Kabanata 8
Kabanata 8
NAALIMPUNGATAN AKO NA PAPUTOK NA ANG ARAW.
Madaling araw pero hindi pa gaanong nagliliwanag. Walang alarm clock pero kusa ang katawan ko sa pagbangon. Hindi dahil sa nakasanayan na, kundi dahil aware na ngayon ang utak ko sa mga nangyari sa nakaraang magdamag.
Wala na talaga. Wala na ang bagay na iniingatan ko. Gayunpaman, huli na para magsisi. Nangyari na.
May matigas na brasong nakayakap sa aking bewang. Alam ko na agad kung kanino. Pag-aari lang naman iyon ng lalaking nakasama ko sa buong gabi... si Jumbo.
Nadako ang paningin ko sa kanyang guwapong mukha. Mahimbing pa rin syang natutulog. Hinaplos ko sya sa pisngi. Paano ko naibigay ang sarili ko sa taong ito? Wala syang kamuwang-muwang. Ni hindi nga yata nya alam ang nangyari sa amin kagabi eh. At saka bakit ganito? Kahit tulog na sya ay ang guwapo nya pa rin?
Alam ko na hindi sapat na dahilan ang kalasingan at kalungkutan, kaya bakit ko naibigay kay Jumbo ang aking pinakaiingatan? Bakit?
Si Paolo.
Bakit ba noong mga panahong hinihingi nya sa akin ito ay hindi ko naibigay sa kanya?
Napabangon ako dahilan para makagat ko ang aking ibabang labi. Ang sakit ng katawan ko. Ang mga luha ko ay sinabayan ng malamig na hangin na dumampi sa aking kahubaran. Nayakap ko na lang ang sarili habang tahimik na umiiyak.
Kung ibinigay ko ba kay Paolo ang hinihingi niya noong kami pa ay ngayon kaya'y kami pa rin? Ah, wala nang saysay para isipin ko pa iyon. Ang kailangan kong harapin ngayon ay ang kinahinatnan ng aking pagiging padalos-dalos.
Nagpunas ako ng luha sa mukha. Kahit masakit ang buong katawan ay nagsikap akong makatayo at hinagilap ang aking mga damit. Nagbihis ako agad. Kailangan kong magmadali bago sumikat ang araw. Hindi dapat madatnan kami ni Dangdang na ganito.
Nilinis ko si Going Marry. Sa sahig, nakita ko ang bakas ng dugo. Pihadong galing iyon sa akin. At nang makapag-ayos na ako roon, si Jumbo naman ang lilinisan ko.
Bumaba muna ako kay Going Marry at pumasok sa bahay. Sa kwarto ko, naroon pa rin si Dangdang at mahimbing pa rin ang pagtulog. Pagtungo ko sa kusina ay kamuntik na akong mapatalon sa gulat.
"Ruby?"
Naroon sya at prenteng nagsesipilyo ng ngipin.
Napangiwi ako. Naalala ko kasing pinansepilyo ni Dangdang kay Jumbo ang sepilyo nyang ginagamit ngayon.
"B-bakit ang aga mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi nya ako tinugon. Lumapit sya sa akin matapos nyang magsepilyo.
"Pengeng pera. May project ako."Aniyang may pagkayamot. Nakalahad ang mga palad nya sa akin.
Buti may natira pang tatlong libo don sa limang libo na hiniram ko kay Mr. Ginanchilyo. Iyong iba kasi, ibinili ko ng damit ni Jumbo. Inabutan ko sya ng limang daan. Kailangan ko rin magtira ng para sa akin.
Napasimangot sya. "Ano ito, Ate? Bakit limang daan lang?"
"Kulang ba iyan?"
"Obvious ba? College na ako at hindi ako high school."
Inabutan ko muli sya ng isa pang limang daan.
Pagkakuha nya non, tinalikuran na nya ako. Hindi na bago sa akin ito. Ganito naman sila sa tuwing aabutan ko sila ng pera, tinatalikuran ako pagnakuha na nila.
..
PAGSIKAT NG ARAW, si Mama agad ang bumungad sa akin. Bihis na bihis sya. "Rosenda? Bakit narito ka pa? Wala ka bang pasok?"
"Ma, restday ko po ngayon," pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi, hindi ko kayang pumasok dahil masakit ang katawan ko.
Tinanguan nya lang ako.
"Aalis ho kayo, Ma?"
Malawak ang ngiti nya. "Oo. Nanalo kasi sa sabong itong si Amang mo." Pagkatapos ay tinalikuran na nya ako. "Maglinis ka rito sa bahay, ha?"
Heto naman palagi ang bilin nya. At ganoon pa rin ang bahay sa tuwing lilingunin ko ang kusina. Tambak ang mga hugasing pinggan.
"Dangdang, halika na. Aalis na tayo." Hinatak na ni Mama si Dangdang.
"Ma, dito na lang po ko sa bahay."
Hmm. Mukhang nawiwili talaga itong bunso kong kapatid kay Jumbo ah.
"Wag matigas ang ulo. Halika na!" wala nang nagawa si Dangdang nang hinalahin na sya ni Mama palabas ng pinto.
Nang mapatingin pa sya sa akin, parang sinasabi nyang tulungan ko sya na magpa-iwan na lang. Napapangiti na lang ako.
Pagkaalis nila, dali kong pinuntahan si Jumbo kay Going Marry. Agad ko syang pinababa at pinaliguan. Pero may bago akong style. Pinaliliguan ko syang nakadamit pa rin. Mahirap na. Baka may matumbok na naman ako.
Matapos ko syang paliguan, sinepilyuhan ko naman sya. Well, dahil minsan na nyang nagamit itong sipilyo ni Ruby ay iyon ulit ang gamit ko.
Kapagdaka'y dumeretso na kami sa kwarto ko. Doon ko sya hinubaran at saka diretsong nilabhan ang kanyang mga basang damit. Kailangan iyong maarawan para matuyo agad bago bumalik ang pamilya ko.
Pagbalik ko ng kwarto, natutulog na ulit si Jumbo sa higaan ko. Napailing na lang ako. Mukhang dahil sa pagod at puyat niya sa magdamag ay matutulog siya sa maghapong ito.
..
NAPABALIKWAS AKO NG bangon nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone. Nakatulog pala ako. Masakit pa rin kasi ang katawan ko.
Sinagot ko ang tawag nang makita kong si Maximus iyon. "Hello..."
"Rosenda!" umalingawngaw agad ang boses nya. "Bakit absent ka na naman?"
"May sakit kasi ako. Masakit ang katawan ko..." sagot ko habang lumilinga ako sa paligid. Gabi na pala. Matagal yata akong nakatulog.
"Aysus! Baka sabihin mo, nilaspag ka na ni Paolo."
Napadilat ang mamikit-mikit kong mga mata nang marinig ko ang pangalan ni Paolo. "Hindi nuh!" bulyaw ko sa kanya. Iyong bunganga niya kahit kailan, nakaka-eskandalo. Mabuti na lang talaga, sanay na ako.
"Hindi kayo nagkita?"
"Hindi," sabi ko na lang para matapos na. Ayaw kong usisain niya pa ang mga nangyari. Baka mamaya ay sugurin niya pa si Paolo.
"Kaya pala sa akin nya inabot itong invitation card sa para sa birthday party nya. Pumunta raw tayo."
Napapikit ako. "Wala akong balak pumunta sa birthday party nya, Maxine."
"Okay. Ikaw ang bahala. Hindi lang kasi basta birthday party iyon. Sasabayan ng engagement party nya."
Natigilan ako.
"Oh. Bakit para yatang nilapirot ka dyan?"
Napamaang ako. Engagement party?
"Ikakasal na sya, bakla ka. Move on na!"
Ikakasal na si Paolo? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Oh ano, pupunta ka na? Wag kang better." nagbago ang tinig nya.
Better? Baka bitter?
Anyway, parang nababasa nya ang nasa isip ko. Kapag hindi ako pumunta ron, baka lalo nga lang akong magmukhang tanga. Malamang iisipin nyang bitter nga ako. Wala akong maidadahilan gayong imibitado ako.
Napabuntong-hininga muna ako. "Okay sige, pupunta tayo."
"Yes!"
"Pero Maxine, okay lang kaya magsama ako?"
Sa tinig nya'y mukhang lalong lumawak ang kanyang pagngiti. "Parang alam ko na kung sino ang isasama mo..."
Napapikit muli ako. Pero hindi sa reaksyon sa kausap ko sa cellphone kundi dahil sa pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Marahan iyong binuksan ni Ruby.
Ilang hakbang ang layo sa akin, kitang-kita ko sa labas mula sa aking kinauupuang kama ang mukha ni Mama at Amang na nanlilisik sa akin. Namanhid ang kamay ko at naibagsak ko ang hawak kong telepono. Naroon din kasi si Dandang na tigmak ng luha sa mukha. Sa gilid naman ni Amang, nakaupo doon ang isang lalaking nakayuko at kumakain ng sandwich – Si Jumbo.
Patay. Katapusan ko na. Buko na ako nila Mama!
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro