Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

VIII












BABALIK na sana si Astrid sa dressing room ng may makabanggaan siyang lalaki. Hindi niya ito nakita kanina dahil masyadong marami siyang iniisip.

"Sorry..." hinging paumanhin nito sa kaniya at nagmamadali ring umalis mula roon.

Nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy-tuloy sa dressing room.

Naabutan niya roon si Dulce na mukhang inis na inis dahil sambakol ang pagmumukha.

"O bakit ganyan ang mukha mo?" Naiintriga niyang tanong at umupo sa tabi nito habang umiinom ng lady's drink.

"Ayaw akong palabasin ni Emma nakakainis!" Ungot nito at kulang na lang ay magtatatadyak ito sa sobrang inis.

Napatawa naman siya ng mahina.

"Bakit daw?" Naiintriga niyang tanong dahil ngayon lang hindi pumayag si Emma  na palabasin si Dulce  at hindi tumanggap ng customers.

Nakita niyang umirap ito at ibinaba ang baso sa lamesa. "May appointment  daw tayo bukas ng hapon. Isang bachelor party. "

Napataas naman ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin na tayo?" Magkasalubong ang tanong niyang tanong dito.

Ito naman ang napatawa ng mahina. "Hindi mo na naman pala alam na lalabas tayo bukas para mag-perform. Kasama natin si Nicollete, si Ella, si Xyza at ikaw."

Napasandal siya sa inuupuan at napatingala. Ang mga katulad nilang strippers ay hina-hire kapag may ganuong mga party. Si Emma ang nakikipag-transaction sa mga customers. Minsan na siyang sumama sa ganitong performance at masasabi niyq namang nag-enjoy siya dahil mukhang nasiyahan naman ang mga ito sa performance nila.

Ngunit ang isang kinakatakot lang niya ay kapag naging demanding ang mga customer's  nila. Minsan kase ay gusto silang hipuin ng mga ito na kailanman ay hindi niya pinayagan sa tagal niyang nagtatrabaho bilang isang stripper.

Napabuga siya ng hangin  at saka tumayo na.

Uuwi na siya. Total naman ay si Ella na ang sumalo ng trabaho niya.

Nagpalit muna siya ng kaniyang damit at tyaka nagtungo sa cr upang maghilamos upang matanggal ang kaniyang make-up.

Pagkabalik niya sa dressing room ay kinuha niya na ang kaniyang bag at akmang uuwi na ng magsalita si Dulce.

"Paano kung may taong gustong pumasok sa buhay ko Astrid? Paabo ko malalaman na gusto niya nga talagang maging parte ng buhay ko o gusto niya lang ng sex?" Seryosong tanong nito sa kaniya.

Siya man ay seryoso ring nakatingin dito. Kaya imbis na aalis na ay umupo ulit siya sa tabi nito.

"Bakit hindi ka ba naniniwala na gusto ka nga niya talaga?" Tanong niya rito habang nakatingin sa lamesa.

Narinig niyang napabuntung-hininga ito.

"Sa uri ng trabaho ko, natin parang ang hirap maniwala. Ang dami niyang pwedeng ligawan bakit ako pa? Bakit ako pa ang kinukulit niya?" Naguguluhan nitong tanong.

Natawa namam siya bigla at napatingin ito sa kaniya na nakataas ang kilay.

"Masyado kang OA. Alam mo ba yon? Malay mo naman mahal ka talaga niya..." nagkibit-balikat niyang sagot.

"Naguguluhan din ako. Alam mo bang hinamon ko pa siya na kung gusto niya ng sex e pagbibigyan ko siya pero tumanggi siya dahil nirerespeto niya raw ako. Pero Astrid hindi kami bagay. Isa akong maruming babae, ayaw kong masira ang reputasyon niya. Ayaw kong maging butas para bumagsak siya at ilagay siya sa kahihiyan-------"

Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa bunganga nito upang matigil na sa pagsasalita.

"Kung tanggap ka talaga niya bilang ikaw ay maswete ka." Nginitian niya ito. "Huwag kang matakot na sumugal Dulce dahil malay mo siya na pala ang lalaking magmamahal at tatanggap sayo ng buong-buo."

Natahimik ito ng ilang saglit at napasandal sa upuan tyaka napatingala.

"Hindi ko alam... hindi ko alam kung dapat ko siyang paniwalaan..."

"Natatakot ka lang sa mga posibilidad... natatakot ka na husgahan nila siya dahil sayo. Natatakot ka na makipagsapalaran. Natatakot ka na baka kapag hindi niya na makaya ay iwanan ka niya sa ere hindi ba? Pero masasagot mo ba lahat ng mga tanong mo kung hindi mo susubukan?"

"Pero..." napabuntung-hininga  na naman ito at napapikit.

"Hindi ka mamamatay kung susubukan mo. O siya uuwi na ako dahil baka gising pa si Debbie..."

Isang tango na lang ang nagawang isagot nito.

Napapailing  naman siya habang papalabas sa pinto.

Sana mahanap mo na ang lalaking tatanggap sayo, Dulce...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro