Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

IX





ALAS-TRES ang usapan nila na magkikita-kita sila sa club pero quarter to four na sa suot-suot niyang relo. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Astrid. Nakatulog siya kanina at hindi niya inasahang makakatulog siya ng ganun katagal.

Napabuntung-hininga siya at hinagilap ang kaniyang cellphone sa bag. Tinawagan niya si Dulce at kahit nakailang ring na ito ay hindi ito sumasagot marahil ay busy na ito.

Mabuti na lang at paglabas niya sa kalsada ay may agad siyang nasakyang taxi. Agad niyang sinabi sa driver ang destinasyon niya na kung saan sa isang sikat na building.

Hindi siya mapakali habang lulan ng taxi. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Isa pa ay late na siya sa performance nila.

Hindi na sana siya tutuloy ang kaso lang ay nabasa niya yung text ni Emma kanina at sinabi nitong sumunod na lamang siya.

Hindi niya namalayang tumigil na pala sa pagtakbo ang sinasakyan niya. Kung hindi pa siya kinausap ng driver ay hindi pa niya ito mapapansin.

Dali-dali siyang nagbayad dito at bumaba na. Agad niyang hinanap ang elevator at sumakay dito. Pinindot niya ang floor kung saan siya pupunta.

Pagbukas ng elevator ay dali-dali siyang lumabas at hinanap ang room number sa mga pinto roon. Sa right side niya ito nahanap. Kakatok pa lamang sana siya uy bumukas ang pinto at iniluwa si Emma na hawak-hawak ang cellphone.

Nagulat pa ito base sa reaksiyon ng mukha nito.

"Andito ka na pala. Tatawagan na sana kita e." Seryosong sabi nito at mas niluwangan na ang pagkakabukas ng pinto.

Agad na umabot sa pandinig niya ang musika na nanggagaling sa sala, ang mga tawa at mga paswit ng mga lalaking naroon.

Napailing na lamang siya at tiningnan si Emma.

"Kailangan ko pang magbihis Emma, saan ba ang cr dito?" Tanong niya rito at ibinaba ang dalang bag.

"Diyan sa kanan." Turo niya sa isang pinto sa kanan.

"Magbibihis muna ako. Susunod na lang ako." Paalam niya rito at tinungo ang banyo upang magbihis na.

Paglapasok niya ng banyo ay inilibot niya ang kaniyang mata sa kabuuan nito. Maluwang ang banyo ng may-ari at mapaghahalataang mayaman.

Binilisan niya na lamang ang pagbibihis. Ang isinuot niya ay ang kulay pula niyang brassire katerno ang isang kulay pula ring undies with laces.

Isinuot niya ang kaniyang maskara na hindi niya kinalimutang idala. Nagpahid ulit siya ng lipstick niya at ng masiyahan sa itsura ay lumabas na.

Ngunit natigil siya sa mismong pinto ng banyo dahil sa isang lalaking susuray-suray.

Tila siya natuod sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa lalaking malapit na sa kaniya.

Nakayuko ito at hindi niya inasahang mag-aangat ito ng tingin at nagkasalubong ang mga mata nila.

Nakaramdam siya ng kakaibang damdamin pagkakita rito. Tila hindi siya makapaniwala na nakatayo ito ilang dipa mula sa kaniya. Ito man ay nakatingin lang din sa kaniya at bahagyang nakakunot ang noo.

Kumabog ang dibdib niya ng humakbang ito palapit sa kaniya. Hindi niya magawang humakbang paatras. Tila nawalan siya ng lakas.

Ten years. Ten years na ang lumipas at ngayon nagkita silang muli. Tinitigan niya mukha nito, halos walang nagbago rito liban na lang na mas naging gwapo pa ito lalo at mas naging maskulado ang pangangatawan.

Nasa harap na niya ito at amoy na amoy niya ang pabango nito. Nakatitig ito sa kaniya na tila pinag-aaralan siya. Pagkalipas ng ilang sandali ay ipinilig nito ang kaniyang ulo at nagulat siya ng itaas nito ang isang kamay sa tagiliran niya.

Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Napapigil siya sa kaniyang hininga sa ginawa nito.

He narrowed his eyes.

"Your eyes looked familiar." He whispered. His breath is fanning her face.

She cannot utter a word, what she did is open her mouth but she shut it again after a while. Wala siyang maisagot dito. Gustuhin niya mang sabihin dito na siya si Astrid ay nagdalawang-isip siya.

Kaya naisip niyang umiwas na lang. Gusto niya mang magpakilala rito ay nilukob siya ng kaba.

"E-excuse me..." sabi niya at akmang lilihis na sana nang iharang pa ulit nito ang isang kamay sa isang gilid niya. Wala na siyang takas pa.

Wala siyang nagawa kundi ang salubungin ang titig nito. Naramdaman niyang tila nangangatog ang tuhod niya at tila nawawalan siya ng lakas kaya sumandal siya sa pinto ng banyo.

Maging ang mga kamay niya ay nag-umpisa ng manginig sa hindi niya malamang dahilan.

Nakita niyang napapikit ito.

Napatulala siya rito. How he missed him. Unti-unti niyang itinaas ang kamay niya at akmang ilalapat sa mukha nito ngunit agad niya ring ibinaba.

Napakagat-labi  siya dahil tila may sakit na gumuhit sa dibdib niya. Gusto niya itong hawakan pero natatakot siya. Gusto niya itong yakapin pero. Ang daming pero.

Nakatitig lang siya rito hanggang sa unti-unti na nitong iminulat ang mga mata.

"What a coincidence. You have the same voice." Nakatitig nitong sambit.

Tila nawala ang pagkalasing nito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. Ang mga titig nito ay nanunuot sa buong pagkatao niya at nagpapasalamat siya sa kaniyang maskara.

Wala siyang maapuhap na salita. Masaya siya na hanggang ngayon ay naaalala pa nito ang boses niya pero may halong pait ang tono nito.

Kase ako ito. Ako 'to Davin... Ako... 'to...

Gusto niyang sabihin pero hindi niya nagawa. Napatitig siya sa dibdib nito na humahakab sa suot niyang T-shirt.

"G-ganun ba..." bulong niya at pilit na pinakaswal ang boses.

Ilang sandali itong natahimik. Kaya iyon na ang nakita niyang rason upang makaiwas dito ngunit mag-aangat palang sana siya ng kaniyang mukha ngunit naunahan na siya nito dahil hinawakan nito ang kaniyang baba at itinaas.

Once again their eyes met. Ramdam na ramdam niya ang namumuong spark sa pagitan nila. Dahil sa pagdampi ng balat nito sa kaniya ay tila may libo-libong boltaheng kuryenteng gumapang sa katawan niya.

Ito man ay tila naramdaman iyon dahil kitang-kita niya ang pagguhit ng desire sa mga mata nito.

At ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sarili niyang nagpapatangay sa mainit na halik nito.

He kissed her hungrily na sinasagot niya naman.

Nag-init ang pakiramdam niya ng pinagapang nito ang kamay nito mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang dibdib sa kaniyang tiyan at sa kaniyang hita.

She moaned softly as his tongue taste every buds on her mouth.

--------------

-Sensiya na pinutol ko nanaman. Hahaha. Pero pag natapos ko yung draft ko i-pa-publish ko rin agad. Keep safe everyone!😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro