Kabanata 21
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 21
AGAD NAGSALUBONG ANG aking mga kilay nang sabihin sa akin ni Maximus kung saan nya kinuha ang pera na ginamit naming pang-areglo para kay Jumbo. Humalukipkip ako sa kanyang harapan at matalim na mga mata ang ipinukol ko sa kanya. "Maxine, kay Mina ang pera na iyon! Hindi sa akin!" mariin kong sabi sa kanya.
"I know, Rosenda. Pero anong gusto mo? Magtagal pa itong si Papa Jumbo sa kulungan?" aniya habang ang kanyang mga mata ay abala sa pagdampi ng bulak sa mga galos na nasa mukha ni Jumbo. Dito kami dumerecho sa kanilang apartment para pagdiskusyunan ang tungkol sa pera.
Napapalatak ako. "Maxine, naman..."
"Hoy, tralala! Wag mo nga akong artihan dyan." Tumayo sya at kulang na lang ay sakalin nya ako. "This is about Jumbo, and isn't about your proud!"
Pride.
Bumaling sya kay Jumbo pagkuwan. "Look at him. Hindi ka ba naaawa sa kanya, huh? Hindi ka ba nag-aalala sa..." natigilan sya at sa akin naman tumingin. "...sa abs nya?"
There you go.
Lumamlam ang kanyang mga mata nang tumitig sya sa akin. "Alam kong galit ka pa rin dahil sa ginawa nila ni Mina. But the situation is a matter of life and abs so I stepped in." napataas-noo sya. "Ako ang gumamit ng pera ni Mina at hindi ikaw."
May point sya dun. Hindi ko kayang gamitin ang pera ng hitad na si Mina dahil nangingibabaw sa sarili ko ang galit at ang aking pride. Na iyong tipong mas pinili ko pang lumuhod at magmakaawa sa aking pamilya na itinaboy lang ako knowing na may pera naman akong itinatago ngunit pag-aari ng isang malanding babae. Kaya naman sya na ang nagsakripisyo para gawin ang nararapat at ginawa nya lang iyon para sa akin.
At sa abs ni Jumbo.
Tumamlay ang aking mukha. Na-realize ko ang aking pagkakamali sanhi para mapayuko ako at umiwas nang tingin sa kanya. "Tama ka, Maxine... hinayaan kong kainin ako ng sarili kong pride... ng poot at galit sa puso ko... Naging makasarili ako. Kasalanan ko kung nagkataong hindi – " natigilan ako.
Ang pesteng Maximus na ito hindi pala nakikinig. Hayun sya at abala na naman kay Jumbo. At kung bakit wala namang galos ang abs nito ay iyon ang dinadampian nya ng bulak. Haist.
Lumabas ako ng pintuan at tumuloy sa bahay ni Paolo sa pagtawid. Pagbungad ko sa gate ay natanaw ko agad si Mina sa bakuran. "Hey! Rosenda!" lumapit sya sa akin nang makita nya ako. "You're looking for Paolo?"
Umiling ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sure." Tugon nya sa akin bago sya humugot ng isang stick mula sa cigarette case nya at sinindihan iyon. "What's up?" himithit sya at saka bumuga.
Mukha talaga syang bitch!
"Ahm..." panimula ko. "Tungkol ito kay Jumbo..."
"Oh, your retarded boyfriend?"
Ay matatampal ko na ito!
"Hindi sya retarded." Napatiim-bagang ako. "Naaksidente lang sya kaya sya nagkaganoon."
Humithit muli sya at bumuga ng usok. "Sorry about that."
Nginitian ko sya nang pilit. "Iyong perang ibinigay mo sa kanya... nagamit namin. Babayaran ko nalang sa'yo kapag nagkatrabaho ako." kuyom ko ang aking kamao habang sinasabi ko ito sa kanya.
Natawa sya nang pagak. "Don't mind it. Bayad ko iyon sa kanya."
Nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Napayuko sya at saka humihit muli sa kanyang sigarilyo. "This is really awkward."
Napabuntong-hininga ako. "Okay lang, Mina. Nakita ko ang lahat."
Nanlaki ang mga mata nya. "Nakita mo kami ni Jumbo?!"
Hindi ko sya tinugon dahil gusto ko na syang sapakin.
"Oh my God!" napasintido sya. Mukhang alam na nya ang tinutukoy ko. "Look, Rosenda. Jumbo didn't do it because of lust. He did it, because I paid him."
"G-ginawa nya iyon dahil binayaran mo sya?" kandautal ako.
"Yes. Listen, Rosenda." Napalunok sya. "I didn't expect that Jimmy showed up to the party."
Napansin nya ang pagtatanong sa aking mukha.
"My ex-husband, remember?"
Hindi ko sya kinibo.
"Anyway, he's with his new wife. And it appeared that Jumbo was alone when I saw him because you were with Paolo. So I talked to your boyfriend to make it look like I'm with someone too."
Hindi ako bumibitiw ng tingin sa kanya.
"Then, napansing kong parang may problema sa pag-iisip si Jumbo habang kausap ko sya. He kept on saying only two words: Jumbo and Papaya." Pagpapatuloy nya. "At sinamantala ko iyon para pagselosin si Jimmy. So I seduced your boyfriend."
"Bakit si Jumbo pa, Mina? Bakit ang boyfriend ko pa?" hindi na ako nakapagtimpi.
"Is that a question?" sarkastiko nyang tanong. "Are you blind? Jumbo is a drop-dead gorgeous guy, for crying out loud! At kailangan ko ang tulad nya para isampal sa mukha ni Jimmy na mayroon din ako. A man that better than him."
Nangangatog ang mga kalamnan ko sa galit.
Napabuga ng hangin si Mina at saka nya pinatay ang sindi ng kanyang sigarilyo nang ibagsak nya ito sa lupa at saka tinapakan. "But I failed to seduce your boyfriend."
Naningkit ang mga mata ko.
"Akala ko'y madaling ko syang mauuto dahil retarded ang tingin ko sa kanya but I was wrong." Napakagat-labi sya. "I offered him food, my cellphone and even my car for something in return but he declined me."
"Hindi kita maintindihan..." bigla akong kumalma sa aking narinig.
"I want your boyfriend to kiss me to make Jimmy jealous but he refused. Pero nang makita nya iyong purse ko, tinuro nya iyon. So I came up with the idea na baka pera ang kailangan nya dahil hindi ko naman sya maintindihan. Kaya nang inilabas ko ang aking cash at ibinigay sa kanya, kinuha nya agad iyon. I don't understand him but I saw in his eyes that he accepted the deal after he kept the money in his pocket. Dito ko napansing nakakakilala sya ng pera at mukhang kailangan nya ito kahit wala naman sa hitsura nya na naghihirap sya."
Natutop ko ang aking sariling bibig. Nasabi kong minsan kay Jumbo na paubos na ang aming pera. Unti-unti ko nang napagtatagpi-tagpi ang lahat.
"I commanded him to kiss me while Jimmy was looking at us. But a kiss wasn't enough so I pushed and dragged Jumbo's head to reach my – ." hindi na nya natapos ang ikinukweto nya nang sampalin ko sya. Nasapo nya ang kanyang mukha habang tigagal na nakatingin sa akin.
"Goodbye, Mina." Pagkasabi ko nito ay pumihit na ako patalikod at naglakad pabalik sa apartment ni Maximus. Wala akong pakialam kung ginawa nya iyon para lang pagselosin si Jimmy na dating asawa nya.
Ang mahalaga sa akin ngayon ay hindi iyon ginawa ni Jumbo dahil gusto nya. Hindi nya iyon ginawa dahil nilibog sya. At hindi nya iyon ginawa dahil naghanap sya ng ibang papaya. Ginawa nya iyon dahil para sa akin.
Gusto nyang makatulong sa akin sa pera sa paraang alam nya. At hindi ko alam kung bakit bigla na lang naglandas ang aking luha hindi dahil sa lungkot, kundi dahil napakasaya ko.
"Okay ka lang, Rosenda?" tanong sa akin ni Maximus pagpasok ko ng pinto. Nakita nya ang mga luha sa aking mga mata.
Hindi ko sya pinansin ni tinapunan ng tingin. Lumapit ako kay Jumbo na nakaupo at nang sapat na ang distansyang namamagitan sa amin ay kinabig ko ang kanyang ulo palapit sa akin. Namalayan ko na lang na sinakop ng aking mga labi ang labi nya. Pagkatapos ay kumalas ako sa kanya para yakapin sya nang mahigpit. "Sorry talaga Jumbo... sorry talaga..." usal ko sa kanya.
Gumanti sya ng yakap sa akin habang tulala lang si Maximus sa harapan namin.
Nagsisisi ako sa mga nagawa ko kay Jumbo.
Sinumbatan ko sya at kamuntik nang palayasin dahil nagpasakop ako sa galit. Hindi ko sya binigyan ng chance na makapagpaliwanag kahit sinusubukan nya. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang nais nyang sabihin sa akin habang inilalahad nya sa akin ang pera ni Mina noong itinataboy ko sya palabas. Binulyawan ko sya at sinaktan kahit ginagawa nya ang lahat para magpaliwanag. Naging makasarili ako at wala akong ibang inalala kundi ang sakit na nararamdaman. Ang hindi ko alam, mas higit pala syang nasasaktan dahil sa mga nagawa ko sa kanya.
...
BITBIT ANG ISANG basket ng sandwich, binalikan ko sila Mama rito sa bahay dalawang araw na ang nakakalipas matapos makulong si Jumbo. Sa kasamaang palad ay wala pa rin akong trabaho. Mabuti na lang at nakuha ko ang ang backpay ko kay Mr. Ginanchilyo kaya may panggastos pa kami kahit papaano.
Hindi ko na isinama si Jumbo dahil pihadong lalo lang akong ipagtatabuyan nila Amang kapag nakita sya ng mga ito.
Samantala, sinalubong naman agad ako ni Bayug na kasunod lang ni Dandang. Pinagtulungan nila akong yakapin nang makalapit sila sa akin. "Asan si Mama?"
"Nasa loob, Ate." Tugon ni Dangdang habang hinihila nya ako papasok sa aming bahay.
Bumungad sa akin ang kakaibang amoy pagpasok ko sa loob. Natanaw ko agad si Mama na pawisan at parang kagagaling lang sa isang gawain. Namilog ang kanyang mga mata nang makita nya ako. "Anong ginagawa mo rito?"
"Dinalhan ko po kayo ng sandwiches, Ma." Inilapag ko iyon sa mesa. Napansin ko agad ang animo'y pulbos na kulay abo sa kanyang mga kamay.
"Umalis ka na, Rosenda. Baka mamaya ay madatnan ka pa ng Amang mo."
Hindi ko sya pinansin bagkus ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. May gasera sa ibabaw ng tukador at may sindi ito. Nang mapabaling muli ako sa kanya ay nakita ko syang napabuntong-hininga.
"Naputulan kami ng kuryente." Pagkatapos ay pumasok sya sa kwarto kaya sinundan ko sya at iniwan ko si Dandang sa sala.
Dito bumulaga sa akin ang isang baldeng pulbo ng paputok at ilang mitsa. Kaya pala ganito ang amoy, masakit sa ilong. "Ma, ano po yan?" nagtanong pa rin ako kahit alam ko na.
"Malaki ang kita ngayon sa paggawa nito dahil malapit na ang new year." Tugon nya sa akin matapos syang umupo kaharap ang mga iyon. Sa gilid nya ang naroon na ang ilang mga natapos na nyang produkto. Karamihan sa mga iyon ay iyong 'five star' na tinatawag at 'super lolo'. Mayroon ding 'sinturon ni hudas' na nakabalot pa sa cellophane na kulay dilaw.
"Hindi po ba iyan masama sa kalusugan?"
Sumimangot sya sa akin. "Eh, may magagawa ba kami? Kailangan naming kumayod para mabuhay. At saka ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na dahil kapag nadatnan ka ni Mario, kakaladkarin na naman non palabas ng bahay."
Bumuga ako ng hangin bago ko hinugot ang dalawang libo sa aking bulsa. Nakalaan ko itong ibigay sa kanya kaya ako pumunta rito. "Itabi nyo na po ito."
"Ano yan?" salubong pa rin ang mga kilay nya.
"Ibayad nyo po ito sa kuryente para magka-ilaw po kayo."
"Hindi namin kailangan yan, Rosenda. Kaya naming tumayo sa sarili naming mga paa. Hala sige! Alis na!" napatayo pa sya para itaboy ako.
Napayuko na lang ako at saka humakbang palabas. Nadatnan ko agad si Dangdang na nakaabang sa akin. "Ate, sama ako sa'yo."
Hinagkan ko sya sa noo. "Mas kailangan ka rito, Dangdang. Oh, heto." Sa kanya ko inabot iyong pera.
Ngunit tinaggihan nya rin iyon. "Ate, mas kailangan mo yan."
Napangiti ako sa kanya bago ko sya niyakap. "Ikaw nang bahala sa kanila, huh?" garalgal na ang tinig ko.
Yumakap din sya sa akin. "Sige po, Ate."
Nang kumalas ako sa kanya ay tinalukaran ko na sya at naglakad na ako palayo. Pero kusang pumihit ang aking katawan para lingunin si Dangdang. Ganun na lang ang aking tuwa nang makita kong hindi lang sya at si Bayug ang nakatanaw sa akin, naroon din si Mama na nakasilip sa akin sa bintana. At nang magtama ang aming paningin ay umiwas sya. Gayunpaman, masaya pa rin akong makita syang nakatanaw sa akin.
Pag-uwi ko sa aking apartment ay napatayo agad si Jumbo sa kanyang kinauupuan nang makita nya ako. Saka ko lang napansin na ginabi na pala ako nang uwi dahil naging abala ako sa pamimili sa bayan.
Dali akong nilapitan ni Jumbo at niyakap sanhi para masubsob ako sa kanyang matikas na dibdib. "Kashe nemern, Jumbo. Ane be? Ikaw talager... hihihi..." heto at tumatabingi na naman ang bibig ko. Buti na lang at hindi ko nakalimutang bumili ng malaking pulbos.
Isa –isa kong inilabas sa supot ang pinamili kong grocery. Mayroong mga noodles, de lata, loaf bread at ham para sa sandwich at mga prutas like: pipino, carrots, sampalok at papaya. Oops! Mayroon din pala ritong adult diaper, isang galon ng mayonnaise, siyempre isang kilong pulbos at – condom.
Condom?
Yeah, pero hindi ito dotted. Ultra thin this time, harhar.
Mayamaya'y tumunog ang cellphone ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Mama sa screen. Hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit kaya sya tumatawag? Sinagot ko ito. "Hello, Ma?"
Ngunit maingay na paligid ang aking narinig. Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nya sa kabilang linya.
"Hello, Ma? Hindi ko po kayo marinig!"
Kinabahan ako nang marinig ko ang kanyang pag-iyak. "Rosenda... huhuhu..."
"Ma, bakit ho?"
"S-si Ruby... naiwan sya sa loob ng bahay" hagulhol ni Mama habang napakaingay ng kanyang paligid.
"A-ano ho bang nangyayari, Ma?"
"Rosenda, tulungan mo kami..." napahikbi sya. "Nasusunog iyong bahay... si Ruby naiwan sa loob... tulungan mo kami..."
Halos matumba ako sa aking kinatatayuan.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro