Chapter 2
Chapter 2
Halos ibinagsak na ni Gio ang pagsasara ng pinto ng sasakyan.
"I told you! We need to go! Bakit mo pa pinasakay ang babaeng 'yon? Look what happened? Unang kita ko pa lang sa kanya ay nakilala ko na siyang si Cassidy ni Nero"
'Cassidy ni Nero' Pakiramdam ko ay kumirot na naman ang dibdib ko.
"It's okay" maiksing sagot ko. Nagtuloy na lang ako ng paglalakad habang hilahila ang dalawa kong maleta papasok ng bahay ni Kuya Nik. I planned to live alone but for now, I'll stay here so we can have our sweet reunion.
"Wag na nating 'yong pag usapan pa, nangyari na Gio" saway sa kanya ni Kuya Nik.
Dapat ngayon ay sinasanay ko na ang sarili ko. Maliit lang ang mundong ginagalawan namin at alam kong anumang oras ay maaaring makasalubong ko silang dalawa. Dapat sanayin ko na ang magiging reaksyon ko sa mga oras na maaaring makita ko silang magkasama.
"Ang hirap kasi sayo Florence, sobrang bait mo. That woman can fool you but not me. She planned this, that witch!" kita ko ang naglalabasan ng mga ugat sa noo ni Gio.
Gusto ko sanang paniwalaan si Gio, kung pwede nga lang sana. But based on Cassidy's reaction a while ago, it's not scripted. Her actions are genuine and I can see through her eyes how deeply in love she is. Talagang nagkataon lang at mukhang gustong isampal sa akin ng maaga ng pagkakataon ang bagay na pinakawalan ko.
"Gio, thanks for your concern. I'm okay, bakit mukhang mas affected ka pa sa akin?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo nga naman Tito Gio" sabat ni Tyrone.
"How many times do I need to tell you to stop calling me tito?! Ang tigas ng ulo ng kambal na ito" sa inis niya ay mas nauna na siyang humakbang papasok sa amin.
"He's so bipolar. A while ago he's kind, sweet then suddenly he's on beastmode. Napapakain ba ng maaayos ang Tito nyo?" nagbibirong tanong ko sa kambal
"Basted nga lang siya Tita, hindi nagbibiro 'yong si Lexus" sagot ni Trevor.
"Talaga?" mukhang totoong binata na itong si Gio. Sabay na tumango habang nakangisi ang kambal sa akin.
"Wag kayong masyadong tsismoso ha? Magiging Shokoy kayo. Let's go" nangunot lang ang mga noo ng kambal sa akin na nginisian ko lang.
Pagkapasok namin ng bahay ay sinalubong kami ng mga katulong na agad kinuha ang mga bagahe namin. Katulad ng dati ay ganun pa rin ang disenyo ng bahay ni Kuya Nik. A modern style of house with a small touch of victorian style.
Tanging pintura lang ang nabago. The rest are still the same, from furniture, paintings and expensive vases. Talagang maalaga sa gamit si Kuya Nik, kung sabagay ganito iniwan ni Ate Tinay ang disenyo ng bahay. I know Kuya Nik doesn't want to change any part of this house. Kahit ako man ay mas pipiliin kong hindi ito galawin.
"Do I still have a room here?" tanong ko kay Kuya Nik.
"Ofcourse! You always have a place in here" lumapit sa akin si Kuya Nik at hinalikan niya ako sa noo.
"Ang drama mo Kuya!" bahagya ko pa siyang hinampas.
"Tita ganda! You'll sleep with us tonight" tumango ako sa sinabi ni Tyrone.
"Pero bago ang lahat, magluluto muna ako ng dinner natin" masiglang sabi ko sa kanila. I miss cooking for them.
"Tamang tama, gutom na nga ako Florence.. Namiss ko rin ang luto mo" pagsang ayon sa akin ni Kuya Nik.
"Ako din!" halos sabay na sabi ng kambal.
"Sige, maupo muna kayo dyan. Just relax and wait..titingnan ko lang kung ano ang maluluto ko sa kusina" tinalikuran ko na sila at sinimulang humakbang sa kusina.
Simula ng mamuhay akong mag isa sa ibang bansa, mas marami akong natutunan na iba't ibang luto na talagang ipinagmamalaki ko. At gusto ko itong ipatikim sa naggugwapuhan kong pamangkin at pinsan.
Ipinusod ko muna ang mahaba at alon alon kong buhok. Mahaba na ulit ito tulad ng dati at mukhang kailangan ko na ulit itong paputulan. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa pagluluto ay biglang tumunog ang telepono ko. Someone's calling from viber. It is unknown number so I didn't mind it at first but when I heard my phone ring again, I hit the button accept.
"Yes, who's this?" bungad ko.
"It's Elias, Florence..okay lang ang naging biyahe mo?" lakas maka 'Elias' nitong si Ashong.
"Oh, Hi Elias" maiksing sagot ko dahil abala ako sa paghuhugas ng mga paglalagyan ko ng mga ingredients.
"Why so cold? Sorry I wasn't able to come along. Pero uuwi na rin ako ng Pinas okay? So don't be sad baby" umarko ang kilay ko at napabitaw ako sa hinuhugasan ko.
"At kailan mo pa ako naging baby?" narinig ko ang paghalakhak niya sa sinabi ko. We're close since College and I didn't expect that we'll be this closer during those years. Years when I left the Philippines.
Flashback
Kasalukuyan kaming nasa Texas, USA para manuod ng live horse race na kinawiwilihan ni Lolo. Dahil wala naman akong gagawin sa bahay ay naisipan ko siyang samahan kahit ni maliit na katiting ay wala akong kahilig hilig sa kabayo
And besides, I want so spend more time with my grandfather before he returned to Philippines.
Unang pagpasok pa lang namin ay marami nang nabati kay Lolo. Mukhang madalas talaga dito si Lolo dahil halos lahat na lang ata ng nakakasalubong namin ay binabati siya o talagang exaggerated lang akong mag isip?
"Lolo saan tayo pupuwesto?" nagtatakang tanong ko kay Lolo. Kanina pa kaming lakad ng lakad.
"Sa VIP tayo apo, dun sa malapit para kitang kita natin" I secretly rolled my eyes. Wala naman kasi akong pakialam kong sa malapit o sa malayo kami.
Tulad nga ng sinabi niya ay pumuwesto kami sa mas malapit sa race track ng mga kabayo. Nilingon ko si Lolo na mukhang seryosong seryoso, siguradong malaki ang itinaya nitong si Lolo. Wag ko lang mababalitaan na pati pamasahe niya pauwi ng Pilipinas ay itinaya niya na. Dahil ako mismo ang bibili ng kabayo niya na sasakyan niya pauwi ng Pilipinas.
I hate gambling and I really don't get it why people are getting addicted in this kind of stuff. In real life there is a big possibility of losing than winning. Sa madaling salita, sa sugal mas madalas ang talo kaysa sa panalo.
Kaya ako, I won't ever gamble again..Masakit matalo. Napakagat labi na lang ako sa iniisip ko. Ano ba itong tumatakbo sa isip ko? Damn. Hindi rin nagtagal ay narinig na ang malakas na announcement na magsisimula na daw ang karera. Halos masigawan ang lahat ng tao. Sheemsss.
"Omg!!! I hope he'll win this race again!" narinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.
"Ofcourse! He will win this game! He promised me" I heard the girl giggled
"Promised you? He don't even know you, come on Irish"
"Hmmp! Just shut up" nagtawanan silang dalawa. Sino kayang rider ang pinag uusapan ng dalawang babaeng ito?
"Apo, dapat manalo tayo dito. May naitaya akong isang milyong dolyar sa karerang ito" kinakabahang sabi sa akin ni Lolo. Agad akong napanganga sa sinabi ni Lolo.
1 million dollar!! SA SUGAL?!
"Lolo naman!" halos mapasabunot ako sa sarili ko sa sinabi ni lolo.
"Wala na akong magagawa" naiiling na sabi ni lolo. Ano pa ba ang magagawa ko?
"Who's our bet? Which number?" sinuri ko na ang bawat hilera ng mga racer. Shit!
"Number 3 hija, lagi 'yang panalo" sinulyapan ko ang number 3. Shit! Sana manalo ang isang ito. Napapikit na lang ako ng biglang nag iritan ang mga babaeng nasa likuran ko. What the hell?
"He waved! He waved on us! OMG!" hindi ko na napigilang hindi lingunin ang mga babae sa likuran ko. Mga Pilipina! Kaya naman pala!
Mas lalong lumakas ang sigawan ng nagsimula na ang karera. May apat na laps pala bago malaman kung sino ang mananalo. Halos mapatayo na ako nang mapansin kong nangunguna na ang number 3! Mananalo pa nga ata kami.
"Lolo! Lolo! Ang galing ng number 3!" ipagpatuloy mo 'yan wag kang magpapalampas.
"Elias baby! Faster! I know you can do this!" halos mahalit na siguro ang boses ng mga babaeng nasa likuran ko sa kaiirit at kachecheer sa racer na gusto nila.
"Go number 6! I love you!" sigaw ulit ng mga babae.
"Go number 3!!" nakikisigaw na rin ako. Tang ina, hindi biro ang isang milyong dollar.
"Hey, hey, Lolo. What's happening? Bakit bumabagal ang takbo niya?! Lolo!" naaalarma na ako. Mas lumalapit na sa kanya ang number 6. Shit! Shit! No no. Nakakatatlong laps na at malapit na ang number 6 sa number 3. Shit! Bilisan mo pa!
"OMG! Omg! Number 6! Number 6!" halos mapakuyom na ako ng aking kamao nang makitang sobrang lapit na ng number 6.
"No way! What happened?!" napatayo muli ako. Biglang natumba ang number 3 at ang unang nakarating sa finish line ay ang number 6.
"Talo tayo apo.." nanlalamyang sabi ni lolo.
"Dinaya tayo!" bakit bigla na lang natumba ang kabayong 'yon?
"Excuse me miss? Walang dayaan, sadyang magaling si Elias" marahas akong lumingon sa boses na sumagot sa akin. Marunong palang magtagalog, lakas makaenglish.
"I don't need your damn opinion" inirapan ko na lang sila saka ulit humarap kay lolo.
"Sugal pa more Lolo, baka itinaya mo na rin pati ipapamana mo sa akin" pinitik lang ako ni lolo sa noo.
"Let's go hija, nagugutom na ako" maglalakad na sana kami paalis ni Lolo nang may humarang sa amin na tatlong lalaki na hindi na malalayo sa edad ni Lolo. Mga matatandang sugarol din siguro ang mga ito.
"Sige na Lolo, hihintayin na lang kita sa sasakyan" baka magsisingilan na ang mga matatanda.
"You have a very beautiful grandaughter" pakinig ko pang sabi ng isa sa kanila.
"Yes, she is" natutuwang sagot ni lolo. Nagkibit balikat na lang ako.
Habang naglalakad na ako palabas ay bahagyang naagaw ang atensyon ko ng isang kumpulan ng mga tao. Halos mga babae ang naroon at mukhang tuwang tuwa sila sa pinagkakaguluhan nila.
"Come on girls, don't be so aggressive...you can all kiss me. Hahaha" sa paraan ng pagtawa niya ay nakilala ko na ang pinagkakaguluhan nila. Why the hell is he here?
Dahil curious ako sa hitsura niya ngayon, humakbang na rin ako sa kumpulan ng mga babae. Ilang taon ko na ba huling nakita ang lalaking ito? About 2 years ago? Hinahangaan ko na talaga ang memorya ko, why I can still remember his laugh? Sadyang lagi ko lang naririnig ang tawa niyang nakakaloko noon kaya mahirap makalimutan.
Nang sandaling makita ko ang pinagkakaguluhan nila, halos matigilan ako. Bakit sobrang laki ng pinagbago niya?
Kahit punong puno siya ng lipstick sa mukha ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. This guy wearing the number 6, ang tumalo sa pusta namin ni Lolo. I didn't expect that he'll be this gorgeous like this? Kaya naman pala siya pinagkakaguluhan. Bakit sobrang layo niya noon sa ngayon? And he's aura! Sumisigaw ng karisma. Shit! Anong kabayo ang nakapagpagwapo sa kanya ng ganito?
"Ashong?" bakit gumandang lalaki ka?
Natigilan siya sa pagtawa at pilit hinanap ng kanyang mga mata ang kinatatayuan ko. At nang tumama ang mga mata niya sa akin, napahugot ako ng paghinga. Why I felt intimated? The fuck? He's Ashong Florence!
Nagulat na lang ako nang mabilis niyang hinawi ang mga babaeng nakaharang sa akin. Hinawakan niya ang makabila kong pisngi na ikinalaki ng mga mata ko. Anong kalokohan ang pinaggagawa ng Ashong na ito?
Ngayon ko lang siya nakita ng mas malapitan. He has this soft feature, napakaamo pala ng kanyang mukha.
"Please play with me for a while..." mahinang bulong niya sa akin. Ano daw? Play what? Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang siyang lumuhod sa akin.
"Ashong! What are.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng susunod niyang halkan ang tiyan ko.
"How are you my baby? Did you take good care your mommy?" He's talking to my belly as if there is... What the hell?
"OMG! Elias..no way..." rinig ko ang pagkadismaya ng mga babae sa ginawa ni Ashong.
Panay pa rin ang paghalik ni Ashong sa tiyan ko na parang kami lang dalawa ang tao. Habang ako ay nanigas na sa kinatatayuan ko, ano ba ang dapat kong gawin? Pwede ko ba siyang ipahiya? Or I will just stay here and stand? Hindi rin nagtagal ay nagsimula na silang magsialisan dahil hindi na sila nasisiyahan sa kalokohang pinaggagawa ni Ashong.
Panay pa rin siya sa pagkausap niya sa tiyan ko.
"Ashong tama na, wala na" saway ko sa kanya.
"Young man, you need to explain this.." nagulat ako sa buong boses na bigla na lang nagsalita sa harapan ko. Parang robot ang dahan dahang paglingon ni Ashong sa nagsalita sa likuran niya.
Unang pagtama pa lang ng mga mata ko sa nagsalita ay makikilala kong Daddy siya ni Ashong at ang babae namang mukhang gulat na gulat sa posisyon namin ay ang Mommy niya.
"Tang ina.." pakinig kong mura ni Ashong.
"Mali po ang iniisip niyo, hindi po ako buntis" bahagya ko pang sinipa si Ashong para tumayo na sa posisyon niyang parang tanga.
"We have a decent family hija, hindi ka namin pababayaan. We need to settle this bago pa lumaki ang tiyan mo" determinadong sagot sa akin ng Daddy niya.
What the fuck is going on?!
"Pa! Mali ang iniisip niyo" sagot ni Ashong pagkatayong pagkatayo niya. He needs to fix this! Nanahimik lang ako dito. Pero hindi siya pinansin ng kanyang ama.
Agad lumapit sa akin ang Mommy ni Ashong na ikinagulat ko na naman.
"She's very beautiful anak, mas maganda pa siya sa mga litrato niya sa kwarto mo" hinaplos pa ng Mommy niya ang buhok ko. Pictures?
"I'm glad you got her at last. I'm happy for you son" bahagyang tinapik ng Daddy ni Ashong ang balikat niya. Naguguluhan na ako sa takbo ng usapan nila.
"Mom, Dad..susunod na lang kami sa inyo may pag uusapan lang kami" mabilis hinawakan ni Ashong ang kanang kamay ko at hinila na niya ako palayo . Nagpahila na lang ako sa kanya at nang sandaling alam kong malayo na kami sa mga magulang niya ay napabulalas na lang ako.
"What the hell Ashong?! Ano ng nangyayari? Napadaan lang ako nagkaleche leche na! At ano ang pinagsasabi ng parents mo? They seems to know me.." tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako.
"You don't get it? I am your long time stalker! Admirer! Akala ko matalino ka? Hindi mo nakuha ang pinagsasabi ng magulang ko? I like you since we're college! Why are you here anyway? Bigla ka na lang nawala at ngayon bigla ka na lang magpapakita? Are you even real? O nag iimagine na naman ako" he was about to reach my face when we heard someone called my name.
"Florence...?" sabay kaming napalingon ni Ashong sa tumawag sa pangalan ko.
"Nally..?" bigla na lang siyang yumakap sa akin.
"How are you? It's been a while? You're still so beautiful.." kahit siya ay sobrang ganda pa rin.
"I'm good. Ikaw kamusta ka?" bahagya akong sumulyap sa lalaking kasama niya na may kulay berdeng mga mata. Shit! Is it real? Sa bagay hindi naman siya mukhang Pilipino
"Okay lang kami.." mahinang sagot niya sa akin.
"How about them? Okay lang sila...?" nag aalangan pa ako sa tanong ko.
"They're all good..kung si Nero naman ang tatanungin mo. I think he's moving on, he has someone right now Florence.." lalong humina ang boses niya sa huli niyang sinabi na parang tinatantsa pa niya kung sasabihin ito sa akin o hindi.
Bigla na namang lumukso ang dibdib ko. He's moving on....He has someone right now. Nabalitaan ko na may bagong babae na sa buhay na ni Nero, pero iba pa rin pala kapag sa bibig ito ng alam mong nagsasabi ng totoo.
"I hope ikaw rin Florence..." malumanay na sabi ni Nally. Alam kong malaking kasalanan ang gagawin kong ito. At hindi ko lubos maisip na maaari kong gawin ang bagay na ito. Ikinawit ko ang braso ko ay Ashong at mas idinikit ko pa ang sarili ko sa kanya.
"I'm engaged with him. Nally meet my fiancé Ashton Elias Martin"
Hindi ko akalaing darating ang araw na manggagamit ako ng tao para lamang pagtakpan ang pagsakit nitong dibdib ko.
And yes, I am 4 years engaged with Ashong.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro