Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

XIV







NAKAKABINGING musika ang sumalubong sa kanila at ang pinaghalong amoy ng usok at amoy ng alak, tanging ang mga ito lamang ang maaamoy sa loob ng bar na iyon.

Nagkalat ang mga nag-iinuman. At sa right side ay nandoon ang kanilang bar. Sa gitna ay may dance floor kung saan maraming nagsasayawan.

Kaya agad na napakunot ang noo ni Davin. Akala niya ba dito matatagpuan ang babaeng iyon? Bakit parang isang tipikal lang naman na bar iyon.

"Is this really the bar?" He shouted on Scott's ear. Talagang nilakasan niya ang kaniyang boses upang marinig siya nito dahil sadyang malakas talaga ang musika na nagmumula mula sa dance floor.

Nakita niyang ngumisi ito at sumenyas na sumunod sa kaniya.

Sumunod naman sila rito kasama sina Gion, Keizer, Vein at Axe na napilitan ding sumama dahil naiingit.

Nakita niyang lumapit ito sa isang waiter at may ibinulong. Agad namang tumango ang waiter at si Scott ay nakangising lumingon sa kanila.

Sumunod sila sa waiter at tinungo ang isang pinto na malayo sa mga tao.

Napakunot ang noo niya ng mabuksan ang pinto pero walang tao.

Pinaglololoko ba kami ng mga ito? Magre-react na sana siya ng humarap ito sa dingding at may pinindot na tila code sa isang gadget doon at biglang bumukas ang sahig at nakita niyang may hagdan pala pababa.

"Lets go!" Masayang sambit ni Scott at nauna ng naglakad pababa. Habang bumababa ay may naririnig na silang tila mga paswit at mahinang musika.

Habang pababa ng pababa ay mas lalong lumakas ang mga paswit at ang musika.

"Wow." Axe exclaimed in amazement.

Sino nga ba naman ang hindi maa-amaze na malaman na nasa isang underground na lugar ang pinakasentro ng lugar na iyon kung saan nandoon ang mga babaeng nagsasayaw sa gitna habang nagsasayaw paikot sa pole.

Nasa gitnang enteblado ang mga ito habang ang mga nanonood ay nasa baba at masuyong pinapanuod ang mga ito habang nagsasayaw.

Hinanap niya ng kaniyang mata ang babaeng pilit niyang hinahanap. Ngunit wala ito sa mga nagsasayaw doon.

Nilingon niya ang mga kasama na nagpunta doon.

Naiiling nalang siya sa mga itsura ng mga ito dahil mga pawang nakatulala ang mga ito sa mga babaeng nasa entablado.

Lumakas ang hiyawan doon ng isa-isa ng nagtanggalan ang tatlong babaeng nasa entablado ng kani-kaniyang kasuotan.

Napatitig siya sa mga ito at pinanuod kung paano sila maghubad sa harapan ng napakaraming lalaki na nandoon.

Wala siyang makapang damdamin sa mga ito. Walang tumayo ni kahit isang balahibo niya habang pinapanuod ang mga ito na halos wala ng saplot sa katawan.

Bagot na umalis siya sa lugar na iyo at tinahak ang isang pasilyo at iniwan ang mga kaibigang halos maglaway na at lumabas na rin ang mga mata.

Wala sa sariling ibinulsa niya ang kaniyang mga kamay at wala sa sariling naglakad habang palinga-linga.

The owner is really good huh? Naisip niya ang ganitong taktika para pagtakpan ang kaniyang tunay na negosyo.

Ngunit napatigil siya sa kaniyang paghakbang ng may isang babaeng papalabas mula sa isang pinto limang metro mula sa kaniya.

Nakasuot ito ng katulad ng mga nagsasayaw sa entablado at nakasuot ito ng kulay itim na maskara.

Maskara.

Dahan-dahan nitong isinara ang pinto at napalingon sa banda niya.

Siya iyon. Siya si Faye.

Tila ito nakakita ng multo pagkakita sa kaniya at lumakad ng mabilis.

"Wait!" Pigil niya rito at hinabol niya ito. Lumiko ito sa right side at patakbong pumunta sa pinaglikuan nito ngunit hindi niya na ito naabutan pa. Isang pakanan at pakaliwang pasilyo na lang ang kaniyang nakita roon at hindi niya rin alam kung sa kanan ba o sa kaliwa ito nagpunta.

"Damn!" Na-fru-frustrate na anas niya at naisuklay niya ang kaniyang mga daliri sa buhok nito.

Napahawak siya sa kaniyang beywang.

Ano bang problema ng babaeng iyon at iniiwasan siya? Bakit tila ito nakakita ng multo pagkakita sa kaniya?

Fuck!

Nasuntok niya ang pader. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang eagerness niya na makilala ito.

Nandun na nga e. Nandun na siya pero hindi niya pa rin ito nahabol.

Ibinulsa niya ang kaniyang kamay at naglakad na pabalik.

Kung kinakailangang magbayad ako ng malaki makausap ka lang at masagot lang ang mga tanong ko ay gagawin ko. I will assure that next time that we will meet you can't run anymore.

He said into his mind.

--------

-so guess what? Malalaman na kaya ni Davin na siya si Astrid next chapter? Or maiiwasan na naman at matatakbuhan siya ni Astrid?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro