Kabanata 53
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 53
"SAAN TAYO PUPUNTA?" tanong ko kay Jumbo nang makasakay kami sa kanyang kotse. Nakalabas na ako sa ospital.
Mukha kasi siyang kinakabahan dahil panay ang himas niya sa kanyang mga tuhod. Animon siyang bibitayin sa tuwing mapagmamasdan ko ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng itim na coat na fitted. Denim jeans sa pang-ibaba, sneakers na puti, at may check.
"We're going home," sagot niya.
Home? Sa amin siguro ang tinutukoy niya. Kahapon kasi, habang nag-do kami ng... ilang rounds nga ba? Naikuwento ko sa kanya kung paano siya napadpad sa amin at kung paano ko siya inalagaan. Kung paano ko siya pinulbusan at pinagsamantalahan este minahal. Wala na siyang ibang inuusisa sa akin kun'di ang mga ito matapos kong maisalaysay. At ang nakakainis pa'y nawalan na ako ng lakas na sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol kay Baby Quiro e naunahan niya na ako. Naaalala ko pa ang mga binitiwan niyang salita about Sadie and Ronnel. Na maigi nang natuklasan niyang hindi niya anak ang nakasama niya at minahal, kaysa matuklasan niyang may tunay na anak siyang itinago at ipinagkait sa kanya.
"I was so devastated nang malamang hindi ako ang tunay na tatay ni Ronnel. Na niloko lang ako ni Sadie. How dare her? Bata iyon, pero ginamit niya. Wala ba siyang puso?"
Hindi ako makaimik habang nakatingin sa nagliliyab niyang mga mata.
"Hindi ko matanggap na iyong batang itinuring kong anak ay hindi sa akin. But I still care for Ronnel. Galit ako sa nanay niya pero hindi sa kanya."
"G-ganoon nga siguro talaga kapag napamahal na sa 'yo ang bata... mas masakit."
"Yeah." Napayuko siya. "Pero okay na iyong ganoon kaysa meron akong anak na totoo pero itinatago sa akin."
Kandalunok naman ako sa sinabi niya. "W-wala naman siguro." Shet bakit ba gumatong pa ako?!
"And that's a good thing na wala." Bumuga siya ng hangin. "Dahil hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na may anak ako na lumaking malayo sa akin. Na hindi ko man lang nakita at nakilala. Walang mas sasakit pa sa ganoon. Di bale nang lokohin ako na katulad nang ginawa ni Sadie, kaysa ipagkait sa akin at sa anak ko ang karapatang magkasama kami."
"Ah, alam mo ba ang favorite food mo noon?" pag-iiba ko.
"Anong paborito kong kainin?" tanong niya pa na gumising sa naglalakbay kong diwa.
Tumitig ako sa mga mata niyang kulay tsokolate. "Sandwich at papaya."
"Seriously?" Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng aking mga hita at saka tumaas patungo sa aking dibdib.
Saglit ding nagbago ang kanyang mukha na para bang mayroon siyang naalala. Ibinato niya ang paningin sa kung saan. "You mind if I ask you something?"
Bigla akong kinabahan.
Umigting ang kanyang panga. "Sino'ng naka-una sa 'yo?"
"Ha?"
"I mean, you're not a virgin when we first hooked up." Kumuyom ang kanyang kamao. "Si Paolo ba ang naka-una sa 'yo?"
No way! Akma na akong magsasalita nang unahan niya ako.
"You know what? It doesn't matter." Humawak siya sa aking kamay at pinisil 'yon subalit ang kanyang mga mata ay nakatanaw sa bintana. "Sorry I asked."
Jumbo, kung alam mo lang. Ikaw ang naka-una sa akin at wala ng iba kahit nang magkahiwalay tayo.
Hanggang sa narating namin ang airport ay hindi na nagsalita pa si Jumbo. Kapwa kami walang imikan kahit nang makasakay na kami sa eroplano. Paglapag namin ng Cebu ay ginulat ako ng aking nakita. Bukod kasi sa mga unipormadong lalaking sumalubong sa amin ay may kawaksi rin na naroon at nasa mga bisig nito si Pookie. Agad ko itong nilapitan at kinuha ang aso.
Niyakap ko ito nang mahigpit pagkuwan. "Magaling ka na ba, Pookie?"
Wala itong tugon kun'di ang pagkawag ng maiksi nitong buntot. Pihadong matutuwa nito si Bayug.
Iginiya na nila ako papasok sa isang limousine car. Kakatwa lang na nakatitig sila sa aking mukha na para bang namamangha sila. Ang ilan naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso. Sa backseat kami naupo at hindi ko na inihiwalay pa si Pookie sa akin. Si Jumbo naman ay tahimik pa rin sa aking tabi at halatang may dinaramdam.
Sinilip ko ang kanyang mukha. "Pst! Pogi..."
Ini-snob niya lang ako bago siya sumimangot.
"Galit ka ba?"
Matagal bago siya nakasagot. "Bakit naman ako magagalit?"
Aysus! Obvious naman na galit siya.
Sumandal ako sa kanyang balikat. "Sorry na."
Kahit malayo ako sa kanyang dibdib ay naririnig ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. "Hindi nga ako galit."
Ano kaya ang ipinuputok ng butse nito?
Ilang sandali pa'y bumagsak ang kanyang balikat. "Fine." Napaisip siya nang bahagya. "Naiinis lang ako kasi hindi ako ang naka-una sa 'yo. At naiinggit ako roon sa lalaking—shit! What am I saying?!" heto at pinamumulahan na naman siya.
Natatawa na lang ako.
"Ano'ng nakakatawa?"
Itinikom ko bigla ang aking bibig at saka umiling.
Umigting muli ang kanyang panga. "Don't mind me." Bumaling siya sa driver nang huminto ang aming sinasakyan. Dito ko lang napagtanto na narito na pala kami sa aming bakuran. "Austine, tell everyone to secure the perimeter one kilometer away from the house. Ayaw kong maistorbo kami ng mga fans."
One kilometer talaga?
Tumango itong si Austine at saka nag-radyo.
Bumaba na agad ako dahil natanaw ko na si Bayug sa 'di kalayuan. Nang makita ako nito ay nanakbo itong palapit sa akin upang salubungin ako. Kaya nga lang ay dagli rin itong napahinto. Napanganga ito nang makita ang asong inilapag ko sa lupa. At kung bakit nagmistulang slow motion si Bayug habang papalapit kay Pookie ay hindi ko rin alam. Basta ang namalayan ko na lang ay nagtungo ito sa likuran ng babaeng aso at saka pumatong.
Pumatong?! Ay, lintik na Bayug ito! Napakawalang manners!
"Shoo! Shoo!" sinaway ko nga.
Pero itong si Pookie ay mukhang sadyang maharot. Nagalit sa akin at tinahulan ako.
"Okay, fine! Hindi na talaga uso ngayon ang ligawan muna."
Lumabas ng pinto sina Dangdang at Ruby nang magkasabay. Halos magtitili sila na lumapit sa akin. Subalit may kung anong pinagtatawanan sila habang nakatitig sila sa mukha ko.
Sumulpot naman si Mama na may pag-aalala sa mukha. "Rosenda, okay ka lang ba?"
"Okay lang po ako. Magaling na ang mga pasa at galos ko."
"Pasa at galos?" nangunot ang noo ni Mama.
Nagtataka ako sa reaksyon niya kaya nilingon ko si Jumbo sa aking likuran. Umikot ang kanyang mga mata at umiwas sa akin. Kita sa kanya ang pagpipigil ng pagngiti.
Ano bang problema?
"Magandang araw po." Tumuloy si Jumbo kay Mama at nagmano siya. Nilampasan niya ako na para bang umiiwas siya sa akin.
Tigagal lang si Mama nang mapansin ang presensiya ng lalaki. Kinakausap ako ng kanyang mga tingin nang masalo ko ang mga ito.
Kahit naman napanganga si Ruby ay sinikap niyang senyasan ako. Itinuturo niya ang kanyang sariling mukha na posibleng tumutukoy sa akin. Kaya buong lakas akong pumihit at tinakbo ang side mirror ng sasakyan. Nang salaminin ko ang aking mukha ay namilog ang aking mga mata. May naka-drawing pala na mga butterflies sa aking panga.
Galit akong humarap sa lalaki. "Jumbooooooooooo!!!"
***
NAPABANGON AKO NANG madilim na sa labas ng bintana. Nakatulog pala ako dahil sa pagod. Dali akong lumabas ng aking silid at hinanap ko agad si Jumbo. Si Mama ang bumungad sa akin na abalang naghuhugas ng plato.
"Nasaan po si Jumbo?"
"Umalis. Kasama si Baby Quiro. Namasyal yata."
Namasyal? Paano kung pagkaguluhan siya sa bayan? Nahagip ng paningin ko si Amang na hataw sa pagwawalis sa bakuran. Bakit ba parang nagkakandarapa sila sa tuwing narito si Terrence? Lumabas ako at pinuntahan siya. "Amang, magpahinga na po kayo. Baka po kuminang na 'yang bakuran natin kasi kanina niyo pa po 'yan winawalisan."
Totoo naman. Kanina pa nang dumating ako ay wala na siyang ginawa kun'di ang magwalis dito sa bakuran. Balak yata niyang linisin ang buong Cebu.
Pawisan siyang humarap sa akin. "Kunsabagay. Doon naman ako maglilinis sa loob."
Napapailing na lang ako habang tinatanaw siya. Sa loob ng bahay ay abala rin sina Ruby at Dangdang sa pagluluto ng kung ano. Napapitlag ako nang marinig ko ang tinig ni Baby Quiro mula sa aking likuran. Kakababa lang nila ni Jumbo ng kotse at sa akin agad siya tumungo. "Nanay Senda, dami ko po laruan..." Sabay lahad niya sa akin ng mga hawak niyang laruan na bukod pa sa bitbit ng isang kawaksi na kasama nila.
"Talaga? O sige, pasok ka na sa loob," sabay simple ko siyang pinektusan. Cute niya kasi e. Gigil ako.
Kandadulas pa siya habang nananakbong papasok sa aming bagong pintuan. Nakasunod naman sa kanya ang unipormadong babae na bitbit pa ang ilan sa kanyang mga laruan. Humakbang si Jumbo upang sundan ang bata. Bago pa lang siya nakakalayo sa akin nang harangan ko ang kanyang daraanan. "Ano, si baby Quiro lang ba ang ipinunta mo rito?" Humalukipkip ako sa kanyang harapan habang nakalabi.
Napakamot siya. "I don't know but I missed him."
Naman! Nakalimutan kong mag-ama nga pala sila. Gusto ko lang naman kasing sulitin na makasama siya habang hindi niya pa ako isinusumpa kapag nalaman niya na ang totoo tungkol kay Baby Quiro.
Bakit nga ba pinapatagal ko pa? Mas lumalaki lang tuloy ang kasalanan ko sa kanilang mag-ama. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya ang totoo. "Jumbo, si Baby Quiro..."
Pumaling ang kanyang ulo.
"Kasi... ano..."
"What?"
Dumagundong ang aking dibdib. "Si Baby Quiro... ana—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mapansin ang paghimpil ng isang bagong modelong sasakyan ilang hakbang ang layo mula sa amin.
Bumaba sa bagong sasakyan ang isang lalaking naka-dark shades, naka-black sando, at fitted ripped jeans.
Si Cloud? Cloud Deogracia?!
Kasunod niyang lumabas ng sasakyan si Macoy. Naka-bullcap siya at nakasuot ng navy blue v-neck t-shirt. May nakasabit na gitara sa kanyang likod. Kumaway siya sa akin habang umaakbay siya kay Cloud.
Ano'ng ginagawa nila rito?
Pero hindi pa rito nagtatapos ang aking pagkagulat. Mula sa kotse kasi ay bumaba rin sina Santi at Kyo. Kapwa sila nakapamulsa nang humarap sa akin. Natanaw ko agad ang kuminikinang na hikaw ni Santi nang maglakad sila papalapit sa amin.
Ang Black Omega Society Band!
"Dito muna sila makikituloy," sabi ni Jumbo sa akin nang hindi nililingon ang apat.
Nawiwindang ako sa mga nangyayari. Maliit lang ang aming bahay. Paano sila matutulog sa amin?
Napaigtad ako nang akbayan ako ni Cloud. "How are you, honey?"
Segundo lang at hinila ako ni Jumbo mula sa kanya. "Don't touch her."
"Well, I heard about the story," sabi ni Santi na umakbay kay Jumbo. "You finally found her." Ngumiti siya sa akin habang pinipisil ang balikat ng pinsan.
Mukhang alam na nga ni Santi ang lahat.
"Damn! Paano ko pa maikakama si Rosenda kung seryoso ka na talaga sa kanya?" palatak ni Cloud. Magsasalita pa sana siya nang talunin siya ni Macoy at saka sinakal nang pabiro gamit ang mga braso.
"All right, that's enough. Pumasok na tayo sa loob dahil nagugutom na ako," utos ni Santi sa dalawa na nagpatiuna na.
Teka! Ano kayang ulam namin? Nakakahiya kasi baka talbos na naman.
Sumunod ang dalawa at nahuli si Kyo. Subalit bago niya ako lampasan ay tumingin siya sa akin nang makahulugan. Nasalo ko ang bughaw niyang mga mata na kayang magpahinto ng paghinga ninuman.
Napatikhim si Jumbo nang makalampas na sa akin si Kyo. "Bakit kayo nagtititigan? May something ba sa inyo?"
Natawa ako bago ko siya nilapitan. "Wala po."
"Just reminding you of the rules." Kinuha niya ang aking pulso at hinila ako. "Let's go."
Pumreno ako gamit ang aking mga paa. "Sandali. May sasabihin pa ako sa 'yo."
"Later na. Kumain muna tayo."
"Pero—"
Nagpatuloy siya sa paglalakad. "I'm tired. Saan tayo matutulog?"
"Kailangan mong malaman na—"
"Ano nga palang ulam natin?"
"Jumbo, kasi—"
"You want me to order—"
"Anak mo si Baby Quiro!" sigaw ko.
Napahinto siya at marahan akong nilingon. Nakanganga siya.
Daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa paghingal ko. Nag-ulap ang aking paningin at nabasag ang aking tinig. "Anak mo si baby Quiro..." napahikbi ako. "Anak natin siya."
Nanlalaki ang kanyang mga mata habang dahan-dahan siyang napapaupo sa lupa. "Jesus..."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro