Chapter 1
Chapter 1
Ilang oras na lang ay nasa Pilipinas na ako. Ang bilis din pala ng panahon, parang kamakaylan lang ako umalis. Ngayon, ito at nagbabalik na ako. Akala ko noon hindi ko na makukumbinsi pa ang sarili kong magbalik sa sarili kong bansa. Akala ko ay mawawalan na ako ng lakas para bumalik sa lugar kung saan ako pinanganak.
Oh well, time passes by.
Lumilipas ang mga panahon at nagbabago ang desisyon ng tao. Hindi mo rin pala masasabi ang mga bagay na gusto mong gawin sa hinaharap. Talagang pabago bago ang isip ng tao.
Ang tagal din ng anim na taon.
"Florence are you ready?" tanong sa akin ni Kuya Nik.
Kasama ko ngayon sa pag uwi ng Pilipinas si Kuya Nik kasama ang nagugwapuhan kong mga pamangkin. They attended an international competition, Trevor's in go cart racing while Tyrone's in horse jumping competition. They both got the 1st place, kanino pa sila magmamana? Sa Tita lang naman.
"Ready for what?" natatawang pabalik na tanong ko sa kanya. Don't tell me?
"Alam mo kung anong ibig kong sabihin" sagot sa akin ni Kuya Nik.
"Ano ka ba Kuya? I've moved on. Tapos na 'yon, besides he's happy right now" sinipsip ko ang orange juice na kanina ko pang hindi pinapansin.
Pero sa sulok ng aking mga mata ramdam ko ang mariing pagtitig sa akin ni Kuya na parang sinusuri ang reaksyon ko. I've moved on. Bakit hindi niya na lang ako paniwalaan?
"I know you Florence Celestina Almero" sagot niya sa akin saka siya bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.
"Haist. I've changed for six years, you don't know me too well Kuya" I rolled my eyes on him.
"Bakit? Hindi ka ba namin nakakausap sa loob ng anim ng taon? Lame answer beautiful cousin. Hindi mo ako maloloko"
"Tsss. Bahala ka na nga Kuya, basta sa akin nagmana ang kambal" narinig ko na lang ang pagtawa niya sa sinabi ko.
Magkatabi kami ngayon ni Kuya Nik sa upuan. Trevor and Tyrone are busy playing their gadgets. Kinulbit ko ang lalaking natutulog sa unahang upuan.
"WHAT?" angil na sagot niya sa akin. Kung gaano kasing suplado si Gio noon ay mas naging triple siya ngayon. Saan kaya ipinaglihi ang pinsan ko na ito?
"Can I borrow your earphones? Hindi ko kasi makita 'yong sa akin"
"May trabaho ka na, wala kang pambili ng earphones?" aba't! Napaka! Talaga.
"Sabi ko hindi ko makita, magpapahiram ka ba o hindi?" dapat pala ay hindi na ako nagtanong sa kanya. Masama nga palang makipag usap sa bagong gising lalo na kung si Giovanno Javier Villacorta lang naman.
"Hindi" maiksing sagot niya at bumalik na siya sa pagtulog.
"Ate Florence! Catch!" mabuti at maagap ako, may inihagis lang naman sa akin si Patrick na earphones.
"Thanks, napakabait mo talaga. Hindi katulad ng iba dyan, mukhang basted na naman ata" halos sabay sabay na nagtawanan ang mga kabarkada ni Gio sa sinabi ko.
Kasalukuyan kaming nasa himpapawid pauwi ng Pilipinas sakay ng isang private jet plane. Hindi ito pag aari ng pamilya namin dahil hindi naman kami ganoon kayaman. Pag aari ito ng isa sa mga kaibigan ni Gio na anak ng may ari ng isang kilalang airline company sa Pilipinas.
Napapahanga talaga ako sa pinsan ko, sa kabila ng ugali niya ay may naging kaibigan pa siyang mga milyonaryo.
"Bull's eye! Wag mo naman ipamukha kay Gio, Ate Florence"natatawang sabi ni Lexus. Isa rin sa kaibigan niya na milyonaryo.
"Fuck you Lexus!" iritadong sabi ni Gio. Halos magtawanan na naman kami.
"Ano ba ang ginawa nyo sa Vegas apat?" namasyal lang ba ang magbabarkadang ito? Lakas makapamasyal,nakajet plane pa sila.
"Nag exam kaming apat" sagot sa akin ni Lexus.
"Exam for what?" nagtatakang tanong ko sa kanya Halos lahat sila ay hindi nakasagot sa tanong ko hanggang sa marinig ko ang mahinang pagtawa ni Stefan, ang sponsor ng jetplane.
"Don't tell me, naniniwala ka kay Lexus Ate?" natatawang sabi ni Stefan. Lumingon ako kay Lexus na nagpipigil na rin ng tawa.
"Don't talk to them Florence.. hindi sila matinong kausap" singit ni Gio.
"Ang sama nito" nakisali na rin si Patrick.
"Hayaan mo na ang mga RK mong friends, nakakatuwa nga sila" saway ko kay Gio.
"What? RK?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"RK?" nakakunot noong tanong ni Lexus.
"Ano 'yon?" tanong din ni Patrick. Bakit hindi nila alam ang RK?
"Haist. RK means Rich Kid" I rolled my eyes. Sabay sabay silang napatango sa sagot ko.
"Oo nga naman Gio. RK kami" sinakyan ni Patrick ang sinabi ko.
"Swerteng swerte ka sa amin, kapag gusto mong magswimming libre ka na sa kahit sa anong resort ni Patrick. Pag gusto mong lumipad sa iba't ibang bansa libreng sakay ka na kay Stefan, kapag pinalayas ka sa inyo libreng libre ka na rin sa kahit anong hotel namin. Saan ka pa?"
Ako naman ngayon ang napalakas ang tawa at sinabayan pa ako ng mga kabarkada niya, maging si Kuya Nik ay nakitawa na rin.
"Fuckers" mukhang itinodo na ni Gio ang volume ng earphones niya.
"Wag nyong inaapi ang pinsan ko, madami 'yang second hand na kotse" lalong lumakas ang tawanan namin sa sinabi ni Kuya Nik.
"Nakakatuwa ang asaran nyong 'yan. May naalala tuloy ako sa inyo" huli na para bawiin ko ang nasabi ko na. Sabay sabay silang tumigil sa pagtawa dahil sa sa sinabi ko.
"We're better than them" maiksing sagot ni Gio. Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
"Anim na taon mo na rin silang hindi nakikita Ate Florence..okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Patrick.
"Ofcourse! Ano ba kayo? Ang tagal ng anim na taon. It's not a big deal anymore" sagot ko sa kanila.
"So, you're going to entertain new suitors? Napatol ka ba sa mas bata Ate? Hahaha. Let's say 6 years ang tanda mo? He's handsome ofcourse, owned numbers of hotel inside and outside the country. Tapos model pa, sasagutin mo?" hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay nakatanggap na siya ng batok mula kay Stefan at Patrick. Natawa na lang ako.
"Are you hitting on my cousin Lexus?" baling sa kanya ni Gio.
"Hindi naman. Ideal woman ko lang si Ate Florence..kayo talaga kung ano ano ang iniisip nyo" napapailing na lang si Kuya Nik sa mga kaibigan nitong si Gio.
I can't help but to remember those days.
'yong mga unang beses na pinatawa nila ako.'yong mga unang beses na umikot ang mga mata ko sa mga walang kakwenta kwenta nilang sinasabi. Kamusta na kaya sila? May kani kanila na kaya silang pamilya? O may mga nagtiyaga kayang mga babae sa kanila? Haist. Can I still talk to them like the old days?
Naramdaman ko na lang ang marahang paghawak sa akin ng kung sino sa makabila kong balikat. Napatingala na lang ako. It's Trevor from behind.
"What if he wanted you back Tita?" nagulat ako sa biglaang tanong sa akin ni Trevor
"Trevor!" napasigaw sa kanya ang Daddy niya.
"I'm just stating the possibility Dad" kibit balikat na sagot sa kanya ni Trevor at naupo na ulit ito.
"Trevor is right Dad, Nero was crazy about her" singit ni Tyrone. Nagugulat ako sa pinagsasabi ng mga pamangkin ko. Damn! They're just going 10! For pete's sake! Anong pinagsasabi nila ngayon?
"Was.. was Tyrone. Noon 'yon, he has a girlfriend right now" sagot ko.
"Okay" maiksing sagot sa akin ni Tyrone.
"Trevor, Tyrone. Ang dami nyong alam" saway sa kanila ni Gio.
"Hindi naman basted" mabilis na sagot ni Trevor.
"I don't like second hand cars" sagot din ni Tyrone.
"Anong sabi nyo?!" iritadong tanong ni Gio.
"Tama na 'yan Gio. Sumali ka na lang dito" inismiran lang ni Gio ang kambal bago siya pumunta sa mga kaibigan niya at nakisali na sa pagbabaraha.
"He's still childish" bulong ko kay Kuya Nik. Tumango lang siya sa akin bilang pagsang ayon. Siguro ay matagal rin akong nakatulog bago ako ginising ni Kuya Nik dahil malapit na daw kaming bumaba.
At last nasa Pilipinas na muli ako.
Tinulungan ako ni Gio at ng mga kaibigan niya sa pagdadala ng mga gamit ko hanggang sa van na gagamitin namin pag uwi. Malaki ang pasasalamat ko dahil tumama sa araw ng pagbabalik ko ang araw ng pagtatapos ng 'exam' daw nila. Hindi naging hassle ang pag uwi ko sa Pilipinas.
Labis labis na rin siguro ang naitulong nila sa akin simula't umpisa. Dahil alam ko sa maliit na paraan ay tumulong din sila para maprotektahan ako noong mga panahong...
Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na dapat iniisip pa ang masamang nakaraan. Haist.
Bumaling ako sa mga kaibigan ni Gio.
"Salamat sa inyo, dumalaw kayo sa bahay minsan ipagluluto ko kayo" lumapad ang mga ngisi nila sa akin.
"Tatandaan namin 'yan Ate" sagot sa akin ni Lexus.
"Oo naman, salamat Stefan. It's nice riding on your plane" lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. Bigla na lang siyang napatungo at namula. Sa kanilang nga palang apat ay siya ang pinakabata, he's about 15? He's the cutest among them.
"Bakit siya lang?" reklamo ni Patrick.
"May bayad na ito sa susunod" lumapit ako kay Lexus at Patrick at parehas ko silang hinalikan sa noo. Halos sabay ang pag ngisi ng dalawa.
"Florence let's go. Baka lalong umasa ang mga 'yan" bored na sabi ni Gio.
"Sige na, ingat kayong tatlo" bahagya pa akong kumaway sa kanila bago sumakay ng van. Agad nang isinara ni Gio ang van. At nang sandaling nakaupo na ako, nagtaka na lang ako.
"Bakit tayo siksikang apat dito?" pinaggigitnaan ako ng kambal.
Magkatabi si Tyrone at Gio sa kanan ko. Habang si Kuya Nik ay nasa unahan at natatawa. Nagulat na lang ako nang sabay akong yapusin ng kambal.
"We missed you Tita Ganda!" halos paulanan nila ako ng sunod sunod na halik sa pisngi.
"Gosh. Akala ko ay nagbago na kayong dalawa" natatawang sabi ko. Mabilis hinawi ni Gio ang ulo ni Tyrone sa harapan ko at napapikit na lang ako ng halikan niya ako sa noo.
"I miss you Ate.." ouch naman. Akala ko iyamot sa akin ang maarte kong pinsan na ito.
"Mamaya na ako kikiss sayo Florence sa bahay para kumpleto na ang salubong namin sayo" natatawang sabi ni Kuya Nik.
Napapaiyak naman ako sa ginagawa ng mga ito. Akala ko ay puros mga nagbago na sila, mukhang mas naging malambing pa sila sa akin.
"I was about to kick that Lexus a while ago" ngusong sabi ni Trevor.
"Nagbibiro lang siya Trevor" sagot ko sa kanya.
"Trevor, Tyrone. Hindi na kayo pwedeng magpababy kay Tita Florence nyo, malalaki na kayo" biglang sabi ni Kuya Nik.
"Bakit si Tito Gio? Nagpapababy pa siya nong 13 siya" mabilis na sagot ni Tyrone. Natatawa na naman ako sa usapan nila.
"The fuck? Diba sabi ko sayo wag mo akong tatawaging Tito? Gio na lang! Shit naman. And what?! Hindi ako katulad nyong dalawa. Anong pababy?!" defensive na sagot ni Gio. Sabay sabay na kaming nagsitawanan.
How I miss this.
"Haist, mamaya tatabihan ko kayong tatlo sa pagtulog. Don't worry" halos sabay sumandal sa akin ang kambal at mukhang tuwang tuwa talaga silang katabi ako. Si Gio ay hindi na nagsalita.
Lumipas ang ilang oras at tumigil muna kami sa isang gasoline station para magpagasolina at bumili ng tubig. Tulog na ang kambal, pati si Kuya Nik. Bumaba muna ako para magwashroom at para bumili na rin ng maaari naming makain sa daan. Papasok na sana ako sa 7 11 nang makuha ang atensyon ko ng isang babaeng mukhang iritadong iritado sa driver niya.
"Ano ba naman 'yan Manong! Malelate na ako, baka hindi pa ako umabot! Anniversay pa naman namin! Bakit ngayon pa tayo nasiraan?! I can't wait for another car! Ano ba?!" nagkibit balikat na lang ako at nagdiretsong pumasok sa 7 11.
Mabilis naman akong nakabili ng mga kailangan namin kaya nakalabas na agad ng 7 11, pero nag iisang hakbang pa lang ako ay narinig ko na naman ang malalakas na reklamo ng babae.
"This is shit! Palpak ka naman manong!" nagdiretso na ako sa van at nag aabang na si Gio. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng van ay may narinig akong tumatawag.
"Miss!" napalingon na lang ako sa likuran. Ako ba ang tinatawagan niya? Nagulat na lang ako nang mabilis nakalapit sa akin ang babae kanina at bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Dadaan ba ang van nyo sa Mile Twain Hotel? Please miss, pwedeng sumabay?" maluha luha niyang tanong sa akin. Kahit mukhang stress na stress na siya sa init ng araw ay tingkad pa rin ang kagandahan niya. She's pretty.
Nilingon ko si Gio'ng nakakunot ang noong nakatitig sa babae. Hindi ba siya nagagandahan sa kanya?
"Let's go Florence..nagmamadali na tayo" malamig na sabi ni Gio.
"Dadaan ba tayo sa hotel na sinasabi niya?" tanong ko kay sa pinsan ko na biglang nagbago ng aura. What's the matter?
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Let's go" anyaya ko sa babae. Dadaan kami, kilala ko ang kilos ni Gio. He might know this girl. She might be his ex and he's just bitter. Wala naman sigurong masamang tumulong.
Halos yapusin ako ng babae sa pag anyaya ko sa kanya.
"Thank you so much!" sumakay na kami sa van.
Sa likuran na lang kaming dalawa pumuwesto, habang nasa unahan namin ang tulog na kambal at si Gio'ng mukhang mainit na naman ang ulo. Tahimik lang din si Kuya Nik.
"Salamat talaga. Mahalaga kasi ang araw na ito sa akin. I can't be late" tumango na lang sa babae.
My cousins are exchanging meaningful glances. Ano ba ang problema nilang dalawa? Hindi naman mukhang masamang babae ang pinasakay ko.
"Thank you talaga, kahit bayaran ko na lang ang pagpapasakay nyo sa akin. Bigla na lang kasing nasira 'yong sasakyan namin. Hindi ako pwedeng malate, importante lang talaga ang araw na ito" paumanhin niya sa akin
"It's okay, dadaanan din naman namin ang hotel na pupuntahan mo" sagot ko sa kanya
"Thanks. Hmmm, excuse me may tatawagan lang ako.." muli na lang ulit akong tumango sa kanya.
"Hmmm, hello babe. Happy Anniversary!!" masiglang bati niya sa kausap niya sa telepono.
"Sorry, hindi ako makakauwi ngayon pero babawi ako for sure"
"Yes, I love you too" malambing na sabi niya. Probably her boyfriend. Napakaswerte naman ng boyfriend niya, she looked kind, caring and damn pretty.
"Ano ba Nero Ferell? Buong maghapon ako sayo bukas, wag ka ng magtampo" halos nabingi na ako sa huli niyang sinabi. What? Did I hear it right? What's wrong..bakit ganito na lang ang reaksyon ng dibdib ko? Bakit parang kumirot ang dibdib ko? Why my heart is damn beating fast?!
"You're so naughty! Oo na! Yes. I love you more!" bakit sa bawat binibitaw niyang salita ay parang may pumipiga ng dibdib ko?
Automatiko kong binuksan ang bintana. I need air. I need air. This woman..she's...
"Hmmm, miss?" ayoko na siyang lingunin. Pero wala akong magagawa, tang ina. Ang lakas ng loob kong magsabi na 'I've moved on' marinig ko lang ang pangalan niya ay nagwawala na naman ang dibdib ko.
"Nakalimutan ko nga pa lang magpakilala sayo.. I'm Cassidy Marian Falcon...and you are?" inilahad niya sa akin ang kamay niya na tinitigan ko ng ilang sandali.
"Florence Almero.."
Inabot ko na rin ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat ko at hindi nangangatal ang mga kamay ko.
How's my life? Bakit sinalubong pa ako sa pag uwi ng babaeng minamahal ng lalaking sobra kong minahal noon..Ang lalaking iniwan ko at..Shit!
"It's nice meeting you Florence..thank you talaga. Isusurprise ko lang talaga ang boyfriend ko. Anniversary kasi namin" mapait na lang akong ngumiti sa kanya.
His anniversary..
Anniversary which we never had...
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro