Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 26

"SO, ISASAULI MO na talaga si Jumbo?" tanong sa akin ni Maxine habang pinagmamasdan naming nakikipaglaro si Jumbo kina Dangdang at Bayug. Tumingin siya sa akin na para bang nanimnimbang ng magiging reaksyon niya. "Sigurado ka na ba dyan, Rosenda?"



Tinanguan ko siya kahit hindi ito ang inuutos ng aking puso. Sa totoo lang, hindi ako sigurado. Pero isa lang ang alam ko. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng hypoplastic left heart syndrome ang bata sa sinapupunan ni Ruby dahil siya mismo ay may congenital disease during her childhood. 


Multiple surgeries ang kakailanganin kapag naipanganak na niya ang bata. Ang masakit non ay hindi naman cure ang operasyong ito bagkus makakatulong lang na ma-restore ang heart fuction sa iluluwal niyang sanggol.



Nanghihina akong napasandal, wala kaming pera. Nasa private hospital pa naman si Ruby dahil gusto naming siguraduhin ang kaligtasan niya. Hindi simpleng halaga lang ang kakailanganin namin dahil sa kanyang unconditional bleeding. At tiyak na mababaon kami sa utang kung may mauutangan man. Kaya wala akong choice kundi–



"Wala kang choice kundi ang isauli si Jumbo, tama ba?" untag sa akin ni Maxine.



Napayuko ako at hindi makapagsalita.



Sumeryoso ang kanyang mukha. "Rosenda, isa kang alamat ng maharot. Wala ka nang maitatago sa akin. Alam ko ang dahilan kaya mo isasauli si Jumbo sa mga Montemayor-Saavedra."



Napalunok ako ngunit dinig ito. Nakita ko sa mata niya ang pakikisimpatya sa kalagayan ko.



"Kailangan ko ng anda, Maxine..." Nangilid ang luha sa mga mata ko.



Hinimas niya ang braso ko. "Pero paano ang puso mo?"



"Uunahin ko pa ba ang puso ko? Dalawang buhay ang sasagipin ko, hindi lang isa." Napaiyak na ako.


Akala ko kaya kong maging selfish kahit minsan lang sa buhay ko, hindi pala. Hindi ko pa rin pala kayang talikuran ang pamilya ko...


"Napakabuti mong anak at kapatid, Rosenda. Iba na ang title mo ngayon, hindi na Alamat ng Maharot kundi Alamat na ng Martir na Maharot..." Niyakap niya ako agad at inalo. "BFF, I'm so proud of you."



"Kailangan ko siyang isauli, Maxine. Pero natatakot ako na baka hindi na siya bumalik..."

 

"I know... It's really a big wrist, isn't it?"



Big risk. Hmp! Umiiyak na ako, naudlot tuloy ang hikbi ko.



Pero naiiyak pa rin talaga ako. Mabilis akong kumalas sa kanya. "Ikaw na ang may sabi, Maxine. Kapag isinauli ko si Jumbo ay malaki ang posibilidad na gumaling siya. Isa pa, kahapon nang makita kung gaano kamiserable ang mommy niya bigla akong nakonsensiya. Hindi ko kayang itago si Jumbo dahil alam kong may ibang tao akong nasasaktan at pinapahirapan."



"Rosenda, nakapa-selfless mo talagang bruha ka." Hinawakan niya ako sa kamay.



Huminga ako nang malalim. "Sana lang ay wag akong kalimutan ni Jumbo. Sana lang ay bumalik siya sa akin kapag gumaling na siya."



Tumangu-tango siya. "Hindi naman siguro ipagkakait sa 'yo ng mga Montemayor-Saavedra ang kalayaan na makita si Jumbo, di ba?"



Ngumiti ako habang pinupunasan ko ang aking mga luha.



...



HINDI KO NA tinawagan ang contact number na nasa calling card na ibinigay sa akin ni Merdie dahil pihado akong magpadala agad ng mga tauhan ang si Madam Aria sa amin at posibleng kunin si Jumbo sa akin once na ginawa ko iyon. Itinago ko rin si Jumbo kina Maxine dahil alam kong may ilan sa aming mga kapitbahay ang nakatanda sa mukha niya nang masunog ang bahay nila Mama. Maswerte na nga lang kami at walang media na dumating nang mga panahong iyon or else, na-televise pa kami at malamang ay maraming makakaalam kung nasaan ang nawawalang Montemayor.



Dahil may address naman na naka-indicate sa calling card ay hindi na ako mahihirapan kung saan pupuntahan si Madam Aria. Ipapakiusap ko rin kasi sa kanya na kung pwede, habang nagpapagaling ang anak niya ay nasa tabi ako nito. Ayaw ko kasi talagang mawalay kay Jumbo at ang gusto ko sana ay hindi niya ako makalimutan oras na gumaling siya.



At siyempre, hindi ito magaganap kung wala ang tulong ng aking team. Si Maxine as my driver; sasakyan niya na itinakas niya pa sa bahay ng parents niya, at si Pektong; na magsisilbi naming mapa dahil dati pala itong taxi driver.



Bumungad agad sa akin si Pektong na naghihintay sa labas ng sasakyan. "Rosenda, alam mo bang napanaginipan kita kagabi." Surgical mask is a must. Ang baho, eh!


Yamot na tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Anong napanigipan mo?"

 

Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin. "Namatay daw tayong dalawa. Tinanong tayo ni San Pedro kung sino sa atin ang dapat mapunta sa langit. Isa lang daw kasi ang pwede."



Pumasok ako sa passenger seat katabi si Maxine na nasa driver seat.


"Oh, tapos. Ano raw nangyari, Toothless?" si Maxine na ang nagtanong.



Nagmamadali na ring pumasok si Pektong sa backseat. "Sabi ko, si Rosenda na lang. Okay na ako sa impyerno." Napahagikhik siya na para bang kinikilig. "Alam niyo kung bakit ganon ang sinabi ko kay San Pedro?"



Nanlalatang tumugon si Maxine. "Dahil tinubuan ka ng sungay sa gilagid?"



Pigil na pigil ang pagtawa ko. At least kahit paano ay pinapagaan nila ang loob ko.



Sumimangot si Pektong kaya bumawi si Maxine. "Eh, bakit nga ba ganoon ang sinabi mo, Pektong?"



"Kasi, sabi ko kay San Pedro, noong nasa lupa pa ako ay ginawa ng heaven ni Rosenda ang buhay ko. Ha-ha!"



"Oh, my! Kinilig ako!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Maxine kahit halata namang sarkastiko ang tinig niya. "Ikaw ba, Rosenda, kinilig ka?"



Napapangiti na lang ako. Nagtama pa ang mga mata namin ni Pektong sa rearview mirror ay kinindatan niya ako. "Ayos ba ang banat ko, Rosenda?"



Ayos lang. Malapit na kitang banatan.



...



ISANG ORAS YATA bago kami nakarating dito sa building ng Saavedra Hotel sa Cebu. Isa iyong high-end hotel. Hindi pa kami papasukin ng mga guards kung hindi ko pa sinabi ang tungkol kay Terrence. Pinaakyat nila ako agad sa presedential floor. Samantalang sila Maxine at Pektong naman ay nagpaiwan na lang sa lobby.



Nang bumukas ang pinto ng elevator ay bumungad sa akin ang isang maespasyong suite. Mayroon itong nakakasilaw na marmol na sahig at malawak na salamin sa paligid. May isa lang itong brown na couch at babasaging mesa ilang hakbang ang layo sa amin. Napatanga pa ako ng ilang mga segundo bago ako iginaya papasok ng mga bodyguard na kasama ko.



Nabigla na lang ako nang may biglang humablot sa aking buhok ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa. Isang babae ang sumabunot sa akin at kinaladkad ako. "You, bitch!"



Inawat agad siya ng mga unipormadong lalaki na kasama ko. At nang mailayo siya nila sa akin, animo siyang isang mabangis na hayop na gustong-gusto pa rin akong sugurin. Mabuti na lang at nahawakan na siya ng mga kasama kong lalaki.



Sino ba ang babaeng ito? Ano bang nagawa ko sa kanya? Mukha naman siyang edukada at sopistikada pero bakit parang kung atakihin niya ako ay masahol pa siya sa walang pinag-aralan?



Isang boses ng babae na mula sa aming likuran ang nakapagpakalma sa kanya. "That's enough, Sadie!"



Namilog ang mga mata ko nang mapagsino ito. Isang maganda at sosyal na ginang ang nakatayo sa harapan ko.



Si Aria Montemayor-Saavedra!



Salubong ang mga kilay niya habang may hawak siyang goblet. "Take her out of here. Now!" ma-awtoridad niyang utos sa mga naka-uniform na lalaki.



Walang imik naman itong Sadie na binitbit ng mga ito. Pagkatapos ay patakbo akong nilapitan ni Aria. "Jesus Christ! Are you all right?" Biglang umamo ang timbre ng kanyang boses.



"Okay lang po ako," tugon ko sa kanya habang sinusuklay ko ng aking mga daliri ang aking nagulong buhok.



Hinila niya ako palapit sa sofa. "Please, hija. Have a seat."



Nang makaupo ako ay umupo siya sa aking tabi bago niya ilapag sa mesang babasagin ang kanyang hawak na kopita. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi ko naman expected na may aatake sa akin pagpasok ko rito.



"I'm really sorry about Sadie."

 

"Okay lang po."



Ngumiti siya sa akin. "Anyway, what's your name, hija?"



"Rosenda po," kiming sagot ko.


Humawak siya sa kamay ko. "You want a drink?"



Umiling ako sa kanyang tanong. Ang ganda niya sa personal kahit pa may edad na siya. Nawiwindang tuloy ako lalo na't magkalapit lang kami. Napakaganda ng mommy ni Jumbo, kaya naman pala ang guwapo-guwapo niya.

 

Lumungkot ang kanyang mga mata. "You're here because, you know where my son is, right?" Dama sa kanyang boses ang kaba.



Nakapagat-labi ako bago ko siya tugunin. "Nasa akin po siya."



Bigla siyang napaiyak habang tutop niya ang kanyang bibig. "Oh, God... how is he?"

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang kalagayan ni Jumbo. Matagal ako bako nakasagot sa kanya. "M-medyo may problema po sa kanya..."



"What do you mean?" Napalunok siya nang mariin.



Umiwas ako nang tingin sa kanyang mga mata. "M-may sakit po siya..."



"Anong sakit niya?" tanong niya agad.



Napayuko ako. "I-isip bata po siya... bumalik siya sa pagiging isip-bata..."

 

Napatayo si Aria at nagpalakad-lakad siya sa harapan ko. "H-hindi naman siya baliw?" Nanginginig siya.



Umiling ako. "Hindi naman po kasi, may mga times na nauunawaan niya ako. Pero isa lang po ang sigurado ko..." napahugot ako ng hangin. "Wala po siyang maalala..."



"Oh, God... Oh, God..." nag-ulap ang mga mata niya. Lumipas pa ang minuto bago siya muling nakapagsalita. "N-nakakapagsalita ba siya?"



"Dalawang salita lang po..."



Napapikit si Aria. "Maybe because of his accident. Sumabay pa siguro iyong traumatic brain injury niya noong bata pa siya. Or..." palakad-lakad lang siya habang nagsasalita. "He broke down because of too much emotional distress and depression. Sunud-sunod kasi ang dagok sa buhay niya this past year."



Hindi ko maiwasang magtanong. "Nagkaroon po siya ng malaking problema?"



Umupo muli si Aria sa aking tabi. "Parehong nasa ospital ang kuya at ang daddy niya noong mawala siya. Inatake sa puso ang asawa ko noong na-coma ang Kuya Leo ni Terrence. At nalaman pa niya na nabuntis ng iba ang fiancée niya."


Parang kumirot biglang ang dibdib ko sa part na may fiancée si Jumbo dati.



"Maybe he's too weak during those times pero hindi ko napansin." Humawak muli siya sa aking kamay. "Hindi siya marunong magsabi ng saloobin. At masyado rin akong naging busy sa kuya at sa daddy niya."



"Ilang taon na po bang wala si Terrence?" nagtanong pa ako.



"Isang taon na."

 

"Bakit ngayon niyo lang po siya hinanap?"



Napabuga siya ng hangin. "Nagpaalam siya sa akin na magbabakasyon lang siya. I was too busy then with our businesses dahil wala akong katuwang. I tried to call him but he never answered. So, I gave him space because I thought it was what he needed. Pero bigla akong nakatanggap ng balita na may kotse na nakita rito sa Cebu. And when I saw the car, I knew it was his. Dito ko lang napagtanto na may nangyari sa kanyang masama kanya..." hindi na siya nakapagsalita dahil napahagulhol na siya.



Namalayan ko na lang na nayakap ko na pala siya.



Humarap siya sa akin na tigmak na siya ng luha. "I need to see him..."



Nag-ulap na rin ang paningin ko bago ako tumango. Binasa ko ang aking mga labi. "M-may gusto pa po sana akong itanong..."



"Sure, hija."



"Iyong babae po kanina, bakit po siya galit sa akin?"



Napailing siya. "She's Sadie. Please understand her. Magulo ang isip niya dahil sa nangyari kay Terrence. Nang maka-receive kami ng tawag mula sa groundfloor na narito ka nga at binanggit mo ang tungkol sa nawawala kong anak, siya agad ang nagpaakyat sa'yo rito. I don't have an idea na aatakihin ka niya. Akala niya siguro ay tinago mo ang fiancé niya."



Napatigagal ako. "F-fiancé po?"



"Yeah. Si Sadie iyong tinutukoy kong dapat pakakasalan ni Terrence. But their wedding was canceled dahil nalaman ng anak ko na buntis si Sadie ng mga panahong iyon sa ibang lalaki. Pero kamakailan lang ay nagpakita ulit si Sadie sa akin at hinahanap si Terrence dahil may hatid siyang balita."

 

"A-ano pong balita?" kandautal ako.



"My son is the father of her child. Hindi totoong nabuntis siya ng ibang lalaki."



"Po?" pakiramdam ko ay mabubuwal ako.



Napangiti siya. "Terrence has a one-year old son, Rosenda. And I'm sure na matutuwa siya once na malaman niyang may anak sila ng babaeng pinakamamahal niyang si Sadie."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro