Chapter 15
"Sigurado kana ba?" Tanong sakin ni Miguel dahil sa gusto ko ng bumalik sa Pilipinas matagal tagal narin simula noong umalis ako.
"Hmm, kaylangan kuna rin dahil sa May negosyo nanaman ako doon,"sabi ko malungkot na tumango si Miguel sakin."Miguel, pwede ka namang sumunod sakin kong gusto mo, pero dapat muna asikasuhin mo muna ang negosyo natin dito okay."sabi ko.
"Oo, susunod ako sayo doon, mag iingat ka sa byahe."sabi niya tumango ako at hinalikan siya sa Labi dahil sa ngayon na ang flight ko papuntang Pilipinas.
"Bye, Ingat ka dito okay, mamimiss kita tatawag ako pag nakarating na ako, Promise"sabi ko tumango naman siya.
"Sige, ikaw rin mag ingat ka I love you."napangiti ako at agad na sumagot.
"I love you too."sabi ko at umalis na nakatingin lang siya sakin paalis dahil sa ramdam ko yun huminto ako at lumingon sakaniya agad ko siyang kinawayan at nag-umpisa ng maglakad.
ILANG ORAS din ang nakalipas ay nakarating narin ako sa Pilipinas 'Welcome back' sabi ko sa isip ko.
Sa tagal din ng panahon ay nakabalik din ako sa Pilipinas agad akong humanap ng taxi gusto kong bisitahin si Ina dahil sa hindi ako nakapag paalam ng maayos sakaniya noon at ngayon ay gusto ko siyang sorpresahin.
Nakangiting sumakay ako sa taxi agad ko namang sinabi kong saang subdivision ako pupunta ng makarating ay nasa harap na ako ng bahay ni ina nag tataka pa ako dahil sa May mga damo ng umaakyat sa gate niya at parang walang tao parang luma na ang bahay niya.
Akma na sana akong mag doorbell ng biglang May nag salita sa likuran ko.
"Wala ng nakatira diyan ining."napalingon ako sa matandang parang katulong dahil sa sout naman nito."Matagal ng umalis ang May ari ng bahay diyan, hindi ko alam ang dahilan dahil sa hindi naman siya nagsasabi."sabi niya.
Napalingon ako sa bahay ni Ina saan naman kaya sya pumunta? Saan ko hahanapin si Ina eh number nga niya wala ako hays.
"Ah, sige po salamat po sa pagsabi."sabi ko tumango lang siya at pumasok sa kabilang bahay katabi ng bahay ni Ina."nasaan kaya si Ina?" Tanong ko sa sarili.
Agad akong naglakad palabas ng subdivision para mag hanap ng taxi uuwi nalang ako sa bagong bahay ko dahil sa pagod naman ako ay bukas nalang ako pupunta sa mga dapat kong puntahan.
Ng makarating ako sa bagong bahay ko ay naiyak nalang ako dahil sa subrang ganda ng pagkakagawa at ito na talaga ang pinag hirapan ko.
Agad kong kinuha ang susi at agad na pumasok sa bahay open kuna ang ilaw ng sala at tumambad sakin ang napaka gandang sala malawak pa ito at wala pa masyadong gamit wala paring sofa dahil sa gusto kong ako ang bibili non napangiti ako at agad na umakyat ng hagdan May pinagawa akong kwarto sa first floor ay kwarto ng mga katulong habang sa second floor ay apat na kwarto pinagawa ko yun ay nagbabakasakaling mahanap ko si baby kio at sa isa naman ay kwarto ni Miguel habang ang isa ay guest room.
Sa tag kwarto ay May tag iisang banyo May sala din sa second floor dalawang sala namin sa second floor at sa first floor.
Pumasok ako sa kwarto ko wala pang masyadong gamit pero May kama na dahil sa gusto kong lagyan ng kama ang mga kwarto dito.
Agad akong pumunta sa bintana para tignan ang labas nito napanganga ako dahil sa meron namang mga ilaw sa labas talagang subrang ganda ng swimming pool na gawa nila at ang garden naman ay subrang ganda din.
Napag-isipan kuna rin ang magpahinga dahil sa May naisip narin ako kong anong dapat bilhin para sa bahay na ito.
Kinabukasan
Nasa mall na ako ngayon at namimili ng mga gamit para sa bahay ko dahil sa kasama ko ngayon si Engineer Ocampo.
"Ate, ako napo ang bahalang mag asikaso kong saan ilalagay dahil sa alam ko naman po yung mga sikat ate."sabi niya tumango Lang ako dahil sa sabi niya ay ako na ang pipili ng gamit at siya na ang bahalang mag lalagay ng mga ito sa bahay ay wala na rin akong nagawa.
"Sige, mamimili Lang ako ng mga gamit para sa Sala at kosena."dahil sa doon ko naman ang uunahin kong bilhan ng gamit ay May kasama din akong isang babaeng tutulong sakin mamili kakapasok lang niyang katulong sa bahay ko siya lang din ang mag-isa dahil sa gusto kong tatlo ang maging katulong sa bahay ay baka bukas na ako maghahanap.
"Kong ito kaya ate, Maroon."sabi ni Ella ang bago kong maid tinignan ko naman ang napili niya maganda din ito para sa sala Maroon ang kulay ng sofa.
"Hmm, pwede rin."sabi ko namili pa kami ng mga gamit sa sala hanggang sa matapos ay sa kosena naman ang target naming mamili.
3:30pm kaming natapos mamili ng mga gamit dahil sa wlaa kaming kain ay kumain kami sa restaurant.
"Ang sarap naman ng mga pagkain dito, talagang mamahalin."sabi ni Ella napatawa naman ako si Engineer Trell Ocampo.
Habang kumakain ay parang lingon ng lingon si Trell."Bakit?"takang tanong ko sakaniya.
"Hmm, wlaa naman ate, ah banyo muna ako."sabi niya sabay tayo wala narin akong maitanong dahil sa naglakad na ito pinagpatuloy namin ang pagkain.
Habang kumakain ay napatingin ako sa cellphone ko tinignan ko ito at nakita kong tumatawag si Miguel."Miguel?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Hindi mo ako tinawagan ng makarating ka, kumusta Kana dyan? Miss na kita."napatakip ako ng aking bibig dahil sa hindi ko nga siya natawagan kagabi ng makarating ako sa bahay.
"Sorry, napagod kasi ako tapos nakalimutan kuna na dapat pa pala kitang tawagan."paghingi ko ng tawad.
"Okay lang honey, nga pala saan ka ngayon?"
"Nandito sa Restaurant kakatapos ko lang mamili ng mga gamit para sa bahay ikaw saan ka ngayon?"
"Nandito sa restaurant, busy na kasi dahil sa wlaa ka nga dito ay dumadami na ang mga nakikipag usap saking mga business partners mo."
"Hmm, galingan mo honey."nakangiting sabi ko.
"Ako pa, nga pala kayalangan kuna itong ibaba dahil sa meron akong meeting ngayon, bye honey I love you."
"Bye I love you too."sabi ko sabay baba ng tawag nakangiting nag-umpisa na akong kumain.
"Hindi Kana pala Single mam."sabi ni Ella.
"Aww, haha hmm oo."napakamot ulong sabi ko.
"Swerte siguro ni sir sayo."
"Hmm, siguro, pero mas swerte ako sakaniya dahil sa mahal niya ako."para namang kinilig si Ella sa sinabi ko bumalik narin si Trell galing sa banyo parang nakasimangot ang lalaking ito."bakit ganyan ang mukha mo?"Takang tanong ko umiling lang ito.
"Wala po, ate hmm ate mauna na po ako sa bahay ninyo para ma umpisa kunang ayusin ang mga gamit doon."
"Sabay nalang tayo dahil sa papauwi narin kami."
"Ah, sige po."sabi niya.
Agad kaming umalis ng Restaurant sakay ng bagong bili kong kotse ay sumakay na si Ella sa passenger seat.
Matapos naming ayusin lahat ng mga pinamili naming gamit ay nag disisyon na kaming maaga matulog dahil sa pagod narin kami umuwi narin si Trell sa bahay niya at si Ella naman ay pumasok na sa kanyang silid ako naman ay nandito sa Kwarto ko nakatingin sa kisame habang nag iisip dahil sa gusto kuna rin na buksan ang restaurant ko nakahanap naman din kami ng mga trabahante at mga chef na mag luluto sa Restaurant mo dahil sa no'ng bago akong dumating dito ay inasikaso ko muna iyon.
Siguro pagkatapos ng mga gawain dito sa bahay ay sa restaurant naman ako.
Dinalaw na rin ako ng antok dahil sa pagod ay natulog narin ako.
Kinabukasan
Nakatingin lang ako sa kabuuan ng sala dahil sa subrang ganda nito si Ella naman ay nagluluto na tinuruan ko siya kong paano mag luto ng mga sangkap na gusto ko ay agad naman niyang natutunan.
Balak kuna rin ang maghanap ng katulong dahil sa gusto kong May mag linis sa bahay hindi lang si Ella.
MAAGA akong umalis dahil sa papunta na raw ang mga bagong katulong sa bahay nandito kasi ako sa harap ng restaurant ko nakatingin lang nagulat din ako dahil sa ang kaharap ng restaurant ko ay ang restaurant ni Manager Vio ang dati kong Manager sarado ang restaurant nila dahil sa gabi na nga.
Agad akong umalis at nagtago sa bahay ng makapasok ako ay sinalubong ako ni mang Pedro ang guwardiya ko.
"Magandang gabi mam."sabi niya.
"Magandang gabi rin mang Pedro."sabi ko agad na pumasok sa bahay sinalubong din ako ni Ella.
"Ate, nandito na po ang dalawang katulong."sabi niya ng makapasok ako ay nakita ko agad ang dalawang katulong isang may-edad na babae at kaedad ko lang na kasama niyang babae.
"Magandang gabi sa inyo madam."sabi ng dalawa.
"Magandang gabi rin, maupo muna kayo."sabi ko pina-upo sila sa sofa.
Umupo naman ito."Hmm, gusto ko lang na isa isa kayo ng trabaho dahil sa tatlo lang kayo ay May isang magtratrabaho sa labas sa pool area at ang isa naman ay dito sa loob ng bahay ang isa naman ay sa kosena mag luluto, dahil sa kayong tatlo lang ay pag usapan niyo kong saan niyo gusto ang pwesto."sabi ko dahil sa tatlo lang sila ay hindi sila mahirapan.
"Hmm, ako napo ang sa labas."sabi ng isang babae na mukhang ka edad ko lang.
"Sige, anong pangalan mo?"tanong ko.
"Rosa po madam."sabi niya.
"Wag muna akong tawaging madam, ate nalang."tumango at ngumiti naman ito.
"Sige po, ate."sabi niya.
"Ako naman ay sa Kosena dahil sa marami akong alam sa pagluluto."sabi ng matandang babae mukhang ka edad lang ito ng mama ko."Tawagin mo nalang akong Manang Cora."sabi niya.
Dahil sa mas matanda siya sakin ay nag bigay ako ng respeto."sige po manang Cora."sabi ko.
"Ako naman ate dito nalang ako sa loob dahil sa ito na po ang natitira."sabi ni Ella.
"Sige, kayo ang bahala buwan buwan ang sweldo niyo wag kayong mag alala."sabi ko ngumiti naman sila sakin at tumango."dahil sa gabi na bukas niyo nalang umpisahan ang pagtratrabaho, Ella alam mo naman kong saan ang kwarto ng maid's room, hatid muna sila."sabi ko ngumiti at tumango si Ella sakin hinatid niya na ang mga bagong katulong.
Dahil sa pagod na rin ako ay nag disisyon na akong nagtungo sa kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro