Kabanata 47
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 47
"LET HER GO."
Mariin at walang kasing lamig ang utos ni Jumbo pero deadma lang ang inutusan niya. Ni hindi ininda na malapit nang magbuga ng apoy ang mga mata niya.
"You let her go," kaswal na sagot ni Kyo.
Nakita kong humalukipkip si Santi at nagtaas ng isang kilay. Lintek na Santi na 'to! Imbes pumagitna sa dalawa e parang nag-eenjoy pa sa nangyayari.
Napatiim-bagang si Terrence. "Kinakalaban mo ba ako, Montenegro?"
"I will if I have to."
Dahil napapagitnaan nila ako at hawak nila ang magkabila kong kamay ay parang sa akin tumutulay ang lahat ng tensyon na mula sa kanilang dalawa. Kahit malamig ang aircondition ng room, ay nararamdaman ko ang kakaibang init. Init na nagmumula kina Jumbo at Kyo. Napapaso ako dahil sa dalawang ito.
Naningkit ang mga mata ni Jumbo at hinila niya ako. Pero hindi nagpatalo si Kyo sa kabila ko at hinila rin ako.
"S-shandali." Ay, ano ba 'to? Bakit feeling ko ang haba ng hair ko?!
"This woman is mine, Montenegro!" sigaw ni Jumbo. Pagkuwan ay bumitaw siya sa akin at sinuntok niya si Kyo.
Shet di na kinayang magtimpi!
Tumagilid lang ang mukha ni Kyo ngunit hindi napaatras. Malakas ang suntok ni Jumbo pero nanatili pa rin ang mga kamay niya sa akin at mukha wala talagang balak bumitaw.
"Hey 'Couz, easy..." awat ni Santi kay Jumbo. Umawat nga pero hanggang salita lang. Kainis!
Saka nasaan na ba iyong dalawa pa? Nasaan sila? Dapat nandito sila para awatin sina Jumbo at Kyo! Nasaan din ang mga staff sa part na ito ng barko? Bakit wala ang mga ito?!
"Shut up, Montemayor," singhal ni Jumbo kay Santi saka akmang susugod na naman.
Napalunok ako. Ngayon ko lang nakita na ganito ang kanyang mga mata. Dark brown ang mga ito na punung-puno ng galit. Hindi na ako makagalaw sa sobrang tensyon.
Sinuntok niya muli si Kyo sanhi para pumaling ang ulo nito. Sa ginagawa niyang ito, lalo lang humihigpit ang kapit sa akin ng kamay ni Kyo.
Please, Kyo, bumitiw ka na...
Sinapak pa siya muli ni Jumbo nang magkasunod dahilan para mapaatras na siya. Pero hindi pa rin siya bumibitiw kahit may putok na ang kanyang mga labi. Hindi ko na kaya! Ayoko na! Kung patuloy siyang mananakit ng kaibigan niya, tama na!
Akmang susuntok muli si Jumbo nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Humarap ako sa kanya para protektahan si Kyo na nasa aking likuran. "T-tama na..." hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para awatin siya.
Nagsalubong ang kilay ni Terrence. "What are you doing, douchegirl?"
"P-please, tama na..."
Kumalma ang kanyang mukha ngunit nagtatanong ito. Napapikit siya mayamaya bago napabuga ng hangin. "Let's go," aniya sa akin at saka siya tumalikod.
Napayuko ako nang makita ko na naroon pa rin ang kamay ni Kyo na nakahawak sa akin, pagkatapos ay napabuntong-hininga ako. "K-kay Kyo ako sasama..." mahina lang ang boses ko ngunit iyon ang dahilan kung bakit napahinto si Jumbo.
Nang lingunin niya ako, kitang-kita ko ang talim sa kanyang mga mata. "What did you just say?"
Naririnig ko ang malakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko 'yon. Pero ang alam ko lang, kailangan ko iyong panindigan. "K-kailangan lang namin mag-usap ni Kyo," nauutal na paliwanag ko. "K-kailangan kong sumama sa kanya ngayon..." Sana maintindihan mo muna ako ngayon.
Napatigagal siya bago niya ibinato ang paningin sa kawalan. "So, you're choosing him over me..." garalgal ang tinig niya.
Ako man ay pilit pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak nang makita kong bumalatay sa kanyang mukha ang sakit. Pinili ko na lang na tumango at hindi magsalita. Pero sisiguraduhin kong pagbalik ko, magpapaliwanag ako. Sana lang pwede pa. Sana lang may babalikan pa ako.
Nag-igting ang kanyang panga. Matagal siya bago nakapagsalita. "Sigurado ka na ba riyan?"
Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit parang may mali sa desisyon ko? Pero kasi natatakot akong ibuko ako rito ni Kyo. Hindi pa ako handa na malaman ni Jumbo ang totoo. At marami rin akong gustong malaman kay Kyo. Gusto kong malaman kung paano niya ako nakilala at paano niya nalaman ang tungkol kay Jumbo.
Nilingon ko si Kyo na nasa aking likuran. "O-oo... Sigurado na ako..."
Nang makita ni Kyo ang paglandas ng aking mga luha ay kinabig niya ako at niyakap. Bumulong siya sa aking punong-tainga. "I will hide your tears."
At kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ni Jumbo, nararamdaman ko ito sa kanyang salita. Ang hangin na kanyang ibinuga ay nanginginig. "Okay. Just be safe." Dinig ko rin ang magaan niyang paghakbang palayo sa amin na para bang hindi pa siya makabalanse.
Napahagulgol na ako. Nang lingunin ko si Jumbo ay likuran na lang ni Santi ang nakita ko. Kahit kailan talaga ang tanga-tanga ko! Napakababaw ng dahilan ko para humantong kami sa ganitong sitwasyon.
Humugot si Kyo ng cell phone sa suot na jeans at may kinausap. Humarap siya sa akin pagkuwan. "You have to come with me. I have something to show you."
Umiling ako habang pinupunasan ko ang aking mga luha. "Sabihin mo sa akin ang lahat-lahat. Ngayon na."
Hinila niya ako palabas ng ballroom at dinala sa upper deck ng barko kung saan nandoon ang private VIP helipad. Mayamaya ay nakarinig ako ng ugong at kasabay niyon ay pag-ihip ng malakas na hangin. At mula sa kalangitan ay may lumapag na helicopter sa halipad. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na hinihila ni Kyo.
Saan kami pupunta? Saan niya ako dadalhin?
***
IBINABA KAMI NG helicopter na sinakyan namin ni Kyo sa helipad ng isang matayog na building. Bumaba kami sa basement no'n at sinalubong kami ng mga lalaking tsinito. Naka-black suit ang mga na nakatupi hanggang siko kaya kita ang mga dragon tattoos. Inescortan kami ng mga ito papunta sa kinapaparakingan ng kulay pulang limousine na may naka-drawing na red dragon. Nang lingunin ko si Kyo sa gilid ko ay tahimik lang siya at walang imik.
Dinala kami ng kotseng ito sa isang kulay puting mansion na napapalibutan ng matataas na pader. Napakaraming mga unipormadong lalaki ang pumalibot sa amin nang bumaba kami ng sasakyan. Bumungad sa akin ang pulang carpet pagpasok namin sa glass door ng mansiyon. Hindi nawawalan ng mga intsik na kawaksi ang espasyo sa loob nito. Lahat sila ay nakapula na may larawang dragon sa mga damit.
Pagpasok namin sa malaking pintuan, saka ko lang napansing wala si Kyo sa tabi ko. Nawala lang ang pagpa-panic sa dibdib ko nang makita muli siya na may band aid na sa gilid ng labi.
Kalmado lang ang bughaw niyang mga mata nang lumapit siya sa akin. "This is where I lived..." napahinto siya nang bahagya. "...before."
"A-ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko sabay lingap sa paligid. Nasabi sa akin nina Cloud at Macoy kung gaano kadelikado ang pamilya niya. Nangamba tuloy ako na baka manganib ako dito. Baka litson na ako paguwi ko ng Cebu.
"There's something I want you to see."
"Ano?"
Hinawakan niya ako sa kamay at saka niya ako tinalikuran. "My life before I met T."
Ano raw?
Ilang hakbang pa lang kami nang may narinig akong sigaw sa isang pinto. Itong pinto kung saan kami naroroon ngayon at nakaharap sa mahabang mesa. Isang lalaki lang ang nakaupo sa pinakadulo no'n, isang matandang lalaki.
Lumapit kami ni Kyo sa pwesto nito. Unti-unting luminaw sa akin ang mukha ng ginoo na ngumunguya ng steak. Bagama't halata na sa hitsura nito ang edad, hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahang lalaki nito noong kabataan. Mayroon din siyang asul na mga mata na tulad ng kay Kyo. Parang hindi alintana ng ginoo ang presensiya namin gayong nasa harapan niya na kami.
"Long time no see, Kyo..." anito sa pagitan ng pagnguya. Sa akin ito agad napatingin.
Narinig kong napabuga ng hangin si Kyo sa aking tabi. "Where's Lander?"
Lander? Ito siguro 'yung nakababata niyang kapatid.
Nagpatuloy sa pagkain ang lalaking ilang hakbang lang ang layo sa amin. "You know where he is. He's in his play room."
Playroom? Saan 'yon?
Bumukas ang isang pinto sa likuran ng matandang kumakain. Lumabas mula ro'n ang isang binatilyo na sa tancha ko ay edad labing-apat hanggang labinglima. Hinas ang kanyang buhok at maputi siyang bata. Pareho ang kulay ng kanyang mga mata kay Kyo. Pero napanganga ako dahil parang hindi siya isang ordinaryong bata kung makatingin.
"What's up, bro?" Lung pipikit ako ay hindi ko mapagkakamalang bata ang nagsasalita. Napaka-matured ng kanyang boses.
"Who's she?" tanong nitong bata matapos umupo sa kaharap na mahabang mesa na hindi kami nililingon.
"She's no one," tugon ni Kyo.
"Can I kill her?"
Diyos ko! Totoo ba iyong narinig ko?!
"I'm not here for a talkshit, Lander." Malamig na sagot ni Kyo rito.
Tumawa ito nang mahina saka nginisihan ako. "Then why are you here?" Si Kyo ang tinatanong niya.
Grabe! Bata ba talaga siya? Bakit parang matanda na siya kung magsalita? Saka kinikilabutan ako sa klase ng pagkakatitig niya sakin!
"Last month, a Montemayor kid had been kidnapped. She was the cousin of my leader." Salaysay ni Kyo.
Sinong tinutukoy niya? Hindi ko yata alam ito, ah! Pero sigurado akong iyong leader na tinutukoy niya ay si Jumbo.
Umangat lang ang balikat ni Lander sa sinabi niya. "Then..."
"Then I was thinking na may kinalaman ka rito."
Seryoso? Posibleng magawa iyon ng batang katulad niya?
Napangiwi si Lander. "I did nothing of the kind." Sabay subo niya ng steak na ginamitan niya ng tinidor.
Nakuyom ni Kyo ang kanyang kamao.
"Have a seat and join us, Kyo, for a while." Biglang alok ng ginoo na kakulay ng mga mata ni Kyo.
Kusang kumilos ang aking mga paa at umupo kaharap ang mesa. Nanatili lang nakatayo si Kyo sa likuran ko at madilim ang mukha. Sa kabilang banda ay hindi ko napigilang magtanong. "B-bakit po hindi kumakain iyong lalaking katabi nyo?" tukoy ko doon sa lalaking nakasubsob sa hapag.
Napaka-pakielamero mo talaga, Rosenda!
Kalmadong sumagot ang lalaki. "He's dead."
Para akong naitulos sa aking kinatatayuan. Namutla ako na para bang hihimatayin anumang oras. Nanikip ang aking sikmura at nanginig ang buo kong katawan. Napatayo ako at agad nagtungo sa likuran ni Kyo dala nang matinding takot. Anong klaseng mga tao sila? Bakit parang normal lang ang dugo at patay na tao na nasa harapan nila?
Walang salitang hinila ako ni Kyo palayo sa kanila. Napahinto lang siya sa paglalakad ng magsalita muli si Lander.
"You're weak, bro..."
Napayuko siya bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang makalabas kami ng pinto ay nakakita ako ng isang malaking paso na may halaman. Patakbo akong nagtungo doon at saka sumuka. May kung ano kasi sa aking sikmura na nagpapahirap sa aking paghinga.
"Are you all right?" Ani Kyo sa aking likuran.
Tumango ako habang pinupunasan ko ang aking bibig.
Tumanaw siya sa buwan mula sa malawak na veranda. "The guy with the blue eyes is my father. His name is Ybarra Monetenegro."
Nang una ko pa lang makita ang lalaking iyon ay alam ko nang ito ang kanyang ama. Pero ang isiping ito pala ang pinuno ng mga gangster... Jesus! Buti at buhay pa ako!
"Terrence is my friend since the ninth grade. Though I am indifferrent, he treated me like a normal kid that no one in our class did." Napatingala siya na para bang ninanamnam ang gabi. "Then we separated when we went on college. My Dad was behind it. He said to me that I can't befriend to an enemy. Lumipas ang mga taon na hindi ko na nakita si Terrence." Pumamulsa siya at lumingon siya sa akin. "Pero isang araw ay pinuntahan niya ako. He was asking me to join their brotherhood. Gusto niya na maging normal ako katulad ng iba."
Wala akong ibang naririnig nang mga oras na ito kundi ang kanyang tinig.
"He thought it was just easy like that. His clan is the mortal enemy of our clan. At hindi papayag si Ybarra na umalis ako sa ilalim ng pamamalakad niya. Na iwan ko lahat ng ito." Nangungusap ang kanyang mga mata nang mapatingin ito sa akin. "So he battled with my dad in a game. They played chess where he bet his life in exchange of my freedom." Nagulat pa ako nang bigla siyang napangisi. "That bastard..." Kitang-kita ang amusement sa mga mata niya.
Napasinghap ako habang nakatitig sa kanya.
"I was so worried because he's not good at chess. While my father is a master on the board." Napangiti siya habang tinatanaw ang kawalan at ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti. "I closed my eyes and prepared myself to kill my Dad once na matalo niya si Terrence. But to my surprise ay natalo niya ang aking ama. And that's how he freed me. He saved me." Muling tumingin sa akin ang kumikinang nyang mga mata. "I will never forget that night."
"B-bakit mo sinasabi sa akin ito?"
"Because I want you to see how he's important to me more than anything." Lumalim bigla ang tinig niya.
"H-hindi ko maintindihan..."
"Why don't you just tell him the truth?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"You're hurting him. He's broken because of you!"
"Ha?" pumatak muli ang mga luha ko. "A-ano bang sinasabi mo?..."
Lumapit siya sa akin at may hinugot siya sa kanyang bulsa. Isa iyong botelya na hindi ko naman makita ang nilalaman. "This will answer all your questions."
Sa klase ng mga pananalita niya, mukhang alam niya talaga ang mga nangyari.
Akma pa sana akong magsasalita ng may isang batang babae ang sumulpot sa kanyang likuran. Sa tancha ko ay ka-edaran lang ito ni baby Quiro at kasing taas.
Maiksi ang buhok nito na kulay itim na tulad ng suot nitong damit ngunit kabaligtaran sa kulay ng balat nito sa sobrang puti. Ang mukha nito, pamilyar sa akin. Bughaw rin ang mga mata ng batang babae katulad nila Kyo.
"Sino siya?" wala sa sarili kong tanong.
Nilingon ni Kyo ang bata. "She's Kia. My dad adopted her five years ago."
Adopted? Bakit kamukha niya itong bata kung adopted lang ito?
Sinubukan kong kawayan si Kia ngunit inirapan lang ako nito. Habol ko pa ito ng aking paningin habang nagmamartsa itong papalayo sa amin.
Pati ang kamalditahan, parang pamilyar sakin! Pero ang cute nito!
Tinalikuran ako ni Kyo at humakbang siyang muli papalayo sa akin. "You may return now to the ship..."
Nagbalik ang paningin ko sa kanya. "Teka... paano ko gagawin iyon?"
"The guy behind you will give you a ride." Tukoy niya sa nasa likuran ko.
Namilog ang aking mga mata nang makita ko ang lalaking ito. "L-Lucas?"
"Hi, Rosenda. Do I look 'tengene' tonight?" Nakangisi ito ngunit tila may nag-iba sa kanong ito. Mas naging kagalang-galang ang itsura ni Lucas sa suot nitong amerikanang kulay itim, iyon nga lang ay tabingi pa rin siya magsalita.
Si 'supowt'! Anong ginagawa niya rito?
Nagsalita muli si Kyo matapos huminto sa paghakbang. "Now that I told you how Terrence is important to me, maybe it's time to tell you the truth why I know you and the 'Jumbo-thing'."
Para lang akong hibang na nakanganga at hindi makapaniwala.
"Lucas is my spy." Lumapit muli sa akin si Kyo sa marahang paglalakad. "Siya ang inutusan kong bantayan si Terrence, kayo, sa mga panahong may sakit pa sa pag-iisip ang itinuturing mong 'Jumbo'."
Spy? Ibig sabihin, from the beginning ay nagpapanggap na itong si Lucas na amo ni Amang? Kaya pala nawala rin ito nang mawala si Jumbo sa akin.
"I'm the one who linked Jumbo to you."
Namilog ang aking mga mata sa aking narinig.
Kung ganoon lahat ng nangyari ay planado?!
Nang isang pulgada na lang ang layo niya sa akin ay bumulong siya sa aking punong-tainga. "I brought Jumbo into your house... may tiwala akong hindi mo siya papabayaan. And your first meeting in the bus wasn't a coincidence."
Ang una naming pagkikita gayon na rin ang pagsulpot ni Jumbo sa bahay namin? Kaya pala nasundan ako ni Jumbo sa bahay namin?
"Nacoma ang father niya habang nasa coma rin ang kuya niya. Noong time din na iyon ay nabuntis ng iba ang girlfriend niyang si Sadie. Tahimik na tao si T kaya walang may alam na iniinda niya rin pala ang lahat ng nangyayari. Na iniipon niya lang lahat ng problema sa puso at isip niya. Nawala siya after magpaalam sa lahat na aalis muna siya for a vacation, at walang may alam na sa Cebu siya pupunta. At doon sa Cebu nangyari ang aksidente. Alam ko ang lahat dahil pinasundan ko siya sa mga tauhan ko. Dahil malaki ang utang na loob ko kay T kaya hindi ko siya pwedeng hayaang mag-isa. Nang mahulog ang kotse niya sa bangin ay doon na siya nawala sa sarili. Nagpalaboy-laboy siya."
"Pero bakit hindi ka nagsabi sa pamilya niya para umpisa palang nakuha na nila si Jumbo sa Cebu!" sumbat ko habang nangingilid ang aking mga luha.
"Dahil hindi niya gugustuhin iyon." Ngumisi si Kyo. "I know him. Mataas ang pride niya. At hindi niya rin gugustuhin na makadagdag sa pasanin ng mother niya. Mas gusto niyang isipin ng lahat na okay lang siya at nagbabakasyon lang."
"Kaya hinayaan mo na lang siya sa akin..."
"Yes."
"Simpleng tao lang ako, Kyo. Mahirap lang kami sa Cebu. Nalaman mo naman siguro kung paano kami naging miserable ni Jumbo dahil nga sa mahirap lang ako kaya bakit sa akin mo siya dinala?! Bakit?! Hindi ko maintindihan!"
"Dahil alam kong hindi mo siya papabayaan, Rosenda."
Oo naman. At dapat ipagpasalamat ko ang lahat ng ito kay Kyo. Kahit gaano man ang paghihirap ng buhay namin ni Jumbo noon ay hindi ko pinagsisihan kahit kailan na kinupkop ko siya. Siya ang bumago ng buhay ko at ng paniniwala ng pamilya ko. Si Jumbo ang nagligtas sa akin sa kabiguan. At siya rin ang nagturo sa akin kung paano magmahal nang tunay ay lubusan.
"Nakabantay lang ako, Rosenda. Alam kong hindi mopapabayaan ang kaibigan ko." Muli siyang ngumisi.
Huminto ang pag-inog ng aking mundo dahil sa sinabi niya.
"It's like hitting two birds in one stone." Sabi pa niya.
Two birds? Eh, isa lang naman si Jumbo? Sino pa ang isang binabantayan ni Kyo?!
E, baka si Amang? Si Bayug kaya?
Ewan ko, gulong-gulo na ako!
"Lucas, take her back into the M. cruise."
"Yes, Lord."
Sa mga sandaling ito ay tulala na lang ako.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro