Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12


Marahan akong iniikot ako ni Aldus na parang prinsesa na napapanuod ko sa mga palabas. Pero agad niya muling hinuli ang bewang ko at inilagay ko muli ang mga kamay ko sa balikat niya.


"Parang hindi ka tumanda Warden, you still look an eighteen year old beautiful lady.." napairap na lang ako sa sinabi ni Aldus. Magaling pa rin siya mambola.


"Ikaw rin Aldus, para ka pa rin nineteen year old..ang galing mo pa rin mambola" sabay kaming nagtawanang dalawa sa sinabi ko.


"Nagkausap na kayo ni Nero?" nagulat ako sa bigla niyang tanong. Hindi ba siya na aawkward sa tanong niya?


"Hindi pa. Kailangan pa ba 'yon?" pinilit kong sumagot sa kanya ng natural sa kabila ng biglang paglukso ng puso ko sa pangalang binanggit niya.


"Ofcourse! Okay na naman kayo hindi ba? I heard you're engaged? He's so lucky. Ang alam ko ay magpoprose na rin si Nero kay Cassidy. There's no way for you to felt awkward, afterall parehas na kayong nakamove on sa isa't isa"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aldus.


"What about you? Any girlfriend?" paglilihis ko ng usapan. Hindi na maganda ang takbo ng aming usapan kung hahayaan ko itong magpatuloy.


"I'm happy with my girlfriend. She's the most wonderful girl I ever met.." kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata sa sinabi niya. He's inlove.

Napangiti na lang ako sa narinig. Alam kong darating ang panahon at makakakita siya ng babaeng kayang suklian ang pagmamahal niya. Oh well, mukhang dumating na ang araw na 'yon. I'm happy for him. May babaeng lumambat na sa Shokoy na may pinakaamong mukha.


"Kung ganun ay Shokoy ang tipo ng girlfriend mo" pagbibiro ko sa kanya.


"What? You're still silly Warden..though I missed that 'shokoy' ikaw lang ang pwedeng tumawag sa amin ng ganyan" natatawang sabi niya sa akin.


"Para sa kanya para daw akong masterpiece na ginawa ng diyos, hindi sumagi sa isip niyang may history ako ng pagiging lamang dagat" halos mautas ako ng katatawa sa sinabi ni Aldus.

Bakit parang aminado siyang lamang dagat siya?


"Aldus! Tama na 'yan. Ako naman" katulad ng nangyari kanina, may tumulak kay Aldus at mabilis napaltan ang kasayaw ko.

Hindi na ba ako nasanay? Ganyan talaga silang magpipinsan, pagsumulpot ang isa asahang may isa pang lilitaw at magsusunod sunod na. Hindi ko mapigilang hindi masilaw sa pagkislap ng diamond earring niya sa kanang tenga niya. Bakit kaya hindi niya pa 'yan tinatanggal sa tagal ng panahon?


"Doll. Single na naman ako" bungad niya sa akin. Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba kahapon lang sila magkasama?


"Hindi ba Troy magkasama lang kayo kahapon? Bakit ang bilis naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Bigla tuloy akong kinabahan, hindi naman siguro? Hindi ako sinagot ni Troy sa halip ay nagkibit balikat lang siya sa akin.


"Hindi naman kayo nag away dahil sa nangyari kahapon? May dapat ba kayong pupuntahan at hindi natuloy ng dahil sa amin? Pasensya na Troy.."

Tsss, mukhang ang aga ko na namang gumawa ng problema, ayoko pa naman din na may problema akong magagawa na may madadawit na kahit sinong Ferell.


"No way! I just can't understand her. Ang maliliit na bagay ay pinalalaki niya" napapailing na sabi niya.

Sa paraan ng pagkadismaya niya ngayon alam kong mahal talaga ni Troy ang babaeng kasama niya kahapon.


"Palamigin mo muna ang ulo, saka mo lapitan" simpleng sabi ko sa kanya.


"Sana nga lumamig na ang ulo ng babaeng 'yon. Hindi na naman ako makakatulog nito" sa sobrang frustration ni Troy ay ipinatong niya na sa aking balikat ang kanyang noo.


"Doll, pahiram muna ng balikat mo. Wala naman sa paligid ang fiancé mo" bulong niya sa akin. Marahan na lang akong tumango sa kanya.

Nagsasayaw kami ni Troy habang nakahilig sa aking kanang balikat ang kanyang noo. Napatong ang aking mga kamay sa balikat niya habang napulupot naman sa aking bewang ang mga kamay niya.


"Paano si Nero?" bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Anong ba ang problema ng mga Ferell na ito? Bakit ba nila ako tinatanong ng tungkol sa pinsan nila? Hindi ba at may girlfriend na si Nero?


"What about him?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Dapat ba lagi namin siyang pag usapan?


"I know him, pinsan ko siya Doll. Kahit iba't ibang babae ang kasama niya sa araw araw, kahit ilang beses siyang makipaglandian sa harapan mo, kahit may long-time girlfriend na siya. Alam kong patay na patay pa rin ang gago sayo. Siguro ay maloloko niya si LG, Aldus at Owen pero hindi ako. Be careful Doll, he's not your Nero anymore. You turned him to be this Beast..."

Pakiramdam ko ay kinapos ako ng hininga sa huling salitang sinabi ni Troy.


'He's not your Nero anymore. You turned him to be this Beast...'


Sa halip na sumagot kay Troy na nakapatong pa rin ang noo sa aking balikat ay sumulyap ako kay Nero na kasalukuyang nakikipagsayaw sa babaeng kasama niya kanina.

Bakit sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay nahuhuli niya ang mga mata ko? Siya ang unang nag iwas ng tingin sa akin. At napataas na lang ang kilay ko nang mapansin ko kung nasaan na ang kamay ni Nero Ferell.

Bakit pinababayaan siya ng babaeng 'yon? He's just touching her buttocks! Wala bang nakanote sa invitation ni Kuya Nik na bawal gumawa ng kalaswaan dito?


"Beast? I don't care..basta masaya na ako sa buhay ko. Madaling namamatay ang mga manyakis"


"What? Doll? I don't get you" nag angat na ng ulo si Troy na may kunot na mga noo. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Napakasama talaga sa mata ng manyakis na Ferell na 'yon.


"How about LG? Hindi ko pa siya nakikita" pag iiba ko.


"Padating na. Oh, 'yan na pala si LG" lumingon kami sa padating na matanda. He's still has this warm aura around him. Kahit dumami na ang mga puti sa kanyang buhok, kaparehas pa rin siya sa nakalipas na anim na taon. He's still my cute LG.

Binitawan na ako ni Troy.


"Sige na, miss ka na rin ni LG" hindi ko na sinayang pa ang oras. Halos takbuhin ko na si LG na kapapasok pa lamang sa function hall.


"LG!"

Sinalubong niya ako ng yakap kahit ako ay niyakap ko siya ng napakahigpit. Ang pangalawa kong Lolo.


"Florence, hija" malapad ang ngiti niya sa akin.


"Kamusta kayo LG?" ngumiti rin ako ng napakatamis sa kanya.


"Ito at tumatanda na" natatawang sagot niya.


"Namiss kita LG.." kinurot niya ang mga pisngi ko.


"Ako din hija, hindi mo muna ba ako pauupuin? O aalukin kumain?" nabibirong sabi niya. He's still the same. Napanguso na lang ako sa kanya.


"Let's go.." hinila ko si LG sa isang table. Nakiupo na rin ako sa table ni LG.


"LG, hindi mo ba ako namiss? Hindi mo ba ako pupurihin na mas gumanda ako?" halos mangalumbaba ako kay LG. How I missed him.


"Hija, hindi tinatanong ng ganyan ang matatandang gutom. Kakain muna ako Florence, mamaya tayo mag usap"

Hindi ko mapigilang hindi mapangisi sa sagot sa akin ni LG. Bakit walang ganyan sa Vegas? Miss na miss ko talaga ang matandang ito.


"Sige, kumain ka lang LG. I can wait" ngiting sagot ko sa kanya.


"LG! Engaged na daw si Wada" umupo si Owen sa tabi ni LG na tahimik at mukhang wala ng pakialam.


"Sino nga ba 'yon?" nakiupo na rin si Troy sa amin na may hawak ng plato ay may gabundok na kanin.


"I know him, 'yong kaklase niya dati na mahilig sa kabayo. Muntik pa kaming magpang abot ng isang 'yon dati" sabat ni Aldus na may hawak na ring plato.

Lahat sila ay mukhang gutom na gutom sa dami ng pagkain nilang apat sa plato. Bakit parang hindi na naman nakakakain ang mga ito?


"Babalik siya mamaya..ipapakilala ko siya sa inyo" sagot ko sa kanila.


"Atong, tama si Atong" sabi ni Aldus na may pagtango habang ngumunguya.


"You can call him Elias, mas kilala siya sa pangalang 'yan. Ako lang ang natawag sa kanyang Ashong" simpleng paliwanag ko sa kanila.


"Awww" sabay na sabi ni Aldus at Owen. Sumulyap silang dalawa kay Troy na mukhang biyernes santo na naman.


"Sana ganyan din ang girlfriend ni Troy.." madramang sabi ni Owen.


"Kaso iniwan na naman siya, pang ilang beses ka na ngang ni break ni Laura?" pang aasar na tanong ni Aldus. Sabay nagtawanan si Aldus at Owen habang si Troy naman ay mukhang nagpipigil na sa kalokohan ng mga pinsan niya.


"Ayos lang 'yan pinsan, magandang lalaki ka naman" lalong lumakas ang tawanan nila at maging ako ay nakitawa na rin. Shit! They're still childish.


"Tumahimik kayong dalawa, parehas naman kayong mga under!" iritadong sabi ni Troy.


"Shhhsss... mga apo kumain na kayo, bukas ay may bayad na ito" parang natauhan naman silang tatlo sa sinabi ni LG at pinagpatuloy nila ang pagkain.


"Pero LG, brokenhearted talaga si Troy" singit na naman ni Owen at nagtawanan na naman kami.

Si Troy ay napainom ng straight ng wine dahil sa kawalang hiyaang pinagsasabi ng mga pinsan niya.


"Nagrereunion na pala kayo, hindi ba ako kasali dito?" kahit hindi ako lumingon sa pinanggalingan ng boses ay kilala ko na siya. The voice that used to whisper on my ear. The voice I used to hear with those sweet words.

Naupo siya sa bakanteng upuan. At sa kaswertehan ng buhay ko, bakente sa kanang upuan na katabi ko. Nasa kaliwang upuan si Troy. Natahimik ang tawanan namin sa bigla niyang pagdating.


"What happened? Ako ba ang pinag uusapan nyo at bigla kayong natahimik?" cool na sabi niya.

Siguro ay ako lang talaga ang kinakabahan sa mga oras nito. Bakit parang casual na casual siya magsalita? Dapat ay matututo rin ako ng ganito. I should calm myself dahil wala naman akong dapat ikakaba.

Hinihiling ko na sana ay hindi niya marinig ang malakas ng pagtibok ng puso ko.


If I can just control my fast beating heart.


"Asa ka naman Nero. Si Troy ang topic dito. Iniwan na naman ni Laura" natatawang sagot ni Owen.


"Find another one Troy, hindi naghahabol ang lahi natin'' seryosong sagot niya. Pakiramdam ko ay may biglang sumaksak sa dibdib ko sa isinagot niya. Pinapayuhan niya ba si Troy ng bagay na ginawa niya?

Siguro ay magkakastiff neck na ako, kusang nanigas na ang leeg ko. At wala akong lakas lumingon pakanan. Lumingon sa kanya.


"Hindi nga ba pinsan?" napalingon ako kay Troy sa isinagot niya. Kitang kita ko ang pangisi niya at ang biglang pagkislap ng hikaw niya sa mga mata ko. Shit! Ayoko ng patutunguhan ng usapang ito. Hindi ito maganda.


I'm starting to feel this thick atmosphere. Kahit si Aldus at Owen ay biglang natahimik. Should I go? Dapat na ba akong umalis sa table nila? Can someone help me?


"Bakit hindi mo muna batiin ang babaeng katabi mo Nero?" nagulat na lang ako sa biglaang pagsabat ni LG na tahimik lamang na kumakain kanina.

Why LG? Bakit sa dami ng pwede mong sabihin ay ito pa?

Dahan dahan kong inilingon sa kanya ang ulo ko. Ayokong magmukhang tanga kaya pinilit kong salubungin ang mga mata niya. Calm down Florence, calm down. Wag mong ipahiya ang sarili mo. Just smile, tulad ng sinabi mo.

Smile. Smile.


Una siyang nagpakita ng ngiti. He's smiling at me. Pero hindi ako tanga para maniwalang tunay na ngiti ang nakikita ko ngayon.


He's showing me his fake smile. Pero mas ikinagulat ko ang ginawa niya. Hinuli niya ang kanang kamay ko at dinala niya ito sa kanyang mga labi.



"How are you Florence Almero?"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro