Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13


"How are you Florence Almero?"

Pakiramdam ko ay bigla akong nilagnat sa tanong niya. Maniniwala ba ako sa pangangamusta niya sa paraan ng ngiting ipinakikita niya ngayon?

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa. At ngayon ko lang napansin na nakahawak pa din siya sa mga kamay ko. Para akong nakuryente at mabilis kong hinila ang kamay ko sa kanya.


"I'm good" simpleng sagot ko sa kanya. I gave him my fake smile too. I know how to play games Nero Ferell. Bahagyang tumaas ang kilay niya sa sagot ko.


"Good then. Anyway nice dress"sa paraan ng pagkakasabi niya, alam kong hindi papuri 'yon.

At kating kati na akong itaas ang dress na ito lalo na nang napansin ko ang mga mata ni Nero Ferell sa dibdib ko. Ngayon ko pinagsisihan ang pagexpose ng cleavage ko. Having Nero's eyes? Tang ina.


"Nero, bakit wala si Cassidy? Akala ko ay kasama mo siya ngayon?" biglang tanong ni Troy sa kanya.

Dapat na ba akong umalis para hindi na kami magpang abot ni Cassidy? Wait, bakit naman ako ang aalis? Party nga pala ito ng mga pamangkin ko.At ano ba naman ang problema?Hindi naman kami magsasabunutan pagnagkita kami.


"May photoshoot daw siya ngayon pero dadating na rin siya mamaya" matabang na sagot ni Nero.


"Bakit hindi mo na lang hinintay apo?" nagtatakang tanong ni LG. Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ni LG.


"I think, I need to go" nagsimula na akong tumayo sa inuupuan ko.Wala na rin naman ako sa usapan, kailangan ko nang umalis.


"Why? Dito ka muna Doll, marami pa tayong pagkukwentuhan" hinuli ni Troy ang kamay ko kaya napaupo na naman ako.

Tsss, ano na naman kaya ang pinaplano ng tagapagmana ni LG na ito? Hindi ko pa rin nakakalimutan ang galawang Troy Ferell medyo creepy.


"Ano pa ba ang pag uusapan natin?" nagkunwari akong natatawa kahit sa totoo lang ay naaawkward na ako sa presensiya ng lalaking katabi ko.


"Paano ka niligawan ng horse racer na 'yon?" biglang tanong niya sa akin. Tama ba na itanong niya 'yan ngayon? Wala naman sigurong masamang sumagot.

Sasagot sana ako nang marinig ko ang biglaang pagsagot ni Nero Ferell.


"Nahilig ka pala sa kabayo nang nakalipas na anim na taon.."bakit parang insulto ang dating sa akin ng sinabi niya.


"Yes, horse with nice breed" itinaas ko ang kilay ko sa kanya habang siya naman ay may sarcastic na ngisi sa akin.

Hindi ko alam kung may nakakapansin na sa aming dalawa ni Nero ngayon. I don't care anymore, siya itong nangunang mang insulto.


"Nice breed huh? Breeds here in Philippines are more nice.." lalong umarko ang kilay ko. 

Hindi ko alam pero mukhang may iba na sa pinag uusapan naming dalawa. At ang malaking ipinagtataka ko wala man lang balak sumabat sa aming dalawa. They're just listening to our words.


"How do you say so? Horse there are easy to tame, they're gentle enough. Hindi nila sinasaktan ang rider nila while here in Philippines marami laging nasasaktang rider" totoo naman. Mas malaki ang bilang ng horse accident dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.



"Then, hindi siya kasalanan ng kabayo. Ang rider ang hindi marunong kaya sila nasasaktan. Hindi kasalanan ng kabayo kung basta na lang bumitaw ang rider nila dahil bigla na lang naging bako bako ang daan" natahimik ako sa sinabi niya. Tang ina, ano itong pinag uusapan namin.


"What's with the horse today?" natatawang tanong ni Troy.

Sasagot pa sana ako nang mapansin ko ang mga papasok sa function hall. My friends with their new outfits. Mas balot sila ngayon compared sa suot nila kanina, kung ganun ay tama nga ang hinala ko. Mukhang hinarang na silang dalawa ng mga manananggal.


"Nandyan na ang mga kaibigan ko, maiwan ko na kayo.Enjoy the foods" marahan akong ngumiti sa kanila bago umalis. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Nero Ferell. Bahala siya sa buhay niya.

Nang salubungin ko ang mga kaibigan ko ay parehas na nakataas ang kilay nila sa akin. Malamang ay nakita nilang katabi ko si Nero Ferell sa upuan.


"Ano naman 'yon? Nakikipagplasikan ka friend?" tanong sa akin ni Camilla.


"Hindi naman" maiksing sagot ko.


"So naconfirm mo na? Si Nero ba 'yong driver?" active na tanong sa akin ni Aira.


"How would I know? Itatanong ko ba sa kanya?" sarcastic na tanong ko pabalik sa kanila.


"Sa bagay" sabay nilang sagot sa akin.


"Nasaan ang boyfriend mo?" tanong sa akin ni Aira.


"May emergency daw, hindi ko nga alam. Masyado siyang nagmamadali" sagot ko.


"At ngayon pa talaga siya nagkaemergency?" natatawang sabi ni Camilla.


"Wala akong magagawa, ayoko siyang pigilan. Pero napapadalas ang emergency ni Ashong at wala talaga siyang naikukwento sa akin..that's weird hindi naman siya ganyan noong nasa Vegas pa kami" nagsisimula na talaga akong magtaka sa mga ikinikilos ni Ashong ngayong nakaraang araw.


"Don't tell me..may babae si Ashong?" may paghawak pa si Camilla sa kanyang bigla na kunwari'y shock. Haist.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Camilla. Paano nga kung may babaeng mahal na si Ashong? Paano kung hindi na ako? Iiwan niya na ba ako? Maiiwan ba akong mag isa? Hindi ko yata kaya, nasanay na akong laging nakadepende kay Ashong.


"Shocks! Napaisip ka Florence,..affected ka na talaga kay Ashong good news 'yan" bahagya pa akong kinurot ni Aira sa tagiliran ko na inirapan ko na lamang.


"Maiba ako, bakit kayo lang dalawa? Nasaan ang mga boyfriend nyo?At bakit nagbago kayo ng mga suot?Kanina lang nakulangan ng tela sa Pilipinas ang mga suot niyo...Anong nangyari...?" ngising tanong ko sa kanila.


"Nabudol budol gang ako ni Jare, no comment na lang" inirapan ako ni Aira. Ano daw?


"Same here" sagot rin ni Camilla.


"I don't get you friends.." kunot noong sabi ko sa kanila.


"Don't play innocent Florence..alam kong sa ating tatlo ay mas may experience ka na" sabay silang humagikgik dalawa.

Kung ganun ay tama nga ako sa iniisip ko kanina. Napaglapa na nga ang dalawang ito ng mga manananggal.


"So? Florence pwede na ba kaming kumain? Ganito ka ba sa lahat ng mga guest dito? Hindi na kami mauulitan umatend sa party ng mga Villacorta kung alaga mo ng salubong ang mga guest na gutom na. Hindi mo man lang kami pinaupo man lang?" maarteng sabi sa akin ni Camilla. Bakit ang dami nitong alam?


"Ang aarte nyo..sige doon tayo" itinuro ko sa kanila ang isang bakanteng table.

Nang makaupo na kami sa table namin ay hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga boyfriend nila. At ang nangyari nito ay third wheel ako, bakit ang sweet sweet nilang apat?

Hindi nila ba napapansin na nandito pa ako? Alive and breathing?


Ilang beses kong tinatawagan ang phone ni Ashong pero patay na ito. What's wrong Ashong?


"Excuse me, kukuha lang ako ng wine" sabay na tumango sa akin ang magagaling kong kaibigan. Napanguso na lang ako, sige kayo na ang nag eenjoy.

Nagdiretso na lang ako sa bar ng function hall at hiningi ko sa bartender ang paborito kong wine. Naupo muna ako sa highchair habang naghihintay. Siguro ay dito ko na lang iinomin tutal naman ay outcast naman ako sa table na 'yon.

Akala ko ay magiging maayos na ang lahat pero ito na naman mukhang hindi siya nasiyahan sa usapan naming dalawa kanina.


"Where is your fiancé? Bakit pinababayaan ka niyang mag isa ngayon?" tamad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.


"Hindi niya ako pinababayaan, babalik din 'yon" bahagya kong sinipsip ang wine na kaseserve lang sa akin.


"Talaga lang? Baka naman niloloko ka na ng racer mo" pakiramdam ko ay pumunta sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa sinabi niya.


"Huwag mong igaya sayo si Ashong..dahil alam kong hindi niya kayang makipaghalikan sa kahit sinong babae habang may girlfriend siyang tao" bahagyang tumaas ang kilay niya sa sinabi ko


"Yea, we're different.." seryosong sagot niya. Muli kong sinimsim ang natitirang wine at hindi na ako nagpaalam sa kanya paalis. Ayoko ng makipagsagutan sa kanya, hindi na ako ang Florence Almero na mahilig makipagsagutan noon kung makakaiwas ako ay iiwas na lang ako.

Nang pumunta ako sa dulong part ng hall at nakipagbatian sa mga ilang kilalang businessman pero agad kong napansin ang anino ni Nero Ferell sa hindi kalayuan. Sinusundan ba ako ng Ferell na 'yan?


"I heard you're already engaged hija, sayang gusto ko pa sanang ipakilala sayo ang aking binata" nagbibirong sabi sa akin ng isang businessman na pamilyar na sa aking mga mata.


"Marami pa naman pongmas magagandang babae dyan" sagot ko naman.


"Sana nga lang ay kasing ganda mo hija" natawa na lang ako sa sinabi ng businessman.Atleast honest siya?Damn. Ganda ko naman kasi.


"Good evening Mr. Martinez" napairap nalang ako sa narinig kong boses. Nalipat sa kanya ang atensyon ng matandang businessman na kausap ko. Nakita ko pa silang nagkamayan


"Oh, Mr. Ferell.." nang nagsimula na silang mag usap tungkol sa business ay nagsimula na akong humakbang palayo.

Napakapapansin talaga ng Ferell na 'yon, nag eenjoy pa ako sa papuri ng businessman na 'yon. Nangagaw pa siya. Nagdiretso ako sa washroom at humarap ako sa salamin. Marahas kong itinaas ang dress ko na ipinakikita lang naman ang cleavage ko.


"What's wrong with him? Hindi niya ba napapansin na ayaw ko sa presensiya niya?" halos mapapadyak na lang ako sa frustration. Come on Ashong..ngayon ang mga oras na kailangan kita bakit ngayon ka pa nawala.

Bahagya ko lang inayos ang maliliit na hibla ng buhok ko na tumatabing sa aking mukha ko. At nang akma akong hahakbang palabas ay halos mapatalon na lang ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto.Narinig ko rin ang paglock nito.

May pumasok. Sinilip ko gamit ang repleksyon sa salamin ang taong pumasok at halos magtatambol na naman ang dibdib ko nang ang seryosong si Nero Ferell ang nagpakita.


"Now you're trapped" napaatras na lang ako habang siya naman ay nagsisimulang lumapit sa akin.


"Why are you here?" kinakabahang tanong ko sa kanya.Ano ba ang problema niya? Hindi ba siya nag iisip? Anong pumasok sa isip niya at pumasok siya sa banyo ng babae?


"Didn't I tell you stay gone? Ako ang dapat magtanong niyan sayo" patuloy pa rin siya sa paghakbang papalapit sa akin.

Napangisi na lang ako ng mapait, inaasahan kong ganito ang pagtanggap niya alam kong ang mga ngiting ibinigay niya sa akin sa harap ng mga pinsan niya at ni LG ay pagpapanggap lamang.

I am now facing the real Nero. The beast that Troy Ferell talking about. Ibang iba siya sa lalaking kausap ko lang kanina, alam kong isang maling kilos ko lamang ay may hindi ako magugustuhang mangyayari.

This is not good Florence.


"Sa pagkakaalam ko ay hindi nakapangalan sa mga Ferell ang buong Pilipinas, may karapatan pa akong tumapak sa Pilipinas" pinilit kong patapangin ang boses ko. Kahit nagsisimula nang mangatal ang mga tuhod ko.

I'm damn nervous, lalo na sa paraan ng pagtitig niya sa akin.


"Alam mo ba na kanina pa kitang pinagpapasensiyahan Almero?" naniningkit na ang mga mata niya sa akin


"Nero..lumabas ka na, banyo ito ng babae" shit! Nangangatal na ang boses ko.


"Who cares?" pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Damn.

Napalingon na lang ako sa aking likuran. Shit! Nasa dulo na ako. Nakasandal na ako sa malamig ng pader ng banyo.


"Dead end" ngising sabi niya sa akin. Napansin ko na may dinudukot siya sa ilalim ng coat niya. Mabilis siyang nakalapit sa akin at agad niyang ikinulong ang aking mga kamay sa taas ng ulo ko.


"Be still..or else I'll kiss you" pinilit kong manlaban pero mas lumakas siya sa nakalipas na anim na taon. Kahit kaunting galaw ay hindi ko magawa. He's too powerful as always.


"Sisigaw ako Nero..sisigaw ako, bitiwan mo ako" pagbabanta ko sa kanya. Hindi tama itong ginagawa niya.Hindi ito tama.


"That's good then. Lalabas sa mga taong may relasyon tayo..that we're having an affair..that we're doing crazy little thing behind our fiancé's back. Good idea Almero..." He grinned at me, lalo niya ng mapansin niyang natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi posibleng mangyari ang sinabi niya at maaaring magulo pa ang buong event na ito ng dahil sa akin.

Napakadami pa namang media sa labas.



"So..be a good girl.." labag man sa loob ko ay lumubay ang panlalaban ko. Sa sandaling makita kami ni Nero na magkasama dito siguradong malaking gulo ito.

Inilabas niya ang puti niyang panyo.


"Chin up Florence.." hindi ako gumagalaw.


"I said chin up..or else.." nagsisimula ng bumaba ako mukha niya sa akin.


"Okay okay.." bahagya kong itinaas ang ulo ko.


"Good girl.."

Sinimulan niyang pahidin ng kanyang panyo ang labi ko. Halos ilang beses na pahid na ang ginawa niya at pakiramdam ko ay mapupunit na ang labi ko.


"Hmm..enough! Wala ng lipstick!" anong problema niya sa lipstick ko? I don't get him. Anong pinaglalaban ng Ferell na ito? Hindi ba bagay sa akin ng suot konng lipstick?

Binitawan niya ako at iniabot niya sa akin ang pouch ko na nalaglag sa sahig.


"Apply again..." napanganga na lang ako sa sinabi ni Nero Ferell. Anong tumatakbo sa utak niya?


"What?" naguguluhang tanong ko sa kanya.


"I said, apply your lipstick again" bored na sabi niya.


"Are you out of your mind Ferell?!"


"Just do it bago pa may makapasok dito at makita tayong magkasama"

He's blackmailing me!


Marahas kong inabot sa kanya ang pouch ko at kinuha ang lipstick ko. Agad kong inapply ito sa mga labi ko habang tahimik siyang nanunuod sa akin.


"Hindi ko alam kung anong tumatakbo dyan sa utak mo Ferell, iisa ang lipstick ko. Ito rin ang suot ko kanina" inirapan ko siya sa repleksyon ng salamin


"Faster.." bored na sabi niya. Wow!

Pinagpatuloy ko ang pag aapply. Ano kaya ang binabalak ng Ferell na ito?


"Done!" iritadong sabi ko.


"Nice.."

Hindi pa ako tuluyang nakakalingon sa kanya nang marahas na namang lumapat ang likod ko sa malamig na pader.

At hindi na ako nakapanlaban ng angkinin niya ang mga labi ko. What the hell? He's kissing me harshly. He's forcing to part my lips more...even his tongue have his harsh way.

Napaungol na lang ako nang bahagya niyang kagatin ang pang ibabang labi ko.Pinilit kong paghahampasin ang dibdib niya pero mukhang mas matibay pa siya sa mga pader na sinasandalan ko. Hindi man lang siya natitinag sa mga hampas ko at sa halip ay mas lalong dumidiin ang mga labi niya sa akin. Mas dumidiin ang bawat pagkagat niya sa aking mga labi. Nakakalasa na ako ng dugo pero hindi niya pa din tinitigilan ang labi ko.

Pilit niyang pinapakalma ang mga kamay kong walang tigil sa paghampas sa kanya.


"Nero!" sabay naming habol angaming hininga nang naghiwalay ang mga labi namin.

Marahas kong pinahid ang labi ko. And there! It's bleeding.


"We're not yet done.." mabilis na naman niya akong hinuli at sa ngayon ay ikinulong niya ang mga kamay ko. Mas lalong dumiin ang mga labi niya sa akin kahit ang buong katawan niya ay nararamdaman ko na.

I even felt something strange poking me. Shit! Wala man lang akong nagawa para manlaban, kailan ba ako may nagawa sa kanya? Pagdating sa kanyang mga labi ay wala akong kalaban laban.


Tumigil siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.


"Your lips...that's mine. I'm the only one who can ruin your lipstick..please..don't let him kiss you again.." marahang bulong niya sa akin.


And his eyes...His stares..


Natulala na lang ako kay Nero.Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa muli naming pag uusap.


"Muntik na kitang mabangga Florence..akin lang ang labing 'yan Florence. Akin ka lang... Come back to me.."



Hindi ko alam pero kusa na lang nag unahang pumatak ang mga luha ko.




--

VentreCanard


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro