Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

HINDI mawala sa isip ko ang guwapong mukha ni 'Sandwich Snatcher' kagabi. Bakit napakadungis niya na? At bakit kaya napagdiskitahan siya nung apatna tambay para bugbugin?


Kaya lang, ano kayang problema non? Bakit napakadungis na nya ngayon? May saltik kaya yon? At saka bakit lagi nyang ninanakaw ang sandwich ko?


Wala ba siyang makaing iba?


 O baka talagang palaboy siya?


Pero may palaboy bang ganoon kaganda ang kutis? Ganoon kabango ang hininga? Ganoon ka-guwapo at kalakas ang dating?


Kaya nga kahit napakarungis niya nang gabing 'yon at kahit na kinabahan ako sa pwede niyang gawin sa akin, hindi ko maalis 'yung atraksyon na naramdaman ko sa pangalawang beses na pagkikita namin. Hindi mabura sa isip ko ang nakakaakit niyang mga mata.


Ang weird, hindi ba dapat matakot ako? Hindi ba dapat, hindi ko na hilingin na magkita ulit kami? Pero bakit ganon? Bakit siya 'yung pinagpapantasyahan ko ngayon habang nilalaro ko itong sampalok sa bibig ko? Sa sobrang hot ng lalaking iyon, para na akong nawawala sa sarili ko.


Habang dumadampi ang sampalok sa mga labi ko, habang nilalaro ito ay siya pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at nai-imagine kong hinahalikan niya ako. Ini-imagine ko palang para na akong mabubuang.


Hinahalikan? Teka bakit ganun ang iniisip ko? Baliw na yata talaga ako.


"Nababaliw na nga ako..." nakalabi kong tinitigan ang sampalok at kinausap na para bang may buhay ito. "Sino ba talaga siya, ha? Bakit ganito ang epekto niya sa akin? Bakit gusto kong i-kiss niya ako?" Hindi sumagot ang sampalok kaya isinubo ko na lang ito at sinipsip.


"Rosenda bangon na dyan, aba!" katok ni Mama sa pinto na agad nakapagpabangon sa akin. Bitin!


"A-andyan na po!" binuksan ko ang pinto.


Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakalahad na palad ni Mama. "Ang sweldo, nasaan na?"


Napapakamot na lang ako sa ulo habang kinukuha sa bag ko ang hinihingi niya. Buo kong ibinigay ang sweldo ko sa kanya.


"Mama, saan po kayo pupunta?"


"E, di mamasyal." Sagot ni Mama na sa pera nakatingin at hindi sa akin. Binibilang niya kung tama ba ang inabot ko sa kanya.


Sa likod ni Mama ay sina Amang na hinihintay siya. Si Amang ay pormang-porma sa suot na polong makulay, si Ruby ay naka-ismid habang inaayos ang kinulot nitong buhok, ang seksi ng kapatid ko sa suot na bagong bestida. Si Dangdang naman ay malungkot na nakatingin sa akin, maayos din ang suot nito, naka-jumper at naka-headband pa.


Nang tingnan ako ni Mama ay wala akong makitang anumang emosyon sa mga mata niya. "O paano, Rosenda, ikaw na ang bahala rito sa bahay. Bantayan mo 'yong tindahan natin tutal naka-day off ka naman ngayon." Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ako.


Isa pa naman 'yon sa kinatatamaran ko, ang bantayan ang tindahan niyang iilan lang ang paninda. Nagtayo nga siya ng negosyo, e mukhang palugi na rin naman.


Mayamaya'y abot-tanaw ko na lang silang sinilip habang papaalis. Palingon-lingon si Dangdang sa gawi ng bahay namin, nang magtama ang paningin namin ay pinilit ko siyang ngitian. Ayaw kong makita ng bunso kong kapatid na nalulungkot ako dahil mag-isa ako ngayon dito sa bahay. Ayaw kong maramdaman niyang naiinggit ako sa kanila.


Bumuga ako ng hangin. Kailangan chill lang ako. Matatag ako, hindi ako iiyak. Ganito naman ako, e. Saglit lang magda-drama, pagkatapos ay lilibangin ko na ang sarili ko. Nakakainip ang maghapon, wala pa naman kaming TV dahil nasira iyon at hindi pa ako nakakabili ng bago.


Pumunta ako sa kusina at tiningnan ang mga pinamalengke ni Mama. Iba't-ibang gulay ang nandito. Ang pinaka-kumuha ng atensyon ko ay ang pipino, talong at sampalok. May kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip ko habang nakatingin ako sa mga ito. Isa na lang ang sampalok, kinuha ko iyon at dinala sa kwarto ko.


Ilang saglit lang ay sinisipsip ko na ang huling sampalok habang tulala ako. 


Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang biglang...


"Pabili!"


Ano ba yan, istorbo! Napangiwi ako nang makita ko kung sinong bumibili.


"Anong bibilin mo, Pektong?" ito yung kapitbahay naming tambay.


Maitim, walang ngipin at payat si Pektong, pero siya ang siga rito sa lugar namin. Kababata ko siya at matagal ng may crush sa akin.


"Pabiling alak. Empi light." Nakangiti pa ang bungi.


"Bili ba yan o utang?" sinimangutan ko sya.


"Pautang pala."


"Walang Empi light." Yamot kong tugon.


"Oh sige, pabili pala."


"Wala pa rin."


"Iyong lakas tama na lang. Red horse, meron?"


"Wala rin."


"Eh, yung bilog ang mundo? GSM blue."


"Wala."


"Kahit San Mig, wala?"


"Wala eh."


"'King ina! Eh anong meron?!"


"Eto!" padabog kong ibinagsak iyon sa harapan nya.


"Ano 'to?" Napatitig siya sa sakto pack.


"Bear brand. Iyan ang laklakin mo at baka sakaling tubuan ka pa ng ngipin."


Napangisi ang tarantado. "Rosenda naman. Walang ganyanan. Ka-berks, eh."


Inirapan ko sya. "Aalis ka ba o ipapalapa kita kay Bayug?"


"Okay. Baka pwede na lang manligaw."


"Bayug!!!"


Ilang minuto lang at heto't hinahabol na sya ni Bayug.


Bumalik ako sa kwarto na bitbit ang aking paboritong sampalok. Dinila-dilaan ko ulit ang sampalok habang ini-imagine na kini-kiss ko si Sandwich Santcher. Maski ako ay nahihiwagaan sa itinatakbo ng isip ko. Talagang attracted ako sa lalaking 'yon. Nagka-boyfriend na ako noon pero hanggang holding hands lang ang kaya ko. Pero iba 'tong si Sandwich Thief. May kakaiba siyang dating sa akin. 


Hindi kaya na-love at first sight ako sa kanya?


Nasa gitna pa ako ng pagpapantasya nang naaninagan kong may tao na naman sa tindahan. Kainis naman, o! Pepektusan ko na talaga 'tong si Pektong!


Patakbo kong tinungo ang tindahan. "Pektong naman! Ano at - " namilog ang mga mata ko. "Ikaw?" napatanga ako.


May kung anong kaba akong naramdaman. Paano nya ako sa nasundan dito?


Nakatayo lang sya sa labas at nakatingin sa akin. Iyong tingin na nakakadala.


Ngunit hindi ako nagpatalo sa titig nya. Dali ko syang nilabas at pasimpleng itinulak. "Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ninakaw ang sandwich ko?!" oh, in fairness... ang tigas ng dibdib nya, pweuuu!


Hindi sya umimik. Nakatingin lang sya sa akin.


Naman! Pinamumulahan tuloy ako. "Enebern... bakert ganyan ka makatingern? Ahehehern..."


Wala pa rin syang kibo.


Gising Rosenda! Gising!


Hindi dapat ako maakit sa maganda nyang mga mata. Sa mapupula nyang mga labi. Sa mahahaba nyang pilik-mata. Sa maamo nyang mukha. Sa makisig nyang katawan. Sa -


Sa -


Sa bakat nyang harapan. Sa bakat nyang harapan? Ang laki! Bakit kasi basa siya? Naulanan ba siya?


Napalunok ako. "Ah, sige... patatawarin na kita sa pagkuha mo sa sandwich ko. B-basta umalis ka na lang..." pero iyong tingin ko, naroon na sa bakat nya. Kese nemen, e. Pero itong lalaki, nilampasan ako! Dumeretso-pasok sa bahay namin!


Hinabol ko sya. "Sandali!" hinarangan ko ang daraanan nya. Grabe ang tangkad nya talaga. "Paano ka nakapasok dito?" nagtanong pa ko eh obvious naman na wala kaming pinto.


Hindi nya ko pinansin. Dumeretso sya sa kusina at nadampot nya agad iyong carrots na kasama sa ibang gulay sa mesa. Kinagat nya iyon at nginuya. Patay, lulutuin pa naman 'yun ni Mama mamaya!


"A-anong ginagawa mo?" Napatanga ako sa ginagawa nya.


Mukhang di nya nagustuhan iyon kaya itinapon nya. Dinampot nya ang talong at segundo lang ay itinapon nya rin iyon. Napadako sya nang tingin sa kamay ko. Ni hindi ko namalayang nakalapit na pala sya sa akin at agad kinuha ang hawak kong -


Sampalok! Kinagat nya iyong at nginuya. "'Wag!" di ko na sya naawat.


Naibuga nya iyon.


"Rosenda!"


Litsi! Narito na sina Mama. Agad kong hinila ang lalaking ito sa kwarto at saka isinara ang pinto. Isip Rosenda! Isip! Nagpa-panic na ako!


Bumaling ako sa kanya. Nakatayo lang sya at nakatingin sa akin. "D-dito ka lang. W-wag kang lalabas." Putek, kandautal ako sa takot. Yari ako kina Mama kapag nahuli nila ang lalaking ito - dito pa sa kwarto ko.


Hindi pa rin sya kumikilos.


Waaaaaaaaaaaah! Mababaliw na ako. Kalma lang, Rosenda. Kalma lang. Tinanong ko sya. "A-anong pangalan mo?"


Hindi talaga sya sumasagot.


Pipi ba sya? Wala ba syang dila? Grrrrrrrrr!


"Rosenda!" tawag muli ni Mama.


Humugot muna ako nang malalim na paghinga. "Sandali lang po!" balik ako sa lalaking ito. "Upo ka sa kama. Upo!" utos ko sa kanya.


Hindi pa rin sya kumikilos. Naiintindihan nya ba ako? Ah baka naman tulad ito ni Lucas na konti lang ang alam sa tagalog.


"You, sit!" umupo ako sa kama para gayahin nya ako. "Sit! Here - Sit!" 'nyeta! Parang aso ang kausap ko.


Wala pa rin. Paano ba ito?


"Ikaw! Nauunawaan mo ba ako?"


Pumaling ang ulo nya ngunit nananatili pa rin syang nakatingin sa akin. Naku naman! Mukhang baliw nga ang isang ito!


Napikon ako. "Hindi ka ba talaga uupo, Jumbo!"


Doon lang sya umupo.


Aha! Jumbo pala, ah.


Teka, bakit nga ba Jumbo naitawag ko sa kanya? Kusa kong nasabi yun dahil ang jumbo kasi nung harapan nya. Pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga, napasunod ko na sya. "Makinig ka, Jumbo." Humarap ako sa gwapo nyang mukha. "Wag kang aalis dito, maliwanag ba?"


Tumango sya.


Gumayak ako na parang normal lang kahit ninenerbyos na ako. Pagkatapos ay mahinay akong lumabas ng kwarto. Si Mama agad ang natanaw ko.


"Ma? Bakit po?"


Nakangiti sya at parang ang saya nila. "Maghanda ka. Marami kaming biniling pagkain."


"Ano pong meron?"


"Ise-celebrate lang namin ang mataas na nakuhang marka ni Ruby sa exam."


"Talaga ho?" bigla akong nakaramdam ng saya. Worth it iyong pinaghihirapan kong pera para sa pagpapaaral kay Ruby.


"Sige na at maghanda ka na."


Agad naman akong naghanda ng mga pinggan at inumin. Inihain ko iyon sa hapag. Nang akma na akong uupo upang dumulog sa kanila, kinalabit ako ni Mama.


"Anong gagawin mo?" tanong nya.


"Ho? Kakain po tayo di ba?"


"Rosenda sa kwarto ka muna. Magse-celebrate lang kami rito ha? Sige na. Dun ka muna."


Tila ako naitulos sa aking kinatatayuan. Ayaw man kumilos ng aking katawan ay naglakad ito palayo sa kanila. Totoo ba iyong narinig ko? Magse-celebrate lang sila? Siyempre hindi ako kasama.


Ano ka ba naman kasi Rosenda? Bakit hindi pa ako nasanay? Ganito naman palagi eh, bakit masakit pa rin?


"Rosenda!" tinawag pa ako ni Mama.


Nilingon ko sya.


"Oh, heto. Two hundred na lang natira sa sweldo mo. Pagkasyahin mo na lang budget pamasahe mo, ha? Bibilhan ko pa kasi ng damit si Ruby eh. Sige." Pagkaabot sa akin non ay tinalikuran na nya ako. Sumalo na sya sa mesa kung saan naroon ang isang perpektong pamilya-Pamilya na pinapangarap ko.


Pamilya na wala ako.


Pamilya na hanggang tingin na lang ako.


Awtomatiko akong humakbang papasok sa aking kwarto. Nanghihina kong isinara ang pinto at wala ako sa sariling napaupo sa aking kama. Hindi ko namalayang naglandas na pala ang mga luha ko. Hanggang sa napahikbi na ako at napaiyak.


May mali ba sa akin?


May kulang ba?


Ginagawa ko naman ang lahat para mapabilang sa kanila pero bakit parang ang layu-layo pa rin nila sa akin?


Bakit hindi nila ako tanggapin?


Bakit hindi na lang nila ako mahalin?


Lintek na sampalok 'yan oo! Nahawa na ako sa kaasiman!


Hindi ko namalayang napahagulhol na pala ako. Ganito naman palagi eh. Ito lang namang kwarto ko ang karamay ko sa tuwing nag-iisa ako. Sa tuwing nararamdaman ko ang sakit na ito. Sa tuwing -


Napahinto ako. Kasi - may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Ang yakap na ito, napakainit. Napakasarap. Na para bang pinapawi ang lahat ng sakit at dinaramdam ko.


Ewan pero mukhang may karamay na ako. Hindi ko akalaing sa yakap nyang ito - naramdaman kong parang may pamilya na ako.


Naiusal ko ang pangalan nya. "J-Jumbo..." kasabay ng muling pagluha ko.


JAMILLEFUMAH

@JFstories


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro