Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16


Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita sa sinabi ng mommy ni Nero. Ilang beses nang napapasagi sa amin ni Ashong ang usapang kasal pero sa paraang biro.

We never talked about this in serious manner.


"Wala pa po kaming pinag uusapan tungkol dyan" si Ashong na ang sumagot. Alam na alam niya talaga kung kailan hindi ko kayang magsalita. Not with this thing.


"Dapat ay pinag uusapan niyo na ang mga bagay na 'yan. Nasa mga tamang edad na naman kayo" nahihimigan ko ang pagkawili ng mom ni Nero sa usapan.

Sinusubukan niya talaga ako. She's playing with me.


"Bakit nga ba hindi nyo pinag uusapan ang bagay na 'yan? Gusto ko na rin mag alaga ng mga apo" natutuwang sabi ng mama ni Ashong na halos ikinasamid ko.


"Ma, wag mong binibigla si Florence.." saway sa kanya ni Ashong.

Sa sulok ng aking mata ay kita ko ang straight na pag inom ni Nero Ferell ng tubig. Magtimpi ka Nero Ferell sa usapang ito, parehas tayo ng sitwasyon.

Ngumisi lang sa amin ang inosenteng mama ni Ashong. Kung alam lang niya na ang tensyon sa gitna ng mga taong nakapalibot sa lamesang ito. Kung alam lang niya kung papaano magbatuhan ng titig si Nero at Ashong. Kung alam lang niya kung paano ako patayin sa kanikanilang mga isip ng mga babaeng matatamis na nakangiti ngayon.

Alam kong sa gitna ng bawat matatamis na ngiti ng dalawang eleganteng babae sa harapan ko, kapalit nito ay ilang daang sumpa na kung maaaring makapatay ay malamang nawalan na ako ng malay. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang akong masasamid ng walang dahilan.

I can read them through their eyes. The hatred, rage, animosity and even disgust. How I hate two faced people. I'm not dumb to accept their 'genuine smile'. They can't fool me with their hundreds of mask and sweet smiles.

Hindi ako dumanas sa isang nakaraan para hindi matutong lumaro sa mga ganitong bagay.


In my 24 years of existence, I've learned something.


Smile.


Smile is the most venomous thing. A simple smile can make someone suffer. Smile that hid thousands of emotions. And seeing the smile of these two faced elegant women, I know I need to prepare myself.


Hindi ako maaaring maging kampante. Alam kong anumang oras ay maaaring kumilos sila mula sa likuran ko..

I raised my head and gave them my brightest smile. I'm not the old Florence anymore, not the fragile Florence na pwedeng ipagtaboy tabuyan lang.

Biglang nagsalita si Cassidy.


"Ikaw ba Nero? Ilan ang gusto mong babies? I can give you kahit ilan" natatawang sabi ni Cassidy may paghilig pa siya sa balikat ni Nero.

Gusto kong masuka sa nakikita ko nang makita kong halos idikit na ni Cassidy ang sarili niya kay Nero. At malandi niyang hinaplos ang malapad na dibdib ni Nero. Kitang kita ko ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Cassidy.

Florence, calm down. He's willing to dump that woman just breath a word, you can snatch him with just a single snap. But ofcourse, I know my situation. I won't do it, I need to settle things first.


Bahagya lang sumulyap si Nero kay Cassidy at tipid siyang ngumisi dito. Good Nero, wag ka masyadong magpahalata. Pero lumukso ang kampante kong dibdib nang nagtama ang mga mata namin. Inilihis ko agad ang mga mata ko sa kanya pero ramdam ko pa rin ang paninitig niya sa akin.

Damn Ferell! Mahahalata kami sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ashong might notice him!


"I think 6 kids will do.." seryosong sabi ni Nero. Shit! Ferell. Stop staring. Stop staring.

Narinig ko ang hagikhik ni Cassidy at ng mama ni Ashong sa sinabi ni Nero. Cassidy, don't assume too much. He's pertaining to me. Pero halos lagnatin na lang ako sa bigla kong naramdaman. Tang ina ka Nero Ferell!

Can't he stop flirting with me? Hindi niya ba kayang makapagtimpi man lang? Ramdam ko sa ilalim ng lamesa ang gilid ng sapatos ni Nero Ferell sa binti ko. Inilililis nito pataas ang long dress ko. Damn.

Gusto ko siyang murahin sa ginagawa niya. Gusto ko siyang sipain ang sa kalandian niya. Tang ina ka Nero Ferell.

Ramdam ko ang marahang pagtaas baba ng sapatos niya sa binti ko, he's caressing me! Damn. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Shit!  I can't do anything! Baka mapansin kami ni Ashong.

Halos mapapadyak na lang ako nang maramdaman kong nasa may tuhod ko na siya. Damn Ferell. Damn Ferell. Sinadya kong tabigin ang baso ng tubig na nasa tabi ko. At maagap akong nakatayo para hindi ako mabasa.


"Oh my gosh! Are you okay Florence?" concern na tanong sa akin ni Cassidy. Kung pwede lang kitang basain, hindi lang tubig ang isasaboy ko sayo. Artista.


"Why so careless hija?" sabi naman ng Mommy ni Nero. Agad nakatayo si Ashong na may hawak na tissue para punasan ako.


"It's okay Ashong..hindi naman ako nabasa. I'm sorry, I'm too careless.."


"Are you sure, you're okay hija?" nag aalalang tanong din sa akin ng mama ni Ashong. Tumango na lang ako.

Gustong gusto kong tingnan si Nero. Gustong gusto ko siyang sampalin sa kalandian niya. Gustong gusto ko siyang sigawan sa pumapasok sa mga utak niya.

Maaga kaming mahuhuli sa ginagawa niya!


Narinig kong bigla na lang tumawa si Nero. Shit!


"What's so funny Nero?" natatawang tanong sa kanya ni Cassidy.


"Nothing important Cass, I just remember my cat. Gustong gusto niyang hinahaplos ko siya" halos maningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Talaga bang nakikipaglaro ka rin sa akin Nero Ferell?!


"I think we need to go.." paalam ni Ashong sa mommy ni Nero.


"Why so sudden Elias? We haven't talked yet" biglang sabi ni Nero na ikinagulat ko. Ano ba ang problema ni Nero? Mas ginagawa pa niyang komplikado ang mga bagay bagay.


"Do we have something to talk to?" sagot sa kanya ni Ashong. Hearing Ashong's voice, alam kong hindi na maganda ang tono nito. Damn.


"Oh, come on mga hijo. Hindi nyo ba natatandaan na madalas pa kayong magkalarong dalawa? Sa katunayan lagi pa kayong nag aaway sa isang laruan na pinagsasawaan niyo rin naman sa huli" makahulugan akong sinulyapan ng Mommy ni Nero. Tang ina. Hindi ko gusto ang ipinupunto ng mga sinasabi niya.


"You used to be bestfriends..nakalimutan nyo na ba?" sabat ng mom ni Ashong. What the hell? Bakit hindi ko alam ang mga bagay na ito? Kaya ba magkakilala na si Ashong at Nero simula pa noong college? Kaya ba sa mga Ferell, si Nero lang ang nakakakilala kay Ashong noon?


"Yes, now I remembered. Lagi nga pala tayong magkaagaw sa mga laruan Nero. Sa huli, sa akin tumatagal ang mga laruan dahil sa ating dalawa ako ang marunong mag alaga" ano itong sinasabi ni Ashong?

Nanatili lang kaming nakatayo ni Ashong habang prenteng nakaupo si Nero na may nakapulupot na Cassidy. At mga magulang nila na nakikinig sa usapan ng dalawang lalaki.


"I can't remember that one, basta ang natatandaan ko. Ang lahat ng akin, bumabalik. Afterall, sa akin lang naman ang mga laruang 'yon simula't umpisa" napatulala na lang ako sa sagot ni Nero.

Bakit sumasakit na naman ang ulo ko sa mga pangyayaring ito? Shit. Sa mga ganitong taguan, hinding hindi ko talaga maaasahan ang kooperasyon ni Nero Ferell. Bahagya kong sinulyapan ang mga mukha ng mama ni Nero at Cassidy. Gusto kong malaman ang reaksyon nila sa mga sinasabi ni Ashong at Nero.

Kating kati na akong itaas ang napakaganda kong kilay sa kanilang dalawa. Tang ina kayo. Napag agawan na ba kayo katulad nito?


"Ano ba 'yang pinagsasabi niyo mga hijo? Sige na Elias anak, mauna na kayo ni Florence.." pagtataboy ng mama ni Ashong sa amin.

Bakas pa rin sa mukha ng mama ni Ashong na wala man lang siyang napapansin. Ganito ba talaga siya kamanhid? Tumango na lang kami ni Ashong sa mga tao sa lamesa bilang pagpapaalam. Hindi ko na tiningnan si Nero at Cassidy dahil baka lalo lamang uminit ang ulo.


That Ferell! He's too much! Nagdiretso kami kay Kuya Nik na napaganda ng ngisi sa akin. Malaki pa ang kasalanan ng magaling kong pinsan na ito.


"Kuya, uuwi na ako. So damn tired.." paalam ko sa kanya.


"Malamang.." makahulugang sagot niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. Madami akong oras para murahin si Kuya sa pakikipagsabwatan niya kay Nero Ferell pero huwag muna ngayon.


"Mauna na kami Nik.." paalam naman ni Ashong.


"Take care of her.." sagot ni kuya. Tumango na lang si Ashong bilang sagot.

Habang palabas na kami nakita ko rin ang mga kaibigan ko na puros nakataas ang kilay sa akin nang makitang si Ashong ang kasama ko. Inirapan ko na lang rin sila. Nagdiretso na kami sa sasakyan ni Ashong. Sinabi niyang inako na daw ni Gio ang ang paghahatid sa bahay ng sasakyan ko.

Tumango na lang rin ako. Tutal naman ay wala na akong lakas magdrive, I'm so tired. Sobrang dami ng nangyari ngayong gabi.


Tahimik lang kami ni Ashong sa loob ng sasakyan at walang may balak magsalita. Hindi niya pa iniistart ang sasakyan.


"Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sayo Florence.." panimula niya. Natahimik muna ako ng ilang sandali bago ako makahanap ng isasagot sa kanya.


"Baka nagkakamali ka lang Ashong.." mahinang sagot ko.


"Sana nga Florence... sana nga..." sagot niya sa akin. Binuksan na niya ang makina ng sasakyan.


Dahil walang may balak magsalita sa amin sa kahabaan ng biyahe namin ay nagpatugtog na lang si Ashong. Mas mabuting makinig na lang ng mga kanta sa radio kaysa mabingi sa katahimikan namin dalawa.

How I hate awkward silence. Pakiramdam ko ay naririnig na niya ang tibok ng puso ko. Atleast kapag may music panatag ang loob ko na wala siyang maririnig. I know it's a bit exaggerated, pero ito talaga ang nararamdaman ko. Damn.

Sa kahabaan ng biyahe ay naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng phone ko. Hindi na ako magtataka kung sino pa ang maaring magtext sa akin ng mga ganitong oras. Ang malanding Ferell lang namang 'yon. It's from unknown number. Si Nero Ferell nga ito.

I opened the message.


+639777******:

I'll go there, kung gusto mong hindi kami magpang abot ng driver mo. Paalisin mo agad.

NERO FERELL! Sinasagad niya talaga ang pasensiya ko. Fuck! Ano naman ang gagawin niya sa bahay? He's not welcome there!

Hindi ako nagreply sa kanya. Pero alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Shit. Hindi din nagtagal ay may nagvibrate na naman. Sinulyapan ko muna si Ashong na nasa kalsada ang atensyon. Binuksan ko ang message ni Nero Ferell.



+639777******:

'Anyway, have you felt it?'

Kumunot ang noo ko sa kalokohang pinagtetext sa akin ni Nero Ferell. Hindi pa rin ako nagreply. Pero wala pa sigurong ilang minuto ay nagtext na naman sa akin si Nero Ferell na nakadrugs na yata.


+639777******:

'Have you felt the sensation I made through your legs? We're not yet done. Be ready.'

Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Why are you doing this to me Nero? Akala ko noon ay sukdulan na ang nararasan kong kalandian sa'yo, mukhang 7% pa lang 'yon sa mga pinaggagawa mo sa akin ngayon.


Hindi ko mapigilang hindi tipid na mapangisi. Damn, Nero Ferell.


Ano ba itong itinuturo mo sa akin? Mukhang magtataksil na naman tayo.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro