Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28


Kabanata 28

Ilang taon na ang lumipas. Ako iyong nang-iwan peroako ang luhaan. Pero nakakahinga pa naman. Lumalaban pa naman. Sa katunayan,moved on na ako at may bago na uling lovelife. Ay, old na pala ito. Nagcomebacklang. Ito iyong dati kong boyfriend na ipinangako ko sa sarili ko na hindi kona babalikan, pero ito at binalikan ko. Hindi sana siya ang gusto kong mulingmakasama, pero no choice ako kundi pakisamahan siya. Para sa pamilya, para sapagmu-move on at para sa ekonomiya, kahit isinuka ko na noon, nilunok ko ulitngayon


Napabuntong-hininga ako sa aking kinauupuan. Kaysa magmuni-muni, ito na lang na nasa harapan ko ngayon ang aking pagdidiskitahan. Hmn, not bad. Itsura palang kasi nitong nasaa harapan ko, katakam-takam na. Ang laki naman kasi nito at ang taba. Ang bango pa ng amoy.


Ano kayang klaseng hotdog ito?


Mayroon kaya nito sa palengke? Malamang may "Jumbo" sa pangalan nito.


Marahil ay nagkamali ang gumawa nito dahil hindi normal ang size nito. Pihadong busog na naman ako once na maubos ko ito. Nagugutom na kasi ako dahil kanina pa ako dito sa restaurant pero wala pa rin ang boyfriend ko. Ang walanghiyang iyon, lagi na lang akong pinaghihintay sa tuwing magkikita kami. Ngunit sa lahat, ito na yata ang pinakamatagal. Mantakin ba namang tatlong oras na yatang namamanhid ang puwet ko rito sa aking kinauupuan.


"Okay lang 'yan, Rosenda. Minsan lang naman kayo magkita ni Paolo. Isa pa, wala kang karapatang mahighblood sa kanya. Tambak ang utang mo sa kanya, remember?" parang tangang kausap ko sa sarili ko.


Pero kung alam ko lang talaga na mali-late nang bongga si Paolo, sana ay nagpalate na lang din ako. Sana tumulong na lang muna ako kay Mama sa paglalaba. Hindi naman kasi maasahan ngayon ang kapatid kong pangalawa na si Ruby, dahil bumalik na naman ang hika niya nong magback to school siya. Ang bunso naman naming si Dangdang ay galing lang sa lagnat. Nilagnat sa thesis.


Akma na ulit akong susubo sa hotdog nang matanaw ko sa mirror wall si Paolo. Sa wakas, dumating na rin siya. Kaiibis niya lang ng kanyang kotse at diretso ang tungo niya sa entrance ng kinaroroonan kong resto.


Padabog siyang pumasok sa glassdoor at diretso agad ang mga hakbang na pumunta sa table ko. Nginitian ko siya pero simangot ang isinukli niya sa akin. 


"Damn it, Rosenda! Bakit naiwala mo na naman?!" Namumula ang buong mukha niya. At sa lakas ng boses niya ay alam ko na agad ang dahilan ng ikinagagalit niya.


"A-ano kasi, Paolo..."


"Anong ano kasi? Lahat na lang ba ng ibibigay ko sa 'yo, iwawala mo?!" Inihampas niya ang mga palad niya sa mesa. "Umamin ka nga, nawala ba talaga o isinangla mo?!"


Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan kami ng ibang diners. Maging ang mga waiter ay napatingin sa amin dahil sa lakas ng boses niya. But knowing Paolo, kapag galit, hindi niya alintana ang mga tao sa kanyang paligid. Maging sino pa man ang mga 'yan.


Hindi ko naman isinangla. Talagang nawala lang iyon dahil hindi ko namalayang nahulog iyon mula sa daliri ko. Maluwag kasi iyong singsing tapos lalo pang lumuwag dahil namayat din ako. Saka kahit naman isangla ko iyon, hindi rin naman tatanggapin sa pawnshop iyon dahil sa normal na silver lang iyong singsing na bigay niya sa akin. Gusto ko sanang mangatwiran sa kanya ang kaso ayaw na ayaw niya kapag sinasagot ko siya.


Mayamaya'y dinuro niya ako sa noo. "This is the third time, Rosenda! Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa mga singsing na binibili ko sa'yo!"


Napayuko na lang ako kahit napapahiya na ako.


Lumapit sa amin ang isang crew. "Sir, ano pong nangyayari dito?"


"Shut up! Mind your own business!" pagkabulyaw niya rito sa lalaki ay hinila niya ako palabas. Halos kaladkarin niya ako sanhi para pagitinginan kami ng mga miron.


"Paolo, nasasaktan ako..."


Humarap siya muli sa akin para dutdutin nang may diin ang aking noo. "You, bitch! Sinasayang mo ang pera ko!" pagkasabi'y hinila niya muli ako hanggang sa maibalibag niya ako papasok ng kanyang sasakyan.


Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Bukod kasi doon sa hotdog na hindi ko man lang naubos ay talagang nahihirapan na ako kay Paolo. Ayoko na. Hirap na hirap na talaga ako. Nagsisisi na akong nakipagbalikan ako sa kanya.


Magaling lang siya nong sinusuyo niya ako para bumalik sa kanya. Magaling lang siya nong nangako siya sa aking magbabago na siya. Magaling lang siya nong sinabi niyang magsisimula kami ng bagong buhay na masaya. Pero lahat ng iyon ay hanggang salita lang pala. At ako naman na buang na agad na naniwala sa mga boladas niya.


Nang makapasok siya sa driver seat ay agad nyang binuhay ang makina ng kotse. Pinaharurot niya ito habang ilang beses siyang napapamura. Ang kanyang mga mata ay nakapirmi lang sa daan. "Alam mo ba kung gaano na kalaki ang utang ng pamilya mo sa akin?"


Sabi na, eh. Manunumbat na naman, eh.


Ganto naman siya palagi kapag nag-aaway kami. Ipinapamukha niya sa akin na wala akong kakayahang iwan siya dahil hawak niya sa leeg ang buo kong pamilya. Kung sana kaya kong maibalik ang nakaraan para hindi ko na nagawa iyong mga mali kong hakbang. Pero ano pa ang magagawa ko ngayon?


Kung hihiwalayan ko siya, baka gawin niya ang banta niya na ipapakulong niya ang mama at stepfather ko. Nagkautang-utang kasi kami kay Paolo nong na-dengue ang bunso kong kapatid na si Dangdang. Wala kaming choice kundi lumapit kay Paolo dahil wala namang ibang magpapautang sa amin ng malaking pera sa maiksing panahon lang. At unang pag-utang na iyon ang naging daan sa mga sumunod pa naming utang sa kanya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na baon na ang buong pamilya ko sa utang na loob kay Paolo.


Hindi namin kayang kalabanin si Paolo. Napakadali na lang sa kanya na magpakulong ng tao sa impluwensiya ng daddy niya na governor na ngayon sa lugar namin. At alam ko na hindi siya magdadalawang isip na paluhurin sa putik ang pamilya ko kapag umatras ako sa kasal naming dalawa.


Nang makapasok siya sa driver seat ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse. Pinaharurot niya ito habang ilang beses siyang nagmumura. Ang kanyang mga mata ay nakapirmi lang sa daan kaya hindi niya nakikita ang pagluha ko. 


"Bukod pa sa utang ng pamilya mo ay may mga utang ka rin sa akin. Baka hindi mo alam kung magkano iyong mga pagkain at mga gamit na dinadala ko sa inyo noon. Saka iyong mga damit at bag na niregalo ko sa 'yo saka sa mama mo, kapag kwinenta lahat iyon, baka lampas isangdaang libo na."


Napayuko ako sa panliliit. Kung alam ko lang na pati ang mga regalo niya kay Mama ay isusumbat niya, sana ay hindi na namin iyon tinanggap kahit pa magtampo siya.


"Bukod pa iyong utang mo sa'kin dahil sa mga bigay ko sa'yo na hindi ko alam kung saan napupunta."


Lalo akong nanliit. 


"At wag mo ring tangkaing ideny sa akin na iyong ibang damit na ibinigay ko sa 'yo ay hindi mo ibinenta."


Tama naman siya. Iyong mga magagandang damit na inireregalo niya sa akin ay naibebenta ko minsan. Kahit ayaw ko ay wala akong pagpipilian. Nangailangan lang talaga ako dahil matapos manganak ni Ruby ay nag-maintenance pa siya. Tapos sakitin din si Baby Quiro habang lumalaki ito. Hindi naman siya sakop sa ibinigay sa'king financial support ni Madam Aria kaya kailangan kong dumiskarte. Mabuti na nga lang ngayon at hindi na nagkakasakit ang batang lalaki. 


Napapikit ako matapos kong humugot ng malalim na paghinga. Magtitiis ako. Magtitiis ako habang buhay para sa pamilya ko. Humawak ako sa braso ni Paolo. "Sorry na..."


Nanatili ang kanyang mga mata sa windshield. "Sorry rin. Mahal lang naman kita kaya gusto kitang disiplinahin."


"H-hindi na mauulit. Sorry na, Paolo."


"All right." Bahagya siyang ngumiti. "Hindi rin naman kita matitiis, Rosenda. Alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babaeng sa mundo, ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit mas marami namang mas maganda, mas sexy at mas matalino sa 'yo, sa'yo pa rin talaga ako bumabalik. Kahit pa mahirap ka lang at pathetic ang pamilya mo, hindi pa rin kita magawang bitawan."


Nagtagis ang mga ngipin ko ngunit hindi ko na lang ipinahalata sa kanya. Sinikap kong ngumiti upang maganda ang tunog ng boses ko. "Salamat sa lahat, Paolo."


"Make it up to me, Rosenda."


"Sige. Kung gusto mo, manood tayo ng sine at mamasyal—"


"Hindi iyon ang gusto ko." Sumimangot siya. "Alam mo namang namiss kita nang husto dahil ang tagal ko sa Maynila. Gusto kitang masolo."


"Solo naman tayo ngayon, ah?"


Inihinto niya ang sasakyan. Nakita kong gumalaw ang kanyang Adam's apple. Nanatili ang kanyang mga mata sa windshield. "Let's have sex'." 


Namilog ang mga mata ko. 


Tumingin siya sa akin at nagbago ang kanyang mukha. "I want you, here. Right now."


Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. "B-bakit hindi na lang sa honeymoon natin. M-malapit na rin - "


"Anong pinagkaiba ng ngayon at after the honeymoon?" Nagdilim ang mukha niya. "Saka matagal pa ang kasal natin, medyo busy pa ako."


Pinagpawisan ako nang malapot. "Pero, Paolo sana sa honeymoon na lang..."


"'Sabi ko na nga ba tatanggi ka na naman!"


"Paolo naman..."


"Shit'!" hinampas niya ang manibela. "Four years na tayo, Rosenda. Pero hanggang ngayon, tinatanggihan mo pa rin ako! Why?!"


Naluluhang nakagat ko ang aking ibabang labi. Unfair ba ako dahil ayaw ko siyang pagbigyan? Pero iyon ang nararamdaman ko, ayaw kong magpagalaw sa kanya kahit na ikakasal na kaming dalawa. Ayaw ko, hindi pa ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.


At isa pang dahilan kaya natatakot akong may mangyari na sa amin ay dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang hindi siya ang nakauna sa akin. Natatakot akong malaman niya na hindi na ako malinis. Paniguradong isusumpa niya ako kapag natuklasan niya na may ibang lalaki nang dumaan sa buhay ko. At oo, ganoon kakitid ang utak ni Paolo.  


Nagsalubong ang kilay niya. "Get out."


"Ha?"


"Get out of my car, Rosenda." Galit nyang utos sa akin.


Napalinga ako sa paligid at ganoon na lang ang kaba nang makitang nasa liblib kaming kalsada. "P-pera, Paolo... malalim na ang gabi..."


"Get out!" sigaw niya.


"Paolo, please..." lumiit ang boses ko.


"Get out, I said!" sigaw niya.


Napalinga ako sa paligid at ganoon na lang ang aking kaba nang makitang nasa liblib kaming kalsada. "P-pero, Paolo... malalim na ang gabi..."


"We're through, Rosenda. I'm so tired of you. Pakihanda na lang ang pera na bayad sa mga utang niyong pamilya sa akin. I don't wanna see you again."


Nag-igting ang mga ngipin ko at padabog akong umibis ng sasakyan niya. Pagkababa ko'y wala siyang lingon na pinaandar ang kotse palayo sa akin. Na para bang wala siyang pakialam kung ano mang masama ang mangyari sa akin. Parang ayoko na. 


Hirap na hirap na talaga ako sa ugali niya. Kung ganito palagi ang gagawin niya sa akin sa tuwing mag-aaway kami ay baka hilingin ko na lang na kunin na ako ni Lordie. Kaso paano naman ang pamilya ko? Si Mama? Si Amang? Si Ruby at si Dangdang? Si Baby Quiro?


Si Baby Quiro... ang aming baby boy.


Napangiti ako sa gitna ng pagluha ko. Ang cute kasi talaga ng batang iyon.


...


BAKIT KAYA ANG ingay sa bahay namin? May mga tumitili at humihiyaw. Mayroong nagdadabog at napapasigaw. Kinabahan ako kaya patakbo kong tinalunton ang daan patungo sa aming pintuan. "Anong nangyayari di - " napatigagal ako.


Lintek, nanonood lang pala sila ng TV. Akala ko kung anong masama na ang nangyayari.


Napahalukipkip ako. Para kasing hindi nila pansin ang presensiya ko. "Ahem!" tumikhim ako.


Heto at nakatutok pa rin sila sa screen ng TV. Ano ba kasi ang pinapanuod nila? Ah, kaya naman pala. May live concert ang Black Omega Society band.


Kilalang-kilala lang naman ang bandang ito hindi lang sa bansa namin. Kahit mga matatanda ay namimilipit sa kilig kapag nag-perform na ang bandang ito sa harapan ng stage. Pati nga itong si Mama, oh, napapatalon pa. "I love you, Santi!!!"


Si Mama? Seryoso?


Sus! Tanda na, eh.


Nangingibabaw naman ang boses ni Dangdang. "Cloud, akin ka!" para siyang kiti-kiting kinikiliti.


Pero hindi nagpapatalo si Ruby. "Wah! Macoy!" halos sakalin niya na si Bayug dahil yakap niya ito habang kinikilig siya.


Si Amang naman ay pasimple sa aking likuran. "Basta ako, kay Kyo. Siya kasi iyong pinakaguwapo."


Naman! Pati ba naman siya?


Hinahagod niya ang kanyang manok habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa telebisyon.


Si baby Quiro lang ang nakapansin sa akin. "Nanay Sendang!"


At nang mapalingon sila sa akin, nagpaunahan silang patayin ang TV. "D-dito ka na pala, Rosenda? Bakit ginabi ka na?" Sita sa akin ni Mama.


Yumakap sa akin si Quiro at hinagkan ko siya. "Ako nga po dapat magtanong sa inyo. Malalim na ang gabi, bakit gising pa ho kayo?"


Nagkatinginan silang lahat. "A-ah, wala ate. P-patulog na rin sana kami." Kandautal pa si Dangdang bago siya bumaling kay baby Quiro. "Baby Quiro, punta na kay Nanay Ruby para matulog." Utos nito sa bata.


Pinagmasdan ko silang lahat. Kita ko sa mga mata nila ang labis na pag-aalala dahil alam nilang nasilayan ko ang pinapanood nila. Hindi naman nila maitatago sa akin habang buhay ang lalaking minsan ay iniyakan ko talaga. Si Terrence Montemayor Saavedra, ang lead vocalist ng bandang Black Omega Society at si Jumbo ay iisa. Alam ko iyon noon pa.


Paano ba namang hindi, eh laman lagi siya ng mga pahayagan mapa-internet man o telebisyon. Hindi ko na rin mabilang sa daliri ko kung ilang pelikula na ang kinatampukan niya na humakot sa takilya. At kahit saang building ako tumingin, hindi nawawala ang mga billboards niya. Na kulang na lang ay ipamukha niya sa akin na ang tanga ko, bakit iniwan ko siya.


Oh, phewlease!


As if naman na ako ang dahilan kung bakit nakabandera ang buong pagmumukha niya sa lahat ng malingunan ko.


Bumuga ako ng hangin bago ko sila muling hinarap. "Makinig nga kayo sa'kin..."


Napatingin silang lahat sa akin.


Matagal bago ako nakapagsalita. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin. "Move on na ko sa kanya... okay?"


Napalunok silang lahat.


"Ikakasal na ako kay Paolo sa susunod na buwan kaya... limot ko na siya..."


Pero bakit masakit pa rin? Bakit ang sakit-sakit pa rin?


Pinilit kong makapagsalita. "Okay na ako... okay na okay na ako..." panaka'y tinalikuran ko na sila at dumerecho na ako sa kwarto. Bumagsak ang katawan ko sa higaan at saka isinubsob ang mukha sa aking unan. Humagulhol ako.


Hindi pa. Hindi pa ako okay.


Masakit pa rin pala, kaya hindi pa ako okay.


Ilang minuto lang ay umangat ako. Sa katabi kong tukador ay binuksan ko iyon. Kinuha ko ang isang ticket doon. Ang tawag dito ay Black Ticket.


Ang Black Ticket ay isang entry na mabibili lamang ng unang isang milyong tao na bibili ng produkto na ini-endorse ni Terrence tuwing ika-Nobyembre ng taon. Oo, isang milyon! Ganoon kasikat ang kanilang banda. Isang ticket lang sa isang tao ang rule. At kung bakit sa daang milyong umaasa na makabili nito ay nagkakaroon sila Mama dahil malakas ang kapit ni Paolo bilang executive producer. Si Paolo ang naging tulay nila para madali silang makabili nito dahil hindi naman lingid sa kaalaman namin na producer siya ng isang pelikulang industriya.


Isang beses lang sa isang taon nagaganap ang pagpili sa unang isang milyong tao na magkakaroon ng Black Ticket. Isang tao lang din ang mapipili mula sa milyong kataong ito sa pamamagitan ng palabunutan. Sa pamamagitan ng numero na nakatatak rito ay matutukoy ang mabubunot. Ang mananalo ay malaki ang premyo. Makaka-date lang naman si Terrence Montemayor Saavedra sa Montemayor Ship ng isang araw, which is pangarap ng sinuman, kasama ng kanyang banda.


Walang kaso kung babae man o bakla, may komplikasyon o wala. Basta kapag nabunot ka, ikaw ang pinagpala.


Lingid sa kaalaman ng pamilya ko, bukod sa kanila, taun-taon ay humihingi rin ako nito kay Paolo. Hindi ko rin maintindihan kasi ang sarili ko. Hibang pa rin akong nangangarap na sana, isang araw, mapili ako.


Namalayan ko na lang na pinupunit ko itong ticket. Bakit pa ako aasa? Hindi ako bida na tulad sa isang telenovela para pagpalain ni Lordie at biyayaan ng himala. At saka baliwala na rin naman kahit punitin ko pa ito. Tiyak naman na hindi itong ticket ko ang mabubunot bukas sa Annual Draw.


Nilukot ko ito at ibinato sa labas.


...


TINANGHALI AKO NG gising. Tapos na kaya ang Annual Draw? Mukhang tapos na nga. Kasi kung hindi pa, eh di sana ay nakatanghod sa TV namin itong sila Mama habang yakap-yakap ang kanya-kanyang Black Ticket. Pero nasaan kaya sila? Bakit kaya walang tao dito sa bahay?


Palabas pa lang ako ng pintuan nang iluwa noon si Dangdang. Naghihihiyaw ito sa tuwa at mabilis niya akong hinila papasok. "Ate, may nanalo na! May napili na sa Black Ticket!"


Napalunok ako. Kunwari ay hindi ako interesado. "S-sino kaya iyong nanalo?"


Lumawak ang kanyang pagkakangiti. "Sabi sa TV, dalagang ina raw..."


Parang biglang may pumilipit na bakal sa aking puso. Bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot sa isiping hindi talaga ako iyon. Taun-taon naman ganito pero taun-taon ko pa ring nararamdaman ito. Sinikap kong magpanggap na masigla. "Sinabi ba kung sino?"


Humagikhik si Dangdang. "Oo." itinuro niya ang aking likuran. "Siya!"


Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ito. "R-Ruby?"


Nangingiyak-ngiyak si Ruby habang yakap niya ang kanyang Black Ticket. "Oo, Ate. Hindi ko akalain na suswertehin ako. Hindi ko naman sinasadya na makatiyamba ako ng ticket sa pagbili ko ng T-shirt para kay Amang nong birthday niya e. 'tapos ito, o, may ticket ako."


Tulala lang ako sa kanya.


Impit akong napaiyak. "Congratulations..." hindi dahil masaya ako. Kundi dahil naiinggit ako.


Buti pa siya, makakasama si Terrence Montemayor Saavedra. Samantalang ako, mukhang hanggang pangarapan na lang talaga.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro