Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

This story occasionally contains strong language and some mature situations (poverty, mental health issues, bed scenes, and unusual humor) which are intended for an older youth audience.

I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.

DISCLAIMER: Characters, places and events are fictitious.

Unedited raw copy.

THIS NOVEL IS COMPLETE HERE ON WATTPAD.

-------------------------------------------------------

SALAMAT naman at natapos na ang mahabang araw mula sa trabaho. Pagod na pagod ako maghapon, pero sa wakas at makakauwi na ako. Ang kaso, another pagsubok na naman ang dinadanas ko rito sa loob ng siksikang bus.

Bukod sa kakaiba ang simoy ng mga katabi ko, ang sakit pa ng paa ko sa pagkakatayo. Standing ovation ang drama namin dito. Bakit naman kasi nagka-rally pa ang mga jeep dito sa Cebu ngayong araw!

At bakit kasi nagpapasakay pa sina Drivie at Konduktorie gayong puno na ang bus nila? Gusto yata nila magpatong-patong na kami rito, e! Mabuti sana kung may guwapo silang pasahero, kahit siksikan ay makakatiis ako.

Well, hindi ko alam kung bakit ako sabik makakita ng guwapo. Siguro dahil boring talaga ang buhay ko, 'tapos wala pa ako'ng lovelife. I-b-ri-neak kasi ako ng last and serious boyfie ko dahil wala ako'ng time sa kanya. Mantakin mo ba naman kasing pag-uwi ko sa bahay galing sa trabaho ay matutulog na ako. 'Tapos kinabukasan ay maliligo lang ako, then papasok na uli sa trabaho. Ganoon ka-boring ang buhay ko. Ni hindi na ako nago-grow sa paulit-ulit na sistema.

Pero kahit napaka-workaholic ko, hindi ko pa rin nabibili ang mga gusto ko. Malaki kasi ang responsibilidad ko sa aking family. Lahat ng sahod ko, napupunta sa pamilya ko, simot-sarap lagi ang wallet ko. Pati nga sa pagkain ay tigang ako.

Speaking of pagkain, kanina pa ako natatakam sa baon ko'ng sandwich. Kanina pa rin kasi ako nagugutom. Kaya naman kahit siksikan ay hinugot ko iyon mula sa loob ng aking shoulder bag.

Napakagat-labi agad ako pagkaangat ko sa sandwich. Binuksan ko agad ang plastic nito. Hayun, ang kapal ng palaman. Mainit-init pa ito at ang saucy tingnan. Sakto traffic, mae-enjoy ko itong sandwich ko. Pero nang akma ko na iyong isusubo ay bigla ako'ng natigilan.

Paano ba naman kasi ay may matangkad na lalaki na nakatingin sa akin don sa bandang unahan ng bus. Umawang ang mga labi ko ng makita ko kung gaano siya kaguwapo. Kahit malayo siya ay kitang-kita ko ang tangkad at tikas niya-pati na rin ang mga mata niyang kulay brown.

Saka ko napansin na hindi lang pala siya basta nakatingin sa akin, nakatitig siya sa 'kin! Titig na walang kurap!

Ano kayang problema niya? Crush niya ba ako?

Sumimple rin ako ng tingin sa kanya- pero nagtama lang ang aming mga mata.

Ang puso ko! Para ng mabubutas ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

Ibinalik ko sa bag ko ang sandwich. Siguro ay mamaya ko na lang iyon kakainin. Hindi ko rin naman kasi magagawang lumunok nang maayos kapag alam ko'ng may nakatitig sa akin.

Bakit ba kasi siya nakatitig sa akin?!

Ilang minuto na ang lumipas ay nakatingin pa rin sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Teka lasing ba siya?

Humarang sa harapan ko ang konduktor ng bus.

"Miss, don ka sa bandang dulo," utos sakin ni konduktorie. "Para makasakay naman iyong ibang pasaherong gustong sumakay."

Napasimangot ako. May pagkasarkastiko kasi ang timbre ng boses nitong si Konduktorie. "Malapit lang ako, Manong." Inirapan ko siya. Kung sisiksik pa kasi ako sa bandang dulo ay baka mahirapan na ako'ng makababa mamaya.

"Malapit ka lang pala e 'di sana nilakad mo na lang,"

Nagtawanan ang ibang pasaherong nakarinig sa sinabi ni konduktorie.

Kainis na konduktor ito, ah! Binara ako. Nangapal tuloy ang mukha ko sa kahihiyan. Tusukin ko kaya ng toothpick ang gilagid nito?

Hindi na lang ako kumibo. 

Hinanap ko na lang muna iyong guwapong lalaki kanina. Matangkad siya at angat ang hitsura niya sa iba kaya madali ko siyang nakita. Medyo naiba na ang puwesto niya, medyo lumapit sa kinatatayuan ko. At katulad kanina ay nakatitig pa rin siya sa akin.

Pilit ako'ng lumapit sa kanya kahit natutunaw ako sa kanyang mga titig.

Nagbigay daan naman sa akin si lolong bansot- isang maedad na pasahero. Segundo lang at magkalapit na kami. Ganoon pa rin siya, hindi pa rin umaalis sa akin ang kanyang magagandang mga mata.

Teka at masuri, ehem...

Grabe huh, hanggang balikat niya lang ako. 5'7 na 'ko ng lagay na 'to. At ang coat at polo niya, mukhang mamahalin. Parang galing siya sa opisina. Nang tingalain ko siya, napansin ko'ng may grasa siya sa pisngi at sa itaas ng makakapal niyang kilay. Pati ang damit niya ay medyo marungis pero hindi naman siya mukhang mabaho.

Mas guwapo pala siya sa malapitan. Makinis siya, walang ka-pores-pores. Mahahaba ang pilik-mata niya at pinapaseryoso ng matangos niyang ilong ang kanyang maamong mukha. At ang mga labi niya, parang natural sa pagiging mapula! Hmn, bihira ang ganito kaguwapong nilalang. Once in a bluemoon lang ako makasalubong ng ganito kaya susulitin ko na.

Bahagya pa ako'ng dumikit sa kanya. Siyempre siksikan kaya malabo niya ako'ng mahalata. Napapiksi ako nang maramdaman ko'ng kumilos ang kamay niya.

Sa kanya ba talaga iyon?

Kunwari ay napalingon ako. Naku po! Siya nga! Manyakis ba ang isang ito? Pero wala sa hitsura niya. Sa guwapo niyang ito ay kahit sino maikakama niya.

Ang totoo, para na ko'ng maiihi. Nararamdaman ko kasi ang mainit niyang palad na humahaplos sa aking likuran.

Napalunok ako. Iyong kamay niya gumagapang pa patungo sa pusod ko.

Naiirita ako sa ginagawa niya! Kasehodang guwapo siya ngunit wala siyang karapatang pagsamantalahan ako. Haharapin ko na sana siya nang mapahinto ako.

Walastik kasi iyong kamay niya, nakadako na rito sa puson ko!

Napatirik ang mga mata ko sa gulat. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko ngunit sa 'di ko maipaliwanag na dahilan ay hindi ko siya magawang awatin at awayin sa ginagawa niya sa akin.

Hindi kaya na-hipnotismo niya ako?

Ano bang meron sa lalaking ito at parang nahi-hipnotismo niya nga talaga ako? Parang pinakawalan niya ang in-denial na malanding parte ng pagkatao ko.

Uso ang hipnotismo sa mga pampublikong sasakyan, di ba? Budol kaya siya? O hindi kaya member siya ng Illuminati? 

Nakakabaliw, hindi gumagana ang utak ko sa mga oras na ito. Ngayon lang ito nangyari sa buong buhay ko.

Napakurap ang mga mata ko nang mawala ang mga kamay niya sa aking katawan. 

Dito ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako. Nag-init ang mukha ko sa asar at hiya sa pinagagagawa ko.

"Hija, okay ka lang ba?" tanong ni lolong bansot sa tagiliran ko, pero hindi ko siya pinansin.

Hinanap ko ang lalaking pangahas na humawak sa akin.

Nang bumalik kasi ang tingin ko sa kinakatayuan niya ay wala na siya!

Nasaan na siya?!

Namataan ko siyang pababa na ng bus. Nagmamadali!

Binuklat ko agad iyong shoulder bag ko. Shit! "Magnanakaw!" sigaw ko habang sumisiksik ako para mahabol siya.

Rumesponde naman si konduktorie. "Nasaan?"

"Nandoon, nakababa na!"

Lahat ng pasahero ay napabaling sa kanya na ngayon ay naglalakad na palayo sa bus.

"Anong ninakaw sa'yo?"

Napakagat-labi ako. "I-iyong sandwich ko..."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro