Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 24

NADATNAN KO SI Jumbo na nakatanghod sa isang pader paglabas ko ng ukay-ukay kung saan namili kami ng karagdagan niyang damit na isusuot. Nang lapitan ko siya ay doon ko lang nakita na isa palang poster ang tinitingnan niya.

Natigilan ako nang makita ko kung ano ang nasa poster. Photo iyon ng Montemayor Cruise at ng isang babaeng naka-uniform ng pangkapitan sa tabi nito.

"Jumbo..." maya-maya ay bulong ni Jumbo. Titig na titig siya sa picture ng malaking kulay puting barko na nasa daungan.

Nang tingalain ko siya ay kitang-kita ko ang pagniningning ng kanyang mga mata habang nakatitig siya sa poster. Hindi ko siya masisisi, kahit ako ay natutulala sa ganda ng barkong ito na tanging mayayaman lang ang may kakayahang makasakay.

Humawak ako sa kanyang kamay. "Alam mo ba, Jumbo? Pangarap kong makasakay sa barkong iyan."

Napatingin siya sa akin, nasa mukha niya ang pagtatanong.

"Jumbo, kahit sino naman ay gugustuhing makasakay diyan." Napayuko ako. "Pero para sa mahirap na tulad ko, hanggang pangarap na lang siguro ang makatungtong sa isang luxury ship na tulad niyan."

Bumaling muli siya sa poster at itinuro niya ang bold letters na binubuo ang salitang 'Montemayor'.

"Mga Montemayor ang may-ari ng barkong iyan. Sila ang isa sa pinakamayamang angkan na nabubuhay dito sa bansa natin." Paliwanag ko sa kanya habang ang aking mga mata ay kumikislap. "Hindi lang sila basta mayaman, Jumbo. Makapangyarihan din sila na kulang na lang ay ariin nila ang Pilipinas at asya."

"Jumbo?"

"Nakikita mo ba itong babaeng ito?" Itinuro ko ang babaeng nakadamit na pangkapitan. Lumang photo iyon, throwback. "Siya si Aria Montemayor-Saavedra, ang first child ng mga Montemayor. Nakikita ko lang siya sa commercial noong bata pa ako, noong may TV pa kami sa bahay. Mayaman siya, Jumbo. Siya at ang asawa niya ang unang kapitan sa Montemayor Cruise," kwento ko sa kanya na para bang nauunawaan niya ang sinasabi ko.

Tumagilid ang kanyang mukha at saka siya nagkamot ng ulo.

Wala sa loob na napatitig ako sa naka-side view na mukha ni Jumbo. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako na parang kamukha niya si Aria Montemayor-Saavedra. Ah, siguro dahil matangos ang ilong nila, saka iyong itsura nila, parang hindi purong Pinoy. Ah, baka nga ganoon lang.

Ipinilig ko ang ulo ko saka ko siya hinila sa kamay. "'Lika nga, may ipapakita ako sa'yo." Sumunod naman siya sa akin.

Dali kaming pumasok sa isang mall at patakbong sumakay ng escalator. Aliw na aliw si Jumbo sa mga nakikita niya sa paligid. Nang makarating kami sa pinakamataas na floor ng gusali ay tumanaw kami sa malaking salamin na bintana. Dito namin abot tanaw ang isang malaking billboard na kahit malayo ay para bang nasa harapan lang namin. Naroon ang isa pang picture ng Montemayor Cruise. Nanlaki ang mga mata ni Jumbo nang makita niya iyon ng buong-buo.

Binasa ko ang nakasulat na tagline sa ibaba ng poster. "Montemayor Cruise, the cruise of lost and found love..."

"Jumbo..."

"Ang sabi nila, kapag nakasakay ka sa barkong iyan ay maari mo raw makita ang taong nakatadhana para sa iyo. Ewan ko kung totoo o gimik lang. Pero iyon ang usap-usapan. Iyong mga sumasakay kasi diyan, pagbaba, may lovelife na. Kapag naman couple ang sumakay, pagbaba, mas in love na in love na sila sa isat-isa. Kapag magkaaway naman, pagbaba, nagkakasundo na. Astig, 'no?"

Kahit hindi umaalis ang mga mata niya roon ay alam ko namang nakikinig siya sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute niya pala kapag namamangha. "Gusto mo bang makasakay sa barkong iyan, Jumbo?"

Humarap siya sa akin at pinagkalooban niya ako ng matamis na ngiti. "Jumbo..."

Ang pogi!

Kinuha ko ang kanyang kamay at inilagay ito sa aking dibdib. "Uhmm..." bahagya akong natigilan. "Malaking pera ang kakailanganin natin para makasakay sa barkong iyan, pero sige. Nangangako ako na balang araw ay sasakay tayo sa Montemayor Cruise na iyan."

Pumaling lang ang ulo niya.

Nginitian ko siyang muli. "Gusto ko ring mangako ka, Jumbo."

Dinakot niya ang dibdib ko. "Papaya..."

Okay, gets ko na.

...

ILANG BLOKE LANG mula sa aming kasalukuyang inuupahan ni Jumbo ay matatanaw na agad ang bahay ni Manang Merdie na aming landlady. Hugis pagong din ito na tulad ng aming tinutuluyan. Dumerecho ako sa pinto at kinatok ko agad ito. "Tao po? Manang Merdie!"

Walang tugon kundi isang pag-ungol. "Uhmmm... tangina ang husay mo..."

Sino yon? Si Manang Merdie ba iyong umuungol?

Nagpatuloy ang pag-ungol. "Putragis ka, Chiboy! Ang bibo mo... ahmmm..."

Ano raw? Sinilip ko nga. Wala akong ibang makita kundi isang taong sibuyas na umaalon ang likuran. Puro tattoo ito sa katawan. Sa harapan ng lalaking ito ay may matandang babae. Si Manang Merdie! Ew!

Napa-ire pa siya. "Oh, Chiboy! I'm coming soon... how about you, pakyu? Hmnn..."

Pero hindi na nakatugon itong si Chiboy. Bigla na lang itong nangisay na para bang pinagbabaril sa likuran. "Watatatatatatata!" Nagmistula pa itong sinasapian.

Nakakakilabot! Ano bang ginagawa nila?!

Well, mukhang timing ang dating ko. Tapos na silang mag-tralala kaya e-entra na ako. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa pag-alis namin ni Jumbo sa kanilang paupahan. Kumatok muli ako. "Manang Merdie?!"

Segundo lang at bumukas ang pinto. "Sinabi nang hindi pa ko matanda!" Dagli rin namang nagbago ang kanyang mukha nang makita niya ako. "Oh, Rosenda. Ikaw pala... tuloy ka..." iginiya niya ako papasok.

Tabingi ang kanyang damit kaya naiilang ako. Ganito rin ang bumungad sa akin nang makita ko itong Chiboy na nakahiga sa sofa nang pumasok ako.

"Ito nga pala iyong asawa ko, si Chiboy." Pakilala sa akin ni Merdie.

Hindi naalis ang tingin ko kay Chiboy. Tirik kasi ang mga mata niya habang nakahiga at nakanganga. "A-ano hong nangyari sa kanya? O-okay lang ho ba siya?"

"Pss... okay lang siya. Ganyan talaga 'yan kapag nasobrahan, nag-aagaw buhay."

'Sus ko po! Napalunok ako bago ako umupo sa mesang malapit rito.

"By the way, fly-away... bakit ka nga pala narito?" mayamaya ay tanong niya.

Napatikhim ako. "May sasabihin po sana ako sa inyo. Sana po wag kayong mabibigla..."

Humawak siya sa magkabila kong mga palad at sumeryoso ang kanyang mukha. "Sige lang, Rosenda. Iputok mo lang..."

'Kainis!

Napanguso naman ako bago nagsalita. "Uuwi na po kasi kami ni Jumbo sa amin. Kaya po hindi na namin itutuloy ang pangungupahan."

Nanlaki ang mga mata niyang bilog. "Eh, di wow!"

Konti na lang talaga at matatampal ko na siya sa panga.

"Okay lang po sa inyo?" tanong ko pa kuno. Pero ang totoo, napipika na ako sa kanya.

Napabuga ng hangin si Merdie. "Okay lang. Plano ko na rin namang umuwi sa Manila. Gusto ko kasing mag-apply bilang photographer sa isang publishing company. Kulang din kasi ang kinikita ko sa mga paupahan ko dito sa Cebu," kwento niya.

"Good thing po pala."

Tumango siya. "At natutuwa ako na uuwi ka na sa inyo. Maganda na rin iyong umuwi ka sa inyo nang mabuo ang pamilya mo. Mali kasi ang pakikipagtanan. Kahit saan mo man tingnan, mali talaga."

Napakagat-labi na lang ako.

"Hindi porket nasa hustong gulang ka na ay mas mahusay ka na sa mga mas nakakatanda, lalo sa mga magulang mo. Hindi porket nasa edad ka na magagawa mo na ang lahat, kahit pa ang isang bagay na mali. Tandaan mo, ang mali, kailanman ay hinding-hindi magiging tama."

Gusto ko mang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon ay hindi na lang ako kumibo. Tama naman kasi si Merdie. Sa wakas, may nasabi rin siyang matino.

"Alam kong mabuti kang babae, nagkataon lang na ginipit ka ng pagkakataon. At nagmahal ka lang. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Ayusin mo ang pamilya mo, pakamahalin mo sila at 'wag susukuan. Sa huli, pamilya mo pa rin ang matatakbuhan mo. Sa ayaw at sa gusto niyo, hindi mabubura ang dugo na kumukonekta sa inyo. Kayo at kayo pa rin ang magdadamayan sa huli."

"Oho, salamat ho sa payo..." taos sa puso na sabi ko.

Bigla siyang nagdabog. "Sinabi ng wag mo akong hohoin, litsi ka!"

"Sensiya na h—"

"Ayusin mo ang buhay mo, Rosenda. Maganda ka at sexy. Malayo pa ang mararating mo kapag nagsumikap ka. 'Wag puro churva! Kayud-kayod din pag may time."

Grrrr! Isa pa at kukurutin ko na siya sa panga.

"Eh, kung ganoon po, Manang Merdie este, Merdie. Pwede ko po bang makuha iyong deposito ko sa upa?" tanong ko sa kanya.

"Syempre naman, pewdeng-pwede."

"Talaga ho?" Madali pala talaga siyang kausap. Napangiti ako hanggang sa nagkatawanan na kami. Natigilan lang ako kasi tumagal na ito nang minuto. "Amina na ho. Kailangan ko po kasi."

"Iyon lang, soon pa." Napakamot siya.

Heto at pinitik ko na siya sa panga.

"Aray!" hiyaw niya.

Kunwari ay nabigla rin ako. "Sorry po. Naaliw po kasi ako sa panga niyo."

Bigla na namang sumeryoso ang mukha niya. "Siya nga pala, ako naman ang may sasabihin sa'yo. Wag ka ring mabibigla, ha?"

Napalunok ako. Kumibot-kibot kasi ang kulot niyang pilik-mata.

"Iyong boyfriend mo... si Jumbo..." Napasinghap pa siya.

"A-ano pong meron kay Jumbo?" kabadong tanong ko.

"Si Jumbo ay..."

"Ay ano ho?!"

Napapikit siya. "Isa siyang bilyonaryo."

Namilog ang aking mga mata. "Ho?!"

"Isa syang Montemayor, Rosenda." Pagkatapos ay napakurap sya. "Sya si Terrence Montemayor Saavedra..."

Tumigil ang pag-inog ng aking mundo.

 JAMILLEFUMAH


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro