Chapter 6
VI
WALA sa sariling nakatitig si Astrid sa salamin. Nasa isip niya pa rin ang tagpo kaninang umaga. Nasaan na nga kaya si Davin ngayon? May pamilya na kaya ito?
Sa sampung taong nagdaan ay hindi niya maitatagong may nararamdaman pa rin siya para rito.
Marami ang sumubok na ligawan siya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan dahil all those years ay si Davin pa rin ang nasa puso niya.
May sakit na gumuhit sa dibdib niya.
Nagpakawala siya ng buntung-hininga at pilit na kinalma ang sarili.
Nasa ganun siyang ayos ng pumasok si Dulce sa loob ng dressing room. Nakatingin siya rito mula sa salamin.
Napaangat ang kaniyang kilay dahil may nakasunod ditong isang dalaga. Kung titingnan ay tila nasa beinte taong gulang pa lamang ito.
Nakangiting tumingin si Dulce sa kaniya at pagkatapos ay ngumisi.
Tumalikod ito at hinawakan ang balikat ng dalaga at tyaka ipinaharap sa salamin.
"Bagong recruit." Nakangising sambit nito at hindi mapalis ang ngisi sa kaniyang labi.
Napatingin naman siya sa dalaga na bakas ang kalungkutan sa mga mata.
Nagpakawala siya ng buntung-hininga bago tumayo at humarap sa mga ito. Sumandal siya sa gilid ng lamesa.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya rito at tyaka sinuyod ng tingin ang kabuuan nito. Sa tantiya niya ay nasa 5'2 ang height nito, may magandang hubog ng katawan dahil sa suot nitong fitted jeans ay humahakab ang magagandang porma ng kaniyang mga binti.
"Ella po." Nahihiyang sagot nito at tyaka yumuko.
Inabot niya ang kamay nito kaya napaangat ito ng ulo at napatingin sa mga mata niya.
"Bakit ka pumasok sa ganitong uri ng trabaho?" Iyon ang una niyang naging tanong. Alam niya na hindi ito papasok sa ganung uri ng trabaho kung hindi nito kailangan ng pera.
Napaiwas ito ng tingin. Napatingin ito sa dingding. Kitang-kita niya kung paano namuo ang luha nito sa mga mata at hindi nagtagal ay unti-unti na itong bumagsak.
Nakatitig lamang siya rito. Nakaramdam siya ng habag para rito.
Agad nitong pinunasan ang luhang umalpas mula sa mga mata nito.
"Kailangan ko lang ng pe-pera..." napakagat-labi ito at pilit na sinusupil ang hikbi. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mata nito sa kaniyang mukha. "Nasa ospital ang tatay ko..." hindi na nito kayang ituloy pa ang pagkukwento dahil humagulgol na ito.
Wala siyang nagawa kundi ang kabigin ito at yakapin. Alam niyang sobrang bigat ng nararamdaman nito. Hinaplos niya ang likod nito at pilit na pinapakalma.
"Okay lang yan. Magiging okay din ang lahat..."
Napatingin naman siya kay Dulce na noon ay nakatitig lang sa kaniya. Ang mga mata nito ay punong-puno ng pakikisimpatya.
Agad itong tumalikod at lumabas mula roon.
Ilang saglit pa ay tumigil na ito sa pag-iyak.
Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kaniya at tyaka nagpunas ng luha.
"Pasensiya ka na ate..." nahihiyang paumanhin nito at tyaka siya nginitian ng tipid.
Nginitian niya rin ito at tyaka hinawakan ang kaniyang kamay.
"Kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako." Nakangiting sambit niya.
Sakto namang bumukas noon ang pinto at pumasok si Emma kasunod si Dulce.
"O nagkakilala na pala kayo." Nakangiting sabi nito at umupo sa isang couch na naroon.
Nanatili silang nakatayo at nakatingin lang dito.
"Siya nga pala si Ella 21 years old. Nag-apply siya sa akin kanina dahil kailangang-kailangan niya lang daw ng pera."
Sabi nito at pinasadahan ng tingin ang dalaga. Kapagkaraan ng ilang sandali ay pumilantik ang mga kamay nito.
"Kailangan mo ng make-over Ella." Nakatawang saad nito at tyaka tumayo at lumapit dito.
Pinaupo niya ito sa harap ng salamin at pinag-aralang maigi ang mukha nito.
Pinanood niya lang si Emma na inaayusan ito. Hindi niya napansin na si Dulce pala ay lumabas at pagbalik niya ay may dala na itong damit.
Napangiti si Emma ng matapos niya itong ayusan.
"Magbihis ka na. Ito ang unang gabi mo, tuturuan ka ni Astrid." Nakangiting sabi nito sa dalaga at kapagkuwan ay bumaling sa kaniya. "Ikaw na ang bahala sa kaniya."
Isang tango lang ang naisagot niya rito. Pagkatapos ay lumakad na ito at akmang lalabas na ng pinto ng lumingon ulit ito.
"Reserve ka ulit Astrid." Nakangiting saad nito. "Isama mo na si Ella sayo, hindi siya pwede kay Dulce sumama." Dagdag nito bago pa tumalikod.
Nakuha niya naman agad ang gustong sabihin ni Emma. Si Dulce kase ay inilalabas at kung kani-kanino sumasama. Bago pa lang si Ella sa ganung trabaho kaya baka marahil ay manibago siya.
"Magbihis ka na." Utos niya rito at humarap na sa salamin upang isuot ang kaniyang maskara.
Agad naman itong tumalikod at pumasok sa dressing room upang magbihis.
Ilang sandali pa ay lumabas na ito.
Gusto niyang matawa sa itsura nito. Halos hindi maipinta ang kaniyang mukha.
Nagtatanong ang mga matang nakatingin ito sa kaniya.
"Ganyan talaga ang isinusuot dito Ella. Masanay kana. Lunukin mo na lahat ng hiya sa katawan mo." Sabi niya at tumalikod ulit upang hanapin ang isa pa niyang maskara.
Nang mahanap niya ay humarap siya rito at ibinigay ito.
"Isuot mo. Para hindi ka nila makilala." Inabot naman nito agad ang maskara at isinuot. Nakita niya kung paano nito tiningnan ang sarili sa harap ng salamin.
Napangiti siya ng mapait. Ganung-ganun rin ang itsura niya noong unang beses niyang pumasok sa club na ito. Halos tumutulo ang kaniyang luha habang isa-isang tinatanggal ang kaniyang mga damit.
---------
-Sorry po ngayon lang ang UD. But I will try para makapag-update na naman ako bukas. Salamat po sa pang unawa💓 Lovelots and keep safe everyone!💞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro