Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Matapos naming bumili ng sandamakmak na laruan ni Kio pati nga aso ay binilhan namin ng laruan dahil sa gusto ni Kio iyon at ayaw niyang maagawan ng laruan wala naman akong magawa dahil sa yun ang gusto niya.

"Mommy, sleep na po atho."sabi niya habang kinukoskos ang mata niya.

"Baby, hindi kapa nag wash." Sabi ko at binuhat siya paakyat na rin kami ng hagdan gabi na kasi kaming Naka uwi wala narin si Ina dito sa bahay mukhang nasa Hospital na ito.

"Mommy, ayaw po sleep na po ako."sabi niya habang sinisiksik na ang ulo sa leegan ko."Mommy sleep na po tayo."dagdag niya.

"Hmm, okay baby sleep na tayo."sabi ko tumango naman siya at hindi na nagsalita paakyat na ako sa hagdan papasok na sana ako sa kwarto at akmang bubuksan yun ng May marinig akong nahulog sa sala hays baka si Dark yun pinihit ko ang pinto at agad na binuksan ang ilaw sa kwarto napa atras ako ng May makita akong Naka itim na biglang tumalon sa bintana iwan kong sino yun napalingon ako sa buong kwarto ng makitang kalat na kalat ang mga gamit namin shit! May magnanakaw ba!?

"Mommy bakit po?" Takang tanong ni Kio ng bigla ko itong ilapag sa kama.

"Wala baby sleep kana okay dito lang si mommy."natatarantang sabi ko tumango lang ito sakin at pinikit ulit ang mga mata niya agad akong pumunta sa bintana at sinilip yun wala na doon ang magnanakaw agad kong sinara yun at lumabas ng kwarto May narinig ako kaninang nabasag ng maka baba ako ng hagdan ay napatingin ako sa kabuuan ng sala mukha namang walang na nakaw dito eh napatingin ako sa isang basong nabasag si dark nga May kasalanan dahil sa inaamoy niya ito."Dark! Anong ginawa mo sho don kana nga sa kama mo!"sita ko agad naman itong umalis.

Tinignan kupa lahat ng mga gamot ay kompleto naman sa kwarto ni Ina naman ay hindi ko mabuksan dahil sa Naka lock ito so sa kwarto lang namin yun ang magnanakaw.

"Mommy monster!!" Napatalon ako dahil sa pagsigaw ni kio nanlaki ang mata ko baka May gawin sila sa anak ko agad akong patakbong lumapit sa kwarto at binuksan yun nakatingin ako sa isang lalaking Naka itim lahat na sout at hindi makita ang mukha nito nakatingin lang siya kay kio.

"Sino ka!"sigaw ko dumampot ng kong ano para maitapon sa lalaki."Sino ka! Layuan mo ang anak ko! Magnanakaw!" Sigaw ko pa hindi naman ito kumibo lumingon ito sakin at malamig na tinitigan ako akma sana siyang lalapit sakin agad kong binato siya ng unan sa sofa."wag kang lalapit!" Binato ko pa ulit ito NAPA atras naman siya kaya May pagkakataon akong makalapit kay kio."Umalis Kana dito! Ano bang kayalangan mo!" Sigaw ko sakaniya.

"Babawiin namin siya sayo."malamig na sabi nito na nagpatigil sakin at bigla nalang itong umalis tumakbo sa bintana at tumalon.

Anong ibig niyang sabihin? Anong babawiin? Sino?

"Mommy natatakot po ako."iyak na sabi ni kio agad ko siyang niyakap."mommy."iyak pa ito ng iyak.

"Shh, baby nandito na si mommy."sabi ko habang hinahaplos ang likuran niya tumigil naman ito sa pag-iyak at dahan dahan ng pumikit tinabihan ko ito at hindi ko rin namalayang nakatulog na rin ako.

Kinabukasan

Maaga akong gumising dahil sa May trabaho pa ako maaga ring gumising si kio dahil sa gusto nito sumama sakin wala naman akong magawa walang nagbabantay sakaniya dito kaya isasama ko nalang siya.

"Mommy, kikita ulit po ba kami ni tito Vio?" Tanong nito sakin.

"Yes, baby magkikita ulit kayo."

"Yeheyy,"masayang sabi nito excited na nga siyang makita si Manager.

Ipinasok kuna siya sa backseat pumasok narin ako sa driving seat.

Ng nasa daan na kami ay kanina pa ako nagtaka dahil sa ang itim na sasakyan parang nakasunod ito samin.

Iniba ko ng daan ang kotse ko at ayun nga sinusundan niya nga kami paniguradong siya naman ito yung lalaking nagbanta sakin kagabi. Sino kaya ang tinutukoy niya napalingon ako kay kio na busy ito sa pagtingin sa iPad niya hindi kuna ito inabala pa at nagtuloy lang ako sa pagmamaneho.

Bakit parang sumusunod lang siya at hindi niya kami hina harangan diba yun naman ang mga gawain ng magnanakaw o kaya kidnapper harangan ka sa daan tapos kukunin ka nila tapos papatay-- bigla akong natakot sa naisip ko agad kong binilisan ang pagtakbo ng kotse hanggang sa makarating na kami sa restaurant mabilis pa sa alas-kwatro na binuhat ko si kio at pumasok kami sa likuran ng restaurant kasabay ng pagbukas ng pinto ay bumungad samin ang mukha ni Aurora ang kasama ko sa kosena.

"Oh, Nandito Kana para Patricia."Patricia ang tawag nila sakin dito kasi yun naman ang totoo kong pangalan Patricia si Ina lang ang tumatawag sakin na Pattie."Hi baby kio."bati niya pa sa anak ko ng makita niya to.

"Hello po."bati din ng anak ko.

"Ang cute mo talaga." Sabi niya sabay hawak sa pisngi ni baby umangat siya ng tingin sakin."Ah Pat, ikaw muna ang bahala dito sa kosena, May emergency kasi sa bahay eh kaylangan ako ni nanay."sabi niya siya lang ang kasama akong nag luluto iba din ang naghuhugas pero okay lang yun.

"Sige, ako na bahala."sabi ko ngumiti naman siya at nagpaalam kaagad pumunta muna kami sa playground sa playground ay meron din doong mga bata mga anak ng costumer o di kaya anak ng mga kasama ko yun ang mga kalaro ni baby kio. Meron din namang taga bantay sa playground si Lala."lala, iiwan ko muna si baby kio."sabi ko.

"Ay, hala sige po ate, ako napo bahala kay baby kio."sabi niya sabay kuha sa anak ko kilala naman siya ng anak ko dahil sa mabait na si Lala ay maalaga pa.

"Hi po ate lala."bati ni Kio sakaniya.

"Hello baby."bati din ni lala agad ko siyang sininyasan na aalis na ako tumango naman siya at naglaro na sa anak ko tatlo palang ang bata na nasa playground paniguradong mamaya ay dadami nayun.

"Pattie."napalingon ako sa tumawag sakin si manager pala.

"Manager good morning po."sabi ko inirapan lang niya ako natawa naman ako.

"Wag mo nga akong tawaging manager, chee nakakadiri tawagin mo nalang akong ganda."maarting sabi nito.

"Sir, este ganda haha hmm kaylangan kuna magsimula sa pagluluto dahil sa dumadami na ang mga customer mo, nga pala nasa playground na si baby kio."sabi ko wala ano malayang tinalikuran ako ni manager haha excited talaga siyang makita ang anak ko.

"Ah nga pala."napalingon ako sakaniya ng bigla itong huminto at nagsalita.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Nag resign na si Aurora."napatigil ako sa sinabi niya akala ko May emergency lang sa bahay nila?" Kesyo ang yaman pala ng Aurora nayun ay lilipat na daw siya sa ibang bansa."napataas ang gilid ng labi ko dahil doon."May kinuha na akong kasama mo sa pagluluto parating na siguro yun antayin mo nalang."matagal pa akong tumango bago yun nagawa.

Nag focus nalang ako sa niluluto at sa pag kuha ng ibat ibang putahe meron naman akong mga kasama kaso subrang seryoso nila napailing nalang ako kinuha ko ang headset sa bulsa ko at doon ayaw ko naman silang storbo-hin kaya mag soundtrip nalang ako kahit ako lang ang nakakarinig.

Habang nakikinig ng music ay napapansin kong May tumitingin sakin inangat ko ang ulo ko at ayun nga May tumitingin sakin hindi ko ito kilala pero nakapasok ito sa kosena nilibot ko ang kosena ako nalang pala ang natitira dito nilingon ko ang lalaki na kanina ay nasa pinto at nakatitig sakin ay ngayon wala na doon agad kong tinanggal ang headset ko sa tinga ko at nilingon ang buong kosena multo bayun?

Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa naisip eh kasi naman nakatingin ito kanina sakin tapos pag lingon ko wala narin ano yun May magic siya invisible wow napataas ang kilay ko agad na nilinis ang mga Naka kalat na mga gulay sa pati narin ang mga harina ay Naka kalat kaya kumuha ako ng walis at bumalik sa kinatatayuan ko kanina sisimulan kuna sana ang paglilinis ng biglang May nag salita.

"Ganito ba ang klase ng kosena ng isang sikat na restaurant?" Napatalon ako dahil sa boses na naggaling sa likuran ko agad ko itong nilingon pero mali ata yung ginawa ko dahil sa paglingon ko dito ay nahalikan ko ang pisngi niya napalunok laway ako dahil doon nanlaki pa ang mata ko agad ko inilayo ang sarili ko sakaniya isang napaka tangkad na lalaki ang nasa harap ko hanggang kilikili lang niya ako maputi makapal ang kilay at singkit na mga mata mapupulang labi at mabango.

"Ehemm." Napalingon ako dito ng tumikhim ito sa harap ko nahihiyang napayuko ako dahil sa pagtitig ko sakaniya kanina."sow ikaw pala ang makakasama ko dito."sabi niya pa.

"Ah, ikaw yung pumalit kay Aurora?" Takang tanong ko hindi siya nagsalita tinitigan niya lang ako umiwas ako dahil sa nakakahiya na at naiilang ako.

"Binayaran ko siya para umalis."May binulong siya pero hindi ko yun narinig.

"Huh?"

"Tss."sabi niya at umalis nalang bigla sa harapan ko nagtaka na tinignan ko siyang papalayo sa gawi ko... ano daw?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro