Kabanata 41
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 41
TUMUNOG ANG CELLPHONE ni Jumbo mula sa kanyang bulsa. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa kabilang linya. Sa totoo lang kasi, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalang.
"Opo. Okay naman po," tugon niya sa kausap. Sino kaya itong nasa kabilang linya at tila nawala ang kanyang pagkasiga?
Nagulat na lang ako nang ilahad niya sa akin ang kanyang cellphone mayamaya."Your mother wants to speak with you."
"Ha?" wala ako sa sariling inabot ito mula sa kanya. Seryoso ba siya? Si Mama itong kausap niya sa kabilang linya? Pero paano nito nalaman ang number niya? Saka ko lang naalala. Tinawagan ko nga pala sila na itong number ni Jumbo ang gamit ko.
"Hello..." ani ko na hindi pa rin makapaniwala.
"Rosendaaaaaaaaa!" hiyaw ni Mama. Halos mabingi ako sa sigaw niya.
"Ma?"
"Oo, ako nga!!!"
Napatingin ako kay Jumbo na nakatitig lang sa akin. Totoo nga! Si Mama nga itong tumawag sa kanya! Tumalikod ako sa kanya at nagtungo sa kung saan. Ayaw kong marinig niya ang kung ano mang mapag-uusapan namin ni Mama.
Ma... bakit ka po napatawag?" pabulong kong tanong.
"E, kasi... mahigit isang linggo ka nang hindi umuuwi. Nag-aalala na kami sa 'yo." Sa tinig niya ay halatang nakikipag-agawan siya sa kanyang hawak na telepono.
"Okay lang ako, Ma. Uuwi rin po ako pero hindi ko pa masasabi kung kailan."
"E, kailan ka uuwi? Malapit na ang birthday mo, ah."
Oo nga pala. Tatlong linggo mula ngayon ay kaarawan ko na.
Narinig kong naagaw ni Dangdang ang cellphone sa kanya. "Ateeeeee!!! Si Cloud ba kasama mo?"
Hindi na ako nakatugon dahil naagaw rin ito ni Mama. "Rosenda, si Santi?! Nakuhaan mo ba ng autograph?"
Napakamot na lang ako. "O-opo."
"Nga pala, alam na ba ni Terrence na siya si Jumbo natin? Napulbusan mo na ba siya?"Kailangan ba talagang itanong 'yon?
Napangiwi na lang ako. "Ma, medyo komplikado pa po kasi. Pero sa ngayon po ay hindi niya pa alam. Kaya please po... hayaan niyo po muna akong mag-isip kung sasabihin ko pa sa kanya."
Narinig kong napabuntong-hininga si Mama. "Kung ano man ang magiging desisyon mo, kasama mo lang kami. Nandito kaming pamilya mo anak."
"S-salamat po." Nag-ulap ang aking paningin. Miss na miss ko na kasi sila. "Ma, kumusta po ang... si... si Baby Quiro?"
"Okay lang siya," pumiyok na rin ang tinig niya. "Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol kay Baby Qui—"
"Si Ruby po?" putol ko sa pagsasalita niya.
Narinig ko ang paglunok niya. "Ah, kasi..."
Kinabahan tuloy ako. "Ma, bakit po? May nangyari po ba?"
Matagal siya bago nakasagot. "Nagpunta na naman siya ro'n."
Napasentido ako. "Ano po?! Bakit po?!"
"Hindi ko alam, anak. Baka nalulungkot siya at nami-miss niya 'yon."
Napapikit ako sa aking narinig. Kung nasa bahay siguro ako, hindi ko na hahayaan na bumalik si Ruby roon. Ayaw ko nang damdamin niya ang mga nangyari. Gusto kong makapag-move on na kami. "Hindi po bali, uuwi na po ako riyan. Kakausapin ko po siya nang masinsinan."
"Huwag ka nang mabahala, ako na ang kakausap sa kanya. Sa 'yo kami nag-aalala."
"M-Ma, okay lang po ako," nabasag na ang aking tinig. "W-wala pong naging problema. Maayos po ang lahat. 'W-wag na po kayong mag-alala sa akin."
At bago siya nawala sa kabilang linya ay narinig ko pa ang sigaw ni Amang. "Rosenda, kahit autograph nalang kay Kyo!!!"
Napaiyak na ako nang tuluyan. Nangangamba ako para sa kalagayan ni Ruby dahil mahirap talaga ang kanyang pinagdaanan. Sa kabilang dako, hindi ko namalayan na nakamasid pala sa akin si Jumbo na nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Nakatitig lang siya sa akin at mataman akong pinagmamasdan.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at umayos ako nang tayo. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at sinikap siyang ngitian. Lumapit ako sa kanya at tiningala ko siya. Iniabot ko sa kanya ang cellphone. "S-salamat."
Nakatingin lang siya sa akin at walang imik na lumakad palayo. "Take it."
"Huh?" Nang magawi ako sa cellphone na hawak ko ay dito ko lang napagtantong iPhone 7 pala ito. Hinabol ko siya at iniabot ko muli sa kanya itong cellphone. "H-hindi ko matatanggap ito. W-wala akong ibabayad sa 'yo."
Tinapunan niya lang ito ng tingin. "I need you to have it. D'yan kita kokontakin." Pagkasabi'y nilampasan niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad. "I'll arrange your flight for tomorrow."
Naiwan lang akong nakatanga at nakatanaw sa kanya.
Napangiti ako nang mawala siya sa aking paningin. Sigurado ako. Mabuti siyang tao kahit siya pa man noon si Jumbo ko. At kahit magsungit pa siya ngayon ay hindi niya ito maitatago. Dahil narinig ko, napakinggan ko kung paano niya igalang ang pamilya ko. Bagay na hindi ko nakita kay Paolo. Nakakainis! Lalo tuloy akong mai-in love sa kanya nito!
***
"SAAN KA PUPUNTA?" tanong ko kay Jumbo nang makita ko siyang papaalis. Naka-corporate attire siya at kahit malayo ay naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Kasama niya ang hindi ko mabilang sa daliri na mga bodyguards na nakapalibot sa kanya.
"I'm having a photoshoot today. I'll text you later." Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Nagmadali akong lumapit sa kanya ngunit hinarangan ako ng mga unipormadong lalaki. "Pwede ba akong sumama?"
"No." Nagpatuloy lang siya sa paghakbang at nilampasan ako.
Napayuko na lang ako habang tinatanaw na naman siya.
Bumalik ako sa suite at dumiretso sa kwarto. Nahiga na lang ako at pinilit makatulog.Hindi ko kasi alam kung paano hihilahin ang oras. Bukas pa ang flight ko at naiinip talaga ako. Kahit anong gawin kong paglilibang ay nabo-bored pa rin ako. Siguro dahil nalulungkot lang ako. Nasasayang na kasi ang ilang oras na hindi ko siya nakakasama. Kanina pa kasi siya abala sa mga shoot niya at samantalang ako ay walang magawa kung hindi ang maghintay sa kanya. Gusto ko lang namang sulitin ang oras naming dalawa.
Namalayan ko na lang na napaluha na pala ako. Miss na miss ko na ang pamilya ko ngunit mami-miss ko rin siya ng sobra kapag umuwi na ako.
Napapiksi lang ako nang biglang umuga ang kama. Pagbangon ko ay kamuntik na akong mapatili sa aking nakita.
Si Jumbo!
Bumalik siya?
Prente siyang nakaupo sa kamang kinahihigaan ko. Nakatalikod siya sa akin at bahagya niya lang akong nilingon. "Do you really wanna go with me?"
Nakalabi akong tumango sa kanya.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Then what the hell are you still doing right there?"
"Ha?"
"Magbihis ka na!"
Kahit tulala pa rin ako ay dali akong nagtungo sa banyo. Kulang na lang ay magsasayaw ako sa tuwa. Sabi na nga ba, gusto niya rin ako makasama.
Nagbihis na ako at nag-ayos gamit ang mga bagong gamit na ipinamili niya sa mga tauhan niya.
"Faster!" tinig ni Jumbo na nasa sala.
Kandadulas akong nanakbo papunta sa kanya. "Ready na ako!" sabi ko sa kanya habang sinusuklay ko pa ang basa kong buhok.
At tulad noon, para na naman siyang nabulunan. Umalon ang kanyang Adam's apple at nag-panic ang kanyang mga mata na hindi malaman kung saan ibabato ang tingin. Pumitik siya gamit ang kanyang daliri at may lumapit sa aking mga kawaksi. Sinabuyan lang nila ako ng simpleng blush on sa mukha at lipstick sa bibig nang isang pasada.
Tila hibang lang nang hilahin na ako ni Jumbo. Pero bago 'yon, nadampot ko ang aking sweater na nakapatong sa couch. Pagsakay namin ng elevator ay naiwan lang kaming dalawa. Hindi niya pinasabay ang mga bodyguards niya. At kahit sa iba ako nakatingin ay alam kong nakatitig siya sa akin.
***
NAGKALAT ANG MGA artista rito sa photo stage ngunit hindi ko naman makita ang Black Omega Band. Target ko kasi sila para makapagpa-autograph dito sa dala kong sweater para naman may maiuwi ako kina Mama. Bahala na silang paghati-hatian itong jacket ko. Maigi na ring nadala ko itong marker pen ni Santi na pinangguhit ko sa mukha ni Jumbo. And speaking of Jumbo, hindi ko na siya makita. Kanina lang ay abala siya sa mga photoshoot niya ngunit ngayon ay hindi ko na siya mahagilap.
Nasaan na kaya siya? At saka nasaan kaya ang Black Omega Band?
Dahil napagod ako, naupo muna ako sa isang bakal na upuan. Napakaskas ang aking pwetan nang maramdaman ko ang malamig na dumampi sa aking pang-upo.
Shet! Naka-panty lang pala ako!Naman! Nagmamadali kasi ako kanina. Maiksing palda pa naman itong suot ko at tiyak na hindi maiiwasang makitaan ako.
Tumayo ako at hinagilap ang banyo. Hayon! May pasilyo roon. Posibleng dito ang daan papasok sa comfort room. Kaya nga lang, akma na akong hahakbang doon nang sumulpot bigla ang isang matangkad na lalaki sa aking harapan. Nabunggo ako sa malapad niyang dibdib sanhi para mapaatras ako.
Namilog ang mga mata ko nang tingalain ko siya at mapagsino.
Si Kyo Montenegro!
Nasalo ko agad ang asul niyang mga mata. At hindi ko mawari kung bakit sa tuwing mapapatingin ako rito ay para akong sinasakal na hindi makahinga. Ano bang mayroon sa mga banyagang mata niyang ito?
Panandalian niya lang ako tinapunan ng tingin bago siya pumamulsa. Nilampasan niya ako at tahimik siyang naglakad papalayo. Saka lang rumehistro sa isip ko na magpapa-autograph nga pala ako sa kanya.
Hinabol ko siya at hinarangan ang dinaraanan niya. "S-sandali..." awat ko sa kanya sa pagitan ng aking paghingal.
Pumaling lang ang kanyang ulo habang namumungay ang kanyang magagandang mga mata.
"Pwede ba akong magpa-autograph sa 'yo?" iniabot ko sa kanya ang marker pen.
Kinuha naman niya 'yon at inilahad ang kamay sa akin. Hinihintay niya sigurong abutan ko siya ng kanyang pipirmahan kaya ibinigay ko sa kanya ang hawak kong sweater. Tinitigan niya lang 'yon at walang salitang ibinagsak sa sahig.
"I will only sign at your undies." Malamig niyang sabi sakin.
"H-hindi ba pwede sa sweater?" hindi ko alam pero pinamulahan ako.
Kinuha niya ang aking kamay at inilagay niya ron' ang marker pen. "We're done here." Naglakad na siya at nilampasan muli ako pagkasabi niya nito.
Grrrrr! Mas malala pa pala ang lalaking ito kay Jumbo!
Kapag pinalampas ko siya ay baka hindi na ako makahingi sa kanya ng pirma. Paniguradong malulumbay nito si Amang at baka hindi pa iyon makakain nang ilang araw. Sobra kasing iniidolo non' si Kyo.
Fine! Hinga nang malalim. Sahgan mo na rin ng pagtitimpi.
Malalaking hakbang ang aking ginawa para maabutan ko siya. Nang makalapit muli ako sa kanya ay humarang ako sa harapan niya. "H-hindi ba pwede kahit sa damit na lang?..."
Napapikit lang siya at naglakad palampas sa akin. Bago pa siya makagawa ng hakbang ay inawat ko na siya.
"Okay, sige!" napalunok ako nang mariin. "H-heto na iyong panty ko..."
Napahinto siya sa paghakbang at walang emosyon ang kanyang mukha na humarap sa akin. Samantalang ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Nilingap ko muna ang paligid kung may tao. Nang wala akong makita maski isa, mabilis kong hinubo ang panty ko sa loob ng aking palda. Pikit-mata ko itong iniabot sa kanya kasabay ng marker pen.
Kinuha naman niya ito at marahan nyang pinirmahan.
Kaya nga lang, nang iabot niya sa akin ito pagkatapos ay para akong dinibdiban. Hindi ako makahinga at wala akong hangin na mahugutan. Paano kasi... kitang-kita ko si Jumbo sa kanyang likuran. At kung bakit ako kinakabahan ng ganito ay hindi ko rin alam.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro