Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"Mommy, bili ako non mommy."turo ni Kio sa May nagbibinata ng cotton candy.

"Sure baby." Sabi ko agad naman niya akong hinila papunta doon natawa pa ako dahil sa ang dami niyang tinuro dahil sa iba iba ito ng kulay.

"Mommy yung blue po at isa pa po yun yung green yun din po yung pink para sayo mommy."sabi niya natawa narin ang tindero dahil sa ginagawa ang anak ko.

"Ah, manong yung turo niya bibilhin ko po."sabi ko natawang kinuha ni manong ang mga itinuro ni baby kio at ibinigay ito sa bata.

"Mommy, this is for you and this is for me, Hehe."sabi pa niya na ibinigay sa akin ang pink na cotton candy.

"Thank you baby."sabi ko.

"Ang, gwapo naman Pong bata itong anak niyo ma'am, nagmana siguro sa ama niya."sabi naman ni manong ngumiti lang ako ng pilit.

"Hehe, siguro nga po, sige po manong mauna na po kami."sabi ko ngumiti naman si manong at tumango habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa harap habang si Kio naman ay busy sa pagkain ng cotton candy habang hawak ang isa kong kamay.

"Baby kio!"napahinto ako sa paglalakad ng May marinig na matinis na tili ng isang bata paglingon ko ay nakita ko ang batang babae na si Theserry kasama nito ang ama niya at ina."oo nga si baby kio nga, hi talagang tinadhan talaga tayo dahil sa nagkita tayo ngayon, Alam mo bang nalungkot ako nong isang araw dahil sa sarado ang restaurant nakakainis saan ba kayo nag punta."naiiyak na sabi nito habang tinutusok niya ng maliliit niyang kamay ang balikat ni Kio.

"Gusto mo?" Tanong ni Kio habang inaabot ang green na Cotton candy sakaniya.

"Hehe, akin na'to? Talaga?" Sabi pa ng bata hindi makapaniwalang.

"Yes, this is for you."sabi ng anak ko napailing nalang ako dahil sa parang namumula ang mukha ng batang babae.

"Talagang magkasundo silang dalawa."sabi ng ina ng bata ang hinhin parin ng pagkakasabi nito.

"Kaya nga, nga pala pumasyal din ba kayo rito?" Sabi ko tumango naman ang mag-asawa.

" Dahil sa mukhang ayaw naman mapaghiwalay ang dalawa sama sama nalang tayong mamasyal."sabi ng ama ni Theserry.

"Mabuti nga yun, tara na nagugutom narin ako eh, sumabay na kayo samin."sabi ng ina niya ni Theserry."hindi pala ako nagpapakilala ako nga pala si Joan, at ito naman ang asawa kong si Dinzil."sabi niya ngumiti naman ako at kinuha ang kamay niya.

"Ako naman si Patricia pero pattie nalang ang itawag mo sakin mukhang magkaka sundo tayo dahil sa mukha namang magkakasundo ang mga anak natin."sabi ko ngumiti naman siya sakin.

"Parang ganon na nga, oh siya tara na mukhang excited na ang dalawa."tumango na sumundo nalang ako sa paglalakad si kio namana u nakahawak sa kamay ko at ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ni Theserry habang ang kamay naman ni Theserry ay nakahawak sa kamay ng ina niya habang ang ina naman nito ay nakahawak sa kamay ng asawa niya parang tanga lang dahil sa mukha kaming magpamilya.

Nakarating kami sa restaurant agad kong binuhat si Kio at pinaupo sa tabi ko si Theserry naman ay tumabi sakaniya.

"Anak, masyado kanang dumidikit sa batang ito."sabi ng ama ni Theserry sumimangot ang bata at umirap sa ama napailing na naupo nalang ang ama nito sa tabi ng asawa niya.

"Nga, pala anong gusto niyong order? Ako na ang bahala."sabi ng ina ni Theserry sakin.

"Hmm, kahit ano nalang."tumango naman ito at naglakad paalis mukhang pipili na ito ng pagkain tumayo naman ang lalaki at sinamahan ang babae napatingin ako kay Theserry na busy sila sa paglalaro ni baby kio.

Hindi kuna sila pinansin dahil sa naguusap lang naman sila ng kong ano ano na hindi ko maiintindihan kaya ng makabalik ang mga magulang ko Theserry ay nag umpisa na kaming kumain nagkwentuhan pa kami sa mga bagay bagay tungkol. Sa mga trabaho nito at san sila nagkakilala ng asawa niya.

"Hmm, Actually isa lang naman talaga akong transferee sa school na pinapasukan ni Dinzil noon isa akong mahinhin at walang paki sa mundo hanggang sa ginulo ni Dinzil ang buhay ko, kaya doon naging magkaaway kami."napanganga pa ako dahil sa magkaaway ang mga ito noon.
"Hindi ko naman inaasahan na ma i-inlove pala ng isang to sakin, napaka impossible pa noon sakin hindi pa ako naniniwala ng mga tumagal ay nakita ko namana ng effort niya sa panliligaw sakin kinukutya nga siya ng ibang ka batchmates namin dahil sa pumatol ang sikat na Campos king sa babaeng mahinhin at pangit na katulad ko--"

"Correction hindi ka pangit ang ganda mo kaya."pagputol ng lalaki sa sinabi niya natawa ako dahil sa napaka sweet ng love story nilang dalawa.

"Sus, nga pala ikaw? Ano naman ang story ninyo ng ama ng batang ito?"Takang tanong niya sakin napabuntong-hininga ako ano namana ng maisasagot ko e hindi ko nga anak si baby kio diba.

"Hmm, binuntis lang niya ako tapos iniwan."pagsisinungaling ko .

"Oh, my I'm sorry hindi ko sinasadyang itanong yun."

"Hindi okay lang, wala.naman sakin yun eh nga pala, kayalangan narin naming umuwi dahil sa gagabi nadin."sabi ko.

"Sabay na tayong lumabas uuwi narin kami."sabi naman ni Dinzil binuhat muna si baby kio bumibigat na ito dahil sa lumalaki na ang bata si Theserry naman ay habang buhay ito ng ama niya ay nakikipag usap parin ito kay kio ang tili ng bayang ito ay nakakabinge.

"Pag nakita talaga kitang May kasamang babae baby, tamo hindi kita papansinin!" Galit na sabi ni Theserry nagtawanan nalang kami dahil sa ang kulit ng batang ito.

Ng makalabas sa restaurant ay agad kaming nag tungo sa parking lot sila Theserry at ang mga magulang namn nito ay nagpaalam narin.

Ipapasok kuna sana si kio sa kotse ng biglang May humarurot na van sa harapan namin at bigla nalang kinuha si baby kio."Tika, saan niyo dadalhin ang anak ko--"hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa biglang May Tumalip sa bibig at ilong ko na kong anong matapang na amoy napasinghap at biglang nandilim ang paningin ko.

Nagising ako dahil sa ingay ng iyak ng batang lalaki dahan dahan kong iminulat ang mata ko dahil sa hilo at parang umiikot na ang paningin ko ng maimulat ko ang mga mata ko umiling ako ng bahagya at inayos na ang pagkaka dilat ko.

"Mommy, huhuhuh!" Napatanga ako at hinanap agad ang umiiyak na si baby kio agad ko siyang nakita sa harapan kong nakaupo sa upuan at May tali ang kamay.

"Baby." Mahinang usal ko lalapit na sana ako kaso May tali din pala ako at Naka upo ako ngayon sa upuan."Pakawalan niyona kami, please! Nasasaktan na ang anak ko!"sigaw ko nakatingin sa anak kong umiiyak at naghihingi ng tulong sakin nasasaktan na yung kamay niya."Please, pakawala niyo siya please ako nalang."sigaw ko pero wala namang nakikinig dahil sa kami lang dalawa ni Kio ang nasa loob ng isang silid na tanging upuan na namin ni Kio ang gamit.

Napalingon ako sa tagiliran ng biglang bumukas ang pinto at inilabas doon ang isang matandang lalaki na May kasama itong mga taohan ata niya."Please yung anak ko, pakawalan mo siya nasasaktan ang anak ko."nagmamakaawang sabi ko dahil sa umiiyak parin si kio."Please kahit siya lang, tanggalin niyo yung tali sa kamay niya Please."pakiusap kupa sininyasan naman ng matanda ang isang lalaki na tanggalin ang tali sa kamay ni Kio ng matanggal ito ay kumaripas ng takbo ang anak ko palapit sakin at mahigpit na niyakap ako.

"Mommy, I'm scared!" Umiiyak parin nitong sabi.

"Shh, baby tahan na, wag kan--tika san niyo siya dadalhin!!" Galit na sigaw ko dahil bigla nalang nilang hinablot si kio sakin.

"Ahhhh, mommy, mommy!!" Umiiyak na pumipiglas si baby kio sa lalaking bumuhat sakaniya.

"Please pakiusap, itigil niyo to, wala.naman kaming kasalanan--" hindi ko natapos ang sasabihin ng biglang sumabat ang matandang lalaki.

"Meron!" Sabi nito.

"Ano? Ano, anong kasalanan namin sayo? Wala akong matandaan na May atraso ako sayo? Hindi nga kita kilala eh."sabi ko dito agad niyang sininyasan ang isang lalaki binigyan pa siya nito ng cellphone at agad na open nito at hinarap sakin ang......yung lalaking laging pumapasok sa kwarto namin ni Kio.

"Diba kilala mo siya?" Kalmado pero May bakas ng galit sa tuno niya.

"H-hindi ko siya kilala."bahagya pa akong nautal dahil doon.

"Talaga, ba? Hindi mo naman pala ito kilala wala kaming mapapala sayo kundi ang patayin Kana lang at ng anak mo."sabi nito na ikinagulat ko.

"No, please wag mong sasaktan ang anak ko, ako nalang--"

"Anak muba talaga? Dahil sa pagkakaalam ko, hindi mo siya anak at anak siya ng lalaking nasa litratong ito." Sabi niya na ikinagulat ko dahil doon ay nanginig ang buong katawan ko sa takot takot na bawiin ang anak ko hindi ako takot mamatay.

"Please wag, wag niyo siyang kunin sakin!" Sigaw na umiiyak ko nagmamakaawa na ako Sakanila.

"Hindi naman namin siya kukunin sayo, gagamitin lang namin siya para makita namin ulit ang ama ng batang ito!" Pagalit na sabi niya at umalis nalang ibinaba nila ang umiiyak kong anak at umalis nalang sila sa silid tanging iyakan nalang ang naririnig ko sa silid na'to kasabay si baby kio agad niya akong niyakap.

"Mommy," umiiyak na sabi nito sakin napaiyak narin ako dahil sa awa ko kay baby kio ang bata bata pa niya para maranasan ang bagay na ito.

Kahit anong mangyari ay po-protektahan kita Sakanila baby sa abot ng makakaya ni mommy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro