Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 17

MAINGAY. Magulo. Maraming tao. Ganoon ang inaasahan ko sa party ni Paolo. Kilala ko ang ex ko, mahilig iyong gumimik sa mga bar. Mahilig siya sa maingay na tugtugin, sa party at sosyalan. Kaya inaasahan ko na ganun ang party na dadatnan ko, pero nagkamali ako. Dahil pagpasok namin sa loob nito ay kabaligtaran sa lahat ng nasa isip ko. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa aking kinatatayuan anumang oras.


Huminga ako nang malalim nang makarating kami sa tapat ng isang malaking iron gate ng bahay nina Paolo. Ngayon lang ako nakapunta rito. Hindi ito 'yung town house ni Paolo na malapit lang sa apartment nina Maxine. Di hamak na mas garbo ito.

Bahagya akong kinabig ni Maxine. "Sabi ko na sa'yo, girl. Magpalit ka ng damit mo, eh!"

Taas-noo pa rin ako at nanindigan sa kanya kahit na natatanaw ko nang naka-formal gown ang halos lahat ng mga bisitang babae ni Paolo. "Okay lang. Gusto ko lang namang i-greet si Paolo. Uuwi rin kami agad ni Jumbo. Di ba, Jumbo?"

Ngumiti naman siya sa akin at tumango-tango. "Jumbo."

Pero sa totoo lang, no, medyo ikinahihiya ko na ngayon itong suot ko. Mukha akong tanga dito. Bihis na bihis pa man din ang mga kasama ko, maliban samin ni Luisito.


Maraming tao sa party ni Paolo pero pormal na pormal ang theme nito. Pang alta ang set up ng tables, may buffet ng cheese at wine sa gilid, may fairy lights, at may ilaw rin sa ilalim ng pool. Bukod sa usapan ng mga taong halos lahat ay nakahawak sa kanya-kanyang kopita at naka-formal attire, wala na akong ibang naririnig kundi ang nakakaantok na tunog ng violin.

Pero ang panliliit na aking nararamdaman ay nawala nang hawakan ni Jumbo ang aking kamay. Para bang sinasabi niya sa akin na wala akong dapat ikahiya basta magkasama kami. Nang muli akong tumingin sa paligid, noon ko lang na-realize na halos lahat ng bisita ni Paolo ay nakatingin sa amin. Hindi, hindi sa amin, kundi kay Jumbo!

Agaw pansin naman talaga si Jumbo. Sa tangkad at tindig pa lang niya, lamang na lamang na e. Sige lang. Kainggitan niyo ako, madlang people! sa isip-isip ko dahil panay ang tingin ng mga bisita ni Paolo sa kanya e.

Dalang dala ako ng emosyon ko, hindi ko tuloy namalayan na may babaeng lumapit sa amin at sinukat ako ng tingin bago ito bumaling kay Jumbo. "Hi, handsome," malambing itong bumati kay Jumbo at bahagya pang humaplos sa kanyang braso. Bigla tuloy bumalik 'yung pagkailang na naramdaman ko kanina lalo na nang makilala ko kung sino siya. Si Mina, nakatatandang kapatid siya ni Paolo. Nakasuot ito ng pulang gown na may plunging neckline at halos abot na sa singit ang slit. Lalo tuloy lumitaw 'yung pagiging tisay niya. Sa isip-isip ko, bakit kaya nag-abala pa siyang magdamit? E halos nakaluwa na naman lahat ng dapat e itinatago niya.
"I'm Mina," mayamaya'y sabi niya kay Jumbo sabay lahad ng kamay niya para makipag-handshake. Pumaling lang ang ulo ni Jumbo at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko naman kasi inaasahan 'yung sunod na gagawin ni Jumbo e. Sa halip kasi na hawakan 'yung kamay ni Mina, iba ang dinakot niya.

"Papaya," biglang sabi ni Jumbo habang sapo-sapo ang dibdib ng kapatid ni Paolo.

Napasinghap si Mina pati na sina Maxine at Luisito na nasa likuran namin. Dali-dali kong binawi ang kamay ni Jumbo at humingi ng pasensya kay Mina.

"Pasensya ka na, Mina," sabi ko nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Hinawakan naman nina Maxine at Luisito si Jumbo sa magkabilang balikat nito para ilayo kay Mina. Napakaganda pa naman ni Mina ngayong gabi pero nagusot ang mukha niya dahil siguro dinakot nga ni Jumbo ang kanyang – ehem, papaya.

"Rosenda Castillo, is that you?" mayamaya'y sabi niya nang makilala rin ako. Limang taon ang tanda niya sa akin, pero hindi naman 'yun halata. Napaka-fresh kasi niya, parang walang pores. Kutis porselana. Madalas ko siyang makita noong kami pa ni Paolo pero hindi naman kami talaga naging close. May ibang awra rin kasi itong babaeng ito e.


"Ako nga," marahan akong tumango sabay fake na ngiti. Alam ko kasi ang likaw ng bituka niya. At lalong luminaw 'yun nang muli niyang binalingan si Jumbo. Hinagod niya ito ng tingin saka ngumiti.

"He's hot," sabi niya sabay kagat pa ng labi.

Talande! Naghuhurumentado ang isip ko sa ipinapakita ni Mina kay Jumbo. Akala ko na-offend siya sa ginawa nito, pero mukhang nag-enjoy pa ang babaita. Nilingon ko sina Maxine para humanap ng kakampi pero wala na ang mga ito sa likuran ni Jumbo. Hayun, at kumukuha na pala ng drinks at panay ang lampungan ng jowang si Luisito. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Unang una, hindi ko 'to teritoryo. Pangalawa, talagang ganito lang si Mina. Talande. At sa pagkakaalam ko, may asawa na ito.

Sinulyapan ko si Jumbo na inosente lang na nakamasid sa paligid bago ko muling tinapunan ng tingin si Mina. Pero hindi na maipinta ang mukha niya at umirap-irap pa nang dumaan sa tabi namin ang isang lalaki at isang babaeng magkahawak ang kamay. Pinasadahan niya ng tingin 'yung babae na mas bata pa yata ng dalawang taon sa akin at hamak na malayo ang agwat ng edad nito sa lalaking kahawak-kamay niya. Di tulad ni Mina, pormal ang suot nitong cocktail dress, at may pagka-conservative. Light lang din ang makeup nito, kaya mas lalong nagmukhang fresh.

Bahagyang tumango 'yung lalaki kay Mina habang halata namang naiilang 'yung babae sa kanya. Muli niyang inirapan ang mga ito hanggang sa makalampas sila sa amin.

"My ex-husband with his cheap new girlfriend," nakaismid niyang bulong sa akin.

Napatingin ako kay Mina. Bakit parang mas mukha siyang cheap kaysa sa konserbatibong babae na kasama ng ex-husband niya? At ngayon ko lang nalaman, hiwalay na pala sila ng asawa niya.

"Anyway, Rosenda." Ngumisi siya sa akin. "I have a mission tonight..." sabi niya sabay hila niiya sa akin.

"Uy Mina, teka lang! Saan mo ako dadalhin? Di ko pwedeng iwan mag-isa si—" Pilit kong binawi ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Kesehodang may mabangga kami o masagi. Lampake si ate mo gurl.

"Don't worry. Your boyfriend is too sexy to get bored," sabi niya nang lingunin niya ako saglit.

Sa isip-isip ko, ano naman kayang ibig sabihin niya doon? Na maraming mag-e-entertain kay Jumbo kasi may pa-abs si Mayor? Naku, naku, hindi pwede. Sinubukan ko ulit bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni Mina pero may sa tuko yata itong babaeng 'to, hindi ako makawala e. Nang lingunin ko si Jumbo, unti-unti na siyang natatabunan ng ibang mga bisita ni Paolo. Saka lang ako napanatag nang makita kong bumalik sina Maxine at Luisito sa tabi ni Jumbo.

Pilit kong sinabayan ang mabibilis na hakbang ni Mina habang binabaybay namin ang daan paakyat sa pinto.

"Surprise!" sigaw ni Mina.

Surprise? Umikot tuloy ang aking paningin sa paligid. Napapiksi lang ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaki sa aking likuran. "Hi, Rosenda."

Kilala ko ang boses na iyon. Sa ex kong si Paolo!

"So, paano. Maiwan ko na kayo. May pupuntahan lang ako." Paalam ni Mina sa amin. "Rosenda, ikaw na ang bahala sa brother ko."

"Ha? A-ano ba ito?" Nilingon ko si Paolo. Cool na cool siya habang nakatayo sa aking harapan. Nakapamulsa siya sa suot na jeans at nakangiti sa akin. Ang suot niya ay itim na coat at jeans sa ibaba, napakalinis niyang tingnan. Ganoon pa rin ang mukha niya, guwapo. Wala namang nagbago.

Pero sa mga oras na ito, hindi na kumakabog ang dibdib ko. Hindi na ako nananabik sa kanya. Normal na lang ang lahat sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Happy birthday and... congrats!"

Natawa siya. "Congrats saan?"

Kumunot ang noo ko. "Dahil ikakasal ka na." Hindi ba?

Napahalakhak siya. "Halika." Bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako.

Ano ba?! Ano bang tingin nila sa'king magkapatid, stroller? Kung saan na lang pwedeng dalhin kung saan gustuhin?

"Come on, ngayon lang ulit tayo nagkita. I missed you, you know?"


Kahit ang simple niyang paghawak sa aking kamay ay wala na akong maramdamang init. At kahit pagmasdan ko siya habang hila-hila niya ako ay hindi ko na makita sa kanya ang Paolo na dating minahal ko. Maybe I moved on. Maybe because I'm now in love with Jumbo.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang kwarto. Nang buksan niya ang ilaw, tumambad sa harapan ko ang mga paintings. Naalala ko, mahilig mag-painting si Paolo. But he's not a painter. Mahilig lang. Maganda pa kasi mag-drawing iyong askal naming aso na si Bayug kaysa sa kanya. Oh, how I missed, Bayug. Kumusta na kaya ang pandakekok na asong iyon? Baka nakabuntis na iyon.

"Rosenda?" untag sa akin ni Paolo. Nasa harapan na pala kami ng isang painting na para bang kagagawa niya lang. Basa pa ang ilang bahagi niyon.

Kumunot ang noo ko. "Birthday mo ngayon pero narito ka lang at nagpipinta?"

Ngumisi siya. "Hindi ko naman talaga gustong magparty ngayon. I just want to be with the things I love." Kumuha siya ng brush at iginuhit iyon sa painting. Larawan iyon ng mga bundok na may palayan sa paanan. May iba pang naroon na hindi ko maunawaan. Pumaling pa ang ulo niya habang sinusuri ang kanyang ginagawa na animo'y bihasang pintor. "It's beautiful, right?"

Napangiwi ako. Ganito ang pinta ko noong bagong silang ako. Pero kilala ko si Paolo, mas gusto niya ang pinupuri siya. Nagagalit siya kapag hindi mo sang-ayunan ang mga sinasabi niya. Oo, ganoon siyang klase ng tao. Ewan ko ba kung bakit minahal ko siya sa kabila ng mga kapintasan niya. Siguro ay nabulag lang talaga ako sa kaguwapuhan, kayamanan at huwad na pag-ibig niya.

"Rosenda, tinatanong kita. Maganda ba ang painting ko?"


Tutal birthday naman niya kaya tumango na lang ako in slow motion.

Nagningning ang kanyang mga mata. "Really?"

"Napakaganda, Paolo," sabi ko na lang para matapos na. Kahit ang totoo ay naiinis na ako sa kanya dahil gusto ko ng balikan si Jumbo.

"You're really my number one fan." Kinilig ang hunghang. Heto at nilagyan niya pa ng ibon na parang logo ng McDo ang painting niya.

Napatirik ang mga mata ko. Kahit sinong bata ay kayang gawin yon.

"Lalong gumanda, right?" sabi niya pa.

Napahalakhak ako ng ipit sa ilong. "Ang ganda. Ha. Ha. Ha."

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Hay, ano bang masamang hangin ang pumasok sa ulo ko at minahal ko siya noon? Ngayon na malinaw ko nang nakikita ang mga bagay na nakakaturn off sa kanya, parang gusto kong masukat na minsan sa buhay ko ay pinanghinayangan ko siya. Wala siyang ginawa kundi saktan ako emotionally, at kahit kailan ay hindi siya nakinig sa akin, puro palaging boses niya ang nangunguna sa relasyon namin. Masyado talaga akong nabulag noon at nagpapasalamat ako ngayon na nagising na ako sa bangungot na relasyon namin noon.

"Ah, Paolo, pwede na ba akong umali—"


"Look at this, Rosenda." Ni hindi niya pinansin na may sasabihin ako. Doon pa rin ang tingin niya sa kanyang ginagawa. "See this carabao?"

Kalabaw ba talaga 'yan o - palakol? I'm confused!

"Isang araw ko lang 'yan ipininta." May pagmamalaki sa tinig niya.

Go. To. Hell.

"And see this farmer?" dinutdot niya pa iyon.

Oo, nakikita ko. At hindi 'yan magsasaka, isa yang kawali.

"I painted this for only an hour."

Boring.

"Ang this one—" May sasabihin pa siya pero inunahan ko na.


"Ah, Paolo!" Bahala na, pero gusto ko na talagang umalis. "Sorry, pero kailangan ko ng umuwi. May gagawin pa kasi ako. Dumaan lang talaga ako rito para batiin ka."

Napatitig muna siya sa akin bago siya nakapagsalita. "Sure."

"Sige. Happy birthday ulit." Pumihit na ako at tinalikuran ko na siya. Wala na talaga siyang impact sa akin. Wala na.

Ilang hakbang pa lang ako nang awatin niya ako. "Rosenda, wait!" Namalayan ko na lang na nakalapit na pala siya sa akin.

Nakailang lunok muna siya bago siya nagsalita. "About the engagement party..."

"Oo nga pala. Nasaan ang fiancée mo?" tanong ko. Di ba dapat ay kasama niya ito? Babatiin ko na rin sana ang maswerteng babae.

Lumamlam ang mga mata niya. "Wala na iyon."

O? Akala ko engagement party na rin nila ng fiancée niya ngayon? Birthday and engagement party in one ang okasyon ngayon. Pero bakit nag-iisa siya? Wala akong pake, pero nakakapagtaka lang talaga.

Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti nang matamis sa akin. "Hindi na tuloy ang engagement party, Rosenda. Iniwan na ako ng fiancée ko."

"Ha?" Bat masaya pa siya?

"Natuklasan niya kasi na ikaw pa rin ang mahal ko."

Eh, di wow!

"Rosenda, mahal pa rin kita." Kinabig niya ako palapit sa kanya. "Ikaw pa rin talaga."

Talaga lang, ha? The last time na nakita kita eh may kachuk-chak-chenes kang iba! Hayup ka!

Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha. Dahil sa shock ay hindi agad ako nakagalaw. Hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Narimarim ako. Wala na ang init na nararamdaman ko kumpara noong mahal ko pa siya. Wala na ring kiliti at kilig kumapara sa halik ni Jumbo. And speaking of Jumbo, gusto ko na talagang iwan si Paolo!

Kaya naman buong lakas ko siyang itinulak at mabilis akong lumayo sa kanya. "Sorry, Paolo. May boyfriend na ako. Mahal ko na siya."

"What?!" May galit sa tinig niya. Nawala ang lamlam sa mga mata niya.

"Hindi na kita mahal. I'm sorry. Saka matagal na tayong tapos, di ba? Magmove on ka na rin—"

"Stop!" Napaatras siya at nasapo niya ang kanyang ulo. "Pinaghandaan ko ito tapos, ganito lang? Hindi mo ba alam na gusto kitang surpresahin ngayon?! 'Tapos iyan ang sasabihin mo sa akin?!" parang isinusumbat niya pa sa akin iyon. "Matapos ng lahat ng hinanda ko ngayon ay sasabihin mo lang na may iba ka ng mahal?!"

"Hindi ko naman ginustong—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang hablutin niya ang braso ko.

"Dammit, Rosenda! Ang laki ng ginastos ko sa party na ito! Then you're just gonna dump me like this?"

Pakyu 'to ah! Inutusan ko ba siya na gumastos sa party niya? Tinabig ko ang kamay niya. "Nasasaktan ako, Paolo. Ano ba?!"

­"Pinalitan mo ako agad-agad?!" sigaw niya sa mukha ko.

Ano bang akala niya? Na kahit iniwan niya na ako at ipinagpalit sa iba ay maghihintay pa rin ako sa kanya? Akala niya ba na siya lang ang lalaki sa mundo at wala na akong makikilala pang iba?!

"Sino ba yang ipinagmamalaki mo, huh? Mas mayaman ba siya sa akin? Huh?" Nanggagalaiti siya sa galit.


"Paolo, nasasaktan na 'ko..." nag-uulap na ang paningin ko. Nagsisimula na akong matakot sa kanya. Higit siyang mas matangkad at mas malakas sa akin, gasino na lang na balian niya ako ng buto.

Nakita ko na siyang nagkaganito noon sa akin. Hindi ko na mabilang. Pero isa sa mga naalala ko ay iyong naiwala ko ang singsing namin. But he's not into the value. He's always into the price. Attitude na niya ito noon pa man, ang manumbat. Especially kung ginastusan niya talaga ang isang bagay. At hindi lang iyon, sa lahat ng pagkakataon, ang gusto niya ay siya ang palaging tama at panalo. Ayaw niya na tinatanggihan, sinasalungat ay pinangungunahan siya.

Hindi pa rin siya nagbabago, abusive at narcissisticpa rin siya, kaya hindi talaga ako makapaniwala na misan sa buhay ko, minahal ko 'tong gagong 'to!


"No, Rosenda. Bayaran mo lahat ng nagastos ko!" mariin niyang sabi.

Hala! Bakit ako ang magbayayad? Eh kung hindi ko pala naisauli sa kanya noon ang mga bagay na binili niya sa akin nang mag-break kami ay baka pati iyon ay siningil niya sa akin.

"O baka gusto mong ilampaso ko ang boyfriend mo?"

Nawala ako sa sarili ng idamay niya na si Jumbo. Tila ako nagkaroon bigla ng lakas at tapang para sampalin at labanan siya. Doon niya lang ako binitiwan. "Baka nakakalimutan mo, Paolo... ikaw ang nang-break sa akin. Ikaw ang nang-iwan at hindi ako!"

Finally! Nasabi ko rin. Nagmukha kasi akong tanga noong nakipag-break siya sa akin sa harapan pa mismo ng bago niyang girlfriend. Wala akong nasabi ng mga panahong iyon kundi ang umiyak, magmukmok at tumahimik. Masakit pero pinili ko na lang na kimkimin iyon.
Nahawakan niya muli ako sa braso.

Agad ko rin binaklas ang kamay niya. "Ano ba?!" Pagdating sa pag-ibig, ako na siguro noon ang pinakatanga. Pero matalino na ako ngayon, at matapang na!

Bigla na lang nagbago ang mukha niya. Mistulan siyang maamong tupa. "I'm sorry, Rosenda. Nabigla lang ako..."

At ito pa ang isang maskara na meron ang lalaking ito, madramang maskara. Ilang beses na rin niya akong naloko sa taktika niyang ito, pero hindi na ulit mangyayari iyon. Gising na gising na ako kung anong klaseng tao siya. Wala siyang kwenta. Kumpara kay Jumbo, ni hindi man lang umabot sa kalingkingan nito.


"Ayoko na, Paolo." Kahit gigil ako sa galit ay hindi naman magawang pumatak ng aking mga luha. Wala na talaga akong nararamdamang sakit.

"Pero mahal na mahal kita, Rosenda..."

Hindi mo ako mahal. At hindi mo ako kailanman minahal, dahil walang kakayahang magmahal ang mga narcissistic na tao!


"Paolo, tama na 'yan!" Isang tining ang nakapagpalingon sa amin.

Si Maxine! Nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at siya na mismo ang nag-alis ng kamay ni Paolo sa aking braso. "Tangina mo, Paolo! Hinding-hindi mo na masasaktan ang kaibigan ko!" singhal niya sa lalaki. "Natuto na siya at hinding-hindi na siya babalik sa 'yo!" Hinila ako ni Maxine papunta sa kanyang likuran upang protektahan ako.

Sa relasyon namin ni Paolo, kahit mula noon, si Maxine pa rin ang tagapagligtas ko. Lalo na noong mga panahong sobrang tanga ko kay Paolo, si Maxine ang palagi kong tagasalo kapag durog na durog ako.

"Wag mong subukangipilit ang gusto mo kung ayaw mong malaman ng mga bisita mo kung gaano kakagago!"

Natameme si Paolo at napayuko na lang. Tiklop siya pagdating kay Maxine. Dahiltakot siya sa eskandalo. Dahil si Maxine ang uri ng kaibigan na nakahandangipaglaban ako nang patayan.

"Halika na, Rosenda." Hinila na ako ni Maxine palabas ng painting room.

"Salamat..." bulong ko sa kanya. Nginitian ko siya.

"'Wag ka muna magsaya. May problema tayo," sabi niya habang hila-hila niya ako.

"A-anong problema?" Napatitig ako sa split-ends niya.

"Si Jumbo," sambit niya nang hindi ako nililingon, pero ramdam ko angnatetensyon niyang katawan. Naninigas siya na nanginginig. "Problema si Jumbo."

Bigla akong kinabahan. "Bakit? Anong nangyari kay Jumbo?"

"Sumisid, eh..."

Sa sobrang kaba ako ay nanguna na ako kay Maxine. Malalaking hakbang ang akingginawa. Naalala ko kasi iyong swimming pool na may dim light sa ilalim. Athindi ako nakakasiguro kung marunong ngang lumangoy si Jumbo, kung sumisid siyaron ay baka mapaano siya. Baka malunod siya! Doon agad ako dumeretso.Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba habang sinusuyod ko ng tingin ang swimmingpool. Pero wala akong Jumbo na nakitang lumalangoy doon.

Nasaan si Jumbo?

Kinalabit ako ni Maxine na nasa likod ko na pala. "Hindi diyan sumisisid. Doon."Inginuso niya ang kanyang nguso sa aking likuran.

Nang lingunin ko iyon ay napatanga ako. Nanigas ang buong katawan ko sapagkabigla. Iyong pakiramdam na para akong sinaksak sa puso! Nanikip ang dibdibko at tila ba magdidilim ang aking paningin. Si Jumbo ba talaga iyon? Obaka namamalik mata lang ako?

Madilim, oo. Pero sigurado akong siya iyon! Naroon siya sa dulo ng pool sagawing madilim na bahagi. Sana nga sa swimming pool na lang ang sinisidniya. 

Pero hindi!

Hindi siya sa swimming pool nakasisid kundi sa dibdib ni Mina!

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro