Chapter 20
Chapter 20
Halos isang linggong abala si Ashong sa hindi ko maintindihang dahilan habang si Nero naman ay mag iisang linggo na rin na walang text o tawag sa akin.
What's wrong with them?
Dahil wala naman akong trabaho dito sa Pilipinas kung hindi ako tambay sa bahay ay naghahatid ako sa tutorial class ng kambal, kasama na rin ang walang kasawa sawang shopping kasama si Aira at Camilla.
Nakakatamad na rin.
Ngayon ay kasalukuyan akong nakaharap sa aking laptop. Online shopping naman ngayon habang nagfafacebook.
Habang nababrowse ako sa facebook, nagulat na lang ako nang may bigla na lang nagchat sa akin.
Antonia Scarlett: Hi Florence! Welcome back, aatend ka ba? Next week na 'yon.
Nag isip muna ako ng ichachat ko sa kanya. Matagal tagal na rin nang huli kaming nakapagchat, noong nasa US pa ako.
Ako: Yes, hindi naman maaaring hindi umatend hindi ba?
Antonia Scarlett: Oh well, sort of. Haha
Ako: Sige, see you there!
Pagtatapos ko, naglog out na ako. Ayoko muna ng usapang Aylip, dapat ay mas paghandaan ko ang pag uusap namin ng kapatid ko sa darating ng biyernes. Dalawang araw na lang at habang mas nalalapit ang araw ay mas kinakabahan ako.
Ano kaya ang nangyari sa kanya sa nakaraang anim na taon? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Sino ang kasama niya sa loob ng anim na taon? Namuhay ba siyang mag isa? Sinubukan naman siyang hanapin ni LG pero masyado siyang mailap.
Anong pag uusapan namin?
Ako lang at ang mga katulong ang tao sa malaking bahay na ito, sobrang bagot na bagot na ako. Bakit kung kailan ko pa kailangan ang mga kaibigan ko, ngayon pa sila mga wala? Nasaan kaya ang dalawang 'yon at hindi nagpaparamdam?
Nang marinig kong tumunog ang phone ko ay mabilis ko itong kinuha. Si Ashong ang natawag.
"Florence, bukas na ang alis ko" agad niyang sabi sa akin.
"Bakit parang napaaga yata?" nagtatakang tanong ko. Akala ko ay next week pa ang alis niya. Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko. Napapansin ko nang may itinatago talaga sa akin si Ashong. Bakit kailangan niyang itago sa akin?
"Just..just change of sched Florence, don't worry kung mapapaaga ang tapos ng seminar I'll go home right away" I even heard that he's stammering.
"Oh, okay. Ihahatid na lang kita sa bukas, tutal naman ay free ako bukas"
"Aww. Mamimiss mo ba ako?" birong tanong niya sa akin.
"Ofcourse!" sagot ko sa kanya.
"That's good to hear..I'll call you later Florence may meeting pa kasi ako"
"Sure" maiksing sagot ko. Pinatay ko na ang phone ko. Pero hindi ko pa man tuluyang naibaba sa lamesa ang phone ko ay tumunog na ulit ito. It's Nero. At last tumawag ang Shokoy.
"Yes, who's this?" matabang na sagot ko sa kanya.
"Man of your dreams?" napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Ibababa ko na po ang phone, hindi ako nakikipag usap sa corny" mataray na sabi ko. I heard him laugh. Napataas na naman ang kilay ko, may pagtawa pa siyang nalalaman? Nawala nga siya ng isang linggo
"Why so rude Florence? You missed me don't you? I'm sorry Florence. I'm just too busy this whole week" kahit mga manyakis niyang text ay wala, sobrang busy talaga ang Shokoy.
"So? Bakit ka napatawag? Baka naman naaabala kita?" pagkatapos niya akong baliwin nang nakaraang araw ay bigla na lang siyang hindi magpaparamdam.
"Actually, I want to ask you something.." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"And what's that?" pilit kong ginawang bored ang boses ko.
"Magtanan na tayo Florence.." pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ni Nero sa kabilang linya. Ano daw? Magtanan. What the hell?
"Ayoko" maiksing sagot ko. I heard him laugh again.
"Sumama ka na lang sa akin.." nag iba ang tono niya sa kabilang linya. Sinamahan niya ng lambing ang boses niya. Great! MaNenero moves na naman ako nito.
"At saan naman?"
"Sa US, may seminar akong kailangang attendan. We'll stay there for 1 week tapos pag uwi natin buntis ka na, wala na tayong problema" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Nero Ferell. Ang daming alam ng Shokoy na ito, parang ang dalidali lang ng naiisip niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Nero? I can't, we can't. Nahanap pa ako ng tamang oras para sabihin kay Ashong.. hindi pwedeng basta na lang tayo makikitang magkasama. Remember we are both attached.. tapos buntis pag uwi? Ayokong sundin 'yang Shokoy instinct mo" katwiran ko sa kanya.
"What the fuck? Anong Shokoy instinct? Damn, Florence.." naririnig ko na naman siyang tumatawa sa kabilang linya.
"Let's just wait for the right time Nero.."
"Bakit mo pa pinapatagal Florence? Settle this as soon as possible, don't let me settle this Florence. Kilala mo ako.. I had enough Florence, tama na ang paghihintay ko sayo ng anim na taon. I want you in public..I want to hold your hands in public, gusto kong malaman ng lahat na isang Ferell ang nag mamay ari sayo. Ayoko nitong patago Florence....fix everything you still have one week Florence.." halos napatulala na lang ako sa sinabi niya.
"Tinataningan mo ba ako Nero? Hindi lang si Ashong ang maapektuhan, what about his family? What about Cassidy? Her family? Isipin mo rin naman ang ibang tao Nero.." nagugulat ako sa pinagsasabi niya. Ipipilit na naman niya ang gusto niya.
"What about me Florence..iniisip mo rin ba ako? Kung hindi mo magawan ng paraan Florence. I'll do it on my own. I can get you back, aagawin kita sa sarili kong paraan" halos magtindigan ang mga balahibo ko sa sinasabi ni Nero.
"Can't you wait Nero?!" napalakas na ang boses ko sa kanya. Alam ko ang paraang sinasabi ni Nero.
"So, sasama ka ba sa akin bukas? Sabihin mo lang sa akin, I'll fix everything..hindi nila malalaman na magkasama tayo"
"Hindi, may seminar din si Ashong.." hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na siya.
"Damn! Ikaw ang isinasama ko. Bakit pilit mong isinasali sa usapan natin ang Ashong na 'yan?" he's mad from the sound of his voice. Alam na alam ko ang boses ni Nero pag galit siya. Anong gusto niyang gawin ko? Sundin lahat ng gusto niya kahit alam naming hindi pwede?
"Dahil baka makita niya po tayo. Nakapangako din ako sa kanya. Ihahatid ko pa siya sa airport bukas"
"Fine! You're choosing him. Paano pa kita makikita? Aaalis na ako bukas? Can I go there tonight?"
"You can't Nero, kumpleto kami dito mamayang gabi" mahinang sagot ko sa kanya. Natahimik ang kabilang linya pero alam kong hindi pa rin pinapatay ni Nero Ferell.
"Okay then, let's see each other for the next 2 weeks" sasagot pa sana ako nang agad patayin ni Nero ang tawag. He's mad. Mainit na naman ang ulo ng Shokoy.
Sinubukan kong tawagan siya ulit pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko naman siyang samahan pero hindi talaga pwede.
--
Malapit na ang sasakyan namin sa airport at kahit isang text o tawag ay wala na akong natanggap mula kay Nero. Talagang galit ang Shokoy.
"Florence.." napalingon ako kay Ashong, agad akong napasulyap sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"You look bothered, may gagawin ka ba dapat ngayon?" nagtatakang tanong ni Ashong.
"No, wala. Wala ka na bang naiwan? Ilang week nga ang seminar mo?" pag iiba ko ng usapan.
"2 weeks? Hindi ko alam kung maeextend pa" napanguso na lang ako.
"Pasalubungan mo ako ha?" pagbibiro ko.
"Ofcourse, parang hindi ka naman tumira sa US ng anim na taon kung makahingi ka pasalubong" natatawang sabi ni Ashong.
"Basta, aasahan ko 'yan Ashong. Ayokong madisappoint" I rolled my eyes.
"Oo na po, wala na akong magagawa. Talo na ako, umikot na ang mata ni Florence Almero.." nagtawanan na lang kami ni Ashong hanggang sa makababa sa airport.
Habang tulak tulak namin ang cart na may dala ng mga gamit niya ay panay ang tawanan namin dalawa at kulitan. Kung mas nauna ko lang nakilala si Ashong kay Nero malamang ay siya ang kinababaliwan ko ngayon.
Natigil sa pagsusulong ng cart si Ashong na ipinagtaka ko. He's staring to something, kaya inilipat ko ang paningin ko.
Si Nero Ferell at Cassidy. At ang malaking ikinagulat ko ay parehas silang may dalang mga bagahe. Bakit hindi niya sinabi na kasama niya si Cassidy? At may balak pa siyang isama ako? What the hell?
"Florence!" agad nakalapit sa akin si Cassidy at nakipagbeso beso sa akin. Maaga akong napapamura.
"Oh, what a coincidence.." makahulugan kong sinulyapan si Nero. Hindi sinasagot ang tawag ko?
Itinuloy namin maglakad habang sulong sulong ni Ashong at Nero ang mga bagahe. Si Cassidy naman ay feeling close kung makadikit sa akin, utang na loob bigyan niyo po ako ng malawak na pasensiya dahil baka kung ano ang magawa ko sa plastic na babaeng nakakawit ang braso sa akin.
"Bakit hindi ka sumama kay Ashong?" tanong sa akin ni Cassidy.
"Seminar ang pupuntahan niya. I might distract him" matabang na sagot ko.
"Oh well, ayos lang kay Nero na sumama ako. I might be his stress reliever after his stressful seminar, siguro ay parehas lang sila ni Ashong na aatendan?" hindi na siguro matanggal ang malapad na ngisi sa akin ni Cassidy.
Lalong umiinit ang dugo ko sa lumalabas sa bibig ni Cassidy, may mga stress reliever pa siyang nalalaman. Nanatiling tahimik si Nero at Ashong sa usapan namin ni Cassidy.
"That's good then, bakit hindi ako niyaya nitong si Ashong?" napansin ko ang bahagyang pagtigil ng cart ni Nero sa unahan. Hindi mo sinasagot ang tawag ko.
"You're a big distraction Florence...baka hindi na ako lumabas ng hotel suite kapag kasama kita" natatawang singit ni Ashong sa usapan namin.
Gusto kong pumalakpak sa sagot ni Ashong. Sino ang mapula ang tenga ngayon Nero Ferell? He didn't even inform me na kasama niya ang plastic na Cassidy na ito? Anong gagawin nilang dalawa? Are they going to stay in one room?
Umiinit na talaga ang ulo ka sa Ferell na ito.
"Buti alam mo..." inirapan ko si Ashong na ikinanguso lang niya.
"Aww, how so sweet" maarteng sabi ni Cassidy. Tinanggal ko na ang braso niyang nakapulupot sa akin.
"Sige na, hanggang dito na lang ako" lumingon sa akin si Nero Ferell. Kung talagang nakakamatay ang mga titig ay kanina pa akong natumba sa titig niya sa akin.
"Happy trip sa inyo.." I gave them my fake smile.
"And for this handsome guy..." bahagya kong itiniad ang paa ko at isinampay ang kamay ko sa batok ni Ashong.
Hindi lang ikaw ang pikon ngayong araw na ito Nero Ferell. Mabilis kong hinalikan ang noo ni Ashong.
"Ingat ka. I'll miss you" sa sulok ng aking mata ay nagkatalikod na si Nero Ferell pero alam kong nakita niya ang ginawa ko.
He's far worse than me, ano ang posibleng mangyari sa kanila ni Cassidy sa loob ng dalawang linggo? Lalo na at sila lamang dalawa?
"I'll miss you too" hinalikan naman ako ni Ashong sa aking pisngi. Nagsimula na rin siyang pumasok habang ako ay kumakaway na lamang.
Naiiyak ako. Dapat ako ang kasama ng Ferell na 'yon.
Siguro ay nagtagal din ako sa pagtayo habang nakatitig sa dinaanan nila. Shit! Matagal tagal din ang dalawang linggo. Papaano kung akitin siya ni Cassidy? Paano kung may mangyari sa kanila? Paano kung mabuntis siya? Shit!
Ayoko na. Tumalikod na ako at agad kong pinunasan ang takas na luha sa gilid ng mga mata ko. Akin lang si Nero, bakit kailangan niya pang isama si Cassidy?
Pero nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa braso ko. Mabilis niya akong hinila sa lugar kung saan kaunti lang ang dumadaang tao.
Akala ko ay may sasabihin pa siya sa akin pero pagkatigil na pagkatigil namin ay agad niyang hinuli ang makabilang pisngi ko at mariin niyang akong hinalikan. Napapaiyak na lang ako. Akala ko talaga ay matitiis niya ako.
I was about to kiss back when he released my lips.
"Are you going to kiss back or what?" tumango na lang ako. Wala na akong pakialam sa mga dumadaang tao. All I want is to kiss him endlessly.
"Don't play that game again Florence, alam mong pikon ako. Hindi ko alam na kasama si Cassidy"
"Are..are you going to stay in one room?" mahinang sagot ko. Itinaas niya ang baba ko para magkasalubong ang aming paningin.
"I won't stay inside a room with a girl if it is not you Florence. Keep that in mind Almero"
"What if...she tried to seduce you?"
"Florence..stop this, baka hindi na ako umalis. She can't seduce me, ikaw lang may kakayahang umakit sa akin. I need to go" inangkin niya muli ang mga labi ko at sa pagkakataong ito ay mas nakaganti ako ng halik sa kanya.
"I love you.." bulong niya sa akin.
Kumaway na lang ako sa nakatalikod na Nero Ferell na malalaki na ang hakbang.
Narinig ko ang announcement na nadelay ng ilang minutes ang flight papunta sa Singapore, kaya maaadjust daw ang mga susunod na flight. Wala kasing flight na diretso sa US.
Napangisi na lang ako habang naglalakad. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Alam kong si Nero Ferell na naman ito.
+639777******
How I love your jealous eyes Almero
Napairap na lang ako. Why it's so unfair? Bakit kapag ang mata niya na punong puno ng selos ang nakikita ko hindi ako natutuwa? Dahil alam kong sa aming dalawa, mas matindi siyang magselos.
+639777******
I miss you already
Hindi ko na siya nireplyan dahil alam kong ipapapatay na rin sa kanya ang phone niya. Napailing na lang ako.
Oh well, goodluck sayo Cassidy Marian Falcon.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro