Kabanata 32
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 32
ANG AKING MGA kamay ay nakahawak ngayon sa malamig na rehas. Sa isang iglap, heto ako at nakalaboso. Hindi pa rin talaga mag-sink in sa utak ko na nakakulong na nga ako. Ipinakulong lang naman ako ng mga guwardiya sa pinanggalingan kong building. Sa buong sandali na bitbit ako ng mga puli ay tulala lang ako. Ang nasa isip ko ay ang pamilya ko sa Cebu na siguradong ngayon ay nagsasaya dahil inaakala nila na nagkita, nagkausap at nagkaayos na kami ni Jumbo.
Pero wala nang Jumbo! Wala na siya! Wala na iyong lalaking kahit hindi nagsasalita, kahit napakainosente ay mapagmahal, gentle at mabait. Siya na si Terrence Montemayor-Saavedra. Isa na siyang taong yelo na walang puso at konsensiya. 'Kita mong ginawa sa akin ng maangas na iyon? Sukat ba namang ipakulong niya agad ako? Oo na, malaking issue na pagbato ko sa kanya ng sandwich. At oo na, malaking issue talaga iyon lalo kung makalabas iyon sa media. Pero buti na lang at walang media sa building na iyon dahil ayoko ring malaman nila Mama ang kinahinatnan ko dito sa Maynila.
Mayamaya ay may lumapit sa aking pulis at binuksan ang rehas na pinto. "Laya ka na."
"Po?" Napatingin ako sa lilkod ko, wala namang ibang nakakulong dito maliban sa akin.
"Labas na."
Napalunok ako bago ko inihakbang ang aking mga paa palabas ng kulungan. Bakit malaya na ako?
Pagdating sa reception area ng presinto ay napansin ko ang isang lalaking prenteng nakaupo sa waiting area. Napatayo ito nang makita ako. Nagulat ako nang makilala ko siya. Kabanda siya ni Jumbo!
Si Santi Montemayor!
"Let's go," ani ni Santi bago niya ako tinalikuran.
Hindi na ako nag-inarte, sumunod na agad ako sa kanya. Hmn, halos magkasing tangkad sila ni Jumbo ko.
Really, Rosenda? Jumbo mo? Mapait akong napangiti. Hindi na siya ang Jumbo ko, at kailangan ko na iyong tanggapin sa aking sarili. Mahirap umasa. Isa pa, mahirap mahalin ang bagong katauhan ni Jumbo ngayon... Ibang-iba na siya.
"Faster." Nagulat ako nang bigla akong nilingon ni Santi.
"Ah, sorry! Ito na, ito na." Natataranta akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot. May chauffeur siya roon na nagbukas ng pintuan para sa amin papasok sa kanyang kotse. Tahimik lang akong tumabi sa kanya sa backseat.
"Sorry about T."
Hindi ako umimik. Bakit siya nagsosorry? Ako nga ang nahihiya sa nagawa ko sa leader nila.
Ilang saglit pa'y naramdaman kong napangiti siya. "But you really are an epic douchebag, huh? Ikaw pa lang ang nakagawa sa kanya ng ganun."
Napapikit ako at napayuko. "Sorry talaga... nadala lang ako. Nainis kasi ako sa kanya."
"It's all right. But then, kanselado na ang Black Ticket mo. Wrong timing ka kasi dahil nagkataong mainit ang ulo niya. 'Know what, hindi niya rin alam na pyinansahan kita ngayon."
"Naku! Baka awayin ka niya?"
Napahalakhak siya. "Every king has a right hand. Hindi niya magagawa sa akin iyon."
Napabuntong-hininga ako. Mabuti pa si Santi, mabait pala talaga. 'Di tulad ng Jumbo na iyon, ang sama ng ugali. Mas gusto ko pa iyong may saltik siya noon at may sakit sa pag-iisip kaysa ngayong tumino nga, may attitude problem naman.
Inabutan ako ni Santi ng envelope kung saan nandon ang ticket na gagamitin ko pabalik ng Cebu. May twenty thousand cash din na kasama ang ticket, iyon daw ang pocket money ko. Ipinaliwanag niya sa akin na inactive na ang Black Ticket ko. Sa isang hotel daw muna ako magpapalipas ng oras at mamayang gabi na ang flight ko. Hanggang dito na lang daw ang maitutulong niya sa akin. Pero bago ako bumaba ng sasakyan niya ay naglakas ako ng loob na humingi sa kanya ng autograph. Kahit kay Santi man lang ay makakuha ako ng autograph para may pasalubong ako paguwi ko.
"Sure."
Napangiti ako. Ang bait niya talaga. "Ahm, okay lang ba kung dito na lang sa suot kong sweater ka pumirma? Wala kasi akong papel e." Tiyak na matutuwa si Mama kapag ibinigay ko sa kanya ang sweater na ito na may pirma ni Santi.
"Do you have a marker?" tanong niya.
Umiling ako.
Kinalabit niya ang kanyang driver. "Austine, do you have a marker?"
Segundo lang at naglabas itong Austine ng marker pen at iniabot sa kanya. Pagkuwan ay pinirmahan niya ang suot kong sweater.
"Salamat talaga, Santi." Inihatid nila ako sa lobby ng hotel na tutuluyan ko hanggang mamayang gabi.
Tipid siyang ngumiti sa akin. "You take care."
Pagkababa ko sa kotse niya ay napabuntong-hininga ako. Swerte pa rin akong makasama ang isa sa mga miyembro ng banda. Nakakalungkot lang dahil hindi ko natupad ang pangako ko kay Ruby. At hindi ko pa rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa pamilya ko ang kinahinatnan ko dito sa Maynila.
Malayo na ang kotse ni Santi nang maalala kong nasa akin pa pala ang marker pen ng driver ni Santi. Ah, 'di bale, kunwari na lang ay galing ito kay Kyo para may maibigay ako kay Amang. Inilagay ko sa maleta ko ang marker at nagsimula na akong maglakad patungo sa lobby.
"Bakit pa ba ako magho-hotel? Pwede naman na akong dumeretso sa airport para don maghintay." Bumalik ako at naghanap ng taxi. Ilang saglit lang ay may huminto na agad sa harapan ko.
"Manong, NAIA po."
Inilagay ko sa backseat ang maleta ko. akmang sasakay na ako nang may tumawag sa akin. Isang unipormadong lalaki mula sa lobby ng hotel ang lumapit sa akin. "Ma'am, kayo po ba si Miss Rosenda Castillo?"
"Ha? Oo ako nga." Nahinto ang pagpasok ko sa taxi.
"Itinawag po kayo ng secretary ni Sir Santi Montemayor, parating na nga raw po kayo."
"Ah, ganon ba? Pero hindi na ako mag-stay dito. Pupunta na ako sa airport at—"
"Ma'am, papirmahan na lang po iyong reservation niyo, pwede niyo pong irefund."
"Talaga?" Ayos din si Santi, ah. Sabagay, sayang din naman kung magkano ang ibinayad niya rito sa hotel kung di ko rin naman magagamit. Dagdag pocket money ko rin iyon pauwi ng Cebu. Ibibili ko na lang ng pasalubong sila Mama para hindi sila gaanong malungkot sa biglaan kong paguwi. At pwede ring ang tira ay ibawas ko sa mga utang ko sa ex kong si Paolo.
"Oh, sige, refund ko na lang." Excited na sumunod ako sa lalaki papasok sa hotel.
Pero pagdating sa reception area ay hiningan ako ng ID.
"Ah, nasa maleta ko iyong ID ko." Napakamot ako ng ulo. Saka biglang nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na nilagay ko na sa backseat ng taxing pinara ko ang aking maleta. "Jeske!"
"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong sa akin ng babae sa reception area.
"Ha?" Napatitig ako sa kanya. "Ako okay? H-hindi ako okay! Iyong ID ko! Iyong maleta ko!" Pagkasabi'y napatakbo ako palabas ng hotel para balikan ang taxi na iniwan ko. Ang kaso, wala na iyong sasakyan!
Pinilit kong kumalma kahit parang mababaliw na ako. Hindi pwedeng umalis iyong taxi. Hindi pwedeng iniwan niya ako. Hindi pwedeng dinala niya iyong maleta ko kung saan nandon ang ticket at cash na bigay ni Santi. Nandon din ang pitaka ko at mga IDs, kaya hindi talaga pwedeng umalis ang taxi na iyon. Baka pumarada lang ang taxi driver sa kung saan. Tama, baka nandiyan lang iyon sa tabi-tabi. Ngunit kahit saan hanapin ito ng aking paningin ay hindi ko matagpuan.
Para akong mababaliw. Hindi ko na kaya na hindi magpanic. Nasa maleta ko ang lahat ng alas ko, ticket, pera, cell phone at pati IDs! Ang lahat-lahat ay naroon maliban sa aking sarili at sa marker pen na nasa aking bulsa kasama ng Black Ticket na punit sa gitna.
"Tanga! Tanga ka talaga!" kastigo ko sa sarili ko. Pero kahit kalbuhin ko ang sarili ko ay wala na akong mababago pa sa mga nangyari na. Pag talagang minamalas ka nga naman!
Hindi na ako bumalik pa sa hotel dahil wala rin naman akong ID na magpapatunay na ako si Rosenda Castillo. Napaiyak na lang ako habang binabagtas ko ang kalsada patungo sa kung saan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil napakalayo ko sa Cebu. Wala akong cell phone, pera at kahit ano. Ngayon lang din ako nakatungtong dito sa Manila kaya wala talaga akong ideya kung ano na ang gagawin ko. Ni wala akong kakilala rito. At ayaw ko namang makitawag para tawagan sila Mama. Ayaw silang pag-alalahanin sa sinapit ko rito.
Paano na ako?
...
DESPERATE TIMES CALLED for very desperate measure. Matapos ang pagtatanong, natagpuan ko ang hotel na tinutuluyan ni Jumbo.
Ayaw ko mang humingi ng tulong sa kanya ay wala na akong mapapagpilian. Isa pa, kasalanan niya ang lahat ng ito. Dapat lang na tulungan niya ako dahil kung hindi dahil sa kanya, wala sana ako rito. Pero, kasalanan niya bang talaga o desperada lang ako? Kasi kung tutuusin ay pwedeng si Santi ang lapitan ko at hindi si Jumbo. Ah, whatever!
Muli akong bumalik sa reception upang magtanong. Bale eight hours na kasi ako dito, pero hindi na ako pinapansin ng nasa frontdesk. Kanina pa nabubwiset ang lahat sa akin dito. Siguro dahil ang dungis ko. Mabuti na nga lang at nakapasok pa ako sa lobby kahit masama ang tingin sa akin ng guwardiya sa labas. Tanging ang black ticket lang ang sandata ko sa kanila.
"Ma'am, wala pa ho," kahit malumanay ay ramdam ko ang inis ng babaeng nasa frontdesk. "Maupo ho muna kayo ron."
"Pero anong oras pa ba siya bababa? Bakit kasi hindi mo na lang tawagan. Sabihin mo na nandito ako, iyong winner kamo ng Black Ticket!" Inis na rin ako. Ikaw ba naman e gutom na gutom na hindi ka maiinis?
"Hindi po pwede iyong ganon e. Ang magagawa niyo na lang po talaga is maghintay."
Maghintay? Paano kung sa pasko pa bumaba si Jumbo? Hanggang pasko pa ako dito? Jeske nemen!
"Ano bang floor siya?"
"Sa 40th po siya. At bawal po magpaakyat don basta-basta, lalo na at VIP floor iyon, Ma'am." Parang wala na sa sarili ang frontdesk officer dahil sa kakatanong ko. Lalo pa itong naaligaga nang may mga magdatingang foreigner. May mga dalang aso pa ang mga ibang lahi kaya naman nawala na ang atensyon nila sa akin. Pati ang guard na nasa loob ay naging busy bigla.
40th floor pala, ha.
Sinamantala ko ang pagiging busy ng lahat kaya pumuslit ako patungo sa elevator na nasa dulo. Dahil maraming design na poste at mga vase sa paligid ay hindi na nila ako napansin.
Mabilis akong umakyat ng elevator ngunit kung minamalas ka nga naman, hindi tumigil ang button sa palapag na gusto ko. Sa halip, dumire-diretso ito pataas. Ang malas ko talaga!
Napahagulhol na lang ako habang patuloy kong sinusuntok ang elevator button. Ano bang kamalasan itong dumapo sa akin? Bakit nagkakaganito? Kasalanan lahat ito ng lalaking iyon! Kung alam ko lang na magkakaganito, ibinenta ko na lang sana iyong Black Ticket kay Mia! Sana bayad na kami kay Paolo at may pangnegosyo pa. Bakit kasi pag-ibig ang inuna ko? Heto tuloy at kumakalam ngayon ang sikmura ko!
Tumunog ang elevator at saka bumukas. Sumalubong kaagad sakin ang malamig na simoy ng hangin. Nakarating na pala ako dito sa rooftop nitong building!
Akma ko ng pipindutin ang 40th floor button nang matigilan ako. Parang gusto ko munang magtagal dito sa rooftop kahit sandali para mahimasamasan ako. Humakbang ako palabas at nasilayan ko ang napakaraming bituin sa itim na kalangitan. Kita rin muna rito maningning na metropolis. Animo mga christmas lights na umiilaw ang mga nasa ibaba. Ang ganda!
Dahil sa view ay nakalimutan kong may problema ako. Ganito lang naman kasi talaga ako, mababaw ang kaligayahan. At mababaw rin ang luha. Katulad ngayon, naiiyak ako. Kasi kahit pansamantalang nakalimot ang isip ko, hindi ang puso ko.
Pumikit ako habang sinasamyo ang hanging panggabi na tumatama sa aking balat. Pagkuwa'y huminga ako nang malalim at saka sumigaw. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Ganito pala talaga kapag isinisigaw mo ang hinanakit mo, gumagaan ang dibdib mo.
Humakbang ako pinaka terrace ng rooftop. Sisigaw pa ako. Ilalabas ko itong masakit sa dibdib ko, itong pumipiga sa puso ko, itong dahilan ng pagtulo ng mga luha ko. Bumuwelo ako at sumigaw. "Terrence Montemayor-Saavedra!!!"
Tinanggap ng hanging panggabi ang aking sigaw.
Humugot muli ako ng malalim na paghinga bilang pagbwelo. "Putangina mo!!!" Ayos! Gumagaan talaga ang loob ko! Isa pa. "Pakyu ka! Akala mo kung sino kang hari mukha ka namang kuwago!" sigaw ko pa na halos maglabasan na ang litid sa aking leeg. "Mas guwapo pa sa'yo iyong aso naming si Bayug! Mas matino pa siya sa 'yo! Mas mabait pa siya sayo, ulol!" Pero kulang pa rin.
Kulang na kulang pa. Kailangan ko pang mailabas ang lahat ng sama ng loob ko.
Bumuwelo ako at muling sumigaw. "Kakarmahin ka rin! Sana tubuan ng bungang araw iyang beklog mo at mangati! 'Tapos kakamutin mo hanggang magnana! Lumaki sana ang itlog mo hanggang sa mamaga!!!" Ang sarap sa pakiramdam! Itutuloy ko pa. "Magnanaknak at magiging pigsa!!! Hanggang sa pumutok at may lumabas na..." natigilan ako. Ano nga ba? "May lumabas na sandwich!!!" Sigaw ko nang makaisip ako ng kasunod.
Biglang may nagsalita sa likuran ko. "So that's how it goes..." Napakalamig ng boses at buong-buo iyon.
Napapikit muli ako at napangiti. "Yes! That's how it goes!" sagot ko nang bigla akong mapatalon. "Ay, inay ko po!" Nilingon ko ang lalaking nasa likuran ko at namilog ang mga mata ko nang mapagsino ko ito.
Si Jumbo!
Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya, pero iisa lang ang alam ko... na kahit medyo madilim ay ang guwapo niya pa rin!
"How did you bail out of the jail?" magkasalubong ang mga kilay na tanong niya sa akin.
"Ha?" halos hindi ako makapagsalita sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong ginagawa niya rito sa rooftop?
Nanginig ang mga tuhod ko nang humakbang siya papalapit sa akin. Kahit malayo siya, naamoy ko ang pinaghalong pabango at alak sa kanya. Saka ko napansin ang hawak niyang bote ng alak.
"Who bailed you out?" Ulit niya sa matigas na boses. Mula sa brown niyang mga mata ay nakikita kong gusto niyang pilipitin ang aking leeg. Napaatras ako sa takot na baka mawala siya sarili at mapatay niya ako.
"Jumbo... 'wag..."
Napahinto siya at kagyat na nagbago ang ekspresyon ng makinis niyang mukha. "J-Jumbo?"
Napanganga ako sa tanong niya. "Ha?"
Biglang lumamlam ang kanyang nanlalaking mga mata. "W-who are you?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro