Kabanata 3
Kabanata 3
"Pabili!!!"
NAPABALIKWAS ako ng bangon mula sa pagkakatulog. May bumibili. Pesteng Pektong 'to! Malamang ay siya na naman itong bumibili. Kahit kailan talaga, istorbo ang ungas na 'to!
Tinungo ko ang tindahan namin. "Ano na naman, Pektong?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Bakit ba ke-aga-aga eh - ang ganda mo?"
Napairap ako. Parang alam ko na eh. Mukhang mangungutang na naman ito. "Anong uutangin mo?"
"Pwede ba kong mangutang ng - pagmamahal..." nagpapa-cute pa si gago.
Ibang klase talaga bumanat ang kumag, ang korni! Ilang taon na bang nanliligaw itong si Pektong sa akin? Kumo't sya ang siga sa lugar namin ay sya lang din ang nakakalapit sa akin nang ganito sa kabila ng maliit nyang pangangatawan. Kataka-taka ngang bossing ito ng mga tambay dito sa amin eh.
"Ano, Rosenda? Namangha ka ba sa banat ko?"
Kumindat pa oh!
Napahalukipkip ako. "Bayug." Pabulong lang iyon ngunit narinig pa rin ng aso ko. Namataan ko na lang na hagad-hagad na nito si Pektong na kandarapa sa pagtakbo.
Napapailing na lang ako. Pero napalis iyon nang may maalala ako.
Naalala ko bigla si - Jumbo!
Naigupo pala ako ng antok dahil sa sarap ng yakap nya sa akin kagabi. Pero nasaan na kaya sya? Hindi ko napansin na nasa kwarto ko pa rin sya.
Ganun na lamang ang kaba ko kaya't patakbo akong bumalik sa kwarto. Baka makita sya nila Amang at siguradong yari ako. Malas nga lang at nakasalubong ko pa si Mama.
"Oh Rosenda? Bakit narito ka pa? Di ba may pasok ka?"
Tagaktak ang pawis ko. "Ah eh... m-masama po kasi pakiramdam ko..." pagdadahilan ko na lang.
"Aba eh, gawan mo ng paraan 'yan. Baka problemahin ka pa namin." Pagkatapos ay nawala na sya sa aking paninign.
Hindi ko na iniinda iyon, sanay naman na ako. Alangan namang mag-alala sila kung may sakit nga ako. Ano ako, si Ruby?
Balik ako sa paghahanap kay Jumbo. Pagpasok ko sa kwarto ko, hinanap ko sya sa lahat ng sulok. Wala. Hindi ko rin sya makita sa kusina at sala.
"Rosenda, akala ko ba may sakit ka? Eh bakit ang gaslaw mo?" sita sa akin ni Mama nang makasalubong ko muli sya.
"Ah eh... may hihnahanap po kasi ako." napansin kong nakabihis sya. "Aalis po kayo?"
"Oo." Tugon nya habang inaayos nya ang kanyang mga gamit. "Eh itong si Ruby, humirit pa. Mamasyal daw kami. Matitiis ko ba naman iyon."
Napayuko na lang ako. Ang swerte talaga ni Ruby. Nasasaktan na naman ako.
"Ginamit ko muna iyong puhunan natin sa tindahan. Palitan mo na lang sa sahod mo." Ni hindi na nya ako nilingon habang palabas na sya ng bahay. "Maglinis ka rito. Baka gabihin kami!" pahabol nya pa.
Paglingon ko sa kusina, tambak ang hugasing plato. Patung-patong rin ang kalat sa paligid.
And as usual, nakatanaw na naman ako sa kanila habang papalayo sila. Pero maige na rin itong umalis sila. Atleast, marami akong time para mahanap si Jumbo. Kaya naman nang mawala sila sa paningin ko, dali akong naghagilap sa loob ng bahay namin.
Pinuntahan ko ang kwarto ni Mama at Amang, wala ito ron. Ganu din sa kwarto ni Ruby at Dangdang. Nasaan kaya ito?
TING! Alam ko na! May naisip ako.
Agad akong gumawa ng sandwich at inilatag ko iyon sa mesa. Sigurado akong susulpot si Jumbo anytime kapag nakita nya itong sandwich na ito. At hindi nga ako nagkamali. Dahil mayamaya lang ay kinakain na nya iyon.
"Jumbo!" sigaw ko sa kanya. "Saan ka ba galing? Papatayin mo ako sa nerbiyos eh..."
Nakatingin lang sya sa akin habang ngumunguya.
Pinamulahan ako. Naalala ko kasi iyong panaginip ko. "Ah... Jumbo. Wag mo na ulit ako titingnan nang ganyan..." PLEASE LANG!
Ngunit mukha namang hindi nya ako nauunawaan. Tuloy lang sya sa pagnguya.
Pinamulahan ako. Ang tingin niya sa akin ngayon habang ngumunguya siya ay mainit-init. Tipong nakakapaso.
Lalo na kapag gumagalaw ang mapupula niyang mga labi habang nakatingin siya sa akin. Parang gusto ko tuloy siyang utusan na halikan ako. Mukhang tulad ni Jumbo ay nabaliw na rin ako. Ako na lang ang umiwas.
Ayoko na syang tingnan. Kung anu-ano kasing bagay ang pumapasok sa isip ko. "Jumbo kailangan mo ng umalis..." subalit iba ang sinasabi ng puso ko. Bakit ayaw ko siyang umalis?
Wala na naman syang imik na nakatingin lang sa akin.
Kailangan kong magpasya. Hindi pwede ang ganito. Hindi pwedeng ginugulo ng lalaking ito ang katinuan ko.
Pero hindi pa rin kumikilos si Jumbo, basta nakatitig lang siya sa akin. Naubos na niya 'yung sandwich na ginawa ko at mukhang ako na ang sunod na gusto niyang kainin.
"Jumbo naman... please. Umalis ka na..."
Hindi pa rin sya kumikilos. Nakatitig pa rin sya sa akin.
Napahagod ako ng tingin sa kabuuhan niya. Ang dungis niya na talaga ngayon. Pakiramdam ko ay nangangati na siya dahil puro grasa ang katawan niya. Nakaramdam naman ako ng awa.
Naalala ko ang aking lolo noong elementary ako. Naunang namaalam sa mundo ang lolo ko bago sa aking lola. Sa batang edad ko noon ay ako ang katuwang ng aking lola sa pag-aalaga kay Lolo noong naging bedridden ito. Ako ang tumayong caregiver ng matandang lalaki.
Grade 6 pa lang ako noon pero ako na ang nagpapaligo kay Lolo dahil hindi naman na ito kayang paliguan ni Lola. Mahina na rin kasi nang panahong iyon ang matandang babae. At alam na alam ko na mahirap sa pakiramdam ng lolo ko noon kapag marungis ang katawan nito.
Muli kong pinagmasdan si Jumbo. Kinakamot niya na ngayon ang leeg niya na may bahid ng grasa. Nakuha niya ang grasa na iyon noong sinagip niya ako mula sa mga lalaking may balak na masama sa akin... at sa sandwich ko.
Napabuga ako ng hangin at sumusukong nagsalita. "Okay, sige. Lilinisan muna kita."
...
MARAHAN KONG HINUBAD ang maruming damit ni Jumbo sa katawan nya. Inumpisahan ko sa suot nyang longsleeve. Naginginig ako. Bukod kasi sa aking lolo noon na inalaagan ko ay ito ang pangalawang pagkakataon na may huhubaran akong lalaki.
Syempre iba si Jumbo dahil hindi ko naman siya kaano-ano. Kahit pa nararamdaman ng puso ko na hindi masamang tao si Jumbo, hindi ko pa rin maiwasang hindi mabaliw sa mga oras na ito.
Gusto ko nang umatras pero nandito na ako e. Basta lilinisan ko lang talaga sya bilang pagtanaw ng utang na loob dahil iniligtas niya ako sa apat na tambay na muntik na akong gawan ng masama. Pagkatapos ko siyang linisan, paalisin ko na siya. Ganoon lang.
Ang kaso makakaya ko ba siyang linisan ng walang aberya? Saka bakit ba kasi walo ang abs nya?
Teka! Totoo ba 'tong nakikita ko? May eight pack abs siya?! Sunud-sunod ang paglunok ko na halos maubos na ang laway ko. Parang nauuhaw tuloy ako. Tinalikuran ko siya saglit para magdasal.
Sunud-sunod tuloy ang paglunok ko na halos maubos ang laway ko. Hanggang sa nauuhaw na ako.
Tubig! Tubig!
Rosenda kaya mo 'to! Kaya mo 'to at kakayanin mo. Humarap muli ako sa hubad nyang katawan. Pwedeng tumili?
Eeeeeeeeeeeeeee! Hayan okay na ko.
[ A novel by Jamille Fumah ]
Pero kailangan ko itong gawin, kawawa naman kasi siya kung hindi ko siya lilinisan, 'di ba? So ito, kahit nanlalamig ang mga palad ko ay sinimulan ko nang kalasin ang buckle ng kanyang sinturon at hinubo ang kanyang suot na pantalon. Napakagat-labi ako. Napakagat-labi muli ako.
Rosenda, ano ka ba? Si Jumbo lang iyan! Sige na, push mo na ang pagpapaligo. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Idinikdik ko sa utak ko na kahit may magandang pangangatawan at may walong pandesal ang lalaki ay wala namang malisya. Nagkakawang-gawa lang ako para sa kanya. Inaalala ko lang siya dahil wala siya sa kanyang tamang pag-iisip.
Okay, continue. Wala namang malisya.
Pwede naman akong pumikit eh. Pero hindi! Kapag pumikit ako, baka hindi ko ito mahubad ng maayos. Sige dilat ko na lang na tatanggalin ito. Napakagat-labi na naman ako. Ni hindi ko nga namalayang nagdurugo na pala ang labi ko sa kakakagat ko non.
Focus, Rosenda! Focus! Isa. Dalawa.
Hindi ko kaya. Lumayo ako sa kanya.
Sa hitsura ni Jumbo, tila wala naman syang pakialam. Abala pa rin sya sa sandwich na kinakain nya.
Ipinilig ko ang aking ulo. Waka akong dapat isipin na kahit ano kung hindi ang malinisan lang siya.
"Okay, Rosenda... relax ka lang. Lilinisan mo lang sya at pagkatapos - paaalisin mo na sya. Ganoon kadali, Rosenda..." kausap ko sa sarili ko habang itinutulak ko sa Jumbo papasok ng banyo.
Pagtanaw lang ito ng utang na loob. Pagkakawang gawa na rin. Pagkatapos nito, amanos na kami.
"J-Jumbo, wag kang malikot ha... papaliguan kita."
Tumango lang sya na para bang naiintindihan nya ang sinasabi ko.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ang cute nya kasi.
OKay, iisipin ko na lang na baby ang papaliguan ko.
Pagkatapos ay binuhusan ko na sya ng isang tabong tubig. Anyway, gumamit ako ng towel sa pagkuskos sa katawan niya. Hindi ko kaya ang skin to skin, baka dito na matapos ang buhay ko.
"Hmnnn..." napaungol sya.
Napalunok muli ako. Tubig! Pati tuloy itong tubig sa tabo nainom ko ng di oras.
"Jumbo..." napabulong ako nang mapatingin ako sa mukha nya. Nag-aalab kasi ang mga mata nya.
Napapiksi ako nang may narinig akong pagtawag mula sa labas. "Rosenda!"
Kinabahan na naman ako! Nakauwi na agad sila Mama? Patakbo akong lumabas ng banyo at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyong dumating.
"Hey, Rosenda. Kemesta ke?"
Haist. Si Lucas. Yari.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro