Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 50

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 50

"I'M LONGING TO know the answer..." habol ni Jumbo ang kanyang paghinga matapos niyang suntukin ang pader sa aking likuran. "Why did you give up on me?" nag-igting ang kanyang panga. "Why did you leave me?!"

Samantalang ako ay nakatingala lang sa kanya at tila may bara sa lalamunan. Wala akong maapuhap na sabihin sa kabila ng napakaraming paliwanag sana.

"Mabaliw-baliw ako sa pag-iisip at paghahanap ng walang kasiguraduhan! Mukha akong tanga dahil ako lang ang naniniwalang nag-eexist ka dahil lahat ng tao ay hindi naniniwala! Bakit ngayon ka lang lumitaw?!

Nangyayari ba talaga ang lahat ng 'to? Akala ko talaga, nagbalik na si Jumbo. 'Yon pala, hinuhuli niya lang ako!"

Umatras siya at tinalikuran ako. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili nang yumuko siya. Napamura siya nang malakas bago niya marahas na tinabig ang lahat ng bagay na malapit sa kanya. Lahat ng mahawakan niyang bagay ay kanyang ibinabato sa kung saan. At dahil malakas siya, walang kahirap-hirap niyang itinaob ang kama matapos siyang mapahiyaw sa galit.

Naninigas lang ang aking katawan at walang magawa kun'di pagmasdan ang galit niya.

Nang humarap siya sa akin ay tiim-bagang siya. "Tell me!" Isang pulgada lang ang layo ng kanyang bibig sa aking mukha. "Why did you leave me?!"

Nanginginig ako at walang maisagot sa mga tanong niya. Gusto kong magpaliwanag ngunit ewan ko kung bakit hindi ako makapagsalita. Marahil ay hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nagaganap nga ang lahat ng 'to.

Humihingal siyang muling umatras habang ang kanyang mga mata ay nakapako sa akin. Huminahon ang kanyang tinig subalit halata ang hinanakit sa boses. "You left me for no reason?"

Bumuka ang aking mga labi.

"You made my life miserable, don't you know that?" Ibinaling niya ang paningin sa iba. "My doctor said to me that you're just a dream. My mother told me that maybe, you never exist." Bumalik ang mga brown niyang mata sa akin. "Everyone stated that you are not real!" Lumapit muli siya sa akin at kinuha niya ang aking kamay. Inilagay niya 'yon sa kanyang dibdib nang mariin.

Nag-ulap ang aking paningin nang makita kong nagtutubig na ang kanyang mga mata.

"I don't even know why I always feel you evertime I touch this." Pinisil niya ang kamay kong naroon sa kanyang dibdib. "Maybe because you left something inside me." Bahagya siyang yumukod upang bumulong sa aking punong tainga. "Pain."

Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha.

Umangat siya at hinawakan niya ang aking braso. "Hinanap kita pero hindi kita makita..." basag ang tinig niya.

Lalo pang dumiin ang pagkakahawak niya sa aking braso.

"I can't remember you but I could feel you. 'Yung mga pangako mo... narito." Itinuro niya ang kanyang dibdib. "You made a promise, right? Hindi ko rin alam kung paano ko naalala 'yon. Pero isa lang ang alam ko..." Kinabig niya ako palapit sa kanya nang iangat niya ang aking braso. "...you broke it." Puno ng pagdurusa ang kanyang boses.

Napayuko lang ako habang tigmak ng luha ang aking mukha.

"Then ngayon, nagpakita ka. Nagpakita ka pero hindi ka nagpakilala! Ginawa mo akong tanga!" Halos tumagos na ako sa pader na sinasandalan ko. "Why? Why did you lie to me, huh? Why are you fooling me?! Nakakatuwa ba? Nakakatuwa ba na gawin akong gago?!"

Tama siya. Nagsinungaling ako. Kasalanan ko kasi ang tanga-tanga ko!

"You came here just to play with me?" Sinakal ako sa leeg ng isa niyang kamay. "Napakaraming pagkakataon..." Namumula siya sa galit. "Napakaraming pagkakataon na pwede mong sabihin sa akin ang totoo but you chose not to tell me."

Malakas siya kaya hindi ako makapalag. Subukan ko man ay wala rin akong lakas dahil unti-unti na akong nahihirapang huminga.

"Masaya ka na ba? Masarap bang saktan at paglaruan ako?!" Nanlilisik ang kanyang mga mata. "You made me fall for you for the second time around. Bakit?! Bakit mo ako pinapahirapan nang ganito?! What did I do to you?! Bakit mo ako sinasaktan nang ganito?!" garalgal ang kanyang tinig.

Mamamatay ako. Oo, papatayin niya ako. Kaya niyang gawin 'yon ng walang kaso. Pero bago 'yon, may gusto akong sabihin sa kanya.

"Why?! Tell me?! Why?!"

Sinikap kong makapagsalita at pagalawin ang aking mga labi. "S-sorry..."

Namilog ang mga mata niya nang marinig niya 'yon. Daig niya pa ang tinakasan ng dugo habang napapaatras siya. Binitiwan niya ako na parang wala siya sa sarili. 

Napahagulhol ako kapanabay ng aking pag-ubo. "N-ninakaw mo ang sandwich ko... galit ako sa'yo dahil ninakaw mo ang sandwich ko..."

Bumalatay sa mukha niya ang pagtataka.

"Pero akala ko, sandwich ko lang ang ninakaw mo... pero, hindi ka na nawala sa isip ko..." Marahan akong tumayo at buong tatag ko siyang hinarap. "T-tangina, pati pala puso ko kinuha mo!" Lumapit ako sa kanya at dinuro ko siya sa dibdib. "S-sa buong buhay ko... walang nagmamahal sa akin. May mga magulang ako pero galit sila sa akin." Tagaktak ang aking mga luha. "I-iisa lang ang pangarap ko... na may magmahal din sana sa isang tulad ko..."

Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"H-hanggang dumating ka..." dinuro ko muli ang kanyang dibdib. "Ikaw na may sayad sa utak at wala sa tamang pag-iisip... Ikaw na walang ginawa kundi ang kumain ng sandwich... ikaw na walang alam sabihin kundi 'jumbo'... ikaw na mahilig sa papaya... ikaw na masarap pulbusan at alagaan..." hindi na ako halos makapagsalita dahil sa aking pagluha. "Ikaw! Ikaw na nagpakita sa akin na pwede rin pala akong mahalin..."

Nakatanga lang siya sa mga pinagsasasabi ko sa kanya.

"I-ikaw na bumago sa buhay ko... Ikaw na tumupad ng mga pangarap ko... Tinuruan mo 'ko..." Bahagya akong napahinto. "...tinuruan mo 'kong magmahal, Jumbo." Napahikbi ako. "Tapos malalaman ko... isa ka palang bilyonaryo." Tiningala ko siya. "H-hindi mo ba alam kung ano ang naramdaman ko noong araw na 'yon?"

Napakurap siya.

"N-naramdaman ko na malapit ka nang mawala sa akin. At ayoko... hindi ko na kaya..." napabuga ako ng hangin. "B-but you are the best person I've ever known..." animong gripo ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. "At hindi ko yata kayang sirain ang buhay mo nang dahil lang sa isang tulad ko..."

Tulala lang siya habang nakapirmi sa akin ang tingin niya.

"A-ang sakit-sakit, Jumbo..." Tuluyan ko na siyang pinaghahahampas sa dibdib. "Ang sakit-sakit kasi nasanay na akong kasama ka. Ang sakit-sakit kasi hindi ko na kayang mabuhay nang wala ka. Ang sakit-sakit kasi mahal na mahal na kita..."

Blangko ang kanyang mukha ngunit gumagalaw ang kanyang balikat.

"Putangina, kasi mahal na mahal kita..." Hanggang sa naghihina akong napahawak na lang sa malapad niyang dibdib. "K-kaya 'wag mong sasabihin sa akin na ikaw lang ang nasaktan." Hindi na ako makapagsalita nang maayos. 

Nakatitig lang siya sa akin.

"Ang sakit. Mas masakit ang magpalaya ng minamahal..." namalayan ko na lang na napaupo na ako. 

Kumuyom ang kanyang kamao bago siya humugot ng hininga. 

"Mas masakit ang mang-iwan kaysa maiwanan..."

"You lied to me. So, why should I believe you?"

Ito na siguro ang pinakamasakit na sinabi niya sa akin dahil alam kong tama siya. Nasabi ko nga sa kanya ang totoo, pero huli na para malaman at paniwalaan niya 'to.

Pagkuwan ay tinalikuran niya ako at mabibigat na paghakbang ang kanyang nilikha. Para nitong pinipigilan din ang aking paghinga. "I don't wanna see you again..." aniya sa pagitan ng kayang paglalakad.

Ako naman ay parang naitulos sa aking kinasasadlakan. Tama ba ang narinig ko? Ayaw na talaga niya akong makita?

Kunsabagay, kasalanan ko. Kasalanan ko kasi nga tatanga-tanga ako. Pinaghandaan ko na 'to pero bakit ang sakit pa rin?

Sanay na ako subalit bakit ang hirap pa rin? Hindi ko man nasabi sa kanya ang lahat pero sapat na 'yon para ipaalam sa kanya ang totoo. Na hindi lang siya ang nagdusa kun'di pati ako. Kaya nga lang, mukhang hanggang dito na lang talaga ako. Kasi, 'yung pagmamahal niya ay napalitan na ng galit at ang dahilan ay ako.

...

"SALAMAT." Sabi ko kay Kyo nang ihatid niya ako sa airport. Pinaasikaso niya rin ang ticket ko pauwi ng Cebu.

Maigi na lang at pinatuloy niya ako sa condo niya ng isang araw kahit takot na rin ako sa kanya tulad ng iba. Kung hindi, wala talaga akong matutulugan. Na-ospital kasi si Merdie dahil nabalian ng leeg.

Inabot sa akin ni Kyo ang mga bagahe ko. "I'm not doing this for you." Pagkasabi'y tinalikuran niya na ako.

Oo alam ko namang para kay Jumbo ang lahat ng ginagawa niya. Para kanino pa nga ba di ba? Alangan namang kay Amang o kay Bayug.

Paalis na si Kyo pero hinabol ko. Kusang bumuka ang mga labi ko bago pa siya makalayo. "Kyo... bakit ang sakit?"

Huminto sa paglalakad ang lalaki ngunit hindi niya ako nililingon. Pumatak na naman ang aking mga luha.

"Kyo, pakisagot naman o..." parang tangang pakiusap ko. Napayuko ako nang maramdaman kong umaagos na ang luha mula sa mga mata ko. "A-akala ko, okay ako... pero bakit ang sakit, Kyo?"

Nagulat ako nang makita ko ang mga sapatos niyang papalapit akin. "Because you're a good person, Rosenda."

Nang tingalain ko siya ay tumama sa akin ang asul niyang mga mata.

"You're hurting because you're a good person."

"Kyo..."

Pumamulsa siya at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Life is simple yet full of choices. Palagi mong pinipili iyong masasaktan ka pero hindi ang iba. Mas pinoprotektahan mo sila kaysa sa sarili mo. At hindi lahat ng tao kayang magsakripisyo na katulad mo." Bahagya siyang yumukod upang magpantay ang aming mukha. "You're nothing but an ordinary girl. Still, you're the best person I've ever met." Tinalikuran na niya ako at naglakad siya palayo sa akin pagkasabi niya nito.

"Nasasaktan ako dahil mabuti akong tao? Pero bakit ganun? Kung mabuti akong tao bakit pinarurusahan ako nang ganito? Bakit hindi ako pwedeng maging masaya na lang, Kyo?!" habol ko.

Napabuga siya ng hangin ngunit hindi na nag-abalang lumingon nang magsalita. "Maybe because this is not yet the right time for you to claim your reward for all the sacrifices you made."

Naiwan akong nakatanaw sa paglayo ni Kyo. Mayamaya pa'y tinawag na ang aking flight number. Wala sa sariling pumasok na ako sa departure area. Kahit nang makasakay na ako sa eroplano ay lumilipad pa rin ang isip ko. May parte kasi sa akin na nagdurugo at kumikirot nang mga sandaling ito.

Ni hindi ko nga alam na lumapag na pala ang eroplano sa Mactan-Cebu International Airport. Pagkababa ko ay saka ko lang natanggap sa aking sa sarili na nakauwi na nga akong talaga. Hindi ko na napigil ang aking sarili, napahagulhol na ako habang nakatanaw sa kalsada. Hindi ko yata kaya. Ang sakit kasi talaga. 'Yung isiping ayaw na niya talaga akong makita ang nagpapahirap sa aking paghinga.

Pagdating ko sa amin ay sinalubong agad ako ni Bayug at dinilaan sa binti. Ipinaalala lang sa akin ni Bayug ang taong dahilan kaya ang lungkot-lungkot ko.

Nang sumilip si Ruby sa pinto ay nanlaki ang mga mata niya. "Nakauwi ka na, Ate?"

Tinakbo ko siya at sinugod nang mahigpit na yakap. Dito ko ibinuhos ang aking mga luha sa kanyang balikat. "A-ang sakit pala, Ruby..." wika ko sa gitna ng aking paghagulhol.

"Ate naman..." napaiyak na rin siya kagaya ko.

...

SAMPUNG ARAW NA ang lumipas pero masakit pa rin. Hindi na yata matatapos ang pagluluksa ng puso ko sa pagiging sawi sa ilang ulit nang pagkakataon. Wala akong ibang ginawa kun'di ang magkulong lang at mag-iiiyak sa maliit kong kuwarto at patuloy na sisihin ang sarili ko sa dinadanas kong ito. Ilang araw na lang at kailangan na naming magbayad kay Paolo pero ito at tulala lang ako at suko na sa problemang kinakaharap ng pamilya ko.

Marahang bumukas ang pintuan ng kwarto at sumilip doon si Ruby. Ilang sandali pa'y narinig kong suminghot siya. "Ate, miss na kita..."

Napaluha ako sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita. Binigo ko sila. Wala na nga akong pakinabang, nagpapabigat pa ako ngayon sa kanila.

Pumasok na siya at naupo sa gilid ng hinihigaan kong katre. "Ate, alam ko namang masakit mabigo sa love kaya hindi kita huhusgahan sa nangyayari ngayon sa 'yo. Hindi ka namin huhusgahan kahit pa malamang na nagparaya ka na naman para sa ibang tao."

Mapait akong napangiti.

"Pero Ate, sana 'wag muna iyong iba ang isipin mo. Deserve mo'ng maging selfish minsan para sumaya ka naman. Isa pa, hindi lang naman sarili mo ang bibigyan mo ng pagkakataong makasama si Jumbo..."

Doon ako napatingin kay Ruby. Nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Kinuha niya ang aking kamay at may inilagay siya ro'n. Narinig ko pa siyang humikbi bago siya nagsalita. "May chance pa, Ate. Ipaalam mo na sa kanya..." nabasag na ang tinig niya. "I-ipaalam mo na sa kanya na anak niyo si Baby Quiro."

Napaangat ako at napabaling sa kamay ko na hawak niya. Naroon ang isang ticket sa eroplano pabalik ng Manila. "S-saan kayo kumuha ng pera?"

"G-ginamit muna namin 'yung naipong pambayad kay Paolo."

"Ha?"

Humawak muli sa kamay ko ang mainit niyang palad. "Ate, napag-usapan na namin ito nina Mama kaya wala ka nang dapat alalahanin pa."

"Pero Ruby, pambayad kay Paolo ang perang 'yan. Inipon niyo 'yan."

"Makakabayad nga tayo sa utang pero nakikita ka naman naming ganyan. Sa tingin mo ba magiging ok kami kung ganun? Hindi, Ate. Walang mas mahalaga ngayon kundi kaligayahan mo. Marami ka ng naging sakripisyo para sa amin, kaya kami naman ngayon ang magsasakripisyo para sa 'yo at sana hayaan mo kaming gawin ito."

"Komplikado na ang sitwasyon, Ruby. Hindi naman ako basta pwedeng bumalik doon at—"

"Walang komplikado, Ate. Isipin mo ang karapatan mo bilang ina ng anak niya. Iyon ang laban mo sa lahat ng sinasabi mong komplikasyon."

Natigilan ako at napatitig nang matagal kay Ruby. "Kapag sinabi ko kay Jumbo ang tungkol kay Baby Quiro, paano ka na?"

Umiwas siya ng tingin sa akin. "M-mas nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganyan kaysa ang malayo sa akin si Baby Quiro. At isa pa, karapatan din ng bata na makilala ang tunay niyang ama... at iyon ang bagay na hinding-hindi ko maibibigay sa dahil hindi naman ako ang tunay na nagluwal sa kanya. Hindi ako kundi ikaw."

Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. "P-patawarin mo 'ko, Ruby..."

"H-hindi, A-ate... ako ang patawarin mo. Alam kong matagal mo nang gustong sabihin sa kanya pero isinasaalang-alang mo pa rin ako." Kumalas siya sa akin. "Ako pa rin ang iniisip mo sa huli kaya hindi mo masabi kay Jumbo ang totoo. Ate, tama na. Tama na ang pagsasakripisyo mo para sa akin at sa ibang tao. Tama na."

"Ruby..."

"'Wag mo na akong alalahanin dahil tanggap ko na. Tanggap ko na ngayong wala na ang anak ko at pinapalaya ko na siya."

"R-Ruby..." Nauwi na sa paghagulhol ang paghikbi ko.

"K-kaya nakikiusap ako... S-sabihin mo na sa kanya ang totoo kahit alang-alang na lang sa anak niyo."

"P-pero natatakot akong baka kunin niya sa atin si Baby Quiro."

"Karapatan niya 'yon, Rosenda." Biglang lumitaw si Mama sa pintuan. "Anak niya ang bata at kung ano man ang desisyon niya ay may karapatan siya ro'n."

"Mama..."

"Sa araw-araw kong nakikitang naghihirap si Baby Quiro kasama natin ay naku-konsensiya ako. Kasalanan natin kung bakit niya dinadanas ang kahirapang hindi naman talaga dapat para sa kanya. Kasalanan nating hindi niya tinatamasa ngayon ang karangyaan na dapat ay meron siya dahil ipinagkait natin sa kanya na makilala ang tunay niyang ama," mariing wika ni Mama. "Kaya, Rosenda, anak..." Lumapit siya sa akin at pinisil niya ang aking mga palad. "Maawa ka sa anak mo."

Pinunasan ko ang aking luhaang pisngi gamit ang isang kamay ko. Tama sila. Sobrang duwag ko at sobrang tanga. Sa pagsasakripisyo ko, pati anak ko nadadamay na sa kamiserablehang hindi niya naman deserve na danasin. Saavedra si Baby Quiro, at hindi siya dapat naghihirap na kasama namin. 

"Opo..." tumayo ako sa papag na kinahihigaan ko. "Sasabihin ko na kay Jumbo." Minsan pa'y humugot ako nang malalim na paghinga. "Ipapaalam ko na sa kanya na may anak kami."

Ipapaalam ko na, ngayon mismo. Bahala na.

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro