Chapter 16
XVI
"WHAT?!" Marietta exclaimed in misery. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa kaniya at pabagsak na ibinaba ang hawak-hawak na kubyertos.
Tiningnan siya nito habang nag-aapoy ang mga mata.
"What is it again Davin? Its all set! For Pete's sake!" Saad nito at tumayo tyaka umikot sa kaniyang kinauupuan at itinukod ang mga kamay nito sa sandalan ng upuan.
"Ma please understand. Hindi lang naman ako ang tumututol dito pati si Miya." Pagrarason niya rito at hinawakan ang kamay ng kaniyang ina. His face softens trying to make her mother agree with him, pero iwinaksi lang nito ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito.
"Hindi pwede ang gusto mo! O ng gusto ninyo! Its all set! Lahat ng kailangan at kung ano-ano pa. Tapos ngayon sasabihin mo na ayaw ninyong magpakasal? Are you thinking? Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko?" Nagpalakad-lakad ito sa harap niya.
"Ilalagay mo ako sa kahihiyan!" Her mother exclaimed at napahawak sa dibdib nito.
Sapo ang dibdib nito at tila hindi ito makahinga.
"Ma!" Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kaniyang ina na natumba na sa sahig habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib.
"Manang! Manang!" Sigaw niya. At agad na pinangko ang kaniyang ina na wala ng malay ng oras na iyon.
"Shit!"
Binuhat niya ito hanggang sa kwarto nito at agad na inihiga sa kama.
Tinawagan niya ang kanilang family doctor upang tingnan ito agad.
"OKAY naman na siya. Mukhang nabigla lang talaga ang iyong ina. Bakit hijo nagtalo ba kayo?" Nakakunot-noong tanong ni Dr. Ezguerra sa kaniya.
Nakasandal siya sa hamba ng pinto at naka-krus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa kaniyang ina na natutulog.
Nagpakawala muna siya ng buntung-hininga bago sumagot at naglakad papunta sa bintana ng silid. Tumanaw siya sa labas.
"Sinabi ko po kasing ayaw kong magpakasal kay Miya."
Kitang-kita ang gulat sa mukha nito. "Bakit naman hijo? Anong problema ninyo ni Miya?" Naiintrigang tanong nito.
Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa mukha nito at pagkaraan ng ipang minuto ay nagbaba ito ng tingin.
"Sorry hijo. Nakakapagtaka lang kase." At iniligpit na nito ang mga gamit at ilang sandali pa ay nagpaalam na ito.
NAKASANDAL si Davin habang tinititigan ang inang natutulog sa kama. Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga kasabay ng paglabas niya ng silid ng ina at pumasok sa sariling silid.
Halos magdidilim na ay hindi pa gumigising ang kaniyang ina at nababahala na siya, kaya lang ay siniguro naman sa kaniya ng doktor na nasa mabuti na itong lagay.
Tumanaw siya mula sa beranda ng kaniyang kwarto na nasa ikatlong palapag.
Tama nga ba ang desisyon nila ni Miya?
Ngunit naagaw ang atensiyon niya ng bumaba ang tingin niya sa kalsada. May isang babaeng naglalakad doon at.
"Astrid?" Bulong niya at tiningnang maigi ang itsura ng babae. Agad na kumilos ang mga paa niya pababa roon. Halos tumakbo siya pababa sa unang palapag at dali-daling lumabas ng kanilang gate. Humihingal na sinundan niya ang babae na ng maabutan niya ay sa kanto na.
Habol ang kaniyang paghinga ay inabot niya ang braso nito, stopping her to walk.
Agad na lumingon ang babae sa kaniya at bakas sa kaniyang mga mata ang pagtataka at may kaunting pagkatakot.
Napahawak siya sa kaniyang mga tuhod at hinabol ang kaniyang paghinga dahil talagang napagod siya mula sa pagtakbo.
Akmang lalakad na ulit ito ng pigilin niya ito.
"Sandali lang..." pigil niya rito at tinitigang maigi ang buong mukha nito.
Hindi kaya pinaglalaruan siya ng kaniyang mga mata? Dahil, dahil kamukhang kamukha ito ni Astrid. Pero ipinilig niya ang kaniyang ulo dahil sa isang emosyon na nabuhay sa dibdib niya habang nakatitig sa isang bata na halos magdadalaga na. Ano ito?
"A-ano pong kailangan niyo?" Tanong nito habang taimtim na nakatitig sa kaniya habang nakakunot ang noo.
Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang maganda at maamong mukha nito, kamukhang-kamukha talaga ito ni Astrid. Her Astrid.
Sa pagsasalubong ng kanilang mga mata ay tila ang tagal na nilang magkakilala. Bakit tila nagkita na sila? Saan niya nakita ang batang ito? At bakit kahawig niya si Astrid?
"Sorry. " paghingi niya ng paumanhin. "Akala ko kase ikaw yung kakilala ko," tumingin na naman siya sa mukha ng batang babae na nasa harap niya.
Agad na gumuhit ang nang-uunawang ngiti nito. "Okay lang po." Sagot nito at biglang tumingala sa dumidilim na na kalangitan. "Uuwi na po ako. Baka po hinahanap na ako ng Mama ko." Paalam nito at tumalikod na.
Habang humahakbang ito palayo sa kaniya ay tila may nag-uudyok sa kaniya na pigilan ito. At ginawa niya nga.
"Bata!" Tawag niya rito at agad naman itong huminto sa paghakbang at nilingon siya.
Humakbang siya palapit dito. "Anong pangalan mo?"
Nagulat naman ang bata at pagkaraan ng ilang sandali ay ngumiti ito. "Debbie po, Debbie ang pangalan ko." Nakangiting sagot nito.
"Debbie..." ulit niya sa pangalan nito tyaka ito nginitian. Hinawakan ang ulo nito at marahang ginulo ang buhok nito. "Sa susunod huwag kang gagala mag-isa at baka mapahamak ka ha?" Bilin niya rito.
Agad naman itong tumango at nagpaalam ng uuwi tyaka nagtatatakbo para umuwi na.
Naiwan siya doon sa gitna ng daan habang nakatitig at pinanood ito na mawala sa kaniyang paningin.
Debbie... sino ka? Bakit kamukha mo siya?
----------
So nagkita na sila ni Debbie :) sino kaya ang susunod niyang makikita? Si Astrid na kaya? O si Faye? ♡♡♡♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro