Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Kabanata 4

Napatda ako nang makita si Lucas na nakatayo sa sala namin. Napakaamo ng kanyang mukha na hindi ko ba mawari kung nagpapa-cute sya o nagpapatawa.


"Listen..." sabi nya pa. May dala syang flowers at isang basket ng – sandwiches.


Sandwiches talaga? Inilapag nya iyon at saka sya umabante at humarap sa akin.


"I just wanted to apologize about what happened last night. What I did was a big mistake and blah blah blah. Blah blah blah..."


Ang dami nya pang sinasabi pero hindi ko sya naiintindihan. Naka-focus kasi ang isip ko kung paano ko sya mapapaalis agad.


"Rosenda? Nakekeneg ke bey?" untag nya sa'kin.


Kunwari'y galit-galitan ako. "Just leave, okay." Nakakunot ang noo ko. "I'm angry." Konting acting lang Rosenda. Wag masyadong OA.


"I can't leave like this. Thinking that you're still mad at me... hende akey mekeketeleg netey..."


Nakakairita talaga sya magtagalog. But I have to change my plan. Mukhang wala syang balak umalis kapag ganito ang siste ko. Nginitian ko sya. "All right. Apology accepted."


Ngumiti si bobo. "Really?"


Kung alam lang nya, wala akong ibang gustong gawin sa kanya kundi ang sipilyuhin ang ngipin nya. "Y-yeah..." pilit ang ngiti ko.


"Well, maybe I should stay."


Patay na. Dapat pala nag-stick ako dun sa una kong plano. Galit-galitan ulit. "Now I'm angry again!"


"What? I thought – "


"Get out!" sigaw ko sa kanya.


Napayuko na lang sya at bumalatay sa mukha nya ang lungkot. "Okay."


"Don't get out!" binawi ko. Paano'y sa likuran nya –


– naroon na si Jumbo! At nilalantakan na nito ang mga sanwiches nya! Paano ito nakalabas ng bathroom ng hindi ko napapansin?


"What?" nagtaka tuloy si Lucas.


Dumagundong na naman ang dibdib ko. Hubo't hubad pa naman si Jumbo at puro bula pa ang katawan habang inuupakan na nito ang mga sandwiches. Kapag nalingunan ito ni Lucas, lagot talaga ako kay Amang. Siguradong isusumbong nya ako.


Acting Rosenda. Acting. "C-could you s-stay for a while?"


Umaliwalas ang mukha ni Lucas. "S-seriously?"


Pasimple kong tiningnan si Jumbo sa likuran nya na abala pa rin sa pagnguya. "I w-want to be with you and to see your face. You look so 'tengena'..." oh Lordie! Ano ba itong napagsasabi ko?


"Really? Do I look so – 'tengena' to you, today?"


Tumango ako ngunit ang isip ko ay nakatuon sa likuran nya.


"Hikhikhik!" napahagikhik pa ang nyemas oh. Kinilig yata sa 'tengena'.


Kailangan ko ng mag-level up. "Do you wanna see my room? My parents are not here."


Napangisi sya. Iyong tipong ang sarap nyang repasuhin sa panga. "Sure..."


Hinila ko na sya. Baka lingunin nya pa iyong sandwiches at flowers nyang dala.


"You have a nice room, huh?" aniya nang makapasok na kami sa kwarto ko. Nililingap nya ang paligid non.


"Thank you..." tugon ko. Pero nakasilip ako sa sala kung saan naroon si Jumbo.


"So, what are we gonna do?" napakagat-labi pa sya.


Lalo tuloy akong kinikilabutan. "Ahm, you mind if you stay here for a moment. I have to do something outside."


Marahan syang umupo sa kama ko na para bang inaakit ako. "Sege leng..." pagkatapos ay nilasap nya pa ang sarili nyang mga labi. "ditow leng akow..."


Ano kaya't bigla ko syang kaltukan sa bunbunan? Konti na lang at mapipikon na ako sa kanya. Napahalakhak na lang ako kuno. "Hahaha... you really look so tengena today..." impit pa yun.


 ...


PATAKBO AKONG LUMABAS at nang makalapit ako kay Jumbo, hinila ko sya. Napatianod naman sya sa akin habang abala syang kinakain ang mga sandwiches ni Lucas. Nang makabalik kami sa banyo, pikit-matang binanlawan ko agad sya. 


Panaka'y dinala ko sya sa kwarto nila Mama at hinanapan ko sya ng maisusuot nya roon. Halos lahat ng damit ni Amang ay masikip sa kanya. Bakit kasi ang laking bulas nitong si Jumbo? Iyong elephant pants nga ni Amang, para lang three-fourth short kapag suot na nya. Ah bahala na! Kesa naman bahag syang magpapalakad-lakad sa kalsada.


Pinulbusan ko sya at pinabanguhan. Ahem! Balik ako dun sa pinulbuhan. Pinulbuhan ko ulit sya. Ang sarap nya kasing pulbuhan. Hayun oh pinulbuhan ko ulit iyong dibdib. Harhar! Ang lapad nito. Sige at mapulbuhan pa.


Shit! Hindi dapat ako magtagal. Baka mainip si Lucas sa kwarto ko at lumabas iyon. Last na. Pinulbuhan ko ulit sya, hihihi.


Sinuklayan ko sya. Tahimik lang sya habang hinahawi ko ang malambot nyang buhok. Sa ginawa kong iyon, napatanga tuloy ako sa mukha nya. Grabe ang gwapo nya talaga. Especially yung lips nya oh – tralalala... focus Rosenda. Wala sa tamang pag-iisip ang Jumbo na yan. Sakit lang sa ulo yan.


Pero ang pogi nya talaga. Para syang hinubog ni Lordie na lamang sa iba.


Napadako ako sa magaganda nyang mga mata. Bagama't nakakahipnotismo iyon, may lungkot akong nakikita at nakakubli rito. Ano nga kayang nangyari sa kanya? Bakit sya nagkaganito? Sino ba talaga ang lalaking ito? May pamilya ba sya? Saan sya nagmula? Bakit –


–bakit ang pogi-pogi nya? Okay, pulbusan ko ulit sya!


Ilang minuto lang at heto na ako sa labas ng aming bahay. Hila-hila ko si Jumbo na hindi ko naman alam kung paano sya itataboy. Pero bakit ganito? Parang kay bigat ng mga paa ko? Bakit parang ayaw ko syang paalisin?


Nalinisan ko na sya, napakain, pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Wala akong pananagutan sa kanya pero bakit parang hindi ko siya kayang itaboy? 


Ngunit kailangan. Dahil kung hindi, malalagot ako kina Mama. "J-Jumbo, hanggang dito na lang ako..." sabi ko sa kanya nang makalampas na kami sa bakuran namin. "U-umalis ka na..." kandautal ako at ewan ko kung bakit.


Nakatingin lang sya sa akin. Dala nya ang isang basket ng mga sandwiches ni Lucas. Baon nya iyon para ilang araw din syang hindi magutom sa kalye.


"Jumbo alis na..."


Hindi sya kumikilos. Nakatingin lang sya sa akin.


"Jumbo naman, 'wag mo akong pahirapan..."


Nakatingin pa rin sya sa akin. Napakaamo ng mukha nya na para bang ayaw nyang lumayo sa akin.


Napabuga ako ng hangin. Kumuha ako ng bato at akma ko syang babatuhin subalit natigilan ako. Bakit ba ako nahihirapan ng ganito? Sa huli, itinuloy ko. Binato ko sya. "Alis! Alis!"


Tinamaan sya sa dibdib. Hindi nya ininda iyon. Nakatingin pa rin sya sa akin.


Dumampot muli ako ng bato at binato ko sya. Labag ito sa kalooban ko pero ginawa ko parin. "Shu! Alis! Jumbo alis..." pumiyok ako.


Totoo ba ito? Bakit parang naiiyak ako. Napabuntong-hininga na lang ako bago ako lumapit sa kanya. Alam ko na ang gagawin ko.


...


MAYAMAYA'Y KASAMA KO na si Jumbo dito sa bayan. Isang sakay lang ng tricycle bago makarating dito. Narito kami ngayon sa parke at nakatanaw ako sa papalubog na araw sa karagatan.


Tumingin ako sa kanya na abala sa pagkain ng sandwich. Hindi ba nabubusog ang lalaking ito? Muli akong bumaling sa karagatan.


"Alam mo Jumbo, noong bata pa ako, dito ako nangangarap. Dito sa parke na ito kaharap itong karagatan..."


Patuloy lang sya sa pagkain. Alam ko namang hindi nya ako maiintindihan. Ngunit alam kong karamay ko sya ngayon.


"Pangarap ko na – mahalin din ako nila Mama tulad ng pagmamahal nila kay Ruby at Dandang..."


Abala pa rin si Jumbo sa tabi ko.


"Kapag wala kaming makain noon, ako ang pinag-iinitan nila. Ako ang pinapalo ni Amang." Garalgal na ang boses ko. "Pinapalayas ako ni Mama." Napasinghot ako. Napayuko ako bago muling nagsalita. "Wala kasi akong silbi. Sabi nila, dagdag gastusin lang daw ako..."


Tumanaw din si Jumbo sa karagatan habang kumakain.


"Kaya gumawa ako ng paraan. Hindi ako papayag na hindi ko matupad ang pangarap ko." Napapikit ako. "Nagsumikap ako at pinilit kong makatapos ng highschool. Naghanap ako ng trabaho at heto..." napasinghap ako. "Unti-unti, may kapakinabangan na ako sa kanila. Unti-unti, minamahal na nila ako..." pagkuwan ay nilingon ko sya. "At ayokong mawala itong pinaghihirapan ko. Maintindihan mo sana, Jumbo..."


Huminto sya sa pagkain at tumingin sa akin na para bang naiintindihan nya nga ako.


"Kapag sumunod ka pa sa akin, mawawala lahat ng pinaghirapan ko. Hindi ko na matutupad ang pangarap ko..." naglandas na pala ang mga luha ko.


Nakatingin lang sya sa akin.


Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Mabibigat ang aking paghakbang ngunit ipinagpatuloy ko iyon. Nangako ako na hindi ko na sya lilingunin. Pero naramdaman kong nakasunod na naman sya sa akin.


Tinulak ko si Jumbo ng lingunin ko sya. "Ano ba?! Hindi mo ba talaga ako lulubayan?!"


Napaatras sya. Nakatingin lang sya sa akin.


"Umalis ka na! Nakakagulo ka sa'kin, umalis ka na!" tinulak ko ulit sya.


Nakatitig lang sya sa akin.


Pumihit na ako patalikod sa kanya at saka naglakad palayo. Binilisan ko ang paglalakad ko. Kaya lang, naramdaman ko na namang nakasunod sya.


"Jumbo ano ba?! Hindi ka ba talaga aalis?! Ha?!"


Heto pa rin sya at nakatingin lang sa akin.


"Putangina, umalis ka na! Parang awa mo na. Umalis ka na, Jumbo! Umalis ka na..." napaiyak na ako. "Handa akong maghintay... maghihintay ako hanggang maramdaman nila ang  pagmamahal ko..." dinuro ko sya sa dibdib. "Kaya parang awa mo na... umalis ka na... sisirain mo lang ang pangarap ko..."


Napayuko sya. Siguro naman ay nauunawan na nya ang gusto kong iparating sa kanya.


"Umalis ka na. wag ka na ulit mag – " natigilan ako. Paano'y inabutan nya ako ng isang sandwich. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ko iyon kinuha sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto, hindi pa pala ako kumakain mula kaninang umaga.


Ngumiti sya sa akin. Ito iyong unang beses na nakita ko syang ngumiti. Napatanga ako sa pagngiti nyang iyon. Kahit sino sigurong babae na makita iyon ay mawiwindang rin gaya ko.


Tumayo si Jumbo at tinalikuran ako. Humakbang sya palayo sa akin.


Bakit ang sakit? Bakit ko nararamdaman ang ganitong sakit?


Hindi nagtagal ay lumingon sya sa akin. Sa mga mata nyang iyon ay para bang namamaalam na sya. Naglakad pa sya palayo sa akin at nang ilang metro na ang layo nya, tinanaw nya muli ako.


Tinalikuran ko na sya. Muli na akong naglakad palayo pa sa kanya. Pero bakit ganun? Kusang akong lumingon at natanaw ko syang nakatingin pa rin sa akin. Lumakad pa ako hanggang sa makalayo pa. Nang lingunin ko syang muli, hayun at nakatanaw pa rin sya sa akin.


Fuck! Nahihirapan na talaga ako! Kaya naman tumakbo ako papalayo pa.


Ngunit bigla na lang huminto ang aking mga paa. Nang mapaharap ako kay Jumbo, nakatanaw pa rin sya. Napailing ako. Naglakad muli ako. But this time, hindi na palayo –


– kundi papalapit na sa kanya. Iyong hakbang ko na pabilis ng pabilis. Na nauwi na sa pagtakbo. At namalayan ko na lang na nasa harapan ko na sya.


"J-Jumbo naman eh..." naglandas ang mga luha. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nayakap ko na pala sya.


Naramdaman kong gumanti rin sya ng yakap sa akin. Napahagulhol tuloy ako. Kasi – ito iyong unang pagkakataon na may humaplos sa puso.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro