag kaming dalawa lang? Look at you and Nero? Hindi ka ba nag eenjoy sa treatment niya? Kung makatitig sayo si Nero ay parang gusto ka laging kagatin. Rarr, nakakainggit ka. Ano ba kasi ang ginawa mo sa kanya at baliw na baliw pa rin sayo? Look it's been 6 years"

Napaisip din ako sa sinabi ni Camilla.


"To tell you truth Florence..akala ko ay ikaw ang magpapakalokang maghabol diyan kay Nero kasi ikaw ang nang iwan, ikaw ang basta na lang bumitaw tapos nang bumalik ka may iba na at engaged, akala ko ay totoo na siyang nakamove on habang ang kaibigan namin ay patuloy niloloko ang kanyang sarili sa isang relasyon na alam naman niyang hindi niya kayang panindigan. Who will expect that you'll be in this kind of set up? Na hindi ka man lang nakaranas na mahirapan para makabalik sa kanya. At ang nangyari pa ay ikaw pa rin ang sinusuyo ni Nero, siya pa rin ang baliw na baliw sayo, siya pa rin ang parang papatay ng tao pag nahawakan ka ng iba. Sa tingin ko nga ay mas possesive pa siya ngayon kaysa noon, what happened Florence? Hindi ba dapat baliktad ang nangyayari?" kunot noong tanong sa akin ni Aira.

Hindi ko alam na ganito na pala karami ang nasa isip ng mga kaibigan ko. Minsan ay sumagi na rin sa isip ko ang nangyayaring ito. Tulad nga ng sabi nila, akala ko ay mahihirapan na akong muling makausap si Nero. Lalo na kung aalalahanin ko pa ang huli naming pagkikita. He even wanted me gone forever, pero ano ba ang dapat kong ipagtaka? Nero Ferell is always full of surprises, he's the most unpredictable man I ever met.


"Ang dami nyong nasabi mga friends.." mahinang sabi ko.


"Oh well Florence..as what I have said during that party. We are not in favour to that set up of yours..nanloloko kayo ni Nero ng tao, mga tao. Mas mabuting gawan niyo na ito ng paraan habang maaga pa" seryosong sabi ni Camilla.

Oh well, here comes the serious talk.


"Yes, and having Cassidy? Sikat na modelo at artista plus daughter of a formidable senator in the Philippines? Isama mo pa si Ashong at ang mga batalyon niyang kabayo. Hindi basta bastang pader ang binabangga niyo, ikaw na rin ang may sabi si Ashong ay mabait..Florence Almero, pag ang mabait nagalit. Hindi mo gugustuhing galitin siya muli..." mas lalo akong natahimik sa sinabi ni Aira.


"I'm nervous..." ito na lang ang kaya kong sabihin.


"Kabahan ka talaga!" sabay na sagot nilang dalawa.


"Bakit kayo nagpapayo ng ganyan? Babalik naman kayong dalawa right?" kinakabahang tanong ko sa kanila.


"Matagal tagal kaming mawawala Florence..we need to freshen your cloudy mind kasi sa pagbabalik ng mga fafas mo after two weeks dapat ay may desisyon ka na. Mamuhay ng tahimik at piliting mahalin si Ashong o sumama kay Nero at ituloy ang naudlot niyang pag iibigan, damn ang corny nito. Basta ganito na lang pag kay Ashong tuwid na daan, kapag kay Nero bakobakong daan. What will you choose?"

Natahimik na lang ako sa tanong ni Camilla.


"Haist. Let her think for days, basta Florence balitaan mo kami. We can always have this conference, you can free yourself from stress for the first week sa second week ka na lang mag isip. Mag unwind ka muna at sige sundin mo muna ang payo ni Camilla, just have a fling fling with other boys dahil totoong sasakit na ang iyong ulo kapag dumating na ang tunay mong mga fafas" ngising sabi sa akin ni Aira. Haist. Friends.


"At huwag mo muna silang kausapin sa loob ng dalawang linggo" pahabol ni Camilla.


"Alright! Sige na po but for now let's just sleep. Wala akong ihahatid sa inyong dalawa ha? Magkaiba kayong dalawa ng airlines, I can't cut myself into two" pagbibirong sabi ko.


"Yes, goodnight friends mamimiss ko kayo" paalam sa amin ni Camilla, siya ang unang nagpatay.


"Bye Florence..goodluck. I'll miss you" pinatay na rin ni Aira ang kanya. Nang wala na sa screen ang dalawa kong kaibigan ay tuluyan na akong napahiga sa kama. At nagflashback sa akin ang mga sinabi ng mga kaibigan ko.

Alam kong mali itong ginagawa namin ni Nero, siguradong marami kaming matatapakang tao. Pero hindi ko na kayang gawin muli ang ginagawa ko noon. I'm not that weak Florence anymore, dapat ay itama ko ang mali kong mga desisyon noon.

Kailangan ko na talagang mag isip isip sa dalawang linggo ito.


--


Ngayon ang araw ng pag alis ng mga kaibigan ko. Naisipan ko na lang pumunta sa paborito naming coffee shop at dito na lang ako nagpalipas ng oras. Ayokong magshopping kung ako lang mag isa, ayoko din magpunta sa parlor ng mag isa. Damn. This is so boring.

Dahil alam kong matatagalan ang pagtigil ko sa coffee shop ay nagdala na lang ako ng librong babasahin. Pero hindi pa man ako nag iinit sa pagbabasa ko ay may bigla na lang may umupo unahang upuan sa harapan ko.


Madaming bakanteng lamesa bakit dito pa siya nag sumiksik sa akin? At hindi man lang siya nag paalam? Damn.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko na parang walang tao sa harapan ko pero ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Shit! This is awkward, hindi niya ba alam na nakakadistract siya ng nananahimik na tao?

Pinili ko pa rin magpatay malisya. Let it slip away Florence, ang mga taong ganyan walang magawa sa buhay.


"Why so cold Doll?"

Dito na nakuha ang atensyon ko. Kaya naman pala napakapamilyar ng pabango niya at ang paraan ng pagtitig niya...mga titig na talagang nakakaloko.


Unang tumama sa aking mata ang pagkinang ng diamond earring ni Troy Ferell. Who else? Ang shokoy na tagapagmana lang naman. How I missed his silly smiles.


"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko. Isinara ko na ang librong hawak ko.


"Ano ba ang ginagawa sa coffee shop Doll? Iinom ng kape malamang" nagulat na lang ako nang bigla niyang inuman ang tasa ko.


"Hey, that's my coffee! Shokoy ka" inistraight niya ito ng inom at ibinaba niya itong wala na. Malapad ang ngisi niya ngayon sa akin habang ako naman ay may naniningkit na mata sa kanya.


"How I miss that 'shokoy' Doll, kamusta ka na? Ilang beses na tayong nagkita pero hindi tayo makapag usap ng maayos.."


"Maayos? Like? I'm good right now, by the way" mabilis na sagot ko.


"Doll, I have something to tell you.." nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong kamay.

Something to tell me what? Hindi ko alam pero bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kaba? Ano ba ang sasabihin niya? I suddenly felt uneasy and I felt damn cold. Nilakasan ba nila ang aircon?

Humugot muna siya ng malalim na paghinga habang ako naman ay tahimik na nagmamasid at makikinig sa sasabihin niya. Shit, what's this Troy?


"You kno----"


"Wada!!!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin na kapapasok pa lang sa coffee shop. What the hell? Anong ginagawa ng dalawang ito dito?

Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang malalalim na dimples ni Owen Ferell. Ilang libong babae na kaya ang naloko ng dimples na 'yan? Ang huli kong bilang ay daan pa. Ano pa kaya ngayong successful na siya?

Totoo ba talagang kinakausap ako ngayon ng dalawa sa pinakasikat na bachelor dito sa Pilipinas? Ilang taon lang ang lumipas ang lalayo na ng agwat namin. I'm so proud of them.


Agad kong hinila ang kamay ko kay Troy nang mas makalapit sa amin si Owen. Nangunot agad ang noo ni Owen nang makita si Troy.


"Bakit kayo magkasama?" tanong ni Owen na tumabi kay Troy.


"Nagdadate kami, umalis ka nga dito. Nasaan ang mga babae mo?" iritadong sabi ni Troy.


"Totoo Warden?" tanong sa akin ni Owen.


"No, nagkataon lang na nagkita kami" sagot ko.


"So hindi pala ito date. Kung yayain kita papayag ka ba? Are you free today Wada?" ngising tanong sa akin ni Owen.


"Hey, wait. Ako ang nauna sayo Owen, I'm inviting you Doll. Can we date today?" tanong naman sa akin ni Troy.


"Pumili ka na lang ng mas gwapo Wada. Ehem ako gwapo" napapairap na lang ako sa dalawang Shokoy na ito. How I miss them. I miss this.


"We can date, three of us" masiglang sagot ko sa kanila.


"What the hell?" halos sabay nilang sabi na may nanlalamyang boses.


"O, ayaw niyo ata. Kayo na lang ang magdate dalawa, cousin bonding.. cousin goals" halos sabay umasim ang mga mukha nila sa sinabi ko.

Si Troy ay nag inarte pa na akala mo ay masusuka na. Damn, how I really missed this.


"Sige na sige, wag lang matuloy ang cousin bonding na 'yan. Bumabaliktad ang sikmura ko" maarteng sabi ni Troy.


"Gago ka, wag ka ng mangungutang sa akin Troy" ismid na sabi ni Owen.


"Kailan pa ako nangutang sayo?" sagot naman sa kanya. Napapairap na lang ako sa magpinsang Shokoy na ito. Para pa talaga silang mga bata.


"Ano magsisingilan muna ba kayo o aalis na tayong tatlo?" sabat ko sa kanilang dalawa. Halos sabay silang napanguso sa sinabi ko. Damn, I missed you Shokoys.


"Tara na!" unang tumayo si Troy na agad ko namang sinundan. Nagulat na lang ako nang umakbay sa akin si Owen habang naglalakad kami palabas. Agad nilagay ni Owen ang forefinger niya sa labi niya para isenyas sa aking wag maingay.

Pero mukhang malakas ang pakiramdam ni Troy na nasa unahan namin.


"Ano 'yan? Don't touch her" agad tinanggal ni Troy ang pagkakaakbay sa akin ni Owen. Nagsisimula na akong matawa sa kanilang dalawa. Bakit parang nakikita ko sa kanila si Tyrone at Trevor ? Para silang mga bata.


"Umayos nga kayong dalawa. Umuna na kayo maglakad, susundan ko kayo.." halos sabay silang napabuntong hininga sa sinabi ko pero sa huli sinunod nila ang sinabi ko.

Nagsisimula na kaming maglakad sa parking


"Kaninong sasakyan ang gagamitin natin?" tanong ko. Mabuti na lang at wala akong dalang sasakyan.


"'Yong kay Troy na lang, tinatamad akong magdrive ngayon" mabilis na sagot ni Owen.


"Si Doll ang nasa shotgun seat" matabang na sabi ni Troy.


"No, ano ako chaperone sa likuran? Ako na lang ang uupo doon" mabilis na sagot naman ni Owen. Haist. Kahit kailan mga sakit sila sa ulo.


"Sino ka? Ako ang may ari ng sasakyan, dalhin mo ang sayo kung gusto mo. Magconvoy na lang tayo, basta sa akin sasabay si Doll" napapahawak na lang ako sa ulo ko. Hindi na matapos ang dalawang Shokoy na ito.


"Ako! Ako na lang ang magdadrive! Kayong dalawa sa likuran. That's final" nakanganga silang napalingon sa akin agad ko naman silang inirapang dalawa. Maliliit na bagay ay talagang pinagtatalunan nilang dalawa. Mga Shokoy talaga kahit kailan.


"Continue walking.." nagkunwari akong pikon. Damn, why are they looking so adorable? Para pa rin talaga silang mga bata. Wala pa rin silang nagawa sa akin kaya kamot ulo na lang silang naglakad.

Pero napatigil na lang ako nang may mapansin ako. Damn, what's wrong? Why in hurry? Hindi man lang napapansin ng dalawang shokoy ang nakikita ko.

Napasigaw na lang ako. Shit!


"Troy!!" pero huli na ang lahat.

Agad tinamaan ng isang malakas ng suntok si Troy Ferell mula sa isang lalaking matanda na kanina ko pang nakikitang mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon namin

Dahil na rin sa gulat ay natumba si Troy. Agad siyang sinakyan ng matanda at patuloy siyang pinagsusuntok nito. What the hell? Saan nanggaling ang matandang 'yan?


"What the fuck?!" rinig kong sabi ni Troy habang salag ng salag sa matandang lalaki.


"KUNG NABIBINGI KA NA SA AKIN HUWAG KA DADADAAN SA HARAPAN KO! DEMONYO KA! AKIN ANG LUPANG IYON! SA PAMILYA KO IYON! PUTANG INA MO! MAGNANAKAW KA! MULA PA IYON SA NINUNO KO! PINAGSAMANTALAHAN MO PA ANG ASAWA KO! HAYOP KA! BABOY KA! PAPATAYIN KITA! PUPUTULIN KO ANG PINAGMAMALAKI MO"

What the fucking fuck?

Napanganga na lang ako sa sinasabi ng matanda habang panay ang suntok sa mukha ni Troy. I don't know what to do.


"Owen!" halos batukan ko si Owen na natulala na rin.


"Sino ang matandang 'yan?" tulalang tanong sa akin ni Owen. Ako pa ang tinanong ng Shokoy.


"I DON'T KNOW! Damn! Help your cousin!" eksaherada kong itinuro si Troy kay Owen na parang hindi nito nakikita kanina pa. Sa halip na tumulong ay nakatulala pa rin si Owen na parang walang naririnig


"SEAN OWEN FERELL!" sigaw ko. Dito na siya nagising at lumapit siya para awatin ang matandang nakasampa kay Troy.


"Lolo!" napalingon na lang ako sa boses ng babae.

Nagmamadaling tumakbo ang babaeng nakauniporme ng nurse at agad hinawakan ang braso ng matandang nagwawala. Agad may nakasunod sa kanyang mga lalaking nurse din na nakauniporme.

Mabilis nilang nagapos ang matanda.


"BITAWAN NYO AKO! DAPAT BIGYAN NG LEKSYON ANG MAPANSAMANTALANG KATULAD NIYA! MAPANSAMANTALA! MAHALAY KA! BABOY! WALANG HIYA! MAMATAY KA NA!"

Nakita ko na nagsisimula ng turukan ng mga lalaking nurse ang matanda. At hindi rin nagtagal ay nawalan ito ng malay.


"AKIN LANG ANG LUPA—" bagsak na ang matanda.


"Nako..pasensya na po.." ilang beses yumuko sa amin ang nurse. Umismid lang si Troy habang bumabangon habang si Owen naman ay tulala pa rin sa matanda.


"Sige, okay lang" ako na ang sumagot kahit alam kong hindi maayos si Troy Ferell. He's pissed, sino ba naman ang hindi?


"Pasensya na po talaga, nakapuslit lang po si lolo" tumango na lang ako sa nurse na nakailang yuko na sa amin sa pag uumanhin.

Nagmamadali na silang umalis habang buhat ang matanda. Nang tuluyan na silang makaaalis ay agad kong dinaluhan si Troy na mainit na ang ulo. Nasandal siya ngayon sa isang sasakyan habang kinakapa ang labi niyang pumutok.


"Kung hindi lang baliw 'yon ay pinatulan ko na" rinig kong sabi niya.


"Alam ko namang hindi mo kayang manakit ng matanda Troy. You're a Ferell, old man is your soft spot"

Hindi na nakapagsalita si Troy nang ibaba ko ang kamay niya na kanina pang hinahawakan ang labi niya. Dahan dahan kong punasan ng panyong hawak ko ang dumudugong labi niya. Bahagya siyang natigilan sa ginawa ko. He didn't even speak. Tanging pagtitig lang ang ginawa niya sa akin.


"Damn, dapat ako na lang sana ang nasuntok. Mauna na ako sa inyo, let's use my car instead" nang marinig ko ang sinabi ni Owen ay agad ko siyang nilingon para tawagin pero mabilis akong napigilan ni Troy nang hawakan niya ang kamay kong may hawak ng panyo.


"Doll, I missed you..."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro