Chapter 17
Ilang araw din ay nakuha kuna ang restaurant ni Vio dahil sa gusto niya daw maging business man ay hindi kuna siya kinontra pa business din naman yung restaurant niya kaso ang sabi niya nga ay gagawa din siya ng iba ngayon ay sinamahan ko siya sa mall dahil sa inutusan daw siya ng maid niyang mag grocery.
"Nakakainis kong maka utos ang babaeng yun! Parang hindi niya ako amo!" Panay ang reklamo nito habang namimili kami natatawa ako dahil sa ilang taon din ay hindi parin siya maka move on at palaging galit sa maid niya.
"Bakit kasi ayaw mong palitan kong naiinis ka sakaniya ay palitan mo siya ng bago."sabi ko.
"Matagal kunang naiisip yun, kaso iwan ko dito sa isip ko ang daming pumapasok, hindi ko siya ma bitaw bitaw."sabi niya.
"Hmm, baka May gusto ka nga sakaniya."
"Yuck! Kadiri ka naman."
"Baka lang naman grabe ka--" hindi ko napagpatuloy ang sinabi ko ng biglang May bumangga sakin.
"Ahh." Usal ng isang batang lalaki nadapa ito Kaya agad kong tinulungan.
"Okay kalang baby--"hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa bumalatay ang kaba sa dibdib at excitement sa buong katawan ko."Baby kio."mahinang usal ko lumingon ang bata sakin at talagang kamukhang kamukha niya si baby kio.
"Bakit niyo po ako kilala?" Takang tanong ng bata napaatras ako dahil sa hindi niya ako kilala.
"Ah.."hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil sa hindi ko kinaya ang emosyon.
Magsasalita na sana ako ng biglang May tumawag sakanya."Vincent, let's go."
"I'm, coming mommy."sabi ni Kio at lumingon sakin."nice meeting you, I'm Vincent Kio."sabi niya kumaway pa ito sakin para makita ko ang peklat na nasa kamay niya ng maka alis siya ay nanginginig na napaiyak ako agad naman na lumapit sakin si Vio at inalalayan ako.
"Girl, diba si baby kio yun."sabi niya sakin napahagulgol ako ng iyak."shhh, ikaw kasi bakit kasi umalis kang hindi mo siya kasama."sabi niya.
Ang sakit mas mas masakit pala ito yung hindi Kana kilala ng anak mo.
Hindi na ako nag salita ng matapos naming mag grocery ni Vio dahil sa nakita ko kanina ay para akong wala sa sarili iiyak nalang bigla.
"Talagang okay kalang?"sabi ni Vio tumango ako.
"Sige na mauna Kana, uuwi nalang ako sa bahay."sabi ko agad naman siyang tumango at sumakay sa kotse niya ako naman ay sumakay narin sa kotse ko dahil sa hindi maipaliwanag gusto kong hanapin si kio kong saan ito nakatira pero wala akong mahanap dahil sa hindi ko sila nakitang papaalis pero dahil sa pagkaka kita ko ay malaki na nga si Kio.
Nakauwi na ako sa bahay na lutang parin at wala sa isip ang mga maid ko nga ay hindi ko pinansin nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa hagdan papunta sa second floor hanggang sa makarating ay pumasok ako sa kwarto ko pumasok sa banyo at nagbabad sa bathtub nakatingin sa kisame ng banyo at pilit na binabalik ang mga masasayang alala kasama si baby kio.
Napaka sakit isipin na ikaw ah nag alaga pero hindi sayo oo alam ko yun hindi siya sakin alam kuna noon paman tanggap ko yun kasi yun naman ang totoo, nakita ko lang siya sa gilid ng kalsada habang umiiyak nakita ko siyang May sugat sa kamay dahil sa hindi ko alam ang ngyari sakaniya dinala ko siya sa bahay ko noon inalagaan at pinagsabihan inampon kami ni Ina at pinatira sa bahay niya naging masaya kami ni baby kio dahil doon.
Masasayang alala ang bumalik sa isip ko ang masasayang alala na hindi ko makakalimutan kasama ko siya napaiyak at humagulgol ako sa banyo wala na akong paki kong May makarinig man sakin gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na idinulot ng isang trahedya na yun noon, dahil doon ay nawala si baby kio sakin dahil doon ay nawalay siya sakin at dahil doon ay nakalimutan niya na ako ngayon napaka sakit pilit na pinakakalma ang sarili para hindi masaktan pero ito na eh bumaon na sa puso at isip kong hindi na talaga ako ang mommy niya ay May iba na siyang mommy.
Biglang parang May mainit na dumaloy sa t'yan ko para masuka ako parang iwan na hindi ko alam agad akong tumayo sa bathtub at pumunta sa inidoro para doon sumuka ilang ulit akong nag susuka talagang ito na ang sinasabi ko, dahil sa hindi ako kumain kanina ay ito nanaman kaylangan ko na talagang kumain araw araw.
Pinunasan ko ang aking bibig at pumunta sa shower para maligo na at mag banlaw matapos ay lumabas na ako ng banyo nagtungo sa kosena para kumain.
"Manang anong ulam?" Takang tanong ko.
"Ahh, May niluto akong adobo."bigla naman akong natakam dahil sa sinabi niya."kumain Kana, hindi na ako pumasok sa kwarto mo dahil parang wala ka sa sarili kanina."napayuko ako.
"Pasensya na po, nga pala manang nasaan sila Ella?" Takang tanong ko.
"Ayy, pinag bili ko ng gulay dahil sa naubos na ang gulay natin."sabi niya tumango naman ako at umupo agad niya akong binigyan ng makakain sinimulan kuna ang kumain hanggang sa hindi ko namalayan na ubos kuna pala yun."Manang wala pabang adobo?"
"Grabe isang linggong kabang walang kain ang takaw mo."sabi niya natawa naman ako.
"Masarap kasi luto mo,"sabi ko natawang ibinigay ni manang sakin ang adobo agad naman akong kumain dahil sa gusto kong mag kamay lang ay ginamit ko ang aking kamay subrang sarap dahil sa hindi ako makaramdam ng busog na ako.
"Dahan dahan lang marami pa akong niluto."sabi niya natatawa pa siya napatawa din ako at sinimulan lang kumain dumating naman sila Ella.
"Ate."sabay na sabi nila lumingon ako at ngumiti.
"Kumain na kayo?"tanong ko.
Sabay naman silang umiling."kain na kayo manang sabayan niyona po akong kumain."sabi ko agad naman silang umupo at si manang naman ay inilapag ang mga niluto niya kumain na kami ng sabay sabay.
"Ate, ang takaw mo, hindi kaba kumain kanina" Takang tanong ni Ella.
"Ahh, oo eh hindi ako nakakain, nga pala kumusta na ang online class mo?" Tanong ko dahil sa gusto rin makapag tapos ni Ella ng pag-aaral ay pinag-aral ko silang dalawa ni Rosa.
"Okay lang naman po ate."sabi niya.
"Ganon ba, mabuti naman pagbutihin niyong dalawa dahil sa mahirap na ngayon, kaylangan niyong mag sipag sa pag-aaral para naman ay matulungan niyo ang mga magulang niyo."
"Kaya nga po ate, salamat sayo dahil sa Pinay aral mo kaming dalawa ni Ella."sabi naman ni Rosa.
"Wala yun, para kuna rin kayong pamilya--ahh tika sasagutin ko muna."nahinto ako dahil sa biglang nag ring ang cellphone ko agad kong sinagot yun."Hello honey."sabi ko.
"Honey, I miss you, kumusta Kana dyan?" Tanong sakin ni Miguel sa kabilang linya.
"Okay naman, ikaw kumusta Kana dyan?"
"Ito, okay din miss na kita honey, wala kang nakakasama dito, miss na talaga kita."sa tuno ng pananalita nito ay parang nakainom siya ng alak.
"Uminom Kaba?"
"Ako? Hindi maliit lang nagkakasiyahan lang kasi ng mga kasama ko sa trabaho pero tapos na yun dahil sa nandito naman ako sa bahay at magpapahinga na." Napabuntong-hininga ako.
"Magpahinga ka muna dyan bukas nalang tayo mag usap dahil sa lasing Kana."
"Honey naman, hindi muna ako namiss? Kasi ako miss na miss na miss na kita."
"Sige na Miguel magpahinga Kana okay, usap tayo bukas Bye I love you."sabi ko narinig ko naman siyang napabuntong-hininga
"Sige bye honey I loveeeeee youuuuuu mwah."at agad kunang pinatay ang linya.
"Nobyo niyo po yun, ate?" Takang tanong ni Ella.
"Ahh, oo."
"Napaka sweet naman."kinikilig na sabi ni Rosa napatawa nalang ako ay sinimulan ng kumain.
Wala na akong paki dahil sa ramdam ko ang tingin nila sakin dahil sa gusto ko ngang kumain ng marami para hindi naman maulit yun kanina ay kumain na ako ng matapos ay nagpaalam na akong papasok na sa kwarto ko dahil sa gabi narin naman pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama hinimas himas ko ang aking t'yan dahil sa subrang busog kuna.
Natawa pa ako dahil sa natakam nanaman ako tumayo ako at lumabas ng kwarto nakapatay na lahat ng ilaw sa sala at kosena kaya agad kong binuksan ng ilaw nito nagtungo ako sa kusina at tinignan ng mga pagkain sa ref natakam ako dahil sa May Nutella doon napatingin ako sa ibabaw ng ref at May breed doon agad kong kinuha yun at nagtungo sa kwarto doon ko nalang kakain dahil sa baka mag taka sila manang bakit Naka bukas ang ilaw ng kosena pumasok ako sa kwarto matapos kong patayin lahat ng ilaw sa sala at kosena.
Open ko ang tv at nanonood ng Korean movie 'The Hairs' si Lee min Ho at Park shin Hye subrang ganda talaga ni park shin Hye dahil isa ito sa mga idol ko bilang isang artista sa Korea.
Habang nanonood ay panay din ang kain ko hindi ako makaramdam ng antok dahil sa May kinakain nga ako at ilang oras din ay naubos na ang kinakain ko ay nag pasya nalamang akong matulog dahil sa May trabaho ako bukas.
Nagtataka narin ako dahil sa magiging good mood na ako ngayon eh kanina lang panay ang iyak ko hays.
I miss baby kio so much..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro