
Kabanata 18
Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)
Kabanata 18
"HUMINAHON KA LANG MUNA." Boses ni Maxine.
Naninikip ang paghinga na napahawak ako sa balikat ni Maxine. Hinahon? Kaya ko bang huminahon? Gusto kong magmura! Gusto kong magwala! O kaya mamatay na lang sana ako ngayon dito sa kinatatayuan ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit!
"Rosenda..." Halos hindi ko na marinig ang boses ni Maxine. Parang mawawasak ang dibdib ko sa sakit. Mas malala pa ang sakit na ito sa naramdaman ko nang mahuli ko si Paolo na may ibang babaeng niroromansa noong kami pang dalawa. Mas higit ang sakit na ito na nararamdaman ko ngayon. Ibang lebel na kasi ang nararamdaman ko para kay Jumbo.
Si Jumbo na ngayon ay may sinisisid na mga dibdib. Dibdib ni Mina!
Akala ko papaya ko lang ang gusto niya. Akala ko nauunawaan niya ako. Akala ko alam niya lahat ng mga sinasabi ko. Akala ko mahal niya rin ako. Hindi pala. Sobrang sakit, tangina!
Kaya kong igalaw ang naninigas kong mga tuhod para maglakad palayo. Pero ayaw kong gawin. Ayokong umalis. Gusto ko pa ng katibayan na si Jumbo nga ang nakikita ko kahit kitang-kita na siya ng dalawa kong mga mata. Mga mata kong nag-uulap na. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na lumuluha na pala habang nakatanaw pa rin kay Jumbo na ngayon ay mga labi naman ni Mina ang sinisisid.
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Maxine na humawak sa aking balikat. "Rosenda, ano ba?"
Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi. "I-ikaw nang bahala kay Jumbo..." pagkasabi ko niyon kay Maxine ay tumalikod na ako. "Uuwi na ako."
Nakatigagal si Maxine nang lampasan ko siya.
Nagdire-deretso ang pagmamartsa ko hanggang sa makalabas ako ng gate nila Paolo. Anumang oras, pakiramdam ko ay sasabog ako at hahagulgol nang husto kaya kahit windang pa rin sa aking nasaksihan, tuloy lang ako sa paglalakad. Ni hindi ko nga namalayan na nakasakay na pala ako ng jeep pauwi.
Daig ko pa ang namatayan nang makauwi na ako sa apartment namin ni Jumbo. Para akong zombie na umupo sa isang sulok at tumulala. Yumukyok ako sa aking tuhod at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak ko. Akala ko iba siya. Akala ko iba si Jumbo! Pare-pareho lang pala sila! Pare-pareho lang na mga manloloko!
Bakit kasi ang tanga ko pagdating sa love? Ganito ba talaga kapag maganda? Boba ang puso?
Galit na galit ako kay Jumbo. Gusto ko siyang pagsu-suntukin. Gusto ko siyang pagsa-sampalin. Pagta-tadyakan. Sikmuraan. Dibdiban. Hubaran. Pulbusan...
Pulbusan?
Lintik, Rosenda! Umayos ka!
Ewan! Naiinis talaga ako sa kanya! Galit talaga ako! Nasasaktan talaga ako! Naririnig kong tumutunog ang aking cell phone pero hindi ko iyon pinapansin. Nasisilip ko kasi mula sa aking pagkakayukyok ang pangalan ni Maxine na tumatawag. Mayamaya'y ay tumigil rin iyon sa pagri-ring.
Ilang segundo lang at tumunog muli iyon. Si Maxine ulit. Nawala. Tumunog ulit. Si Paolo. Napaangat ako mula sa aking pagkakayukod. Ngunit wala akong balak sagutin ang cell phone ko. Nang mawala ito, napalitan naman ni Maxine. Ayaw ko pa ring sagutin. Nawala.Tumunog muli. Si Paolo. Nawala. Tumunog muli. Si Maxine. Nawala. Tumunog muli. Si Pektong.
Pisting Pektong ito! Um-extra pa ang lintek!
Nang mawala na ang mga calls, napalitan iyon ng mga messages. Siguradong galing kay Maxine iyon. Yumukyok muli ako at pinilit kong makatulog. Pero nabigo ako. Sa tuwing masasagi kasi sa isip ko ang nakita ko kanina'y parang hinihiwa ang puso ko. Ang sakit. Sa kabila noon, nag-aalala pa rin ako kay Jumbo. Iniwan ko siyang mag-isa doon. Baka kung mapaano siya.
Hindi. Tama lang ang ginawa ko na pag-iwan sa kanya!
Lumipas ang isang oras. Dalawang oras. Tatlo, hanggang sa naging apat. Madaling araw na nang tumunog muli ang cellphone ko.
Text message.
Tumayo ako at dinampot ko ang aking cell phone. Binasa ko ang mga text messages ni Maxine. Iisa lang ang tanong niya. Ano raw ang address ko. Nireplayan ko siya at ibinigay sa kanya ang address nitong inuupahan ko. Pagkatapos ay kinalikot ko ang kusina para kumain. Pero paano ako makakakain kung ganito kabigat ang dibdib ko? Minabuti ko na lang maghintay.
Nagpalakad-lakad ako. Lumipas muli ang isang oras. Dalawa. Tiningnan ko ang aking cellphone. Hindi na nag-text si Maxine. Naghintay pa ako. Isang oras pa ang nakalipas at nagliliwanag na sa labas. Wala pa rin si Jumbo.
Shet! Nag-aalala na ako!
Maghihintay pa rin ako. Isang oras muli ang lumipas at lumiwanag na sa labas. Umaga na pala. Pero wala akong nararamdamang antok. Para lang akong baliw na palakad-lakad sa maliit na espasyo nitong apartment. Pinagkikiskis ko ang mga palad ko dahil kinakabahan ako. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko kay Jumbo, nangingibabaw pa rin ang pagwo-worry ko sa kanya.
Nagsisisi na ako. Dapat hindi ko siya iniwan don. Ako yata ang may saltik at hindi siya. Alam ko na may sakit siya sa pag-iisip pero nangingibabaw pa rin ang ang galit sa puso ko. Kaya naman dali kong inayos ang aking sarili at panandalian lang humarap sa salamin.
Babalikan ko si Jumbo. Kundi man siya pagpiyestahan ng mga babae sa party na iyon, malamang ay pagpipyestahan naman siya nila Maxine at Luisito!
Pagbukas ko ng pinto ay kamuntik na akong mapatalon sa gulat. Akma na palang kakatok si Maxine nang mabungaran ko siya sa akto. Sa likuran niya, naroon si Jumbo. Nakayuko. Naka-white long sleeve na lang at wala na ang amerikana na suot niya kagabi. Para siyang batang inapi na nakatungo lang sa likod ni Maxine. Na-miss ko siya.
Pero gusto ko pa palang magalit sa kanya! Lahat ng pag-aalala ko ay natabunan na naman ng galit at selos ng makita ko siya at maalala ko ang nakita ko kagabi. Tumindig ako nang taas-noo sa kanila. Iniwasan kong pansinin ang presensiya ni Jumbo na ngayon ay sa akin na nakatingin. Sa klase ng itsura niya, mukhang alam na niyang galit ako.
"Anesh na, Rosendang inosente pero may itinatagong kati?" Bungad ni Maxine sa akin. "Sunshine Dizon na, pero hindi mo man lang naisipang hanapin ang jowa mo."
Hindi ako kumibo dahil nakatingin lang ako kay Jumbo.
"Hoy, babaita! Baka pwedeng um-enter sa bahay niyo? Nangangawit na akez!" Ilang minuto na pala akong akong nakatanga sa kanila.
"Ahem." Tumikhim ako. "Pasok ka, Maxine." Humakbang naman papasok si Maxine. Pagkuwan ay bumaling ako kay Jumbo. "Ikaw, bawal kang pumasok!" Pagkasabi ko'y sinaraduhan ko siya ng pinto.
"Ay! LQ itey. Taray mo sa part na 'yon, Rosedang harot!" Pangbubuska sa akin ni Maxine habang nililingap niya ang paligid ng aking paupahan.
Hindi ko siya kinibo.
"Ano bang bahay ito? Parang humihinga?" Nangasim ang mukha ni Maxine habang tinitingala ang kisame bago siya humarap sa akin. "Pakiramdam ko, nasa loob ako ng katawan ng isang malaking pagong. Don't you fell it?"
Baka feel? Umariba na naman ang bakleng.
"Pasensya ka na. Ito lang talaga ang kaya ng budget ko—na inutang ko sa'yo," sagot ko sa kanya ngunit ang isip ko ay nasa lalaking nasa labas nitong pinto.
Napapikit siya na tila nayayamot. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? Bakit hindi ka nakakapasa sa mga ina-apply-an mo? Hindi mo pa tuloy mabayaran ang mga jutang mo sa akin. Hindi sa sinisingil kita, worried lang ako dahil baka wala ka ng maipakain kay Jumbo at mabawasan ang abs niya!"
"Hindi ko rin alam. Okay naman ang mga exams ko. Iniisip ko na lang na baka sablay ako sa interview."
Napamewang na siya. "That's impossible. I know you. You know how to speak an english will."
Well.
Maxine is right. Nahasa ako sa pagsasalita ng english nang magsimula akong magtrabaho as a promoter kay Mr. Ginanchilyo. Kasama kasi iyon sa training namin bilang paghahanda sa mga ilang elite customers na pwede naming makaharap. Malaking tulong sa akin iyon kahit hindi ako nakatapos ng college.
"O baka naman dahil sa porma mo, huh? Habang tumatagal ay lalo kang nagiging manang!" Dinuro niya ako. "Look at you. Daig mo pa ang may anak na isang dosena, ni hindi mo na maayos maski ang kilay mo! At iyang suot mo, ano 'yan? Basahan ba 'yan o kurtina? Bakit hindi ka na lang nagtuwalya ng kahit paano naman ay naging kaakit-akit ka!"
Napalabi na lang ako. Fashionista kasi si Maxine dahil maykaya ang family niya na nagtakwil sa kanya.
"Listen to me, girl." Hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat. "Maganda ka. Sexy. Malaki ang kinabukasan. Pero bakit mo sinasayang?!"
Nakagat ko ang hintuturo ko.
"Mag-ayos ka. Sigurado ako, matatanggap at matatanggap ka kahit ano pang apply-an mo kung aayusin mo lang ang sarili mo."
Paano? Wala na ako sa bahay namin. Wala na akong access para makapitik sa mga damit ng kapatid kong si Ruby. Wala na akong mahihiram na matinong damit kapag mag-a-apply ako ng trabaho.
"'Tapos ka na sa isang maling relasyon. Nakalaya ka na sa problema. Panahon na para maging mabuti ka sa sarili mo. Panahon na para mahalin mo ang sarili mo!"
"Maxine..."
"Tutulungan kita. Kung kailangan mo ng damit, gagawan natin ng paraan. Sa make up naman, pahihiramin kita. Makakahanap ka ng trabaho, ibalik mo lang ang confidence mo."
Nabuhayan ako sa sinabi niya. Pero hindi kawalan ng trabaho ang dinaramdam ko ngayon, kundi itong puso kong sugatan. At kasalanan ito ni Jumbo!
...
"PASOK!" UTOS KO kay Jumbo nang pagbuksan ko siya ng pinto. Hindi ko siya tinitingnan. Hindi ko rin siya nginitian. Dahil pinapasok ko lang siya para pakainin. Iyon lang. Pasalamat nga siya at pakakainin ko pa siya. Hmp.
Nakayuko lang siyang humakbang at tila maamong tupa. Yamot kong inilapag sa kanyang harapan ang sandwich na may palamang boiled egg at kamatis. Dali naman niyang dinampot iyon at nginuya.
"Pagkatapos mo dyan, lumabas ka na ulit!" utos ko muli sa kanya nang hindi ko pa rin siya pinagkakalooban ng tingin.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong panandalian lang naman siyang natigilan bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Naglatag na ako ng banig at nahiga. Masama ang pakiramdam ko. Tinalikuran ko siya habang pinakikiramdaman ang mga kilos niya. Mayamaya'y naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa aking balikat. "Jumbo..." aniya.
Hay. Ang husky ng boses niya.
Wake up, Rosenda! Galit ka, di ba? Galit ka!
"Ano ba?!" tinabig ko ang kamay niya.
Hinawakan niya ulit ako. "Jumbo..."
"'Wag mo nga akong hawakan!" bulyaw ko sa kanya nang hindi ko siya nililingon.
Pero hindi siya tumigil. Hinawakan niya ulit ako. "Jumbo..."
Inaamo niya ba ako? Hi-hi-hi, kinikilig kasi ako, eh. Stop! Galit ka, Rosenda. Galit ka!
Tinabig ko ulit ang kamay niya. "Ano ba?! 'Wag mo kong hawakan!"
Hindi pa rin siya huminto. Hinawakan niya ulit ako. Pero sa pang-upo ko na. "Jumbo..."
"Kashe namern, eh... 'wag shabe er..."
Ay, Litsi!
Padabog akong tumayo at humarap sa kanya. Humugot ako ng pwersa at buong lakas ko siyang itinulak palayo. "Alis! Doon ka sa labas! Alis!"
"Jumbo..." Napakaamo ng kanyang mukha. Parang paiyak na pati siya.
Kawawa naman ang baby ko.
Iyong mga labi niyang sobrang pula, iyong magaganda niyang mga mata na parang paiyak na at iyon matangos niyang ilong... hay. Ang guwapo niya... pero kailangan ko siyang tiisin. May kasalanan siya sa akin. Dapat maintindihan niya na hindi nadadala sa paglalambing ang lahat ng maling aksyon. Na lahat ay dapat pinagbabayaran at pinagdudusahan.
"Labas! Ayoko kitang makatabi! Alis! Ayoko sa cheater!"
Nagpatianod naman siya hanggang marating niya ang labas ng pinto. Isinara ko agad iyon at ni-lock. Saka ko muling binalikan ang aking higaan. Ang kaso, paano ako makakatulog nito? Nasa labas lang siya ng pinto pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Hay, galit pa ba talaga ito o pride?
Narinig ko ang pagkatok niya sa pinto. "Jumbo!" sigaw niya.
"Alis!" sigaw ko rin sa kanya. Okay, galit ito na may kasamang pride. At idagdag pa ang matinding selos. Selos na nakakabobo, nakakalason at nakamamatay.
Pero hindi siya tumigil sa kakakatok. "Jumbo!"
"Alis sabi, eh!"
Ngunit wala talaga siyang balak tumigil. Tumayo ulit ako at padabog ko namang binuksan ang pinto.
Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang hawak niya. Lilibuhing perang papel na sa tantiya ko'y aabot ng twenty thousand. Saan niya nakuha ito? Hawak niya pa iyon gamit ang dalawa niyang kamay.
"Jumbo..." sabi niya. Inilahad niya sa akin iyon na para bang may gusto siyang sabihin.
"Saan mo kinuha 'yan?" manghang tanong ko.
"Jumbo..." tugon niya lang sa akin habang yakap ng mga daliri niya ang mga perang papel at nakalahad sa akin.
Kailangang-kailangan namin ito. Wala na rin akong hawak na pera dito. Hindi pa ako nakakapunta sa dati kong kompanya para kunin doon ang backpay ko. Kaya nga lang, mas namuo ang galit sa isip ko sa isiping nagmula iyon sa babae niya. Kaya naman kinuha ko iyon sa kanya at saka ibinato sa pagmumukha niya.
"Hindi ko kailangan niyan! Alis!" pagbulyaw ko sa kanya'y ibinalibag ko ang pinto pasara.
Kinuha ko ang aking cell phone. Tinawagan ko si Maxine at sumagot naman ito kaagad sa kabilang linya. "Kanino galing ang pera ni Jumbo?" bungad ko sa kanya.
Narinig kong napabuga ng hangin si Maxine. "Kay Mina. Nakita kong inabot ni Mina sa kanya."
Pinatay ko na agad ang linya pagkarinig non. Narinig ko pang tumunog ang aking cell phone dahil tumatawag si Maxine pero hindi ko na iyon pinansin. Wala na akong balak kausapin siya. Nasagot na niya ang tanong ko.
Humakbang ako papunta sa pintuan at binuksan muli iyon. Naroon pa rin si Jumbo at nakayuko lang. Nagkalat sa paanan niya ang mga pera. Lumapit ako sa kanya at dinampot ko iyon isa-isa. Gusto kong isampal sa mukha ng babaeng iyon ang mga perang ito. Nang makuha ko na iyon, ibinalibag ko muli ang pinto pasara. Tiniklop ko ang mga perang papel at itinago sa ilalim ng banig. Sa hindi mahahanap ni Jumbo.
Nanggigigil ako. Nanginginig ang mga laman ko sa galit. Gustong kong sabunutan si Mina. Alam naman niyang boyfriend ko si Jumbo. Grrrrrr! Kay Jumbo ko na lang ibubuhos ang aking galit. Nagmartsa muli ako papuntang pinto at nang buksan ko iyon, kay Jumbo ako dumeretso. Sinampal ko siya nang malakas. Tumagilid ang mukha niya.
"Hayup ka!" garalgal ang boses ko. Barado na ang utak ko sa galit para sa kanilang dalawa ni Mina. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Selos na selos ako. Gigil na gigil ako.
Wala siyang imik. Nakayuko lang siya.
"Akala ko may saltik ka? Bakit nakakaintindi ka ng tungkol sa pera?! Bakit ka tumanggap ng pera kay Mina?! Gusto mo ba siya, ha? Gusto mo ba siya?!" Sinampal ko siya ulit. Pagkatapos ay sinuntok ko siya. Hindi siya umiilag, hindi rin siya kumikibo. Basta tinatanggap niya lang ang lahat ng sampal at suntok ko. "Kinupkop kita! Inalagaan! Pinakain! Dinamitan! Pinulbuhan! Tapos ganito? Sasaktan mo lang ako!"
Nakayuko lang siya at hindi makatingin sa akin.
Pinagsusuntok ko muli siya sa dibdib. "Ikaw ang pinili ko..." naglandas na ang mga luha ko. "Ipinagpalit ko ang lahat sa'yo 'tapos... sasaktan mo lang pala ako..." napahagulhol na ako.
Hindi siya kumikibo habang tinatanggap niya lang ang mga suntok ko.
"Sinaktan mo ako... alam mo ba iyon?" dinuro ko siya sa dibdib. "Kasi... mahal na kitang gago ka..."
Tinangka niya akong yakapin pero itinulak ko siya palayo. Lumapit muli siya sa akin upang yakapin ako, pero itinulak ko siya ulit.
"Mahal na kita pero sinaktan mo lang ako... akala ko wala kang kakayahang saktan ako, pero nagawa mo. Dinurog mo ako!" Parang gripo ang luhang umaagos mula mga mata ko. "Minahal kita kahit sintu-sinto ka, pero ginago mo lang ako! Masahol ka pa kay Paolo!"
Niyakap niya muli ako. Pero ubos na ang lakas ko para itulak siya palayo. Nanghihina na ako sa dahil sa mga luhang pinakawalan ko. Sinamantala naman niya iyon dahil humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. At nang maikulong niya ako sa kanyang mga bisig, lalong humigpit ang pagkakayapos niya sa akin at alam kong malabo na akong makawala sa pagkakayakap ng matitigas niyang braso.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga nang tumama ang kanyang mga labi sa aking punong-tainga. Nangilabot ako hindi dahil sa hanging tumatama sa parte kong iyon, kundi dahil nang magsalita na siya.
"Sorry na..." aniya.
Namilog ang mga mata ko. Totoo ba ang narinig ko?
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro